Ano ang isang elder ng church?

The Basics (Mga Pangunahing Bagay)

Ang isang elder ay isang lalaking

  1. Kinakikitaan ng mga qualifications na nakalista sa 1 Timoteo 3:1-7 at Tito 1:6-9;
  2. Kinikilala ng kongregasyong kinabibilangan niya bilang isang elder; at
  3. Pinangungunahan ang kanyang kongregasyon sa pamamagitan ng pagtuturo ng Salita ng Diyos (1 Timoteo 3:2), pananalangin para sa mga tupa (Santiago 5:14), at pangangasiwa sa mga bagay na may kinalaman sa church (1 Pedro 5:2).

Oversight (Pangangasiwa)

Ang isang elder ay dapat na maiging magbantay sa kawan. Dapat niyang turuan ang lahat ng mga tupa, palakasin ang mga mahihina, bantayan ang mga madaling matangay o bumagsak, sawayin ang mga nagmamatigas, at pagtiisan ang mga mahirap alagaan (2 Timoteo 2:24-25; Gawa 20:28; 1 Tesalonica 5:14). Ang isang elder ay nagbabantay sa mga members ng kanyang church habang inaalalang siya ay magbibigay-sulit sa Diyos balang araw (Hebreo 13:17).

Plurality (Maramihan)

Sa Bagong Tipan, karaniwan sa mga local churches ay pinangungunahan ng higit pa sa isang elder (plurality of elders) (Gawa 14:23, 20:17; Filipos 1:1; 1 Timoteo 5:17; Santiago 5:14). Nais ni Cristo, na siyang Pinunong Pastol, na pangalagaan ang kanyang kawan sa pamamagitan ng ilang mga lalaking maka-Diyos (godly men) na nagtutulungan sa pagtuturo, pagbabantay, paggabay, pag-iingat, at pagmamahal sa mga tupa. Kaya nga dapat na bawat isang local church, habang sumusunod sa pangunguna ng kanilang pastor, ay tingnang mabuti kung sinu-sino ang mga lalaking ginagawa na ang trabaho ng isang elder, at saka italaga silang maglingkod sa posisyon ng isang elder. 


*Original English article appeared here.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.