Church Unity and the Lord’s Supper (1 Cor. 11:17-34)

Church Gatherings Essential

Sinimulan natin ang Family Night (Sunday Evening Service) natin last week, at gagawin natin ‘to every month. One primary goal nito ay para mas maramdaman natin kung ano ang essence ng pagiging member ng church bilang isang malaking pamilya. To be with you last week – and to hear your stories, and to eat with you, and worship God with you – that was very encouraging for me. Next Sunday din, we will have a members meeting, na gagawin naman natin quarterly. Pag-uusapan natin kung sinu-sino ba ang mga members ng church, at sama-sama tayong magdedesisyon tungkol sa membership, church elders, church deacons, church budget at mga ministries ng church. Ginagawa natin ito para masanay tayong mas seryosohin ang church membership, para mas seryosohin ang church, para mas seryosohin ang buhay Cristiano, para mas seryosohin ang relasyon natin kay Cristo. 

Kasi maraming Christians di sineseryoso ang pagiging miyembro. At kung miyembro man, di naman nagpapahalaga sa mga regular gatherings ng church, especially Sunday morning service. Mahalaga sa isang Christian na member siya ng isang church. Mahalaga sa mga members na nagtitipon. Mahalaga rin sa mga members na active sa gatherings ng church at naiintindihan din ang mga ginagawa natin sa gatherings natin. Kaya nag-series tayo tungkol sa congregational singing. Kaya pinag-usapan natin ang pagkakaiba, but complementary roles (pagkakatugma) ng mga lalaki at babae sa church in leadership and submission especially sa mga gatherings natin. 

Ito naman kasi ang burden ni Paul mula chap. 11 hanggang chap. 14, para turuan silang maisaayos ang mga di maayos na nangyayari sa mga pagtitipon nila. Sa text natin ngayon sa vv. 17-34, paulit-ulit niyang binabanggit ang tungkol sa pagtitipon nila, “when you come together,” – vv. 17, 18, 20, 33, 34. Ang isang Christian ay member ng church (vv. 18, 22). At kasama dito ang regular na pagtitipon.

And part of what we do sa gathering natin na sinabi ng Panginoon na gawin natin ay Lord’s Supper, once a month, sa iba once a week. Basta regular, yun ang mahalaga. Basta naiintindihan natin kung bakit, at kung paano natin dapat gawin.

At ito ang problema ng church sa Corinth, at problema din ng maraming mga Christians ngayon – di natin naiintindihang mabuti kung gaano kahalaga ang Lord’s Supper at ang implication nito sa relasyon natin sa isa’t isa sa bilang magkakapatid kay Cristo.

Problem: Divisions (11:17-22)

Kaya sabi ni Paul sa kanila sa v. 17, “Tungkol sa bagay na tatalakayin ko ngayon ay hindi ko kayo mapupuri, dahil ang mga pagtitipon ninyo ay nakakasama sa halip na nakakabuti” (ASD). Ibang iba ‘yan sa v. 2, “Pinupuri ko kayo…” sabi ni Pablo. Nauna nang sabihan sila tungkol sa head coverings sa worship para sa mga babae. Ngayon pagsasabihan ulit sila sa practice naman nila sa Lord’s Supper. Na nagiging “not for the better but for the worse.” Sa halip na maging maayos, lumalala pa. Paano nasabi ni Paul? Paano ba natin dapat i-evaluate ang mga gatherings natin sa church? Not by asking people, “Nagustuhan mo ba?” But asking two primary questions: 1) Does it glorify God?; and 2) Does it edify the church? Nakapagbigay ba ng karangalan sa Diyos? Nakapagpapatibay ba ng church?

At yung nangyayari sa Corinth, “No” ang sagot sa first question, “No” din sa second question. Verse 18, “Sapagkat nabalitaan ko, una sa lahat, na tuwing nagtitipon-tipon kayo bilang iglesya, nagkakaroon kayo ng pagkakapangkat-pangkat, at medyo naniniwala ako na iyan nga ang nangyayari.” Pagkakapangkat-pangkat, divisions, lack of unity. Dito kami, dyan kayo. Eto ang grupo namin, yan ang grupo ninyo.

