Preached by Derick Parfan on February 10, 2019 at Baliwag Bible Christian Church
Even When We Stop, God Doesn’t
Sakit na nating mga Filipino, kahit pa mga Cristiano, ang “manana habit”. Procrastination, mamaya na ‘yan, ipinagpapaliban ang pwede naman at dapat namang gawin na ngayon. Dapat mag-exercise na at kumain ng healthy diet, saka na lang ‘yan. May dapat na gawing project o assignment sa school o trabaho, saka na lang ‘yan.
Sa spiritual life ganun din. Naririnig mo yung salita ng Diyos, yung mabuting balita ni Cristo, pero sa halip na magrespond ka na ngayon to repent and believe in Jesus, ipagpapaliban pa. Akala mo namang may mas mahalaga pa kesa dito? O kung Christian ka na, nabaptize ka na, may nasimulan na sa Christian life, pero ilang taon nang you’re not taking discipleship and commitment sa church and ministry seriously. Saka na lang. Kapag nakaluwag-luwag na, meron muna akong uunahin. O kung nasa maling relasyon ka, God wants to get out of that now, sa loob-loob mo, “Saka na lang, nag-eenjoy pa ko.” Or kung matagal ka na sa ministry, nakapag-training na, and God wants you to step up sa leadership sa church, may excuses ka pa, saka na lang, konting panahon pa.
Meron tayong ganitong manana habit o procrastination o may nasimulan pero hindi nagpapatuloy, because of misplaced priorities. Ipinagpapaliban natin ang dapat na ginagawa natin ngayon, at ang ginagawa naman ay di ganun kahalaga, at baka makasasama pa. And we make excuses for that. Maiintindihan naman ni Lord ang sitwasyon ko. Yung asawa ko kasi. Yung pamilya ko kasi. Yung church ko kasi. Yung dami kasi ng problema ko sa buhay ngayon.
Ang mga Judio dito sa kuwento natin sa Ezra-Nehemiah, they had the same problem. After 70 years of exile sa Babylon, sa wakas nakabalik na sila sa Jerusalem. Nasimulan na rin nilang itayo ang templo na winasak ng mga Babylonians noon. May pundasyon na. Nag-celebrate na nga sila. Pero merong mga kontra-bida’t pakialamero. Pinahina ang loob nila, tinakot sila, para hindi na maituloy ang pagpapagawa ng templo (Ezra 4:4). Mula sa panahon ni King Cyrus hanggang sa ika-2 taon ni King Darius ng Persia, that’s about 16 years siguro, natigil ang pagpapatayo ng templo (4:5, 24). Saka na lang, sabi nila. Kapag hindi na mainit ang sitwasyon, kapag wala nang mga kontra-bida, unahin muna natin ang mga pagawain natin sa bahay.
Huminto sila. Kasi gusto ng mga kaaway nilang huminto sila. Pero ayaw ng Diyos na huminto sila. 16 years nakatiwangwang ang pagawain sa templo. And that is the most important work na pinapagawa sa kanila ng Diyos. It means restoration ng worship, restoration ng mga sacrifices, restoration ng glorious presence ni God para sa kanila. Nothing is more important than what that temple signifies. Kahit na tayo ay huminto sa paggawa sa ipinapagawa ng Diyos, ang Diyos natin ay hindi humihinto para siguraduhing magpapatuloy ang mahalagang gawa niya sa buhay natin. Ano ang gagawin ng Diyos para gisingin tayo sa pagkakatulog natin? Ipinapadala niya ang kanyang salita. Ganyan ang sumunod na nangyari sa susunod na kabanata sa kuwento, chapters 5 to 6.
Rebuilding Resumes (5:1-5)
Ipinadala ng Diyos ang dalawang propeta, sina Haggai at Zechariah, para iparating ang mensahe niya sa mga Judio. Kung gusto n’yong mabasa ang mga sinabi nila, just read the book na nakapangalan din sa kanila.
