Introduction
Last week, sa 1 Cor. 10:1-13, nakita natin ang great dangers of falling into temptation. Yun ang bad news. Pero meron ding good news. Sapat ang tulong na available sa atin, at galing sa Diyos para pagtagumpayan ang anumang tukso o pagsubok. Kasama sa tulong ng Diyos itong mga warning signs na nasa Salita niya, regalo ng Diyos sa atin.
Tayo naman kasi, mahilig maglaro ng apoy. Kahit alam na delikado, ayaw pang tigilan, ayaw pang iwasan. May warning signs na nga, “Bawal tumawid dito. Nakamamatay.” Tawid pa rin. Kahit palitan ng, “May namatay na dito,” ganun pa rin. Yung pakete ng sigarilyo kahit may government warning na: dangerous to your health, ganun pa rin. Nung palitan at ipakita na litrato kung ano ang mangyayari sa baga, hitit nang hitit pa rin. Hangga’t di tayo napapahamak hindi tayo madadala. Iintayin pa ba nating huli na ang lahat bago tayo matuto at umiwas sa tukso?
So yung “warning” na yun, parang “fire alarm.” Kapag tumunog, halimbawa, sa isang sinehan, lalabas ka na. Merong “fire exit,” hindi yung apoy ang lalabas dun. Ikaw ang lalabas. At hindi ka lalabas ng sinehan kasi tapos mo na yung movie at naenjoy mo na. Lalabas ka kasi mamatay ka kung hindi. Yun yung “way of escape” na tinutukoy ni Paul sa v. 13, provision ni Lord para matulungan tayo na hindi magkasala at hindi mapahamak dahil sa kasalanan. Siya naglagay ng fire alarm at fire exit. Pero may responsibility ka na tumayo sa kinauupuan mo at maglakad palabas.
Heto ngayon ang point ni Paul sa sumunod na section, vv. 14-22. Bungad niya, “Kaya nga…” (v. 14). “Therefore…” (ESV). In light of the practical dangers of falling into temptation to worship idols, to commit sexual sins, to put God to the test, to grumble (vv. 7-10), ano ngayon ang dapat nating gawin? Sasagutin niya ‘yan sa vv. 14-15. At bakit naman natin dapat gawin yun? Yun naman ang sasagutin sa vv. 16-22. Last week, nakita nating yung mga motivations na binigay niya ay practical. Ngayon naman, mainly theological in nature.
Bago natin tingnan kung ano ang iniuutos sa ating gawin, alalahanin muna natin ang motivation or intention ni Paul bakit niya ito sinabi sa mga taga-Corinto, “Kaya nga, mga minamahal…” (v. 14 MBB). ESV, “my beloved. “Mga minamahal ko” (Ang Biblia). Ganyan din ang tawag niya sa kanila sa 4:14 (“my beloved children”) at 15:58 (“my beloved brothers”). Sinasabi ko sa inyo, kahit masakit pakinggan, because I love you. A loving parent doesn’t tolerate sin sa kanyang minamahal na anak. Tolerance is not loving: Kung saan ka happy, suportahan kita. Pero paano kung ikapapahamak niya? Yung pagbibigay ng warning, pag-rebuke at pagdidisiplina, yun ang loving.
Command: Flee from Idolatry (10:14-15)
Ano ang utos sa atin ng Diyos? Sa verses 7-10, meron nang apat, “Huwag kayong sasamba sa ibang diyos…huwag kayong gagawa ng kasalanang sekswal…huwag n’yong subukin ang Diyos o pagdudahan ang kanyang kabutihan at kapangyarihan…huwag kayong magrereklamo.” Dito sa v. 14, mas may diin, mas may sense of urgency na. “…flee from idolatry” (ESV). Pinag-isa na yung lahat ng mga kasalanan, kasi naman ang essence ng lahat ng kasalanan ay idolatry, failure to trust God above all. Kaya yun ang first commandment, “You shall have no other gods.” Idolatry is loving others, trusting others, obeying others more than God. So ang sexual sins idolatry. Ang grumbling idolatry. Ang anxiety idolatry. Ang pagsisinungaling idolatry. Ang pananakit ng kapwa idolatry din.
