Last week: what of church discipline
Sinimulan nating pag-aralan ang 1 Corinthians chapter 5 last week. Itutuloy natin ngayong pag-usapan ang tungkol sa church discipline na siyang subject nitong chapter na ‘to. And last week, meron akong tatlong bagay na binigyan ng diin. Yung una ay ang pagsasagawa ng church discipline sa konteksto ng church membership. Ang lalaking tinutukoy ni Paul dito ay “among you,” kabilang sa kanila, miyembro ng church (5:1, 13). Kaya mahalaga na maging miyembro ng isang local church tulad ng BBCC. Kung hindi ka pa miyembro, talk to us kung paano. Isa sa benepisyo ng pagiging miyembro ay yung kasama ka sa mga didisiplinahin. Parang sa family lang din. Mga anak mo ang didisiplinahin mo, hindi yung mga anak ng kapitbahay mo. At kung member ka na, kakausapin ka ng mga leaders ng church one on one to make sure na you are still committed sa church covenant natin.
Ang ikalawa naman ay ang proseso ng church discipline. Although dito sa chapter 5, sinasabi ni Paul sa church na tanggalin na yung unrepentant na sexually immoral na miyembro, we assume na merong prosesong pinagdaanan ‘to. Maliban na lang sa mga cases na kapag pinagtagal pa ay makakasama na sa church. Binigyan kayo ng kopya ng process na nakasulat sa by-laws natin na based sa Matthew 18:15-17 at Galatians 6:1-2. In sum, ganito ang proseso: Kung may alam ka na nagkakasala, kausapin mo. Kapag nakinig sa ‘yo at nagrepent, that’s the goal, restoration. Well and good. Pero kapag hindi, magsama ka ng isa o dalawa pa. Another member or one of the elders ng church. Pag di pa rin nakinig, dadalhin na sa grupo ng mga elders o grace community o minisry team na kinabibilangan niya, at kung hindi pa rin sa buong church na. At kung hindi pa rin, saka tatanggalin sa membership ng church.
Iba-iba naman bawat kasalanan, iba-iba ang cases. Merong mabilis lang, merong matagal. Kasi hangga’t maaari we want to communicate love and grace, without tolerating sin. Kasi ang church discipline, pangatlo, ay pag-exercise ng authority na bigay ng Panginoon sa church. Merong authority ang church na tumanggap ng miyembro, meron ding authority na magtanggal. Yun ang point ng Matthew 18:18-20. Pag merong dalawa o tatlo na nagkatipon at nagkasundo sa pangalan ni Jesus, naroon siya sa kalagitnaan natin. Hindi lang ito about prayer meeting, this is about exercising authority sa church discipline. Tulad ng sabi ni Paul sa 1 Corinthians 5:4, kapag sila ay nagkatipon sa pangalan at kapangyarihan ng Panginoong Jesus, merong authority ang church na tanggalin ang sinumang miyembro na nagsasabing Cristiano sila pero di naman nakikita sa lifestyle nila. “…dapat ninyong hatulan ang mga nasa loob ng iglesya” (v. 12). Hangga’t maaari, gusto nating ang mga members ng church ay mga totoong tupa (true and genuine believers) at hindi mga kambing (mga unbelievers na nagsasabing believers sila).
Hangga’t maaari, gusto nating ang mga members ng church ay mga totoong tupa (true and genuine believers) at hindi mga kambing (mga unbelievers na nagsasabing believers sila).
Tweet
Some clarifications about church discipline
So, ang naging focus natin last week ay kung ano ba ang church discipline. Para mas maging klaro yun, I want to clarify two things about it. Based dun sa tatlong natutunan natin about church discipline, I must emphasized na ito ay hindi lang responsibility ng mga pastors and elders ng church na i-confront ang mga sinning members. We must take the lead in that, for sure. But it is a shared responsibility. Every member has a responsibility to confront another member na nahuhulog sa kasalanan. “Mga kapatid, kung may magkasala man sa inyo, kayong mga ginagabayan ng Banal na Espiritu ang dapat tumulong sa kanya para magbalik-loob sa Panginoon” (Gal. 6:1-2). Hindi lang naman mga elders ang led by the Spirit, right? Sino ba kausap ni Paul sa text natin na magtipun-tipon at i-exercise yung authority nila as a church? Hindi ang council of elders, but the whole church in Corinth. Gawin natin ang pagdidisiplina sa konteksto ng pagkakaroon ng culture of discipleship among the members of our church.
