Singing When Life is Hard (Psa. 137:1-4)

download mp3 audio

Introduction

Nung pinaplano ko yung series natin ng January na about congregational singing, three parts lang talaga – Singing and the Glory of God, Singing and the Gospel, Singing and the Local Church. I think na nandun na naman lahat ng kailangan nating malaman tungkol sa kahalagahan ng ginagawa nating pagkanta dito sa church at kung anu-anong changes ang dapat na gawin natin as a church, sa part ng leadership ng mga pastors at ng music ministry team, at sa bahagi din ninyo bilang mga members.

Bakit merong part 4? Kasi tulad ng sinabi ni Ptr. Marlon last week sa start ng monthly series natin about biblical theology of shepherding, mahalaga sa aming mga pastors na maging salamin ng Diyos na siyang Shepherd nating lahat (Psa. 23). As pastors, we need to be aware na merong mga tupa na magii-struggle sa singing. Hindi talent-wise ang pinag-uusapan natin dito. Puso at kalooban ang tinutukoy ko. Hindi sapat na ituro lang sa inyo kung ano ang nais ng Diyos about singing in worship. Kailangang tulungan din kayo sa panahong may difficulties about it. So, today, pag-usapan natin ang “Singing When Life is Hard.”

Paano kung dumadaan ka sa “valley of the shadow of death” (Psa. 23:4 ESV), “darkest valley” (CSB) ng buhay mo, paano ka nga naman makakaawit tulad ni David? Paano kung nangingibabaw ang takot? Yung sense of loss dahil namatayan ka o naloko sa negosyo? Paano kung dumadaan ka sa financial difficulties o problema sa relasyong mag-asawa o sa pagrerebelde ng anak mo? Paano kung malalim ang struggle mo sa kasalanan ngayon?

Hindi lang naman ‘yan personal na problema. Problema ‘yan ng mga malapit kay Kobe Bryant, ng mga Chinese sa Wuhan, ng mga nasalanta ng Taal Volcano. Itong mga struggles at sufferings, pare-pareho naman ‘yang nararanasan ng mga tao sa buong mundo. May differing degrees, sure. Pero may problema lahat.

Paano ka aawit sa pagsamba sa Diyos kung non-Christian ka? Di ka naniniwala kay Cristo? Ritual lang para sa ‘yo ang pagsimba? How to sing when life is hard? Hindi ‘yan ang primary question mo, hindi ‘yan ang pinakamalaking problema mo. The worst is yet to come for you if you are not in Christ. No amount of singing can save you. Only Jesus can. Layuan mo ang kasalanan mo, at lapitan mo si Cristo na siyang magliligtas sa ‘yo.

Meron din namang marahil sa inyo na kumakanta nga, pero hipokrito naman. Masakit pakinggan, yes. Pero nangyayari, kapag you are singing while you are sinning. Meron kang double life. Akala ng iba spiritual ka, kumakanta ka, baka nagpapakanta pa o tumutugtog, pero performance lang, pakitang tao lang. This is a warning sa mga nandun yung desires to sing and be part of the music team, pero wala naman kay Cristo ang puso, at sa mga ordinaryong araw ay kumakapit sa maling relasyon at nahuhumaling sa kamunduhan. Alam ng Diyos ‘yan: “This people honors me with their lips, but their heart is far from me” (Matt. 15:8 CSB). Kumakanta ka, nagpapakanta ka pa siguro, pero ang puso mo malayo sa Diyos. Di ka nagbabasa ng Salita niya, di ka nakikipag-usap sa kanya sa prayer. You are not okay with your wife, you are being unfaithful, you are committing sexual immoralities. Sinasabi sa Matthew 5:23-24 na bago ka sumamba sa Diyos, makipag-ayos ka muna sa kapatid mong may sama ng loob sa ‘yo. Lalo namang dapat makipag-ayos ka muna sa Diyos na pinagtataksilan mo. How can you sing a love song to your wife, while your lips are kissing another woman?

Di ko sinasabing kailangang perfectly holy ka na bago ka umawit sa Panginoon. No. Pero nandun yung pusong nagsisisi sa kasalanan, inaaming makasalanan siya, nagpapakumbaba sa Diyos, nagtitiwala kay Cristo at sa ginawa niya sa krus para makalapit sa Diyos sa pagsamba. This sermon is especially for you. May struggle ka sa kasalanan, yes, pero lumalaban ka. Gusto mong ang puso mo ay magliyab ulit sa pagsamba sa Diyos kung nararamdaman mo ngayong nanlalamig ka.

