Ang daming pinsalang dulot itong coronavirus pandemic. Globally, hundreds of thousands ang may sakit, libu-libo na rin ang namatay. Overworked at in danger ang mga hospital workers. Nakahinto ang mga businesses at may huge adverse effects sa economy. Marami ang walang trabaho, walang kita, at hirap kung ano ang ipapakain sa pamilya.
And because we feel so helpless, ang daming nagpe-pray. And it is a good thing. Di man natin masagot lahat ng tanong about why these things are happening, one reason kung bakit dumaraan tayo sa mga ganitong sufferings ay para mabawasan ang confidence natin sa sarili natin at mag-increase naman ang dependence natin sa Panginoon. At isang visible expression niyan ay prayer – whether we pray in private, or with our family, or online with other Christians.
It is good na mas marami tayong oras ngayon, at mas maraming dahilan para manalangin. Pero mas mainam din kung maiintindihan nating mabuti kung ano ang design ni Lord sa prayer. At dito sa Psalm 50:15, ang daming itinuturo sa atin ni Lord about prayer.
“Call on me in a day of trouble; I will rescue you, and you will honor me.”
Psalm 50:15 CSB
Optional ba ang prayer?
No. Utos ito ng Diyos sa atin. Not just an invitation. We are commanded to pray. “Call upon me.” Neglect of prayer is disobedience to God.
Ano ba ang prayer?
Yes, merong prayer of praise, merong prayer of confession, merong prayer of thanksgiving. But fundamentally, ang prayer ay isang “petition” – pagtawag sa Diyos, paglapit sa Diyos para humingi ng tulong. So, if you are not praying, ibig sabihin di mo inaaming kailangan mo ng tulong. Prayerlessness is arrogance. Akala mo self-sufficient ka. Kayabangan yun.
Kasi di naman talaga natin kayang mag-isa. Kailangan natin ang tulong ng pamilya natin, mga kaibigan natin, ng church natin, ng local government natin, ng mga doktor at health workers, at pati ng news media. But ultimately, ang tulong na kailangan natin ay galing sa Diyos. “Where does my help come from? My help comes from the Lord” (Psa. 121:1-2).
Kanino tayo dapat magpray?
Siyempre sa Diyos. “Call on me.” Hindi “call on Mary,” hindi “call on the saints,” but “call on me.”
Bakit sa Diyos tayo nagpepray?
Ang Diyos lang ang may kakayahang pakinggan ang prayers of millions or even billions of people around the world. And not just to listen, but to do something about it. He is “the Mighty One” (50:1). Kaya niya, pero paano kung ayaw niya? No, he is both able and willing to answer our prayers. He is “God the LORD” (v. 1) – all caps yun, referring to God’s covenant name “Yahweh.” He is “our God” (v. 3) because of Christ, dahil nakay Cristo tayo. He is our Father in heaven (Matt. 6:9).
Kailan tayo dapat mag-pray?
Totoo ngang sabi ni Paul na we must pray without ceasing, ibig sabihin, anumang panahon humingi tayo ng tulong sa Diyos. Maging ang bawat paghinga natin ay nakadepedende sa sovereign care ng Panginoon. Pero merong mga times na we are especially called by God to prayer. “Call on me in a day of trouble.” Lalo na ngayon, nakakatakot na baka magkasakit tayo o ang pamilya natin. We live in uncertain times. Di natin alam kung kelan matatapos ‘tong crisis na ‘to. Di natin alam kung gaano kalala ang magiging epekto nito sa buong mundo, sa bansa natin at sa pamilya natin. We must pray kahit anong circumstances ng buhay natin, but especially now.
Ano ang promise ni Lord pag nag-pray tayo?
“Call on me in a day of trouble; I will rescue you…” Ano ang ibig sabihin ng “rescue”? Ibig sabihin ba malalagpasan natin itong mga troubles na ‘to, o mawawala na, o kung magkasakit tayo gagaling tayo? Ganyan kasi ang promise according to those so-called prosperity gospel preachers. Pwede ngang pahintuin na ng Diyos itong paglaganap ng virus sa isang salita lang niya, pwedeng protected ka ni Lord at di ka magkakasakit. Pwedeng pag nagkasakit ka, pagagalingin ka niya. Pero hindi niya promise na ‘yan ang gagawin niya everytime na nagpray tayo.
