Headship and Submission in the Local Church (1 Cor. 11:2-16)

download audio mp3

Following My Lead

Sa mga videoke session, kailangan n’yo kong pilitin para kumanta. Ang hirap e. Pero dahil sa mga nakaraang sermons natin about congregational singing, kakanta talaga ko. Tulad ng pinag-aralan namin sa pastoral ministry class yesterday, part of pastoral responsibility ay “set an example.” So yung mga hirap at todo effort para makakanta lang, wala na kayong excuse para di kumanta. Right? And I hope na hindi lang sa mga recent weeks, but for the last 11 years na nagpapastor ako sa church natin, I hope na ako with all the elders of the church ay nagiging magandang halimbawa sa inyo. Imperfect example, yes. But with hope of leading you to our perfect Savior.

Tulad ng last verse na napag-aralan natin sa series sa 1 Corinthians, sabi ni Pablo sa kanila “Kaya nga, tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo” (11:31 ASD). Tularan siya sa kanyang approach sa ministry na selfless at sacrificial just like Jesus. Para ano? Para mapaglingkuran ang iglesya, kung ano ang ikabubuti ng mga kapatid kay Cristo, para maakay ang mga unbelievers, and primarily to glorify God (10:31-33). 

What a joy and encouragement to have a church na inaalala ako sa prayer, nakikinig sa pagtuturo ng Salita ng Diyos, at nagsisikap na sundin ang lahat ng sinasabi ng Diyos. You are also not perfect, for sure. But we trust a perfect Savior. At siya ang bumabago sa ating church. Thank you for encouraging me in so many ways, especially in seeing the fruit of the Spirit sa inyo. We are messed up, broken people. But the Lord is truly at work. Ganyan din naman ang church sa Corinth, messed up church, may mga divisions, failure sa discipline, pagtolerate ng kasalanan, misplaced confidence and boasting sa human leaders nila. But God is at work. Kaya sabi ni Paul sa kanila, “Pinupuri ko kayo dahil lagi ninyo akong inaalala, at sinusunod ninyo ang mga itinuro ko sa inyo” (11:2). 

A Church Being Shaped by the Word

He’s encouraging them dahil sa areas of obedience na nakikita niya. Obviously, not perfect, but real obedience. Paul won’t stop teaching them, hangga’t nauunawaan na nila mga dapat nilang maunawaan, hangga’t nagagawa na nila ang dapat nilang gawin. Kaya mula sa v. 3, sinabi niya, “Ngayon, gusto kong malaman (o maunawaan) ninyo…” Hanggang chapter 14 na yung bagong section na ‘to sa 1 Corinthians. Ang focus ay sa relationship nila as members of the church particularly everytime they gather for corporate worship. Ngayon (vv. 3-16), pag-uusapan natin ang tungkol sa issue ng submission ng mga babae sa male leadership. Next week, kung paano tayo mag-oobserve ng Lord’s Supper for unity of the church (vv. 17-34). Sa chap. 12 about spiritual gifts. Sa chap. 13 naman about the importance of love as our primary motivation in our relationships. At sa chapter 14 ay yung tamang paggamit ng mga spiritual gifts sa ministry para sa pagkakaisa at ikatitibay ng church.

Now, let’s talk about yung issue of submission sa simula ng chap. 11. Issue ito dati, at palagay ko’y mas lalong mabigat na issue ngayon. Even within our evangelical circles, merong disagreements about sa roles ng mga babae sa bahay at sa church. Both sides naman sinasabing “equal” ang dignity and worth ng lalaki at babae sa paningin ng Diyos. Pero yung “complementarian” position, that is what we believe and practice sa church, sinasabing ang leadership at authority sa family at sa church ay inilaan ng Diyos para sa mga lalaki. Pero yung “egalitarian” position, sinasabing pwede rin ang mga babae to function as pastors/elders sa church. At meron pang ilang variations ng two positions niyan. Medyo mainit ‘yang mga issues na ‘yan. Especially sa society natin ngayon na nagiging blurred yung distinction ng gender dahil sa influence ng feminist at LGBTQ agenda. And even sa mga churches na traditionally complementarian, lalong nagiging doubtful yung ibang Christians about God’s design for male leadership dahil sa mga nababalitaan nilang abuses ng male leadership.