Ito ang sinabi ng Panginoong Makapangyarihan sa pamamagitan ni Propeta Hageo, “Sinasabi ninyo na hindi pa ito ang panahon upang muling itayo ang aking templo. Matitiis nʼyo bang tumira sa magagandang bahay habang wasak ang templo? Isipin ninyo ang mga nangyayari sa inyo” (Hag. 1:2-5 ASD).
Inutusan ng Panginoong Makapangyarihan si Zacarias na sabihin ito sa mga mamamayan ng Israel: “Matindi ang galit ko sa inyong mga ninuno. Kaya magbalik-loob na kayo sa akin at manunumbalik ako sa inyo” (Zech. 1:2-3).
Ang mga salitang ito ay hindi salita ng tao, kundi salita ng Diyos. “The word of the Lord came” to them. “Thus says or declares the Lord of hosts,” parehong ganyan ang naka-frame sa preaching ni Haggai and Zechariah. Ganyan din ang emphasis ng Ezra 5:1, na ang preaching nila ay “in the name of the God of Israel who was over them.” Ang Diyos ang may authority dito. We listen to his voice. We don’t listen to the voice of our own hearts na nagsasabi sa atin kung ano ang gusto nating gawin at this time. We don’t listen to the voice of others na pumipigil sa atin to do the work God has entrusted to us. We listen to God.
God uses the preaching of his Word to awaken us from slumber so that we may continue doing his work. Ang una nang mga ginigising niya ay ang mga leaders. Dito sa Ezra 5:2, nagising sina Zerubbabel at Jeshua, and they led the continuation of the rebuilding efforts. Itong si Zerubbabel ay siyang parang governor nila, kingly ang function pero hindi official king kasi nga province pa sila ng Persian Empire.
Ang function ng king ay to represent God’s rule to the people. And eventually sa kanya rin magmumula ang Panginoong Jesus, the Messiah, the King of kings. Ito namang si Jeshua, siya ang high priest. Ang function naman nito ay to represent the people to God, na eventually nagkaroon ng fulfillment kay Jesus our Great High Priest. At tinulungan sila siyempre ng preaching and supervision din ng mga prophets, speaking the word of God to the people. Prophet-Priest-King, all these functions are united in the person of the Lord Jesus Christ. Tayong mga church leaders, pastors, elders, ministry leaders, ang dapat na unang gisingin ng salita ng Diyos para magpatuloy tayo sa paggawa ng kalooban ng Diyos to fulfill his redemptive purposes for his church.
As we all respond to the Word of God – lahat hindi lang mga leaders, lahat – may mga threats. Ganun din nangyari sa chapter 4. Dito naman sa 5:3-4, mukhang mauulit na naman yung nangyari 16 years ago. May mga dumating na government officials. Tinanong sila, “Sino ang nag-utos sa inyo na ituloy ang pagawain dito sa templo” (vv. 3-4)? Ano kaya ang gagawin nila in response? Hindi sinabi sa sumunod na nangyari, because the more important question for us to answer is this: ano kaya ang gagawin ng Diyos?
Verse 5, “Ngunit iningatan ng Diyos ang mga tagapamahala ng Judio, kaya…hindi muna nila ipapatigil ang pagpapatayo ng templo hanggang sa maipaalam nila ang tungkol dito kay Haring Darius…” Sa ESV, “the eye of their God was on” them. Sa NET, “watching over.” Binabantayan sila ng Diyos, iniingatan, God’s attention was on them. Nasa kanila ang favor ng Diyos. Kahit na itong mga nagtatanong, gusto nilang malaman kung may official blessing ba ‘to, ang mahalaga for God’s people ay malamang they have God’s blessing and approval. Yun ang higit na mahalaga kesa kaninumang human approval or blessing.
So, they were not stopped. Nagtanong pa lang. Sige ituloy n’yo ‘yan. Pero meron pa ring threat. Baka patigilin ulit sila. Let’s see how God will work sa next part ng story.