But he promised to rescue us in ways na higit pa dun sa sarili nating definition ng rescue. Pwedeng magtagal pa ang lockdown at home quarantine period natin, but God will give us the grace we need to face these trying times. Siya ang magbibigay ng hope na kailangan natin kapalit ng despair, ng joy na kailangan natin kapalit ng sorrows, ng peace na kailangan natin kapalit ng fears. Pwede kang magkasakit, pero wag naman sana. But he promised to give you faith to endure anumang sakit ang maranasan mo. Pwede kang mamatay. But he promised to rescue you by bringing you to his presence with joy forevermore.
Binigay na niya yung Rescuer na kailangan natin. Ipinadala na niya ang kanyang Anak na si Jesus. Namuhay siya sa mundong nito as “a man of sorrows,” at dinanas ang lahat ng sakit at hirap ng mundong ito. He lived a perfectly righteous life. Namatay siya sa krus para sa ating mga kasalanan at dalhin ang parusang nararapat para sa atin. Sinolusyunan na niya ang pinakamalaking problema natin – our separation from God. He rose on the third day, to give us the hope and certainty of a new creation. At ang promised rescue na ‘to – including yung forgiveness sa mga kasalanan natin at reconciliation with God – ay para lang sa mga sumasampalataya kay Cristo.
Ang sinimulan ng Diyos na pag-rescue sa atin ay tatapusin niya. No virus can stop God’s rescuing work sa lahat ng kanyang mga anak. One day, the Rescuer, our Redeemer-King will return. All of the sufferings na dulot nitong pandemic na ‘to will pale in comparison with the glories and joys of the new heavens and the new earth. We don’t know kung ano ang exact ending ng krisis natin ngayon, but we know the Ending of God’s Story. Yun ang pag-asa natin, yun ang inaasahan nating pangako ng Diyos.
Ano ang ultimate goal ng prayers natin?
“Call on me in a day of trouble; I will rescue you and you will honor me.” Sa ESV, “you will glorify me.” The end goals of our prayers ay hindi healing from sickness, hindi protection sa family natin para maging virus-free tayo, hindi ending ng suffering natin so that we will again experience a comfortable life. We pray and God answers our prayers for his glory and honor. Kaya nga ang turo ni Lord na priority sa prayer natin, “Hallowed be your name, your kingdom come, your will be done” (Matt. 6:9-11). Prayer is not about us. Prayer is about God. Kapag sinagot ni Lord yung mga prayers natin, makapagyayabang ka ba kasi nagpray ka? All we did is get down on our knees and beg God for his help. “We get the help, God gets the glory” (John Piper). Kaya nagpapasalamat tayo sa Diyos sa mga answers niya sa prayers natin. To honor the One who makes all things possible.
So, now? What is your excuse for not praying? Kung bago magkaroon ng ganitong pandemic, kinakalimutan mo si Lord, isa ka dun sa mga “those who forget God” (Psa. 50:22), at bihirang-bihira kang mag-pray. Tapos ang dahilan mo, “Walang time. Kulang sa oras. Masyadong busy.” Ngayon naman na merong lockdown, nasa bahay ka lang, ang dami mong time mag-Facebook, mag-KDrama sa Netflix, tapos di ka pa rin nagpe-pray. Ano na ang dahilan mo? It is not for lack of time. It is because di ka naniniwala sa kapangyarihan ng Diyos, sa mga pangako ng Diyos, at sa instrumentality of prayer and your part in that in accomplishing God’s global redemptive purposes.
But if you trust God, pray more. Pray alone, pray with your family, meet with your brothers and sisters online to pray together. Hindi matatapos ang krisis na pinagdadaanan ng mundo ngayon kung di tayo hihingi ng tulong sa Diyos. May God answer the prayer of his saints around the world. At sa pagsagot niya, may his name alone be glorified. Soli Deo gloria!