Gaano man kahirap sa ngayon to make a stand about this issue, we must make sure na hindi tayo driven by our emotions, or influenced by secular culture, or mag-adjust to gain acceptance sa society. We must be driven and shaped by the Word of God. Itong passage na pag-aaralan natin ngayon ay isa sa mga crucial passages – although medyo complicated pag-aralan – para maging biblical ang understanding natin about God-given roles of men and women sa church and how we make sure na yung mga practices natin ay in conformity with the will of God. 

Reading of Scripture Text

So we must listen to the Word of God through the apostle Paul in 11:3-16:

"Ngayon, gusto kong malaman ninyo na si Cristo ang ulo ng bawat lalaki, at ang lalaki ang siya namang ulo ng babae, at ang Dios naman ang ulo ni Cristo. 4Kung ang isang lalaki ay nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Dios na may takip ang ulo, nagdadala siya ng kahihiyan sa kanyang ulo na si Cristo. 5Ang babae namang nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Dios na walang takip ang ulo ay nagdadala ng kahihiyan sa kanyang ulo na walang iba kundi ang lalaki, at para na rin siyang nagpakalbo. 6Kung ayaw magtakip ng ulo ang isang babae, magpaputol na lang siya ng buhok. Ngunit kahiya-hiya naman sa babae ang magpaputol ng buhok o magpakalbo, kaya dapat siyang magtakip ng ulo. 7Hindi dapat magtakip ng ulo ang lalaki kapag sumasamba dahil siyaʼy larawan at karangalan ng Dios. Ngunit ang babae ang karangalan ng lalaki. 8Sapagkat hindi naman nilikha ang lalaki mula sa babae, kundi ang babae ang nagmula sa lalaki. 9At hindi naman nilikha ang lalaki para sa babae, kundi ang babae para sa lalaki. 10Kaya dapat magtakip ng ulo ang babae upang makita, maging ng mga anghel, na nagpapasakop siya sa kanyang asawa. 11Ngunit dapat ninyong tandaan na sa buhay natin sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki, at kailangan din ng lalaki ang babae. 12Dahil kung nagmula ang unang babae sa lalaki, ang lalaki naman ay ipinapanganak ng babae; at ang lahat naman ay nagmumula sa Dios.
"13Kayo na rin ang magpasya: Kaaya-aya ba na makita ang isang babae na nananalangin nang walang takip sa ulo? 14Natural sa isang lalaki na maiksi ang buhok, dahil kahiya-hiya kung mahaba ito. 15Ngunit karangalan ng babae ang pagkakaroon ng mahabang buhok. Sapagkat ipinagkaloob sa kanya ng Dios ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo. 16Kung mayroon mang gustong makipagtalo tungkol dito, wala na akong masasabi dahil ito ang aming nakaugalian, at ito ang sinusunod ng mga iglesya ng Dios sa kahit saang lugar."

Doctrine: Headship and Submission (11:3)

Sa unang basa, di mo agad maiintindihan at mapapakamot ka ng ulo sa dami ba naman ng references tungkol sa ulo, pantakip sa ulo, mahabang buhok, maikling buhok, pati pagpapakalbo. Masakit nga naman sa ulo itong pag-aralan dahil para bang pumapasok tayo sa isang cultural setting na unfamiliar sa atin. Pero wag nating hahayaang matabunan ng anumang uncertainties na meron tayo sa unique cultural setting nila yung klarong doktrina na itinuturo sa atin sa v. 3 pa lang. “Ngayon, gusto kong malaman ninyo na si Cristo ang ulo ng bawat lalaki, at ang lalaki ang siya namang ulo ng babae, at ang Dios naman ang ulo ni Cristo.”