Threat to Stop Rebuilding (5:6-17)
Sumulat sila sa hari, nakasulat ‘yan sa verses 6-17. At kung bakit pati laman ng sulat nila ay nakarecord dito, magiging evident ‘yan as we look at some highlights ng letter na ‘to. Clearly, God is on the move, and he is sovereign over everything that is happening. Wala talaga tayong dapat ikabahala kahit gaano pa ka-threatening ang sitwasyon.
Bagamat tinawag nila na “lalawigan ng Juda” ang Juda at hindi pa isang malayang bansa, under pa rin ng Persian Empire, pero ang tawag naman nila sa templo ay “house of the great God” (v. 8). If that great God is on your side, sino ang katatakutan mo? If God is for us, who can be against us (Rom. 8:31)?
Tapos sabi pa nila sa verse 8 tungkol sa rebuilding project, “Ginagawa po nila ito nang may kasipagan (diligently), kaya mabili ang pagpapatayo nito.” “This work prospers in their hands.” Sa 6:14 babanggitin ulit itong “prosper.” Same word din sa Joshua 1:8, “You will make your way prosperous,” sabi ni Lord kay Joshua. Kung ang gagawin niya ay ayon sa salita ng Diyos, he will be successful in accomplishing God’s work. Ganun din sa Psalm 1:3, “In all that he does, he prospers.” Sino yung “he” dito? Sinumang namumuhay ayon sa salita ng Diyos (v. 1). Ang prosperity na tinutukoy dito ay hindi yung yayaman ka’t giginhawa ang buhay mo, kundi magtatagumpay ka sa gusto ng Diyos na gawin mo.
Itong mga sumulat sa hari, ikinuwento pa yung pakikipag-usap nila sa mga Jewish elders. Tinanong daw nila kung sino ang nagbigay sa kanila ng authority to do that (v. 9; see v. 3). Pwede naman nilang sabihing si Cyrus several years ago, totoo naman (1:3). Pero ang sagot daw sa kanila ay ganito: “Mga lingkod kami ng Dios ng langit at lupa…” (v. 11). Take note, Dios ng langit at lupa, hindi tulad ng pagkakilala ni Cyrus na Dios na nasa Jerusalem (1:3). The authority of this great God was not just over Judah and the people there. He is over all everything in the universe.
And this God was the one at work simula pa noon, hundreds of years bago ‘tong rebuilding: “…muli naming ipinapatayo ang templo na itinayo noon ng isang makapangyarihang hari ng Israel” (v. 11). Si Solomon yun, na anak ni Haring David. Ikinuwento pa nila kung ano ang nangyari noon bakit nasira ang unang templo:
“Ngunit dahil ginalit ng aming mga ninuno ang Dios sa langit (take note, hindi Dios sa Jerusalem), pinabayaan niya sila na sakupin ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Giniba ni Nebucadnezar ang templong ito at binihag niya sa Babilonia ang ating mga ninuno. Ngunit sa unang taon ng paghahari ni Haring Cyrus sa Babilonia (Persian Empire na), nag-utos siya na muling ipatayo ang templo ng Dios (ayon sa udyok ng Dios siyempre, 1:1)” (vv. 12-13).
They also narrated kung paanong ibinalik ni Cyrus ang mga ninakaw sa templo at nagprovide ng mga kailangan para simulan ang pagpapatayo. Si Sheshbazar ang Persian appointee to supervise the work, pero si Zerubbabel ang actual na naglead ng rebuilding project. “Itinayo niya ang mga pundasyon ng templo ng Dios. Hanggan ngayon ay ginagawa pa ang templo; hindi pa ito tapos” (v. 16). Hindi pa tapos, pero sisiguraduhin ng Dios na matatapos ‘yan, kahit na may mga oppositions pa, kahit na nagpabaya nang ilang taon ang mga Judio.
Gusto ngayong malaman ng mga sumulat na ‘to kung meron ba talagang decree galing kay Cyrus authorizing them to rebuild the temple (v. 17).
