In Times of Temptation (1 Cor. 10:1-13)

Peached by Derick Parfan on December 1, 2019 at Baliwag Bible Christian Church

The Sins of Our Parents

We are prone to repeat the sins of our parents. And we sometimes use that as justification for our sins. “Si tatay kasi, si nanay kasi.” Instead of taking responsibility for our actions. Yung iba naman, nandun na yung feeling of defeat, suko na, wala nang mangyayari dyan, ganito na lang talaga ako. We forget na merong purpose ang Diyos kung bakit niya tayo iniligtas, for our sanctification, para mapagtagumpayan ang kasalanan at maging tulad ni Cristo. Yung iba naman, resolved/determined talaga to change themselves. “Di ko tutularan ang tatay ko. Magiging faithful ako sa asawa ko. Iba ako.” Pero ganun din naman ang mangyayari. Bakit? Kasi sariling sikap, sa sarili nagtiwala. 

The truth is, we need help. We need God. We need his Word. We need the church. We need everyone teaching us and reminding us of the Word.

Ganito ang ginagawa ni Paul sa sulat niya sa mga taga-Corinto. Dito sa section sa 1 Cor. 8-10, ipinapaalala niya na meron tayong obligasyon sa iba pang believers. Kaya dapat maging maingat tayo na maging dahilan pa ng pagkakasala ng iba (8:9, 12), at baka mapahamak pa sila (v. 11). Although it doesn’t necessarily mean eternal destruction, siyempre kung totoong believer siya, but chapter 10 will indicate that we might be a reason for hindering others to persevere to the end. We have a solemn responsibility to one another.

Pero siyempre di mo pwedeng sisihin ang iba. Dapat disiplinahin mo rin ang sarili mo. Ito yung point at example ni Paul sa chap. 9. Dahil kung hindi, sabi ni Paul, baka ma-disqualify siya (v. 27). Though sinabi ko na sa context na ‘to ay disqualification from rewards yung binabanggit niya, makikita natin ngayon sa chapter 10 na merong warning about a more serious danger. 

Kaya dapat maging maingat ang bawat isa sa atin. Tama ngang na-eenjoy natin yung benefits of the gospel and we are in fellowship with God’s people, pero meron pa rin tayong solemn duty to mag-ingat, siyasatin ang sarili natin, at hindi maging kampante sa sarili natin. Eto yung warning niya sa first five verses ng chapter 10.

Great tragedy in spite of great blessings (10:1-5)

Malaki ang trahedyang sinapit ng iba sa kabila ng maraming biyayang naranasan nila. Ito yung lesson na nais ni Pablo na matutunan nila, lalo na’t marami sa kanila ay ignorante pa dito kasi mga Gentiles or non-Jewish sila (di tulad ni Pablo) at hindi masyadong familiar sa history ng Israel. At kung meron mang sa kanila ay familiar dito, gusto ni Paul na ipaalala sa kanila itong mga valuable historical lessons. Tayo nga may kasabihan, “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” Pero yung Old Testament Israel ba ang pinanggalingan nitong mga Corinthian Christians? Yes, sabi ni Pablo. “Mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno (ESV, “our fathers,” although sa ASD, “aming mga ninuno” ang salin) noong panahon ni Moises” (v. 1 MBB). Para kay Pablo, merong “continuity” sa pagitan nila at ng OT Israel (ESV Study Bible), dahil kay Cristo siyempre.

So, ano yung dapat nilang alalahanin sa history na ‘yan? Maraming blessings si Lord sa mga Israelita. Ang primary historical reference dito ay yung nangyari sa Exodus kung paanong pinalaya ng Diyos ang 2 milyong Israelita sa 400 years of slavery sa Egypt, at kung paano sinubaybayan sila ng Diyos throughout their journey hanggang makarating sila sa promised land. Anu-anong blessings yun? 