Hindi naman ito dito lang sa Lord’s Supper problema, simula pa sa 1:10, sinabi na ni Paul na ‘yan na ang nakakarating na balita sa kanila. Pero ngayon, he’s dealing with a more specific situation. Nabalitaan lang naman ni Pablo, pero naniniwala siya. Hindi muna siya nag-imbestiga na para klaro na ang ebidensya. Kahit suspicion pa lang, maganda na ma-deal na kesa naman lumala pa.

Maganda ang response niya sa mga ganitong problema. Pwedeng mainis, magalit, o madiscouraged na. Pero alam niya God is sovereign, merong divine purpose bakit nangyayari ang nga ganito. Dugtong niya sa v. 19, “Kinakailangan sigurong mangyari iyan para malaman kung sino sa inyo ang mga tunay na mananampalataya” (ASD). Sa MBB, “Kailangan ngang magkabukud-bukod kayo upang makilala kung sinu-sino sa inyo ang mga tapat.” ESV, “so that those who are approved may be recognized among you.” Sinu-sino ang totoong tapat kay Cristo, sinu-sino ang totoong faithful member of the church? Conflicts reveal that, merong aalis, merong mananatili. Hindi naman para husgahan natin ang iba, “Ay hindi pala sila totoong Christians.” But for us to see God’s sovereign purposes even in times of conflict.

This week lang. Meron isang church na lumapit sa akin ang mga leaders dahil sa conflicts na nangyayari sa church nila. Masalimuot ang problema. Pero nagpapakita na lahat sila kailangan nila si Cristo. Their church, tulad din ng church natin, needs the gospel. Yun naman ang kahalagahan ng Lord’s Supper. It is about the gospel. Kaso nakakalimutan nila kung para saan. Tayo rin naman baka nagiging mali din ang attitude natin dito.

Kaya pakinggan din natin ang sinasabi ni Pablo, vv. 20-22, “Kapag nagtitipon kayo upang ipagdiwang ang Banal na Hapunan, hindi tama ang ginagawa ninyo (sa MBB, hindi Banal na Hapunan ang kinakain ninyo – yes, you’re eating and drinking, pero hindi Lord’s Supper ‘yan! Bakit?), 21 dahil kapag oras na ng kainan hindi kayo naghihintayan, kaya ang ibaʼy busog at lasing na, at ang iba namaʼy gutom. (So malamang, they usually have meals or feasts sa celebrations nila). 22 Wala ba kayong sariling bahay upang doon kumain at uminom? Sa ginagawa ninyoʼy nilalait ninyo ang iglesya ng Dios at hinihiya ang mga mahihirap. Ano ngayon ang gusto ninyong gawin ko? Purihin kayo? Aba, hindi!”

Straight to the point, wala nang paliguy-ligoy, sasabihin natin, ang prangka, ang taray. Kakain ka, iinom ka, para mabusog, para masiyahan. Pero kung yun lang, umuwi ka na lang sa bahay sabi ni Pablo. Kasi wala kang concern for the glory of God, wala kang concern for the good of others. Sarili mo lang iniisip mo, hindi ganyan ang halimbawa ni Pablo (10:33-11:1), hindi ganito ang halimbawa ni Cristo (Mark 10:45). Wala namang masamang kumain pero kung ang ginagawa mo ay nagiging dahilan para magutom ang iba, “ang iba nama’y gutom…” you are offending God and his church: “Sa ginagawa ninyoʼy nilalait ninyo ang iglesya ng Dios at hinihiya ang mga mahihirap” (v. 22).

Sa 10:14-22 pinag-aralan na natin ang ilan about the Lord’s Supper. Act of worship ‘yan, so dapat layuan natin ang idolatry, anumang karibal sa pagsamba sa Diyos (v. 14). Merong vertical dimension, meron ding horizontal: “We who are many are one body” (v. 17). Dito sa text natin ngayon, mas detalyado ang horizontal dimension ng Lord’s Supper. Sa kanila they share meals sa mga celebration nila. Ganun din tayo minsan. Like last Sunday sa Family Night, though wala naman tayong Lord’s Supper. Yung point dito, kung meron kayong selfishness, at disregard for others, lack of concern and love for other members of the church, you are not celebrating the Lord’s Supper. The essence of this is the love of God for us, so we also love others. 