Decree to Finish Rebuilding (6:1-12)
Nagreply naman itong si Darius sa sulat. Pinahanap nga niya ang archives. Meron ngang official record (vv. 1-2). Dito sa verses 3-5 makikita ang official statement from King Cyrus, fuller version ng nakarecord na sinabi niya sa mga Jews sa 1:3-4. Tingnna n’yo ang 6:4, “Ang lahat ng gastos ay kukunin sa pondo ng kaharian.” Hindi lang merong project permit, royal decree pa. Hindi lang yun, may budget allocation pa.
Dahil diyan, sumulat na ng response si King Darius (v. 6), “Lumayo kayo riyan sa templo ng Dios. Huwag na ninyong pakialaman ang pagpapatayo nito. Pabayaan n’yo na lang ang mga gobernador at iba pang mga tagapamahala ng mga Judio sa pagpapatayo nito sa dati nitong kinatatayuan” (v. 7). Yung threat na baka mahinto na naman ang project, naging way pa for them to receive full protection. May full provision pa to finish it: “Kunin n’yo ang bayad sa pondo ng kaharian…” (v. 8). Pati yung mga ihahandog na animal sacrifices, pati mga grain offerings, sagot na rin ng hari (v. 9). Para ‘yan “sa Dios ng kalangitan” (v. 9), “para makapag-alay sila ng mga handog na nakalulugod sa Dios ng kalangitan, at maipanalangin nila ako at ang mga anak ko” (v. 10).
Yung threat na para bang mahihinto ulit ang pagawain, naging threat pa ngayon sa mga hahadlang nito. Yun ang warning ni Darius na paparusahan ang sinumang magpapatigil nito (vv. 11-12). God uses other people, even unbelievers, to give the necessary provision and protection for us to finish his work. Kahit sino pwedeng gamiting instrumento ng Diyos, kahit unbelievers, para matupad ang layunin niya. So, we must be confident in God’s power. Hindi lang basta protektado tayo against God’s enemies. He can even turn the hearts of his enemies para makatulong sa progress of his redemptive purposes. Look at wahat is happening sa China. Naging mas intense ang persecution. Napigilan ba ang pag-spread ng gospel? Di ba’t lalo pang nag-prosper ang gawain ng Panginoon.
Rebuilding Finished and Celebrated (6:13-22)
So, wala nang hadlang. May official go signal na. Yun naman ang nakarating sa mga Judio (v. 13). So? They “built and prospered (same as 5:8 kanina, Jos. 1:8 and Psa. 1:3) through the prophesying of Haggai…and Zechariah…” (v. 13).
Salita ng Panginoon ang kumilos kaya nasimulan ang gawain. Salita ng Panginoon ang nagpagising sa mga natutulog sa gawain. Salita ng Panginoon ang kailangan para magpatuloy ang gawain hanggang matapos. The word of God will accomplish the purposes of God (Isa. 55:10-11).
“…They finished their building by decree of the God of Israel and by decree of Cyrus and Darius and Artaxerxes king of Persia (Ezra 6:14). Panukala at pasya ng Diyos ang decisive factor sa completion ng temple, hindi human royal decree. “And this house was finished…” (v. 15), 515 BC, exactly 70 years pagkatapos itong wasakin ng Babylonians noong 586 BC, fulfilling the prophecy of Jeremiah (25:11-12).
Tatapusin ng Diyos ang sinimulan niya. Pero bakit nandito sa verse 14 si Artaxerxes? Artaxerxes? Later pa siya, sa chapter 7, sa panahon na ni Ezra, 50 years after ng temple dedication. Binanggit na siya dito to give encouragement to God’s people na bagamat tapos na ang temple, pero yung rebuilding ng city, yung rebuilding ng mga tao at restoration pabalik sa Diyos, hindi pa tapos. The story is not yet finished for God’s people. The story is still awaiting its fulfillment.