  • They received the daily protection of God. Silang lahat ay naliliman ng ulap sa kanilang paglalakbay at sa pagtawid sa Dagat na Pula” (v. 1). Paglabas nila sa Egipto, sinamahan na sila ng Diyos through a pillar of cloud by day and pillar of fire by night (Exod. 13:21), hanggang makatawid sila sa Red Sea. Nakita nila kung paanong iniligtas sila mula sa mga sundalo ng Egipto. Sa buong paglalakbay nila nandun ang proteksyon, pagsama, at pagsubaybay ng Diyos.
  • They received a new identity as the people of God. Kung paanong sa pagtawid nila sa dagat, napapaligiran sila ng tubig, at nagsisilbing picture of baptism. Kaya sabi rin ni Paul, Sa gayon, nabautismuhan silang lahat sa ulap at sa dagat bilang mga tagasunod ni Moises” (1 Cor. 10:2). Kinilala nila ang Diyos, kinilala din nila si Moises na pinadala ng Diyos to lead them (Exod. 14:31). They were God’s people. And God promised to take good care of them. So…
  • They received the bounty of God’s provision. Pinakain sila ng Diyos, “Kumain silang lahat ng iisang pagkaing espirituwal” (1 Cor. 10:3). Yung espirituwal dito I take to mean as supernatural physical provision. Yun yung “manna” na “bread from heaven” (Psa. 105:40) na 40 years na supply ng Diyos sa kanila (Exod. 16:35). Tinawag din yung “bread of the angels…food in abundance” (Psa. 78:25). Pinakain sila, pinainom din sila, at uminom din ng iisang inuming espirituwal, sapagkat uminom sila sa batong espirituwal na sumubaybay sa kanila, at ang batong iyon ay si Cristo” (1 Cor. 10:4). Paano nga naman sila magkakaroon ng drinking supply sa disyerto if God will not provide supernaturally? Kaya hinampas ni Moises ang bato at doon umagos ang tubig na inumin nilang lahat (Exod. 17:6; Num. 20:11). 

Merong ulap, merong apoy, merong bato, lahat ay picture ng provision at protection ng Diyos sa kanila ay his people. Pero ano ang ibig sabihin ni Paul ng sabihin niyang yung spiritual Rock na sumusubaybay throughout their journey ay si Cristo? Posibleng it is a case of the pre-existence of Christ the Son of God. Di siya nagsimula sa kapanganakan sa Bethlehem. Sa OT, and from eternity past, meron na siyang real existence and presence. Posible ring it is a case of typology, ibig sabihin, yung batong yun ay anino lang ng reality na si Cristo, o ang katuparan nito ay si Cristo na siyang source of God’s bountiful provision for us – the living water, the bread of life (John 4:13-14; 6:35, 48) – na dahil kay Cristo God has provided for what we ultimately need. Na hindi tayo nabubuhay sa pamamagitan lang ng tinapay at inumin, kundi sa bawat salita ng Diyos (Deut 8:3), and that Word is Christ. 

Tulad ng mga Israelita we have received so much blessings from God. Lahat tayo. Pansinin n’yo paulit-ulit dito si Paul, “silang lahat…silang lahat…silang lahat…” No one can claim that they were deprived of God’s provision and protection. Tayo ring lahat na nakay Cristo, we have been blessed beyond our imagination. Actually, greater blessings ang tinanggap natin.

Kasi ang ilan sa mga Israelita ay may sinapit na malaking trahedya. “Gayunman [positibo ang karanasan nila, pero negatibo ang kinahinatnan nila] hindi kinalugdan ng Diyos ang marami sa kanila [hindi lang ito little displeasure o nainis lang, but severe act of judgment, ang ebidensya?], kaya’t nagkalat ang kanilang mga bangkay sa ilang” (1 Cor. 10:5). After less than two years ng journey nila, papasukin na nila yung promised land. Pero natakot sila, di sila nagtiwala sa Diyos, pinagdudahan nila ang kapangyarihan, kabutihan at katapatan ng Diyos. Nagalit ang Diyos sa kanila. Sa loob ng 40 taon nagpaikut-ikot sila sa disyerto hanggang mamatay ang lahat ng lumabas sa Egipto 20 years and older (Num. 14:29-30, 34-35). 

Di tulad ng Panginoong Jesus, ang Anak ng Diyos, with whom God the Father is well-pleased God (Matt. 3:17; 12:18; 17:5). Buung-buo ang tiwala at pagsunod niya sa Diyos. Pero siya pa ang pinarusahang mamatay, at ang kanyang bangkay ay inilibing, ngunit sa ikatlong araw ay muling nabuhay. Malaking trahedya ang sinapit niya para mapasaatin ang maraming biyaya niya.

Sinasabi ito ni Pablo sa kanila para hindi nila ma-miss out yung blessings na yun, para makaiwas sila sa great tragedy. Kasi naman, great tragedy is still possible even with those who have enjoyed great spiritual and gospel benefits. Ang isang mahirap, lumaki na walang ama, di nakapag-aral, kung mauwi sa kulungan dahil sa gumawa ng krimen ay di masyadong nakapagtataka. Pero ang isang anak ng mayaman at mapagmahal na ama, ang mapariwara at makulong, that’s scandalous and unthinkable. 