Pero paano ka aawit kung ganyan? O kung nasaktan ka nang sobra dahil sa ginawang kasalanan sa ‘yo ng isang member ng church o ng pamilya mo, how can you sing? O kung merong kang kabigatang dinadala dahil nakunan ka (miscarriage) o nawalan ng ama o iniwanan ng asawa, how can you sing? Yung iba sasabihin, exempted muna sa worship, saka na lang pag okay na ko. But I encourage you now, you can come, pwede kang lumapit sa Diyos, umawit sa pagsamba – kahit may mga doubts ka pa, may mga takot, may mga sakit, may mga pag-aalala. Come, come, come and sing with us!

Psalms of Lament: Giving Us a Voice When Life is Hard

Hindi ka nag-iisa. Yung sumulat ng Psalm 137 kasama mo, pati yung mga nakaranas ng pagkakaalipin sa Babylon: “Nang maalala namin ang Zion, umupo kami sa pampang ng mga ilog ng Babilonia at umiyak. Isinabit na lang namin ang aming mga alpa sa mga sanga ng kahoy. Pinaaawit kami ng mga bumihag sa amin. Inuutusan nila kaming sila ay aliwin. Ang sabi nila, ‘Awitan ninyo kami ng mga awit tungkol sa Zion!’ Ngunit paano kami makakaawit ng awit ng Panginoon sa lupain ng mga bumihag sa amin” (vv. 1-4)?

Hinahamak sila ng mga tao, na para bang sinasabing nasaan na ang Diyos ninyo? Bakit ganyan ang nangyayari sa inyo? (Psa. 42:3, 10; 79:10). Paano kami makakaawit? Tanong nila. Nagdadalamhati sila. Bihag sila, hindi sila malaya. Ginagawa pa silang entertainment. Pinagtatawanan. They cannot sing: “I am free!” The struggle is real. Yet, this psalm is a song. Isinulat at intended na awitin nila at ng mga susunod na henerasyon ang struggle nila sa pag-awit sa Panginoon. Reminder din ito sa atin na nandun yung struggles sa pagkanta. We don’t have to wait na maging okay na tayo bago tayo lumapit, sumamba at umawit sa Diyos. You can sing as you are. Merong lenggwahe na ibinibay sa atin ang Diyos sa tuwing meron tayong struggles, mga pagdududa, mga takot, mga hinaing, mga kalungkutan, mga pag-aalala.

“May paghihirap ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos” (Jas. 5:13 MBB). Hindi naman ibig sabihin niyang di ka makakaawit kung may paghihirap. Kasi ang awit, panalangin din. Si Pablo nga kumakanta rin habang nakakulong (Acts 16:25). Akala kasi natin ang pagpupuri sa Diyos ay sa panahon lang na masaya tayo. Ang problema kasi ngayon, maraming churches filled with happy music yung singing nila. Tama namang we celebrate yung goodness ni God. We sing the gospel, good news yun, dapat masaya. Pero kung “happy” at victorious at celebratory lang lagi ang beat ng mga songs natin, we are becoming in denial of reality. We are still struggling sa kasalanan, we still live in a fallen world. We miss out some of “the deepest expressions of God-centered worship.” Mark Vroegop (Dark Clouds, Deep Mercy): “Too many people think real worship only means an upbeat and happy demeanor. But grief-filled prayers of pain while seeking God are among the deepest expressions of God-centered worship.”

Problema sa mga churches yung music sa church na limited ang range of emotions. May epekto din ito sa mensaheng itinuturo natin sa mga tao. “Much of church music is happy music. But if that is all we ever have, we substantially dilute the Christian experience. And the tone we set in our services will in evitably carry over into relationships. If we teach people through our music that feelings of doubt, despair, and bewilderment are not acceptable starting points for worship, we teach them that these topics are not acceptable in private conversation either—to the detriment of depth in relationships. I tell new members at our church that I want music that helps them worship God if they got engaged the previous evening, and I want music that helps them worship God if they broke up the previous evening. When you select music with a variety of emotional starting points, you teach your congregation that God’s promises hold true no matter our emotional condition” (Mark Dever & Jamie Dunlop, Compelling Community, 143).