Ano ang ibig sabihin ng ulo (head)? Sa Gk. ito ay kephale. Usually, ang ibig sabihin nito ay merong “authority over.” Kaya sa MBB ang salin ay “nakakasakop.” Ang lalaki (CSB, man; ESV, husband; the original is generic) ang merong authority over sa kanyang asawang babae (CSB, woman; ESV, wife). Hindi naman ibig sabihing lahat ng lalaki ay merong authority sa lahat ng babae. Sa marriage, husband ang merong authority over his wife, so yung wife submits to her husband’s authority (Eph. 5:22-24). Sa church naman din, ayon sa karungungan, pagpapasya at disenyo ng Diyos, ang mga lalaki (biblically qualified men) ang nasa authority as pastors/elders, hindi lang sa mga babae, but all members of the church. 

Pero sasabihin ng mga egalitarians, ibig sabihin nito ay “source.” Tama nga naman na ang lalaki ang source ng babae, si Eba ay galing kay Adan, “ang babae ang nagmula sa lalaki” (1 Cor. 11:8). Pero pagkatapos naman nun, lahat ng lalaki ay nagmula sa babae, sa nanay natin (v. 12). At sa v. 3, yung “head” as “source” won’t make sense theologically. “Ang Dios ang ulo ni Cristo.” Hindi naman nagmula ang Diyos Anak sa Diyos Ama. They were both eternally existing. Pero ang Ama ay merong authority over the Son. And we reflect that Trinitarian relationship kung pinanatili natin ang disenyo ng Diyos sa male leadership at female submission. We are not saying na mas mababang uri ang mga babae, na sila ay inferior at ang mga lalaki ay superior. No. Ang Ama at Anak ay pantay. Ang lalaki at babae ay pantay. Pero merong magkaibang roles sa leadership and authority. ‘Yan in essence ang summary ng complementarianism.

Wala naman din kaming absolute authority. Si Cristo ang ulo, we all submit to him. At wala kayong obligasyong magpasakop sa asawa n’yo o mga elders ng church kung ang sinasabi namin ay taliwas sa salita ni Cristo. So kaming mga pastor ay dapat maging maingat sa pag-exercise ng aming God-given authority, at ginagawa namin ‘yan primarily by teaching the Word. At ang pagtuturong ito sa gathered congregation ng church ay hindi para sa mga babae:

"At kung may nagtuturo, dapat tahimik na makinig ang mga babae at lubos na magpasakop. 12Hindi ko pinahihintulutan ang mga babae na magturo o mamuno sa mga lalaki. Kailangang tumahimik lang sila" (1 Tim. 2:11-12 ASD).
"Tulad ng nakaugalian sa lahat ng iglesya ng mga pinabanal ng Dios, 34ang mga babae ay dapat tumahimik sa mga pagtitipon nʼyo dahil hindi sila pinahihintulutang magsalita. Dapat silang magpasakop sa mga lalaki ayon sa sinasabi ng Kautusan" (1 Cor. 14:33-34).

Now, hindi ibig sabihing bawal nang mangsalita ang mga babae, at bawal ding magturo ng salita ng Diyos. But at least in our practice, we encourage women to teach unbelievers, kasali ang mga bata, to teach other women, or at times to help us teach some topics na under pa rin sa authority ng isang elder. But teaching in a corporate setting, like our worship services or prayer gatherings ng church, we reserve that only for men. We are doing this not just because of tradition, although eto nga ang tradition natin. We are doing this because of biblical conviction.

It doesn’t mean na we are already perfectly obedient pagdating dito, o wala na tayong dapat baguhin about male leadership and involvement ng mga babae sa ministries. We still need to learn ano ang itinuturo ng salita ng Diyos dito and how we apply these biblical principles with Spirit-given wisdom. And it is not always easy to apply what we believe sa church practices natin.

Problem in Practice (11:4-6)

Ang ginagawa natin ay dapat na consistent sa sinasabi nating pinaniniwalaan nating turo ng Salita ng Diyos. Kaya gusto silang pagsabihan ni Pablo tungkol sa problem nila sa practices nila about head coverings o pantakip sa ulo sa worship gatherings nila.

"Kung ang isang lalaki ay nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Dios na may takip ang ulo, nagdadala siya ng kahihiyan sa kanyang ulo na si Cristo. 5Ang babae namang nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Dios na walang takip ang ulo ay nagdadala ng kahihiyan sa kanyang ulo na walang iba kundi ang lalaki, at para na rin siyang nagpakalbo. 6Kung ayaw magtakip ng ulo ang isang babae, magpaputol na lang siya ng buhok. Ngunit kahiya-hiya naman sa babae ang magpaputol ng buhok o magpakalbo, kaya dapat siyang magtakip ng ulo" (vv. 4-6).