Medyo soft lang ang translation ng ASD, “huwag kayong sasamba sa mga dios-diosan.” Pero sa MMB, “iwasan ninyo.” Mas tumpak, “lumayo kayo” (Ang Biblia 2001), o layuan n’yo, o takbuhan n’yo palayo. Run, run away as quick as you can, without hesitation. Responsibility natin ‘yan. Kapag may temptation, hindi mo kakantahan ‘yan, “O tukso layuan mo ako.” No, ikaw ang lalayo at kakaripas ng takbo palayo sa tukso. The word used here pheugo is always used to mean “flee from danger.” Tatakbo ka palayo sa isang bagay na ikapapahamak mo. Ginamit din ‘yan sa Matt. 2:13 nang utusan ng Diyos sila Jose para tumakas papunta Egypt kasi papatayin ni Herodes ang bata. Sa Matt. 3:7, to flee from the wrath to come, sabi ni John the Baptist. Sa Matt. 24:16 naman tungkol sa pagtakas papunta sa bundok para makaiwas sa darating na paghihirap. Lalayuan natin ang idolatry kasi delikado, ikapapahamak natin.
The tense of the verb is present imperative. Ibig sabihin, hindi ito one time act or decision, but moment-by-moment, day-by-day duty na dapat nating gawin, kasi our hearts are prone to idols everyday. Sabi nga ni John Calvin, itong puso natin “idol factory.” We are “prone to wander, prone to leave the God I love.” So, araw-araw na laban ‘to. Layuan ang anumang pinahahalagahan natin nang higit sa Diyos, at lapitan ang Diyos – sambahin siya, mahalin siya, magtiwala sa kanya, sundin siya above everyone and everything sa buhay natin.
Para sa ‘yo, ano ang most pressing temptation na kinahaharap mo? O kasalanang hanggang ngayon ay kinahuhumalingan mo? At its root is the worship of idols. Meron kang ibang tao o ibang bagay o estado sa buhay na meron ka o gusto mong makuha, at pinahahalagahan mo nang higit sa Diyos. Yung command to “flee from idols” hindi lang yung pagtatanggal ng mga imahen para sambahin. It can be for you – layuan mo ang mga sexual idols o layuan mo ang mga material idols o layuan mo ang mga ministry idols o layuan mo ang mga performance o human approval idols.
Paul was addressing yung about eating food offered to idols dito sa chapters 8-10. Hindi naman ganyan eksakto yung issue natin ngayon. But idolatry is an issue for everyone at any time for any culture. It is a universal problem of the sinful human heart. It is a deep problem. Warning signs are good, but never sufficient. Pwedeng makaiwas ka sa simula, pero kung di magbabago ang tinitibok ng puso mo, babalik at babalikan mo pa rin ang tukso at pagsamba sa ibang diyos. Mangyayari lang yung heart change kung magbabago ang isip at pananaw mo, a change in theological belief, a renewing of the mind (Rom. 12:1-2) tungkol sa kung sino ang Diyos at sino ako na nilikha at iniligtas ng Diyos?
For some of you, baka ito yung first time na marinig n’yo ‘to. I’m praying for faith to believe this truth. For many of us, alam na natin, but we need constant reminders of theological truths na palagi nating nakakalimutan every time we give in to sin.
Meron tayong isip, gamitin natin. Wag basta maniwala sa sinasabi ng iba o ng kultura natin o ng sarili mong puso. Pag-isipang mabuti. Kahit sinasabi ni Paul, o sinumang pastor o tagapagturo, dapat tulad tayo ng mga Bereans na pinag-aaralang mabuti kung ito ba ay totoo (Acts 17:11). Kaya sabi ni Paul sa v. 15, “Kinakausap ko kayo bilang matatalinong tao; husgahan ninyo ang sinasabi ko.” Hindi siya nang-iinsulto, o nambobola. Totoo ang sinasabi niya na matatalino itong mga taga-Corinto, at tayong mga Cristiano, because we have the Spirit of truth (3:12), we have the mind of Christ (3:16). Gamitin natin as we think through the following theological reasons why we must flee from idolatry.