Anuman ang emotional condition natin, hindi nagbabago ang mga pangako ng Diyos. That’s why we still worship. That’s why we still sing. Buti na lang merong book of Psalms, at kung titingnan mo ang mga songs na popular ngayon, hindi reflective ng diversity ng emotions nitong song book ng Israel. Mahigit sa 1/3 ng 150 psalms ay lament, mga panalangin at awit ng pagdaing sa Diyos. “Lament is a prayer in pain that leads to trust” (Mark Vroegop). Panalangin, awit na nagpapahayag ng sakit na nararamdaman ng isang indibidwal o ng isang community of faith na nagdudulot ng pagtitiwala sa Diyos. Akala natin ang “lament” ay kabaligtaran ng “praise.” Pero hindi. “Lament is a path to praise as we are led through our brokenness and disappointment.” As we get in touch sa emotions natin, sa hirap ng buhay, sa lalim ng kasalanan, mas nahahayag ngayon ang laki ng awa, biyaya at katapatan ng Diyos. Itong mga awit na ‘to ay regalo sa atin ng Diyos. We miss out on this gift of lament kung puro palakpakan, lundagan at upbeat songs ang kakantahin natin sa church.

Almost three years ago, nagpreach ako tungkol sa lament, “How Long, O Lord” as part of our sermon series sa Psalms. Karamihan ng mga laments merong sinusunod na biblical pattern na nagpapakita kung paano dinadala ng Diyos ang mga taong nagdadalamhati sa isang spiritual journey. Usually meron itong limang bahagi. Tingnan natin ang Psalm 13 as an example.

  1. Address o pagtawag sa Diyos: “Hanggang kailan, Yahweh…” (13:1 MBB). “Yahweh, aking Diyos” (13:3). “O Yahweh” (13:6). Anuman ang pagrereklamo o pagdududang nararamdaman mo, sa Diyos ka pa rin lumalapit, siya pa rin ang kinakausap mo. Lament is God-directed, God-centered, God-focused. This is not about us or our sufferings.
  2. Complaint o pagdaing sa Diyos: “Hanggang kailan, Yahweh, ako’y iyong lilimutin? Gaano katagal kang magtatago sa akin? Gaano katagal pa itong hapdi ng damdamin at ang lungkot sa puso kong gabi’t araw titiisin? Kaaway ko’y hanggang kailan magwawagi sa akin” (13:1-2). Minsan akala natin hindi ispirituwal ang ganitong lenggwahe, na para bang papagalitan ka ng Diyos kapag ganyan ang sinabi mo, na parang wala ka nang respeto sa kanya. No, God desires honesty. Siyempre ayaw niya na manatali ang reklamo at pagdududa sa puso natin. Pero alam naman niya ‘yan. Sabihin mo kung ano ang nararamdaman mo. Hindi naman mainam na bolahin natin siya, “Each time I think of you, the praises start.” Hindi naman.
  3. Request o paghiling sa Diyos: “Yahweh, aking Diyos, tingnan mo ako at sagutin, huwag hayaang mamatay, lakas ko’y panumbalikin. Baka sabihin ng kaaway ko na ako’y kanilang natalo, at sila’y magyabang dahil sa pagbagsak ko” (vv. 3-4). Minsan naiinip ka, nagdudududa ka, pero sa Diyos ka din naman talaga lalapit. Wala namang mas mabuti, mas tapat, mas makapangyarihan kaysa sa kanya.
  4. Trust o pagpapahayag ng tiwala sa Diyos: “Nananalig ako sa pag-ibig mong wagas, magagalak ako dahil ako’y ililigtas” (v. 5).
  5. Vow of praise o expression ng commitment na patuloy na magpupuri sa Diyos anuman ang nararanasan sa buhay: “O Yahweh, ika’y aking aawitan, dahil sa iyong masaganang kabutihan” (v. 6). Marami mang mapait na karanasan, sagana palagi ang kabutihan ng Diyos.

Ganito ang matinding karanasan ng mga nabihag sa Babilonia. Pero nananatili pa rin ang awit sa mga puso nila. Katunayan isinulat ang isang aklat, Lamentations o Panaghoy, tungkol diyan. Sa chapter 1 pa lang, punung-puno na ng expressions ng kalungkutan, kabigatan, kapighatian, kapaitan. Pagdating sa chapter 3 parang sinisisi na niya na ang Diyos ang may gawa ng lahat ng nararanasan niyang kahirapan.

“Naranasan ko kung gaano kahirap ang maparusahan ng Diyos. Itinaboy niya ako sa lugar na wala kahit bahagyang liwanag. Walang awa niya akong hinahampas sa buong maghapon. Tadtad ng sugat ang buo kong katawan at bali-bali ang aking mga buto. Ibinilanggo niya ako sa kalungkutan at pagdurusa. Isinadlak niya ako sa kadiliman, laging nasa bingit ng kamatayan…Inginudngod niya sa lupa ang aking mukha at idinikdik sa bato ang aking bibig.Naglaho sa akin ang bakas ng kalusugan, maging kapayapaan at kaligayahan man. Kaya’t sinasabi ko, ‘Nawala na ang aking lakas at ang aking pag-asa kay Yahweh.’ Simpait ng apdo ang alalahanin sa aking paghihirap at kabiguan” (3:1-6, 16-19).