It is a warning. You may be going to church without coming to Christ. Or born into Christian parents, without being genuinely born again. Or participating in spiritual activities, while remaining spiritually dead. Or being a member of a local church, but not being a member of Christ. Or hearing the gospel over and over again, without really believing the gospel. What a tragedy. Sinasabi ko ito sa inyo para maiwasan n’yo ang malaking trahedyang ito. Ganito rin ang nais ni Pablo. Paano maiiwasan?

Avoiding tragedy by taking responsibility (10:6-10)

Di natin dapat tularan ang masamang halimbawa ng iba kung ayaw nating sapitin ang trahedyang sinapit nila. Kaya mahalagang matutunan natin ang kasaysayan ng nangyari sa Old Testament. Yes, nagtuturo ito sa atin sa pagdating ni Cristo, that we need a great Savior. Si Cristo ang babago sa atin. Salita ng Diyos ang gagamitin niya para di tayo matulad sa mga nangyari sa Israel. Kaya sabi ni Pablo, “Ang lahat ng mga nangyaring iyon ay babala sa atin upang huwag tayong maghangad ng masasamang bagay, gaya ng ginawa nila” (1 Cor. 10:6). Kung ayaw mong matulad sa sinapit nila, ‘wag mong tularan ang masamang ginawa nila.

Ang masamang ginawa nila nagsimula sa masamang hangarin na nasa puso nila (James 1:14-15), this war is a battle of desires. Tulad ng sa Numbers 11:4, meron silang “strong craving” kaya dahil sa hirap sa wilderness journey nila mas gugustuhin pa nilang bumalik sa Egypt, “Oh that we had meat to eat!” Ano kinahinatnan nila? Sobrang nagalit ang Diyos and God killed them with a great plague (11:33).

Ibang-iba si Pablo, “I would never eat meat” kung yun ang ikatitisod ng iba (Num. 8:13). Kaya dito sa 1 Cor. 10:7-10 nagbigay siya ng apat ng bagay na di natin dapat tularan sa kanila para di natin sapitin ang trahedyang dinanas nila. Puro utos ito na di natin dapat gawin, we must take it as our personal responsibility at di na natin dapat isisi sa ibang tao o sa kalagayan natin sa buhay.

  • Idolatry. Huwag kayong sasamba sa mga diyus-diyosan (ESV, “Do not be idolaters”), gaya ng ginawa ng ilan sa kanila. Ayon sa nasusulat (sa Exod. 32:6), “Umupo ang mga tao upang magkainan at mag-inuman, at tumayo upang magsayaw.” Eto yung worshipful celebration nila hindi para kay Yahweh na naglabas sa kanila sa Egypt at kabibigay lang ng 10 Commandments na yung first two ay may kinalaman sa allegiance nila to worship no other gods. Sinuway na agad nila nang gumawa sila ng golden calf na sinamba nila. Tatlong libo ang patay (Exod. 32:28), reminding us that idolatry will destroy us. And actually, yung “tumayo upang magsayaw” (they rose up and play, ESV), sabi ng ilan ay euphemism daw for sexual orgies. Kaya yun yung sumunod na warning ni Paul.
  • Sexual immorality. Huwag tayong makikiapid (ASD, gumawa ng sekswal na imoralidad), gaya ng ginawa ng ilan sa kanila, kaya’t dalawampu’t tatlong libong tao ang namatay sa loob lamang ng isang araw” (1 Cor. 10:8). Tinalakay na ‘to ni Paul sa chapters 5-6. At dito naman ang historical reference ay sa Numbers 25. Nangyari ‘to nang malapit na sila sa Moab, malapit na sa promised land. Itong mga Israelita nagcommit ng sexual sins sa mga taga-Moab, at sumamba na rin sa mga diyus-diyosan nila. Pansinin n’yo na closely connected ang sexual sins sa idolatry. Ano’ng nangyari? Ayon kay Paul, 23,000 ang namatay. Pero sa Num. 25:9, 24,000 ang nakasulat. Kaya sabi ng iba, “Tingnan n’yo may mali sa Bible, mali si Paul.” Well, yung 23000 estimated number yun, di exact. Yung 24000 din naman hindi exact figure. The point is the same, to emphasize the great number and great danger of sexual sins and idolatry. Be killing sin or sin will be killing you, sabi nga ng Puritan na si John Owen.
  • Putting God to the Test. Ito yung paulit-ulit nilang ginawa, pero ang reference ni Paul sa 1 Cor. 10:9 ay nasa Numbers 21, Huwag nating susubukin si Cristo, dahil sa ginawa nila, pinuksa sila ng mga ahas.” May note sa MBB na “Sa ibang matatandang manuskrito’y ang Panginoon” na siyang sinunod ng salin ng ASD. Mahirap nga namang intindihin na si Cristo ang sinubok nila e parang wala pa namang si Cristo nun. Pero sa textual criticism, o yung discipline ng pag-aaral kung ano ang nasa original manuscript na sinulat ni Paul, kung harder reading mas malamang na original, kasi yung mga kokopya nito may tendency na padaliin ang pagbasa (like changing yung “Christ” to “Lord”). Kung sinubok naman natin ang Diyos – we are testing the Father, the Son, the Spirit – na di natin dapat gawin. Nung panahong yun, reklamo sila nang reklamo, tinuklaw sila ng ahas as a punishment, marami ang namatay (Num. 21:4-6). Hindi lang sexual sins ang nakamamatay, pati ang pagrereklamo, dahil ‘yan ay nagpapakita ng di pagtitiwala sa kabutihan ng Diyos, which is also the essence of idolatry. Kaya yung ang sinabi rin niya sa 1 Cor. 10:10.
  • Grumbling. Huwag din tayong magreklamo, tulad ng ilan sa kanila, kaya’t nilipol naman sila ng anghel na namumuksa.” Nakasulat ‘yan sa Num. 16:41-50, 14,700 ang namatay sa salot na padala ng Diyos bilang parusa. 