Reason 1: Incompatible with our union with Christ and with his Church (10:16-17)
To make this theological point, ginamit niyang object lesson ang Lord’s Supper. It is clear sa sinabi niyang, “…pag-inom natin sa kopa ng pagpapala (ESV “cup of blessing”) na ating ipinagpapasalamat…pagkain natin ng tinapay na ating pinipira-piraso…” (v. 16). This illustration is fitting kasi ang issue ay “eating of food offered to idols” (8:1; 10:19). Dito sa church we do this sa isang Sunday gathering natin once a month. Mas pag-uusapan pa natin ang tungkol dito when we get to chapter 11. Dito sa vv. 16-17, meron lang siyang dalawang gustong theological truth na gusto niyang ituro sa kanila to help them flee from idolatry.
Communion with Christ (v. 16). Tungkol sa pag-inom, using a rhetorical question, heto ang sabi niya, “Hindi ba’t [ito ay] pakikibahagi sa dugo ni Cristo?” Tungkol sa pagkain naman, “[Hindi ba’t ito’y] pakikibahagi naman sa kanyang katawan.” Yung tinapay nagsisignify ng katawan ni Cristo na namatay sa krus. Yung inumin naman ay ang kanyang dugo na ibinuhos sa krus para sa atin. Ano ang theological significance nito? “Pakikibahagi” o “participation” (ESV), galing sa koinonia na sinasalin din natin na “fellowship.” That is why we call the Lord’s Supper Communion. Yung water baptism, yun ang initial statement natin ng pakikipag-isa natin kay Cristo. Once lang yun. Yung Lord’s Supper naman, tuluy-tuloy, to express the reality of that union.
Parang kasal yung baptism, kung saan nagsimula yung covenant ng marriage. Tapos yung sexual intercourse naman ng mag-asawa ay yung physical expression of that union, parang yung regular observance natin ng Lord’s Supper. Hindi pwedeng kinasal lang without consummation. Hindi pwedeng nagpabaptize ka lang without joining the Lord’s Supper. And if you are married to Christ, you must not belong to another. As you take the Lord’s Supper, sinasabi mo by faith that he alone satisfies you. No space for idols in this relationship. Kung may asawa ka na, and you go to bed with him, tapos you’re thinking of another man or woman, or may times na you go to bed with another, adultery yun. Kaya yung idolatry, spiritual adultery ang tawag ng Diyos. Yung idolatry ay incompatible with our union with Christ.
Pero hindi lang vertical aspect ang Lord’s Supper, meron ding horizontal. Kaya nga we don’t do it privately, at hindi rin sa family or any small groups, but as a whole church. Yun naman ang point ng v. 17.
Communion with his Church (v. 17). Meron tayong fellowship with Christ, meron din tayong fellowship with one another. “Kaya nga, dahil iisa lamang ang tinapay, tayo’y iisang katawan kahit na tayo’y marami, sapagkat nagsasalu-salo tayo sa iisang tinapay.” One bread, one body. Ang church natin, many members, pero one body. That’s the point of 1 Cor. 12:12. We’ll explore this more when we get to that chapter.
Sa baptism, ang isang tao ay nakipag-isa hindi lang kay Cristo kundi sa church. Sa Lord’s Supper naman, tayo na marami ay pinag-iisa ng Diyos (Bobby Jamieson). So, yung Lord’s Supper important for the unity of the church. Yes, work ng Holy Spirit yung unity na ‘yan (12:13), pero ginagamit niya ang Lord’s Supper to remind us of that. Kaya hindi pwedeng maging Christian ka na mag-isa, without joining a local church. Yes, individually temple tayo ng Holy Spirit (6:19), we can worship God everywhere, kahit mag-isa tayo. But the local church is also the temple of the Spirit (3:16-17). To be totally devoted to God in worship, mahalaga ang church membership. Kasi kapag nagmember ka sinasasabi mo, “I’m joining this church to join them in worshipping God together.” Sa kung nagkakasala tayo, we are failing in worship and devotion to God, merong church discipline. Merong tutulong sa ‘yo para maibalik ka sa mainit na pagsamba sa Diyos.
We must flee idolatry because it is incompatible with who we are as Christians – united with Christ and his Church.
Reason 2: Incompatible with God’s passion for his own glory (10:18-22)
Kanina, Lord’s Supper ang ginamit niyang reference, yung present experience nila. Dito naman, yung historical reference sa Israel, katulad ng ginawa niya sa vv. 1-13. “Tingnan ninyo ang bansang Israel…” (v. 18). Dapat nating alalahanin na God rescued them para maging exclusive ang pagsamba nila sa kanya. Wala dapat ibang diyos, kasi wala naman talagang iba maliban kay Yahweh. Pero itong mga Israelita, parang ginawa nilang collectibles ang mga idols, the more the merrier, the better. Ganun din mga tao ngayon. “Most people honored gods whom they thought were useful. Some believed that there was ‘safety in numbers’ and worshiped a smorgasbord of deities. The more gods that were honored, the better their chance of success in life” (David Garland).