Hindi pa talaga nawala ang pag-asa niya sa Diyos. Kasi…

“Lagi ko itong naaalaala, at ako’y labis na napipighati. Gayunma’y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo’y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo’y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala. Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya’t pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala” (3:20-26).

Yung “Great is Thy Faithfulness” ang context dito ay hindi church anniversary celebration, o pag nagkabahay at nagkakotse ka na. Sa gitna ng pagdadalamhati, dakila ang katapatan ng Diyos, sariwa ang awa niya sa bawat umaga. Yung awit na ‘to ay hindi random thoughts. Carefully and beautifully written ‘to. In fact, ang tawag dito ay acrostic poem. Bawat linya, every three verses, simula sa bawat letra ng Hebrew alphabet (aleph vv. 1-3, beth vv. 4-6, gimel vv. 7-9, and so on). Pinag-isipang mabuti. Ang pag-awit natin with all our heart yes, pero with all our mind din. Kaya mahalaga na mayaman sa theological content ang mga kinakanta natin, dapat God-centered. Ang mga kantang malabnaw sa mga katotohanan tungkol sa Diyos ay di makatutulong sa atin sa panahon ng kahirapan. What we need in times of suffering are songs na hitik na hitik at malamang-malaman sa rock-solid doctrine of Scripture. ‘Yan ay isang regalo sa atin ng mga lament songs sa Bibliya.

When we sing in times of sorrow, ganito ang nangyayari sa atin…

  1. Nare-refocus tayo. Naibabaling nito ang pagtingin natin. Karaniwan kasi sa atin ang tingin natin nakafocus sa sarili nating kalagayan, sa mga nangyayari sa buhay, sa mga masamang balita sa paligid natin. Pero sa pag-awit, we turn our eyes to God.
  2. We recall or remember yung mga bagay na nakakalimutan natin. “Lagi ko itong naaalala…” (Lam. 3:20). Naaalala nating tapat ang Diyos, di nagbabago ang pagmamahal ng Diyos. “Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa. Gugunitain ko ang mga himalang ginawa nʼyo noon. Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa” (Psa 77:11-12 ASD).
  3. Nakaka-request tayo. Nakalalapit tayo sa Diyos na tutulong sa atin, na siya lang naman talagang makakatulong sa atin.
  4. Sumisigla ang faith natin. Mas tumatatag ang pananampalataya natin sa kanya. Kasi lumalalim ang pagkakabaon ng magandang balita ni Cristo sa puso natin.
  5. Nagkakaroon tayo ng ministry sa iba. Hindi lang ito tungkol sa atin. We also help each other sa church when we sing together. Vertical, yes. Pero horizontal din. Tulad ng napag-aralan natin sa part 3, we sing to one another. Yun naman ang church life, we rejoice with those who rejoice, we weep with those who weep (Rom. 12:15; 1 Cor. 12:26). Nagagawa natin ‘yan sa pamamagitan ng sama-samang pag-awit sa Panginoon.

Singing Songs of Sorrow

Sa part ng leadership ng church, sa pagprepare natin ng mga songs na kakantahin, dapat maging aware tayo sa iba’t ibang emotions na part ng Christian life, at ng worship sa church. “Celebration is not the only song we should sing. There are other important genres for us to learn. More people than we probably know are weeping in our Sunday celebrations. Worship leaders and songwriters might be able to welcome them by singing a few of their songs. Or at least it would be wise to try” (Mark Vroegop).

Tulad ng composer ng “It is Well with My Soul” na si Horatio Spafford (Story here). Mayamang businessman sa Chicago noong mid-1800s. May asawa, lima ang anak. Noong 1871, nagsimula ang trahedya sa buhay niya nang magkasakit at mamatay ang bunso niyang anak. Pagkatapos nito, nagkaroon ng malaking sunog sa Chicago. Nagpasya silang pamilya na magbakasyon noong 1873 papunta sa England. Pero nagpaiwan muna si Horatio dahil sa isang business emergency at pinauna na ang asawa niya at apat na anak.

After a few days, nakatanggan siya ng telegram (alam n’yo kung ano yun?) mula sa asawa niya sa England na binangga ang sinasakyan nilang barko ng isa pang barko. Namatay ang apat nilang anak, puro babae, siya na lang natira. Sulat niya, “saved alone, what shall I do?” Dalawang taon, limang anak niya patay. Grabe yan.

