Nakaka-two weeks na tayo ngayon sa Luzon Enhanced Community Quarantine dahil sa Covid-19 pandemic. In a way, parang naka-lockdown tayo sa bahay natin. Bawal lumabas ng bahay, except sa pagbili ng essentials tulad ng pagkain at gamot. Sa church namin, three Sundays na kaming walang worship gatherings. Ganyan din ang sitwasyon sa lahat ng mga churches.
Akala natin yung mga ganitong difficult situations ay magiging hindrance sa success ng mission na binigay sa atin ng Panginoon. But I rejoice and thank the Lord kasi nga mas nagkakaroon pa tayo ng more opportunities in preaching the Word. Yung mga tatay nagli-lead ng family devotions nila, at yung iba halos araw-araw. Na dating di ginagawa, o bihirang-bihira lang. Last Sunday, sa timeline ko sa Facebook, sunud-sunod yung nakita kong mga pastors na naka-live yung kanilang preaching. Hindi lang members nila ang nakapakinig, pati mga unbelievers na kasama sa bahay, pati yung ibang non-Christians na nasa social media. Marami ring mga Christians ang nagpopost ng Bible verses at mga biblical reflections about sufferings. And it is a good thing, at isang reason for rejoicing.
Nung panahon ng mga early Christians, hindi virus ang kalaban nila, but persecution from political and religious leaders. Pinagbabawalan sila na i-preach si Cristo. Natakot ba sila? Napigilan ba sila? “…and they were all filled with the Holy Spirit and continued to speak the word of God with boldness” (Acts 4:31 ESV). Yung mga apostles, ikinulong nila, yun ang lockdown talaga. Bago sila pakawalan, binugbog sila at pinagbawalan na magpreach. Tumigil ba sila? No, “they did not cease teaching and preaching that the Christ is Jesus” (5:42).
Sa halip na mapigilan ang paglaganap ng salita ng Diyos during this period of intense persecution, lalo pang nagiging viral. Pati si Paul, na siyang leading persecutor ng mga Christians, na-convert at naging leading preacher pa sa mga Gentiles. So, as a result, pati siya ikinulong. Kasama niya si Silas noong ikulong siya sa Philippi. Pero kahit nakakulong, nag-worship pa rin sila by praying and singing (16:25). Tapos lumindol, nabuksan ang mga prison doors, nakalag din mga tali nila sa paa. Yung jailer in charge that night, magpapakamatay na sana dahil sa takot. Pero pinigilan siya ni Paul. Sabi ng jailer, “What must I do to be saved?” Sagot ni Paul, “Believe in the Lord Jesus, and you will be saved, you and your household.” Pati yung Philippian jailer, saka yung mga kasama niya sa bahay nakarinig ng Word of God (vv. 30-32). Napigilan ba ang preaching of the Word ng pagkaka-lockdown kay Paul?
Sa isa pang pagkakakulong niya, sumulat siya sa mga Christians sa Philippi. Sinabi niyang ‘wag silang malungkot sa nangyari sa kanya, kasi pati siya hindi nalulungkot. Bakit? “I want you to know, brothers, that what has happened to me has really served to advance the gospel” (Phil. 1:12). Ginamit yun ng Diyos na paraan para pati yung mga prison guards, pati mga prisoners, mabalitaan ang tungkol kay Cristo (v. 13). At hindi lang yun, pati yung ibang mga Christians, dahil sa halimbawa ni Paul, ay mas naging confident in preaching, “much more bold to speak the word without fear” (v. 14). Anuman ang sitwasyon, basta mas lalong naipapangaral si Cristo, sabi ni Paul, “in that I rejoice” (v. 18).
Meron tayong reasons to fear dahil sa possibilities na tayo rin ay magkasakit dahil sa coronavirus. Meron tayong reasons na malungkot dahil sa mga nagkasakit at namatay, at dahil sa mga kababayan nating mas lalong hirap na hirap sa buhay ngayon. But there is also reason to rejoice dahil hindi napipigilan ng anumang virus ang pag-spread ng salita ng Panginoon. Because of this pandemic, mas lalo pa ngang nagiging viral ang Word of God. And in that we rejoice.
Walang anumang forces in nature ang may kapangyarihang kumontrol sa Word of God. Hindi mo pwedeng i-lockdown ang salita niya. Nung huling imprisonment ni Paul, malapit na siyang mamatay nun, pero ipinaalala niya kay Timothy yung confidence na meron siya sa ministry kahit gaano kahirap. Oo nga’t dahil sa preaching of the gospel nagsa-suffer siya, nakakadena ang mga kamay at paa niya habang nakakulong na parang isang kriminal. “But the word of God is not bound” (2 Tim. 2:9). Hindi nagagapos, hindi nakakadenahan, hindi nala-lockdown ang salita ng Diyos. No one can hinder God’s purposes in the preaching of his Word. Siya mismo ang may sabi tungkol sa kanyang salita, “…hindi ito mawawalan ng kabuluhan. Isasakatuparan nito ang aking ninanais, at isasagawa ang aking layunin kung bakit ko ito ipinadala” (Isa. 55:11 ASD).
Kahit bumagsak ang ekonomiya, magsara ang mga business establishments, magkaroon ng shortage ng food supply, ma-overwhelm ang health services sa bansa natin, kahit sarado pa ang mga church facilities at nakakulong sa bahay ang mga pastor, the word of God will go out! Isang dahilan kung bakit itinakda ng Diyos na maranasan ng buong mundo ang hirap na dinaranas natin ngayon ay para matutunan natin ito: “that man does not live on bread alone but on every word that comes from the mouth of the Lord” (Deut. 8:3 CSB). Ito ang kailangan natin to bring life to those who are spiritually dead, to bring peace to those who are anxious, to bring hope to those in despair, to bring healing to broken marriages, to conform us to the likeness of Christ, to bring us nearer to God, to sustain our faith in these trying times.
So? “Preach the word of God. Be prepared, whether the time is favorable or not” (2 Tim. 4:2 NLT). This seems like an unfavorable time for preaching, di tayo sanay na ganito ang sitwasyon. Pero tayong mga pastors, we are called by God for such a time as this. Preach the Word, brothers! Kahit via Zoom, or Facebook live, or YouTube, or Messenger chat, or blogging, by any means possible – preach the Word! Hindi lang sa mga pastors ang mandate na ‘yan, but for all Christians. Pakinggan n’yo ang Salita ng Diyos, ibaon n’yo sa puso n’yo, ituro sa pamilya n’yo, i-share sa mga friends n’yo sa social media. Basta preach the Word by all means!
Hindi natin alam kung kelan matatapos ang lockdown, hindi natin alam kung kelan makakapag-gather ulit tayo sa mga churches natin to preach the Word, hindi natin alam kung things will start getting better o we need to brace ourselves for the worse, but let us keep this in mind:
“But you should keep a clear mind in every situation. Don’t be afraid of suffering for the Lord. Work at telling others the Good News, and fully carry out the ministry God has given you” (2 Tim. 4:5 NLT).