Merong obvious na cultural references dito, tungkol sa head coverings na ginagamit ng mga babae. We are not sure exactly kung ano yun. Basta importante na makita natin na yung coverings na yun ay way to distinguish men and women sa pagtitipon nila. Again, verse 3 yung basis ng practices na ‘to sa church. Kung paanong ang Ama at Anak ay “equal in importance but they have different roles,” so ganun din dapat ang mga lalaki at babae. Dapat ipakita natin yung distinction na yun. Kaya sinabihan niya yung mga lalaking nagtatakip ng ulo sa pagsamba na wag gagawin yun kasi ginagawa yun sa worship ng mga non-Christians. We must give witness to other people sa magandang disenyo ng Diyos about authority sa marriage and sa church. Pwede namang magpray at mag-prophesy (give message from God) ang parehong lalaki at babae, pero dapat malinaw yung distinction kung sino ang nasa authority. Pagdating natin sa chap. 14 pag-uusapan natin kung ano ‘yang prophecy na ‘yan at ano ang pinagkaiba sa authoritative teaching of God’s Word (tulad ng ginagawa ko ngayon).

Dapat maging maingat tayo sa application nito. Kasi yung ibang sekta talagang sinusunod nilang ang mga babae ay nakabelo sa pagsamba. Yung head coverings na yun ay distinguishing mark ng babae sa lalaki sa society nila noon. So hindi ibig sabihing ganun din gagawin natin ngayon. Ang application sa atin nito ngayon ay ang pananamit o pagpapakita ng expression na ang babae ay babae at ang lalaki ay lalaki – pantay pero magkaiba (Grudem, Systematic Theology, p. 460). 

So what does it mean for us? Dapat ang spirit of submission ng mga babae ay naipapakita, merong ebidensiya na bagamat “equal in importance” sila ng mga lalaki, merong ibang roles. Kasama ang pananamit, kasama ang pakikinig, kasama ang tamang pag-express ng disagreement, kasama ang submission sa decision kahit na merong disagreement, kasama ang pag-eencourage sa leadership ng mga lalaki.

Sa parte naman ng mga lalaki, we have to take the initiative. We pastors/elders lead the church in teaching, prayer, modeling, and equipping sa ministry. Nakikinig din sa mga babae siyempre, pero inaako ang responsibilidad at pananagutan sa Diyos sa pagtuturo at pagdidisiplina sa iglesya. Ang mga lalaki ay may high calling sa loving, godly, and courageous leadership sa family at sa church. Ang mga babae ay may high calling sa humble and joyful submission sa leadership ng kanilang asawa sa family at sa mga elders sa church. And we must always be intentional in making sure na napa-practice at napapakita natin yung distinct and complementary roles na ‘yan ng lalaki at babae.

Arguments to Support this Doctrine

Hindi personal preferences natin o acceptability sa culture ang magdidictate niyan. Salita ng Diyos. Doktrina ng Bibliya. Kaya yun ang argumento ni Paul sa vv. 7-10.