Alam nating dahil kay Cristo naligtas tayo. Siya ang tinuklaw ng ahas, umako ng salot, namatay sa krus, para lahat ng titingin sa kanya ay maliligtas (John 3:14-15). Pero hindi ito nangangahulugang malaya na tayong gumawa ulit ng kasalanan. Kung totoong Cristiano ka, lalaban ka, papatayin mo ang kasalanan, kung ayaw mong ito ang pumatay sa ‘yo. Jesus died so that we may pursue holiness. Seryosong usapan ‘to.

Meron tayong personal responsibility about this: “Mga kapatid, ingatan ninyong huwag magkaroon ang sinuman sa inyo ng pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa Diyos na buháy. Sa halip, magpaalalahanan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang ‘Ngayon’ upang walang sinumang madaya sa inyo ng kasalanan at sa gayo’y maging matigas ang puso” (Heb. 3:12-13). Meron din tayong responsibility as members of this church para paalalahanan ang bawat isa, para sawayin ang nagkakasala at sabihing, “Kung magpapatuloy ka dyan, delikado ka.” 

Kailangan natin ang isa’t isa. But we can only do so much. Buti na lang, sapat ang tulong na galing sa Diyos – through his Word for us, through his Spirit in us. That’s the point of vv. 11-13.

Enough help available (10:11-13)

Tapat ang Diyos na tutulong sa atin para makaya nating pagtagumpayan ang anumang tukso para manatili tayong tapat sa kanya hanggang wakas. Itong salita ng Diyos sa Old Testament, these stories of God’s people then, regalo ng Diyos para sa atin. That is why we read the Bible everyday! “Nangyari iyon sa kanila bilang babala sa iba, at isinulat (nakasulat ‘yan sa Bibliya!) upang tayo namang nabubuhay ngayong mga huling araw ay maturuan” (1 Cor. 10:11). Ibinigay ng Diyos ang Salita niya – yung mga stories, yung mga commands, yung mga promises as God’s gift to us, for our redemption, for our sanctification, for overcoming sins in our life.

Kapag hindi ka nagbabasa ng Bibliya nang regular, kapag di ka nakikinig ng mga mensaheng galing sa Diyos, sinasabi mong di mo kailangan ang salita niya, ang tulong na galing sa kanya. “Di mangyayari sa akin ‘yan. Kaya ko ‘to, kakayanin ko, di ko kailangan ang tulong ng Diyos at ng ibang tao.” Beware of the danger of pride and self-sufficiency. Yun ang warning ni Paul sa v. 12, “Kaya’t mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya’y nakatayo, at baka siya mabuwal.” Mananatili kang nakatayo kung aaminin mong di mo kayang tumayo nang mag-isa. Pero “ang kayabangan ay humahantong sa kapahamakan, at ang nagmamataas ay ibabagsak” (Prov. 16:18 ASD). Kung di mo nakikita ang asawa mo na nagbabasa ng Bibliya, wag kang magtaka kung ‘yan ay mahulog sa tukso.