Sa Christian life, walang “strength in numbers.” We just need One. The nature of who God is demands exclusive allegiance. Kung meron namang ibang diyos sige sambahin mo. Pero sabi ni Paul, wala namang iba. But be careful na maging guilty ka by association. “Hindi ba’t ang mga kumakain ng mga handog ay nakikibahagi sa ginagawa sa dambana” (v. 18)?
Halimbawa, nagdinner ka kasama ni Yorme, ibig sabihin in a way meron kang relationship sa kanya, sinusuportahan mo siya. Tapos kinabukasan nagdinner ka naman kasama ang karibal niya sa politics, na isa ring kilalang drug lord. You also associate yourself with him. Ganun din pag sila kumain sa loob ng pagan temples, hindi lang siya social meal. Association din siya sa idols na sinasamba nila. Eating with them becomes an act of worship.
Pero akala ko ba wala naman talagang ibang diyos? Wala namang existence talaga ang ibang diyos. Hindi ito parang SEA Games na merong gold and silver, merong number 1 at number 2, na para bang si Yahweh top-ranked God, tapos merong iba na lower ranks. No. Sa Diyos walang ranking. He’s the only one. So bakit big deal yung pagkain sa mga pagan temples? Ikaklaro ni Paul ang significance niyan. “Anong ibig kong sabihin? Sinasabi ko bang ang diyus-diyosan, o ang pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan ay may kabuluhan? Hindi! Ang ibig kong sabihin, ang mga pagano ay nag-aalay ng kanilang handog sa mga demonyo, at hindi sa Diyos. Ayaw kong maging kaisa kayo ng mga demonyo” (vv. 19-20)?
Walang ibang diyos. So idolatry is non-sense. Pero hindi balewala. Merong significance. Demonic nga lang. Dahil gawang demonyo ang tanggalin sa trono ang Diyos mula pa sa simula. Idolatry is destructive, we saw that last week. Ngayon naman, idolatry is demonic. Hindi mo lang basta ginagawa kung ano ang gusto mong gawin, you are acting contrary to God’s will and aligning yourself with the cause of Satan. You are participating in his purpose and intention na tanggalin ang pagka-diyos ng Diyos. That is the ugly and evil nature of idolatry. That is why we must take this seriously, kahit in seemingly trivial matters as eating and drinking.
“Hindi kayo makakainom sa kopa ng Panginoon at gayundin sa kopa ng mga demonyo. Hindi kayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at makisalo rin sa hapag ng mga demonyo” (v. 21). Ang point dito ay ang impossibility na paghaluin ang pagsamba sa Diyos at sa pakikiisa sa mga demonyo. Sa ESV, “You cannot…you cannot…” O kaya, “not able,” o “imposible.” Hindi mo pwedeng paghaluin ang tubig at langis. Hindi mo pwedeng sabihing “Sana dalawa ang puso ko.” Isa lang ‘yan, created by God for the worship of God (and nothing else) to be satisfied by God (and nothing else can really satisfy). Hindi ka pwedeng mamangka sa dalawang ilog. Parang nanliligaw ng dalawa o tatlo para makasigurado. Pag nabasted ng isa, meron pang iba. Imposible, sabi ni Jesus na sambahin ang Diyos at sambahin ang pera (Matt. 6:24). Either we will love the one and hate the other. Sabi din ni Joshua sa generation na nakapasok sa promised land, pumili kayo kung sino ang sasambahin ninyo. If God is God, worship him and him alone (Josh. 24:15).