Ikalawang bagay na gusto kong i-clarify ay ito: ang pagdidisiplina ay hindi lang para sa pinaka-grabeng kasalanang sekwal. Although that was the case here. Hindi nga lang ito about sexual sins, kasama din dito ang mga binanggit ni Paul sa vv. 9-11, “nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw” (v. 11). Yung mga may bisyo, yung mga may addictions, yung maruming pananalita. At hindi lang yun, but every kind of sin, wala tayong dapat balewalain. No sin, kahit gaano kaliit sa paningin natin, is ever acceptable to God. Kasama sa kailangan nating i-deal sa sarili natin at sa ibang members ay yung stewardship ng time, yung pagpapabaya sa pagtitipon, yung hindi faithful sa giving, yung non-participating sa mga ministries. Church discipline is about the whole church, every member of the church, helping each other make war against sin, every kind of sin.
Now: why of church discipline
Walang madali sa pakikidigma. Patayan ‘to, madugo, nakakapagod. Kaya kung hindi ka motivated, kung hindi buo ang loob mo, kung hindi ka convinced na dapat gawin, susuko ka agad. Kung iniuutos naman ito sa atin ni Lord, ibig sabihin, it is good. Kahit na mahirap. Dapat sundin ng church. Sa bahay nga ganun, kung may inutos kang gawin ng anak mo o ipinagbawal na gawin niya, dapat sumunod agad. Pero nagtatanong pa, “Bakit?” Minsan sagot natin sa kanila, “E basta sumunod ka! Tatay mo ako, dapat sundin!” Pwede namang ganun din ang isagot ni Lord sa atin, pero he is so patient with us, at ipinapaliwanag niyang mabuti para yung puso natin very slow to believe maniwala, makumbinsi, maging confident na the will of the Lord is good for us kahit na mahirap.
Painful, but Good
Kung susunod tayo sa will ni Lord for our church, that will be good for us. Kung hindi, sabi ni Paul, “Your boasting is not good” (v. 6). Yung pride nila, yung failure nila to confront sin, sabi ni Paul, not good. So, discipline, done in humility, grace and God-dependence, is good. Kasi, every time na meron tayong effort na ginagawa para disiplinahin ang kapatid nating nagkakasala, we are reflecting the good image of our good good Father sa kanyang pagdidisiplina sa atin.
Pakinggan n’yo ‘tong mabuti, Hebrews 12:4-11:
“Kung tutuusin, wala pa namang pinatay sa inyo dahil sa pakikipaglaban sa kasalanan. 5Baka nakalimutan nʼyo na ang pangaral ng Dios sa inyo bilang mga anak niya: ‘Anak, huwag mong balewalain ang pagdidisiplina ng Panginoon, at huwag kang panghinaan ng loob kung sinasaway ka niya. 6Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya, at pinapalo niya ang itinuturing niyang mga anak’ (Prov. 3:11-12). 7Tiisin nʼyo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Dios sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama? 8Kung hindi kayo dinidisiplina ng Dios gaya ng pagdidisiplina niya sa lahat ng anak niya, hindi kayo mga tunay na anak kundi mga anak sa labas. 9Kahit ang mga ama natin dito sa lupa ay dinidisiplina tayo, at sa kabila nito, iginagalang natin sila. Kaya lalong dapat tayong magpasakop sa pagdidisiplina ng ating Ama na nasa langit, para maging mabuti ang pamumuhay natin. 10Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Dios ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya. 11Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit ang ibubunga naman nito sa bandang huli ay ang mapayapa at matuwid na pamumuhay.”
Ang pag-practice ng church discipline, bagamat hindi normal sa ibang mga churches, it is not abnormal. It is part of ordinary Christian life. Wag kang magtaka pag dinidisiplina ka. Kasi kapamilya ka. Magtaka ka kung hindi ka dinidisiplina at pinapabayaan ka lang sa kasalanan. Meron tayong Diyos Ama na di tayo hahayaan sa pagkakasala. “…ang pagdidisiplina ng Dios ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya” (v. 10). Masakit ang pagpalo ng Diyos, oo, pero sa bandang huli marerealize natin na yun pala ay para sa ikabubuti natin. To all the parents, kapag dinisiplina kayo ng church, wag kayong magtaka. Kasi you are doing that also to your children. Mga bata, don’t resist the discipline of your parents or the church. Ginagawa yun para sa ikabubuti n’yo.