Yung iba naman, ang response sa temptations ay despair, yung feeling na wala nang pag-asang mapagtagumpayan. This is also unbelief. Kaya sabi ni Paul, “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao” (v. 13). Sa ESV, yung “pagsubok” (trial) ay “temptation.” Yung peirasmos naman kasi sa Greek ay pwedeng i-translate either way. Hindi ang Diyos tumutukso sa atin para magkasala (James 1:13). Si Satanas ang tumutukso, simula pa kay Adan at Eba, hanggang sa Israel, hanggang ngayon, para ibagsak tayo. Sa perspective and purpose ng Diyos, sinusubok niya ang faith natin, para patibayin ito, para mas magtiwala tayo sa kanya. 
Minsan kasi pagdating ng tukso o pagsubok, halimbawa tungkol sa sexual temptation, o sa temptation sa pera, kapag bumagsak tayo sasabihin natin, “Tao lang, ganun talaga natutukso.” Tulad ng isang teacher na narinig ko. Minsan akala natin yung law of gravity ang dapat laging masunod [tulad ng panyo na babagsak ‘pag binitawan ko.] Na para bang yung law of our sinful nature ang dapat masunod. But we are under a higher law, a greater power. May hahawak sa atin. 

Ituloy natin ang v. 13, “Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo’y subukin nang higit sa inyong makakaya.” Ang problema yung iba ginagamit ito para i-counsel yung iba, “Di ka bibigyan ni Lord ng ganyang pagsubok kung alam niyang di mo kaya. Alam ni Lord kaya mo ‘yan. May tiwala siya sa ‘yo.” Di nga natin kaya. Marami ngang bumagsak at nabigo sa pagsubok. May song pa nga, “Ikaw lang ang nagtiwala sa akin.” Ha? God does not give us trials dahil bilib siya sa atin. Kundi para tayo ang bumilib sa kanya. Meron naman kasing mga temptations na di natin kinakaya. Ilang beses na tayong bumagsak. But the good news for us, we don’t have to fall. Kasi merong Diyos na tumutulong sa atin kahit sa mga panahong parang wala nang pag-asa.

Tulad ng experience ni Paul, “Napakabigat ng mga dinanas namin doon, halos hindi na namin nakayanan at nawalan na kami ng pag-asang mabuhay pa. Ang akala namin noon ay katapusan na namin. Ngunit nangyari ang lahat ng iyon para matuto kami nahuwag magtiwala sa aming sarili kundi sa Dios na siyang bumubuhay ng mga patay” (2 Cor. 1:8-9 ASD).

God is faithful! Siya ang katiwa-tiwala hindi tayo. Ang kakayahang tinutukoy dito ay hindi sarili nating kaya, kundi ang lakas na bigay ng Diyos to help us say no to temptation and yes to trusting and obeying him. Malinaw ‘yan sa dulo ng 1 Cor. 10:13, “Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito” (MBB). Merong “way of escape” na ibibigay ang Diyos. Kaya ‘wag mong sasabihing, “Wala nang mangyayari dito, habang buhay na akong ganito. Di ko na kayang pagtagumpayan ang porn, adultery, materialism, spiritual apathy.” Ibinigay ng Diyos ang salita niya applied by the Spirit in our hearts para palitan yung unbelief natin ng faith, para makita natin ang glories of Christ in the gospel. To change our hearts, not just to change our habits.

Our confidence to persevere is in the Word of God, and God’s faithfulness to be true to his promises. At ito ay clearly demonstrated in the gospel, sa ginawa ni Cristo para sa atin. Tinukso siya, pero di siya nagkasala. Tinuklaw siya ng ahas, pinatay sa krus, at inako ang parusa na nararapat sa atin na paulit-ulit na di nagtiwala at sumuway sa Diyos. Nabuhay siyang muli para sinumang magtitiwala sa kanya ay magkakaroon ng bagong buhay at kapangyarihan to resist every temptation and to overcome every trial by faith, by looking to Jesus the author and perfector of our faith (Heb. 12:1-2). 

What’s the point of 1 Cor. 10:1-13? Para hindi mo maranasan ang trahedyang dinanas ng iba, huwag mong tularan ang ginawa nila. Sa halip ay magtiwala sa Diyos na tutulong sa ‘yo at magbibigay ng lahat ng kailangan mo para pagtagumpayan ang anumang tukso o pagsubok na darating sa ‘yo.

Nasaan ang kumpiyansa mo? Sino ang may hawak ng buhay mo? Sa sagot sa tanong nakasalalay ang kahihinatnan ng buhay mo.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.