Dahil kung pipilitin nating ihalo ang pagsamba sa ibang diyos sa pagsamba sa tunay na Diyos, we are provoking him to jealousy. Hindi lang ito basta selos ng asawa mo kung mahuli ka na ka-text ang ex mo. Pero yung galit na kapag isang araw ay inuwi mo sa bahay ang ex mo at sabi mo sa asawa mo, “Dito na siya titira ha, tabi-tabi tayo para masaya.” Ang bagsik ng galit ng asawa mo ay di maikukumpara sa bagsik ng galit ng banal at makapangyarihang Diyos. Kaya dalawang tanong ni Pablo sa v. 22, “Nais ba nating manibugho ang Panginoon? [ESV, “Shall we provoke the Lord to jealousy?” Siyempre dapat hindi! At delikado kung gagawin natin, in light of his power.] Akala ba ninyo’y mas makapangyarihan tayo kaysa sa kanya? [Siyempre hindi!]”
Yung “provoke…to jealousy” one word sa Greek, parazelou, diyan galing yung zeal, jealous, or selos. Although negative usually ang dating ng selos, pero mas akma yung zeal ng Diyos to protect his glory, para protektahan din ang relasyon niya para sa atin, and also for our good din naman siyempre. Ang “jealousy” ay essential part of God’s character. Although si Oprah offended sa presentation ng Old Testament about God’s jealousy. Pero evident sa Scripture na ang Diyos natin ay “continually and earnestly seeks to protect his own honor” (Wayne Grudem, Systematic Theology).
Ipinagbawal niya ang pagsamba sa mga idols, “for I the Lord your God am a jealous God” (Exod. 20:5). Gusto niya na ang pagsamba sa kanya lang ibibigay. Kaya nang pumasok ang Israel sa lupain ng Canaan na ang mga nakatira ay idol worshippers, inutusan silang sirain ang mga altar na ginagamit sa pagsamba sa mga false gods, “For you shall worship no other god, for the Lord, whose name is Jealous, is a jealous God” (Ex. 34:14; cf. Deut. 4:24; 5:9; 6:15). Ang “jealous” ay hindi lang bahagi ng karakter niya, ito ay pangalan niya. “God’s jealousy means that God continually seeks to protect his own honor” (Wayne Grudem).
Kung sariling honor natin ang pag-uusapan, negatibo talaga yun, and prideful of us. Pero tama lang sa Diyos because he deserves it fully: “My glory I will not give to another” (Isa. 42:8; cf. 48:11). Kaya kung wala tayong ganyang zeal or passion for the glory of God, delikado tayo, for God is righteously angry and vengeful para protektahan yung honor niya. Kaya yung mga references sa jealousy ni God laging nakakabit yung galit niya kung hindi siya ang sasambahin natin. Tulad ng Deut. 6:15, “sapagkat si Yahweh na inyong Diyos ay mapanibughuing Diyos; kapag sumamba kayo sa diyus-diyosan magagalit siya sa inyo at lilipulin niya kayong lahat.”
We must flee idolatry because it is incompatible with who God is – zealous to protect his unrivaled glory. May judgment because of his passion for his name. Nagsimula ang text natin sa v. 14 na “Flee idolatry!” Nagtapos naman sa v. 22, with another warning, dahil kung hindi, dadanasin mo ang bagsik ng kapangyarihan ng Diyos na magparusa sa kasalanan. Kung di ka lalayo sa idolatry, palapit ka naman sa galit at parusa ng Diyos. Di ka makakatakas. Maliban na lang kung magtitiwala ka kay Cristo. Mahirap kalabanin ang Diyos. It is a fearful thing to fall into the hands of an angry God. Ang tanging pag-asa lang natin ay si Cristo, siya na umako ng bagsik ng galit ng Diyos nang mamatay siya sa krus. We flee idols not merely by being afraid of the wrath of God but trusting God’s provision of salvation in Jesus.
Conclusion
So yung “way of escape” sa temptation (v. 13) ay walang iba kundi yung provision ni Lord sa atin in the gospel. Kasi naman kung ang ugat ng idolatry ay theological in nature, unbelief, maling pagkaunawa at paniniwala tungkol sa kung sino ang Diyos at sino na tayo ngayon sa pakikipag-isa natin kay Cristo, then ano yung solusyon? Magkaroon tayo ng tamang pagkaunawa at paniniwala kung sino ang Diyos, ano ang ginawa niya para sa atin sa pamamagitan ni Cristo at kung sino na tayo ngayon dahil kay Cristo. That is why we preach the gospel over and over again. Dahil wala nang ibang solusyon sa puso natin na madaling makalimot kundi ang paulit-ulit na paalala tungkol sa magandang balita.