Sa church natin, when we share meals together, it is a good thing. Kung may madala ka mainam, kung wala naman okay lang. Wag tayong magkumparahan kung sino ang sagana sino ang mahirap. Magkakapatid tayo sa Panginoon. O kaya, baka naman nagbabalot ka na ng takeout, o kaya kung kumuha sa plato mo napakarami, yung iba nauubusan na, o yung ibang may meetings pa o ginagawa pa wala nang maabutan. Or hindi man related sa pagkain, pero merong bitterness sa iba, merong unfair judgment, merong pagbabalewala sa iba at merong lang mga pinahahalagahan sa church.  

What is the Lord’s Supper and what is it for? (11:23-26)

Para maitama itong mga maling damdamin natin, para mabago ang puso natin sa relasyon sa isa’t isa, kailangang alalahanin natin ang ilan sa mga mahahalagang bagay about the Lord’s Supper at pag-isipan natin kung ano ang implikasyon nito sa unity natin sa church.

Itong vv. 23-26 ang lagi nating naririnig sa Lord’s Supper: “Ito ang turo na ibinigay sa akin ng Panginoon, at itinuturo ko naman sa inyo: Noong gabing traydurin ang Panginoong Jesus, kumuha siya ng tinapay, 24at pagkatapos niyang magpasalamat sa Dios, hinati-hati niya ito at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 25Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin. Kinuha niya ito at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-alaala sa akin.” 26Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom ng inuming ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang pagbabalik.”

Iniutos ito sa lahat ng Christians, sa lahat ng churches. Kung di natin gagawin, nagkakasala tayo sa Panginoon. Kung di ka aattend ng church gathering, di mo rin magagawa ang pakikibahagi dito. Bakit natin ‘to dapat gawin? Para saan? Ano ang purpose? Ano ang mangyayari sa church if we are faithful dito? 

Sabi sa sagot sa tanong na “What is the Lord’s Supper?” ng New City Catechism: “Christ commanded all Christians to eat bread and to drink from the cup in thankful remembrance of him and his death. The Lord’s Supper is a celebration of the presence of God in our midst; bringing us into communion with God and with one another; feeding and nourishing our souls. It also anticipates the day when we will eat and drink with Christ in his Father’s kingdom.”

Definition naman ni Bobby Jamieson sa 9Marks book na Understanding the Lord’s Supper: “The Lord’s Supper is a church’s act of communing with Christ and each other and of commemorating Christ’s death by partaking of bread and wine, and a believer’s act of receiving Christ’s benefits and renewing his or her commitment to Christ and his people, thereby making the church one body and marking it off from the world.”

Iisa-isahin natin ang mga elementong nakapaloob dito para mas maintindihan natin at makita natin how it applies to our church unity at bakit incompatible ito kung meron tayong mga divisions sa church.