Pinuntahan niya agad ang asawa niya. Papunta sa England, yung kapitan ng barko ay lumapit kay Horatio at itinuro yung spot na pinaniniwalaang lugar kung saan nalunod ang apat niyang anak. Nang oras na yun sinulat niya yung hymn na “It Is Well With My Soul.”

When peace like a river, attendeth my way,
When sorrows like sea billows roll
Whatever my lot, thou hast taught me to say
It is well, it is well, with my soul

It is well
With my soul
It is well, it is well with my soul

Para ring si Job na sumamba sa Panginoon pagkatapos na mamatay ang kanyang mga anak. Ang inawit niya: “The Lord gives, and the Lord takes away. Blessed be the name of the Lord” (Job 1:20-21 CSB).

Suffering Together

You may be going through a hard time today. O kahit na hindi, pero maaaring dumating ‘yan sooner or later. Remember this Word from the Lord. Kahit gaano kabigat ang sitwasyon mo, tara at sumama ka pa rin sa pag-awit sa Panginoon. Kahit sa mga times na you don’t feel it, hindi naman hypocrisy yun. Kapag may mga songs na parang hirap kang kantahin kasi feeling mo di mo naman nararamdaman yung pag-asa na yun o yung kagalakan na yun, but you can still sing that as a prayer at sabihin kay Lord, “Lord, di ko nararamdaman itong totoo sa akin ngayon, pero prayer ko that you will restore to me the joy of my salvation.” Or kung di mo talaga makanta yung ibang parts ng song, okay lang yun. Don’t sing. Pakinggan mo yung mga kasama mo sa church na umaawit sa ‘yo. Let them minister to you and admonish you and remind you of who God is through their songs (Eph. 5:19; Col. 3:16).

At kung wala ka mang pinagdadaanang difficulties ngayon, be aware na merong mga kasama tayo sa church na suffering and in pain. Meron kang opportunity to minister to them by singing. Wag mong ipagkait sa kanila ang boses mo. Kaya mahalaga ring kilala mo ang mga kasama natin sa church. Get to know their stories. Spend time with them. Dalawin mo sa bahay. Imbitahin mo sa bahay n’yo. At kung sama-sama tayong kakanta, we share our songs because we share our stories. Alam mo yung isang member nagdududa sa katapatan ng Diyos. Titingnan mo siya at aawitin, “Great is thy faithfulness, O God my Father…” Yung isa naman bagong believer, ipapaalala mo sa kanya na dahil sa ginawa ni Jesus, “the wrath of God was satisfied…Jesus thank you.” Mas magiging meaningful ang mga awit natin kung kilala natin ang Diyos. Mas makaka-minister tayo sa mga kasama natin sa church kung mas nakikilala natin sila.

As we sing together, lalo na sa mga panahong mahirap, mas lumalalim ang pag-ibig natin sa isa’t isa. Mas tumitibay ang unity natin as a church. Like last year, sa isang members meeting natin, may mga issues na lumabas, merong di naging maayos sa usapan, merong mga nasaktan sa mga salitang nabitawan, maraming naging mabigat ang kalooban dahil sa kaganapang di inaasahang mangyari. Nakalagay sa agenda noon na ang huling gagawin natin ay kantahin yung Christ the Sure and Steady Anchor. Di ko na sana itutuloy. Kasi masakit ang puso ko. Marami rin ang ganoon ang nararamdaman. Pero itinuloy nating kantahin, at mas tama lang, mas naramdaman natin na di nagbabago ang pangako ng Diyos.

Christ the sure and steady anchor,
In the fury of the storm;
When the winds of doubt blow through me,
And my sails have all been torn.
In the suffering, in the sorrow,
When my sinking hopes are few;
I will hold fast to the anchor,
It will never be removed.

Sa kabila ng trahedyang nangyayari sa buong mundo, sa mga sakit na nararamdaman mo sa puso mo, sa mga pinagdadaanan natin sa church, kapag sumasamba tayo nang sama-sama “we put God in his rightful spot, engaging him with our intellect, emotions, and bodies.” Anumang hirap na dinaranas natin, di natin mapagtatagumpayan hangga’t hindi natin ibabaling ang paningin natin sa Diyos na pinakadakila sa lahat (Keith Getty). Nangyayari ‘yan kung patuloy tayong magkakasamang umaawit sa Diyos.

1 Comment

  1. I’ve learned from Singing Songs of Sorrow. Sad to say there are lots of Christians na well driven sa mga nararamdaman lang. Hindi makita ang joy sa mga situations na mahirap. I will always bear in my mind the life of Job and Paul. Thanks and God bless.

    Like

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.