  1. Pattern: Nauna na niyang sinabi na yun ang pattern in the Godhead (11:3), ang Ama ang ulo, ang Anak ang nagpapasakop sa Ama. So ang lalaki ang ulo, at babae ang nagpapasakop sa lalaki.
  2. Design: Yun din ang disenyo ng Diyos sa lalaki at babae (11:7), “Hindi dapat magtakip ng ulo ang lalaki kapag sumasamba dahil siyaʼy larawan at karangalan (image and glory) ng Dios. Ngunit ang babae ang karangalan ng lalaki.” Hindi sinasabi ni Paul na hindi nilikha sa larawan ng Diyos ang mga babae, that would contradict Gen. 1:27-28. Sinasabi lang niya na itong basis of distinction ng lalaki at babae sa roles sa family at sa church ay nakaugat sa simula pa lang sa paglikha ng Diyos. Merong unique design ang mga lalaki to represent God and to show what he is like in authority and leadership (Grudem). At ganun din ang babae sa relasyon sa lalaki ay merong unique role to show “the excellence of the man from whom she was created” (Grudem).
  3. Order: Ang sumunod ay may kinalaman sa pagkakasunod sa paglikha (order of creation). “Sapagkat hindi naman nilikha ang lalaki mula sa babae, kundi ang babae ang nagmula sa lalaki” (11:8). Hindi sabay ang pagkakalikha sa lalaki at babae, di tulad ng pagkakalikha ng Diyos sa mga hayop. Nauna si Adan, and after some time, si Eba naman. By doing that, nais icommunicate ng Diyos na pagkakaiba ng lalaki at babae in terms of who leads and who submits. Ito rin yung argument ni Paul kaya sinabi niya na ‘wag magtuturo o mag-exercise ng authority ang mga babae over men in the congregation (1 Tim. 2:12). “Sapagkat unang nilalang si Adan bago si Eva, at hindi si Adan ang nadaya, kundi si Eva ang nadaya at lumabag sa utos ng Dios” (vv. 13-14). Si Eba ang unang nilapitan ng ahas (Gen. 3:1) para baluktutin ang magandang disenyo ng Diyos. At kahit si Eba ang naunang nagkasala (3:6), si Adan ang unang hinanap ng Diyos (3:9), at siyang may pangunahing pananagutan sa pinagmulan ng kasalanan (Rom. 5:12-21).
  4. Purpose: Ang sumunod ay may kinalaman sa layunin ng pagkakalikha sa babae para sa lalaki: “At hindi naman nilikha ang lalaki para sa babae, kundi ang babae para sa lalaki” (11:9). Hindi niya sinasabing hindi ninyo kailangan ang mga lalaki at wala kayong need na matutugunan ng lalaki. No. Pero merong unique design ang Diyos para sa mga babae. Male alone cannot fully reflect the image of God. Kailangan ng “male and female” redeemed by Christ to fully reflect God’s image. And we do that by maintaining the distinction ng roles ng lalaki at babae sa leadership.  
  5. The angels: Ito naman ang panghuling argument niya. Suprising and unexpected. “Kaya dapat magtakip ng ulo ang babae upang makita, maging ng mga anghel, na nagpapasakop siya sa kanyang asawa” (11:10). We are not entirely sure kung ano ang ibig sabihin dito ni Paul. Posibleng intention niya na ipakita ang kaseryosohan ng bagay na ito. It is not just a physical matter, spiritual and heavenly din. Ang mga anghel nanonood sa Diyos habang nililikha niya ang tao na lalaki at babae (Job 38:4, 7), at nagmamasid din sila kung paano natin ipapakita ang ganitong relasyon sa loob ng church (Eph. 3:9-10).

Ultimately, ginagawa natin ito – men in leadership, women in submissive partnership sa ministry and worship – for the glory of God. Para ipakitang wise ang Diyos sa disenyo niya sa lalaki at babae. Whether you eat or drink, or dress, or do specific ministry roles, do it all for the glory of God (1 Cor. 10:31).

Clarification to Avoid Misunderstanding

Malinaw na merong pagkakaiba sa gampanin sa leadership at ministry ang mga lalaki at babae. Pero commonly namimis-interpret ‘yan na para bang sinasabi nating superior ang mga lalaki at inferior ang mga babae, mas importante ang mga lalaki at walang halaga ang mga babae. No! Kaya clarification ni Paul sa vv. 11-12,

"Ngunit dapat ninyong tandaan na sa buhay natin sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki, at kailangan din ng lalaki ang babae. Dahil kung nagmula ang unang babae sa lalaki, ang lalaki naman ay ipinapanganak ng babae; at ang lahat naman ay nagmumula sa Dios." 

Ang pagkalalaki at pagkababae natin ay galing sa Diyos. Hindi natin ito sariling pasya. We don’t choose our gender, we have no right to change our gender. Dahil ang halaga ng pagkatao natin, our worth, our value, ay nakatali not in gender, hindi sa roles na ginagampanan natin sa church, kundi sa pakikag-isa natin kay Cristo.