Discipline is for the Good of the Sinner (5:5)
Sinu-sino sa inyo ang nakaranas ng pagdidisiplina, yung merong nagdisiplina sa inyo, in one way or another? Marami di ba? Merong sumaway sa ‘yo kasi napapansin na meron kang selfish attitude na naka-contribute sa marital conflicts n’yo. Merong pastor na kumausap sa ‘yo kasi meron kang relasyon sa unbeliever. Humarap ka at humingi ng tawad sa mga kasama mo sa ministry team kasi nahulog ka sa pre-marital sex, o adultery, o homosexual relationship. Whatever the case, naranasan mong masaktan kasi merong nagsabi sa ‘yo ng totoo, right? Masakit, pero nandito ka pa rin ngayon, di ka pa umalis sa church. Mabuti ang dulot ng pagdidisiplina. Kahit nga ako, pag sinabihan ng asawa ko sa mga kasalanan at pagkukulang ko, masakit pakinggan, pero totoo, pero kailangan ko, at mabuti sa akin na merong magsasabi para mas maiwasan ko ang mga temptations to be unfaithful, para mas maging active ako sa leadership sa family, at para labanan ko ang pride sa puso ko.
Pero dito sa sinasabi ni Pablo, itatanong natin kung paanong makakabuti na yung taong nagkakasala ay palalayasin sa church? Sabi niya sa v. 5, “Ibigay ninyo kay Satanas ang taong iyan upang masira man ang kanyang katawan, maliligtas naman ang kanyang espiritu sa araw ng Panginoon.” Mukhang it cannot be good kung ibibigay kay Satan. Hindi naman ibig sabihing ipapasundo na sa kanya para dalhin sa impiyerno. Pero kung dun talaga mapunta, trahedya talaga yun. But the intention is to remove him from the church at ibalik sa pangangalaga ng mundo na pinaghaharian ng diyablo (Eph. 2:1-2).
At ano ang inaasahang mangyari? “Upang masira ang kanyang katawan.” Ano namam ang good dun? It is good for a sinner to realize na merong consequences ang kasalanan. At tamang consequence lang yun dahil sinisira niya ang iglesya na katawan ni Cristo at templo ng Espiritu, and whoever destroys that temple must be destroyed, sabi din ni Paul sa 1 Cor. 3:16-17. Ano ibig sabihin ng “destroy” o “masira”? Kung di ka naman talaga titigil sa sexual immorality, pwedeng magka-STD ka. Kung drug addiction, masisira ang isip mo. Kung paglalasing, masisira ang baga mo. Pero hindi lang yung physical consequences ang tinutukoy ni Paul. Anything na ipararanas sa ‘yo ng Diyos for you to realize the destructive consequences of sin.
So bakit ngayon makakabuti ang pagdidisiplina, lalo na yung pagtitiwalag? Kasi way yun para marealize niya na hindi kailanman mapapabuti ang isang taong nagkakasala. Maybe nag-eenjoy ka ngayon, pero one day, and that day may be too late, marerealize mo na hindi pala sarili mo ang sinusunod mo, kundi ang gusto ni Satanas. And if you are following his ways, puro kasinungalingan ‘yan, ikapapahamak mo ‘yan, ikamamamatay mo ‘yan, physically, spiritually and eternally. Ang discipline ay para marealize natin na ang kasalanan ay kahangalan, kapahamakan ang dulot, at wala nang ibang makasasapat sa puso natin maliban kay Cristo.
The goal of removing from the church is to lead him to Christ. The goal is salvation. “…so that his spirit may be saved…” Upang maligtas ang kanyang kaluluwa. Yun ang pinakamahalaga sa lahat. Kung totoo siyang born again Christian, babalik din siya kay Lord eventually. Pero kung hindi, ang goal pa rin ay maging genuine Christian siya. It is better to suffer the pain of discipline now than to suffer for all eternity in hell. Discipline, even excommunication is loving. Loving to the erring member – for him not to be self-assured, to cling to false hope that he can continue in sin and yet still be saved. Mabuti din ito para sa church. Para matutunan nating lahat ang kahalagahan na tayo ay namumuhay nang may kabanalan.