  1. Provision. Merong tinapay, merong inumin. Parehong symbolic of God’s provision for our salvation. Ang tinapay katawan ni Cristo na inialay para sa atin. Ang inumin ang dugo ni Cristo na ibinuhos para sa atin. New convenant in his blood. Ibig sabihin, di natin nasunod ang demands ng old covenant, yung kautusan ng Diyos. Si Cristo ang sumunod, si Cristo ang umako sa parusa na nararapat para sa atin. The Lord’s Supper is a gracious gift and provision for us. Hindi lang para sa ‘yo, para sa lahat sa atin.  
  2. Commemoration. Kakainin, iinumin bilang pag-aala-ala kay Cristo. “In remembrance of me.” Passover meal noon, inaalala din nila ang pagliligtas ng Diyos sa kanila sa angel of death na dumaan sa Egypt para patayin ang lahat ng mga panganay. Pero naligtas sila dahil sa dugo ng tupa. Tayo rin, inaalala natin ang sakripisyo ni Cristo para sa atin. Kung inaalala natin ang sakripisyo ni Jesus para sa atin, bakit di tayo magsasakripisyo ngayon alang-alang sa mga kapatid natin? 
  3. Communion. Yun ang point ng 10:16-17. Meron tayong participation, koinonia, fellowship with Christ and with one another. Yung Lord’s Supper communion with God and with each other. Alangan naman nasa isang hapag kainan tayo tapos nakayuko lang tayo at di nagtitinginan. We don’t share table with enemies. Dati kaaway tayo ng Diyos, pero ngayon “we’re seated at his table.” Kasama ang mga kapatid natin kay Cristo. Hindi tayo parang nasa bahay lang at nagdedevotion. Inaalala natin si Cristo nang magkakasama. Paano mo magagawa kung meron kang kasamaan ng loob?
  4. Proclamation. “You proclaim the Lord’s death….” Yes, we proclaim the gospel kapag nagpipreach. Pero sa Lord’s Supper, may visible 3D or 4D illustration. Nakikita, nahahawakan, natitikman. Kapag kakainin natin ‘to, sinasabi natin sa isa’t isa, sinasabi natin sa mga unbelievers na nasa worship gathering natin, “This is the good news of the gospel.” Yung kinanta nating “Jesus, thank you. The Father’s wrath completely satisfied” hindi lang narinig, nakikita natin sa Lord’s Supper. Kung napawi na ang galit ng Ama sa atin dahil sa ginawa ni Cristo sa krus, bakit magtatanim ka pa ng galit sa kapatid mo?
  5. Anticipation. “…Until he comes.” Gagawin natin ‘to hanggang sa pagbabalik ni Cristo. Ibang klaseng fiesta na yun, tinatawag na marriage supper of the Lamb (Rev. 16:7). Lahat ng Christians magkakasama na, kasama ang Diyos, kasama si Cristo. Lahat ng sakit, lahat ng kasalanan, lahat ng kahirapan maglalaho na. Ang kagalit mo ngayon? Katabi mo sa araw na yun. Bakit di mo ayusin ang sirang relasyon n’yo ngayon pa lang? 

How should we observe the Lord’s Supper for church unity?

You see, itong ginagawa natin ng 10-15 minutes every first Sunday of the month napakahalaga, merong malaking impact sa relasyon natin sa isa’t isa. Ginagamit ito ng Diyos for…

  1. Correction. Tinutuwid tayo kasi seryosong usapan ‘to. V. 27, “Kaya nga, ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom ng inumin ng Panginoon nang hindi karapat-dapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.” This is not merely about eating and drinking. Merong “unworthy manner” of joining the Lord’s Supper. I am explaining this para maiwasan n’yong magkasala kayo at managot sa Panginoon. Dahil kung “unworthy” “nagdadala ng kaparusahan sa kanyang sarili” (v. 29). May pagdidisiplina at pagtutuwid ang Diyos sa mga nagkakasala. Kaya ang iba ay “mahihina at maysakit, ang ang ilan ay namatay” (v. 30). May pagdidisiplina ang Diyos, kasi seryoso ang kasalanan, seryoso siya sa tamang pagsamba sa kanya, seryoso ang Lord’s Supper, seryoso ang church, seryoso ang church membership. Kaya nga bahagi ng commitment natin sa membership ay ang pagpapasakop sa disiplina ng church. Wag mong takasan, wag mong iwasan, it is for your own good. “Dinidisiplina tayo upang hindi tayo maparusahang kasama ng mga tao sa mundo” (v. 32).
  2. So, ano ang kailangan? Examination. Suriin natin ang sarili natin (v. 31). “Kailangang suriin ng bawat isa ang kanilang sarili bago” mag-Lord’s Supper (v. 28). You ask yourself some questions to reveal what is in your heart. Kung tutuusin lahat naman talaga tayo unworthy, naligtas lang dahil sa biyaya ng Diyos. At kung naligtas ka na, may nagbago na sa ‘yo, may bago nang pagpapahalaga. Kaya nga sinabi sa v. 29 na kung di mo pinahahalagahan ang katawan (without discerning/recognizing the body), paparusahan ka. Ano ang ibig sabihin? Mukhang double meaning ‘yan. Yung una ay tungkol sa katawan ni Cristo o sa ginawa niya sa krus para sa atin. So first question, Cristiano ka ba? Kinikilala mo ba na kailangan mo siya? Na sapat ang ginawa niya sa krus para sa ‘yo. Kung hindi, don’t eat the Lord’s Supper. Kasi kung kinain mo ‘yan, sinasabi mo sa mga nakakakita sa ‘yo na Cristiano ka, pero hindi naman pala, nagsisinungaling ka pa. Kaya ‘wag bibigyan ang mga bata, unless they profess faith in Christ at merong visible fruit ang repentance nila. Kaya mahalagang siyasatin mo rin ang sarili mo about your attitude sa church. Yun din ang isang ibig sabihin ng “recognizing the body,” pinahahalagahan ang katawan ni Cristo, ang iglesiya. Christian ka nga, di ka naman member ng church, binabalewala mo ang kahulugan ng Lord’s Supper as communion with God and his people. Are we saying na reserved lang ang Lord’s Supper sa mga perpektong Cristiano? No. Inaamin nating makasalanan tayo, kailangan natin si Cristo, kailangan din natin ang katawan ni Cristo, so we take the Lord’s Supper.