"Ngayon, wala nang pagkakaiba (in terms of worth and value as children of God) ang Judio sa hindi Judio, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Cristo na" (Gal. 3:28). 

Ang lalaki at babae ay parehong mahalaga sa paningin ng Diyos kaya dapat ring pareho nating pahalagahan.

"If God thinks us to be equal in value, then that settles the question, for God's evaluation is the true standard of value for all eternity" (Grudem, 457).

A call for decision (11:13-16)

Pareho ng halaga, pero sa gawain o tungkuling itinakda ng Diyos magkaiba. Anumang cultural distinction, anumang physical or natural distinction, ipakita natin ang pagkakaiba. Ang biblical doctrine na ‘to ay dapat mag-determine kung paano magkakaroon ng kaayusan sa pagsamba natin sa church at sa pangunguna sa ministry. This calls for a personal decision sa bawat isa sa atin: 

"Kayo na rin ang magpasya: Kaaya-aya ba na makita ang isang babae na nananalangin nang walang takip sa ulo? 14Natural sa isang lalaki na maiksi ang buhok, dahil kahiya-hiya kung mahaba ito. 15Ngunit karangalan ng babae ang pagkakaroon ng mahabang buhok. Sapagkat ipinagkaloob sa kanya ng Dios ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo. 16Kung mayroon mang gustong makipagtalo tungkol dito, wala na akong masasabi dahil ito ang aming nakaugalian, at ito ang sinusunod ng mga iglesya ng Dios sa kahit saang lugar" (11:13-16).

I hope and pray na ang church natin ay magiging united sa biblical conviction na ‘to about biblical complementarianism. Na makita n’yo na hindi lang dahil ito ang tradition natin, o opinion ng nakararami, o a matter of preference, o kaya’y accomodation sa cultural practices. But a deep biblical conviction. Kung di pa kayo convinced, pag-usapan pa natin, pag-aralan pa natin. And in case na you are really in disagreement with this matter, sinasabi ni Pablo na you are going against not just about church tradition, but church history, at sinasabi mong most churches sa haba ng history ng mga Christian churches ay nagkakamali sa ganitong bagay. But of course, in the end, let us make sure, na ang pinaniniwalaan natin at ginagawa natin sa church ay sang-ayon sa turo ng salita ng Diyos.

Appreciation and Exhortation

Gusto kong i-appreciate ang mga kababaihan sa church natin. Thank you for your submission. Na hinahayaan n’yong kaming mga lalaki ang manguna. Kahit sa mga times na parang mas magagawa n’yo ang ginagawa namin nang mas mahusay, you submit to God’s design. Hindi dahil sa kung ano ang abilidad natin, kundi dahil sa kalooban ng Diyos. Ang prayer ko ay panatilihin n’yo ang ganyang submissive spirit, especially kapag dumating yung time na mag-disagree kayo sa mga decisions or changes na gagawin ng mga elders, except in matters na unbiblical at distortion na ng gospel. Magsalita kayo, sawayin n’yo ang nagkakamali, kahit mga elders pa, kahit ako. The Word of God is our highest authority.

At sa mga pastors/elders natin, sa mga nangunguna sa grace communities, sa mga lalaking nagte-take ng initiative sa ministry leadership, I thank God for you. For encouraging na maging masaya sa submission ang mga babae. For respecting them. For not being arrogant. I pray na maging matapang tayo sa pangunguna. I pray na yung mga passive na lalaki ay magrepent sa kanilang pananahimik at inaction, at ang mga abusado ay magrepent din sa kanilang abuse of God-given authority, and all of us to respond to God’s calling to lead lovingly and sacrificially in the church and in our families by faith.

"...as we grow in maturity in Christ, we will grow to delight in and rejoice in the God-ordained and wisely created differences in roles within the human family. When we understand this biblical teaching, both men and women should be able to say in their hearts, 'This is what God has planned, and it is beautiful and right, and I rejoice in the way he has made me and the distinct role he has given me.' There is eternal beauty and dignity and rightness in this differentiation in roles both within the Trinity and within the human family. With no sense of 'better' or 'worse,' and with no sense of 'more important' or 'less important,' both men and women should be able to rejoice fully in the way they have been made by God" (Grudem 464-465).

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.