Discipline is for the Good of the Church (5:6-8)
Kapag may ebidensiya na hindi pala totoong Cristiano, because of lack of repentance, siyempre pwedeng magkamali tayo, pero on the basis of the evidences available to us, “Purge the evil person from among you.” Parang bulate na pupurgahin, kasi makakasama sa katawan ni Cristo. Galing ‘yan sa mga instances sa life ng Israel na ganun din ang ginagawa nila sa mga unfaithful sa covenant obligations nila kay Yahweh (Deut 13:5; 17:7, 12; Deut 21:21; Deut 22:21, 22, 24; Judg. 20:13). Dito nga sa OT, binabato hanggang mamatay. Pero wala namang authority ang church ngayon na igawad ang death penalty, nasa state/government ang authority na yun. Pero may responsibility tayo na gawin ang lahat ng dapat gawin para sa ikabubuti ng church. Para kay Pablo, ang pananatili ng isang miyembro na nagpapatuloy sa kasalanan ay hindi makakabuti, kundi makakasama.
Ito naman ang point niya sa v 6, “Hindi kayo dapat magmalaki. Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, ‘Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa’?” Using a baking illustration, sinasabi niyang ang maliit na kasalanan, kapag hinayaan, parang apoy na kakalat, magiging dahilan din ng kasalanan ng iba, ikapapahamak din ng marami. Wag mong sabihing ang kasalanan mo ay ikaw lang ang magdurusa. No sin is entirely private. Si Achan, sa Joshua 7, kasalanan niya nadamay pamilya niya pati buong Israel. Isa ang may kasalanan, pero ang galit ng Diyos ay sa buong Israel. Nang batuhin nila si Achan hanggang mamatay, as an act of God’s judgment, nawala ang init ng galit ng Diyos (v. 26). Becauase of the gospel, dahil inako na ni Jesus ang parusa ng Diyos, di na natin gagawin yun. Pero by discipline, we communicate God’s hatred against sin at delikado anumang kasalanan sa buong iglesya. Ang isang bulok na kamatis kapag hinalo mo sa mga hindi bulok, magiging dahilan para mabulok na rin ang marami.
Halimbawa, kung merong nagpapatuloy sa homosexuality sa church, at wala tayong ginagawa to discipline that person and overcome that struggle, para na rin nating sinasabing okay lang pala ang same sex attraction. Kung hinahayaan lang natin ang mga may relasyon sa unbelievers, para na rin nating sinasabing okay lang yun. So yung iba ganun ang iisipin, at mahuhulog din sa parehong kasalanan.
Ilang beses na rin tayong nagkaroon ng meeting in small groups, or sa ministry team, or sa congregation, para iharap ang taong nagkakasala para magconfess at patuloy na maipanalangin at matulungang ma-overcome ang kasalanan. Isang purpose nito ay hindi para ipahiya ang miyembrong iyon. Hindi lang din para sa kanya, kundi para sa buong church na magkaroon ng renewed commitment in pursuing holiness, in acting true to our identity in Christ, and as temple of the Holy Spirit. Para ituro din ang mahalagang lesson na hinding-hindi natin pwedeng balewalain ang kasalanan. Sabi nga ni Daniel Akin: “Overlooking sin is not loving, it is sinful. Overlooking sin is not gracious, it is cowardice. Overlooking sin is not merciful, it is dangerous. Overlooking sin is not kind, it is actually hateful.”
Ano ang dapat nating gawin? Verses 7-8, “Alisin ninyo ang lumang pampaalsa (allusion sa Feast of the Unleavened Bread), ang kasalanan, upang kayo’y maging malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang pampaalsa, at talaga namang ganyan kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskwa (Passover Lamb) na walang iba kundi si Cristo. Kaya’t ipagdiwang natin ang Paskwa (Passover), hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang pampaalsa na kasamaan at kahalayan, subalit sa pamamagitan ng tinapay na walang pampaalsa, ang tinapay ng kalinisan at katapatan.”
Dalawang images from the history of Israel ang ginamit dito ni Paul. Yung isa ay yung Passover, na annually ay inaalala nila yung time na dumaan ang anghel sa Egipto at pinatay ang lahat ng panganay maliban sa kanila. They were saved by the blood of the lamb! At sa atin naman ngayon, we were saved by the blood of Jesus our Passover Lamb. At itong feast of the Passover, susundan ng weeklong celebration ng Feast of the Unleavened Bread, para alalahanin yung pagmamadali nila sa paglabas sa Egypt, and also remind them na ang buhay nila, after they were saved, ay di na dapat katulad ng mga Egyptians. They were called to be a holy nation.