Working Towards Unity

In light of all this, heto ang last words ni Paul sa usaping ito, vv. 33-34, “Kaya nga, mga kapatid, kapag nagtitipon-tipon kayo para sa Banal na Hapunan, maghintayan kayo. 34Kung may nagugutom sa inyo, kumain na muna siya sa kanyang bahay nang hindi kayo maparusahan ng Panginoon dahil sa mga ginagawa ninyo sa inyong pagtitipon. At tungkol naman sa iba pang mga bagay, saka ko na aayusin pagdating ko riyan.” So, wait for one another. Ito ang concluding instruction niya sa kanila. Walang unahan sa pagkain. The Lord’s Supper is not about you. Church is not about you. Christian life is not about you. It is about Christ and our calling to serve one another. Make intentional effort for unity. Itong last three elements ng Lord’s Supper may kinalaman sa application natin sa church.

  1. Membership. Kung Christian ka na, pero hindi ka pa member? Magpamember ka, make a commitment sa church. Paano ka makagagawa sa pagkakaisa kung di ka naman nakikiisa sa church, kung hindi ka naman isa sa mga miyembro ng church?
  2. Participation. At kung member ka na, pahalagahan mo ang mga pagtitipon, huwag pababayaan (Heb. 10:24-25). Paano ka makakaambag sa pagkakaisa kung di mo naman nakikita ang ibang miyembro ng church? Paano mo sila mapaglilingkuran? Paano mo sila mabibigyan ng pagkakataong paglingkuran ka kung di ka nagpaparamdam? Don’t be an absentee member. After four months of not showing up, the elders will visit you. Kung wala ka pang response for the next four months, we will remove you from membership. Nakalagay ‘yan sa by-laws ng church.
  3. Conflict Resolution. Kung meron kang kaalitan sa church, makipag-ayos ka. Makipag-usap. Magkasundo. Sabi ko sa mga kausap ko this week na may conflicts sa church nila: “Naalala n’yo yung Matt. 5:23-24? Na bago ka sumamba sa Panginoon, makipag-ayos ka muna sa kapatid mo? Ngayon, how can you worship God this Sunday kung ganyan ang relasyon n’yo?” O kung may disagreement talaga, keep the gospel at the center of our unity. Kung wala ka mang kaalitan, pero alam mong merong mga miyembro na magkaaway, be a peacemaker, tulungan mo silang magkasundo, tulad ng sinabi ni Paul kay Euodia at Synteche na magkasundo na at ang iba sa church ay tulungan silang magkasundo (Phil 4:2-3).

So, mahalaga ang unity sa church. Kapag may divisions, nawawalang kahulugan ang Lord’s Supper at pagsamba natin sa Diyos. Pero mabuti ang Diyos, ginagamit niya itong Lord’s Supper ay means of grace, ordinary means of grace, to do something extraordinary – para pagkaisahin, para ipagkasundo tayong lahat sa church na nakipag-isa na kay Cristo at sa pamamagitan ni Cristo ay naipagkasundo sa Diyos.

Ang tanong ngayon, nakikibahagi ka ba sa pagkakaisa sa church o isa ka sa gumagawa para sa pagkakabaha-bahagi? Siyasatin natin ang puso natin tungkol dito.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.