Sa chapter 6, pag-uusapan pa natin in great detail how we fight sin, especially sexual sins. Pero dito, enough muna na bigyang-diin na, in light of the gospel, the grace of God, the salvation accomplished for us on the cross, ‘wag nating iismolin ang kasalanan. We take it seriously. Pinatawad at pinalaya tayo sa kasalanan hindi para abusuhin ito, magpakahalay ulit at magpaalipin sa kasalanan. We are saved not because we are holy. We are saved by grace in order for us to be holy. Ang disiplina ay for that purpose. And not just for us, para din maging klaro sa mga unbelievers ang gospel.
Discipline is for Our Witness to the World (5:9-11)
May misyon tayo sa mundong ito. If we don’t take discipline seriously, merong wrong message na nako-communicate natin sa mga unbelievers. Kaya paliwanag ni Paul, “Sinabi ko sa aking sulat (nauna pa sa 1 Corinthians!) na huwag kayong makikisama sa mga nakikiapid” (v. 9). Lilinawin niya kung ano ibig sabihin nun, baka akala nila di na kakausapin ang mga nagpapatuloy sa kasalanan o itiniwalag. No, hindi ganun. Sabi niya, “Hindi ang mga di-mananampalatayang nakikiapid, sakim, magnanakaw, o sumasamba sa diyus-diyosan ang tinutukoy ko, sapagkat kinakailangan ninyong umalis sa mundong ito para sila’y maiwasan” (v. 10). May misyon nga tayo sa mga makasalanan. Hindi isolation ang solusyon.
Kaya sabi pa niya, “Ang tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila’y Cristiano ngunit nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao” (v. 11). Hala, bakit ganun? Di naman niyang sinasabing di na natin sila kakausapin o di na tayo kakain kasama nila. Pero this is more referring to table fellowship, o yung gathering o pakikisama na para bang they are still brothers and sisters. Like allowing them to partake the Lord’s Supper. No, we treat them as unbelievers. Share the gospel sa kanila, love them, pray for them, yes. Pero by excommunication, we communicate to the world na ang church ay iba, a community of saints. Sinners din pero binabago ni Cristo, walking in repentance and pursuing holiness. Walang karapatan ang isang tao na tawaging Crisitano, follower of Christ, member of the church, kung magpapatuloy siyang yayakap sa kasalanan at kamunduhan.
“An impure church will soon be a powerless church” (Daniel Akin). Of course, we believe na powerful ang word of God. Pero nahahadlangan natin ito kung pinipreach nga natin ang gospel, pero pinapabayaan naman nating magpatuloy ang kasalanan. By discipline, we give witness to the gospel na itong gospel na ‘to ay powerful na bumago sa mga makasalanan. Yung gospel na di naman bumabago sa buhay ng tao ay no gospel at all, not good news at all. The gospel transforms. Last week, I emphasized yung connection ng church discipline sa church membership. Dito naman ngayon, kailangang bigyang diin na ang discipline ay konektado din sa evangelism.
Conclusion
Mahirap at masakit ang pagdidisiplina, pero mabuti ito. Para sa ikabubuti ng nagkakasala, para sa ikabubuti ng buong iglesya, para marinig nang mabuti ang Mabuting Balita ng mga di-mananampalataya.
So? Kung meron kang kapatid na kailangang kausapin, paalalahanan, sawayin, at hikayating magsisi’t magbalik-loob sa Panginoon, ‘wag kang matakot, wag kang mag-alinlangan, wag mo nang patagalin pa. Makakabuti sa kanya yun. Magagalit siya, maooffend siya, baka mapahiya siya, pero meron tayong duty to speak the truth in love. At kung ikaw naman ang didisiplinahin, merong kumausap sa ‘yo, merong sumaway sa ‘yo, merong nagpapaalala sa ‘yo, ‘wag kang umiwas, ‘wag kang magalit, magpasalamat ka kasi merong nagmamahal sa ‘yo.
Merong church discipline kasi meron tayong Diyos na nagmamahal sa atin na siyang nag-utos din sa atin na magmahalan sa isa’t isa. And because we love one another, lumalaban tayo sa kasalanan nang sama-sama, we fight this war against sin together as a church. Hanggang sa huli, gusto natin hanggang sa araw na yun magkakasama pa rin tayo, walang maiiwan, hanggang dumating ang araw na masilayan at makasama na natin ang Panginoong Jesus. Wala nang kasalanan. Wala nang sakit. Wala nang hirap. Wala nang iyakan. Wala nang pagdidisiplina. Because when we see Jesus, we will be like him, sinless, holy and happy forever.