At ang Panginoong Jesus ang katuparan ng kuwentong ito. He is our Prophet, Priest and King who leads his church to accomplish the work of God. As we do, we look back to his finished work on the cross. Siya ang katuparan ng Templo. Sa kanya nananahan ang presensiya ng Diyos. Siya rin ang sakripisyong inihandog para sa kasalanan natin, to bring us back to God (1 Pet. 3:18). Kahit na maraming nagsasabwatan para pigilan siya sa pagtupad ng misyon ng Diyos. Si Satanas siyempre, pati itong mga Jewish leaders, pati mga Roman authorities, panukala ng Diyos ang nasunod. Ipinako si Jesus sa krus, bago malagutan ng hininga, sinabi niya, “It is finished.” Tetelastai. Tapos na. Hindi niya sinabi, saka na lang, mamaya na lang. Tinapos niya ang ipinapagawa ng Diyos.
Lahat ng ito ay natupad sa panukala ng Diyos. Sabi ng mga Christians sa prayer nila sa time na persecuted sila, “…for truly in this city there were gathered together against your holy servant Jesus, whom you anointed, both Herod and Pontius Pilate, along with the Gentiles and the peoples of Israel, to do whatever your hand and your plan had predestined to take place” (Acts 4:27-28). Sabi naman ni Pedro sa preaching niya during the Day of Pentecost, “This Jesus, delivered up according to the definite plan and foreknowledge of God, you crucified and killed by the hands of lawless men (2:23).
Sa panukala ng Diyos, natapos ang dapat gawin para mailigtas tayo. Thank you, Jesus. Ginawa niya ang di natin magagawa. Wala na tayong dapat gawin pa. But to respond in repentance and faith. Oo, tapos na. Pero may ginagawa pa ang Diyos sa puso natin. This is the process called sanctification, o personal renewal. We are God’s temple, patuloy niyang itinatayo, nililinis, consecrated to him. Sa church naman, as we do ministry, nagkakaroon ng corporate renewal. May ginagawa ang Diyos. May tatapusin pa siya, para maabot natin ang lahat ng lahi sa buong mundo. That’s our mission to all nations. And in all of this – sa conversion, sa sanctification, sa ministry, sa missions, very crucial ang role ng preaching of the gospel, preaching the Word, proclaiming Christ.
“…to make the word of God fully known, the mystery hidden for ages and generations but now revealed to his saints. To them God chose to make known how great among the Gentiles are the riches of the glory of this mystery, which is Christ in you, the hope of glory. Him we proclaim, warning everyone and teaching everyone with all wisdom, that we may present everyone mature in Christ. For this I toil, struggling with all his energy that he powerfully works within me” (Col 1:25-29).
As we commit ourselves to preach the Word and obey the Word, God grants us grace to finish his work and joy to celebrate in worship. Ganyan ang nangyari sa last part ng story. Lahat sila, they “celebrated the dedication of this house of God with joy” (v. 16). Nag-offer sila ng 12 kambing katumbas ng 12 lipi ng Israel (v. 17), signifying that God is in the business of restoring his people back to himself. Tapos sa verses 19-21, they celebrated the Passover. Para ano? Hindi lang para magpasalamat sa Diyos sa present blessing nila sa pagbabalik sa lupain nila, kundi para alalahanin ang nangyari isang libong taon na ang nakakaraan sa kasaysayan nila kung paanong iniligtas sila ng Diyos mula sa 400 taong pagkakaalipin sa Egipto. God is always in the business of saving his people, ultimately fulfilled in Jesus, our Passover Lamb.
This celebration, this worship, this joy, hindi lang ‘to para sa atin. Kasama din nila yung mga dating mga sumasamba sa mga dios-diosan na nagbalik loob na sa Dios (v. 21). Kasama din sila sa celebration, one week celebration ng Feast of the Unleavened Bread, immediately following the Feast of the Passover (v. 22). Piyesta talaga. Masaya talaga kung ang mga anak ng Diyos ay sumusunod sa salita ng Diyos at gumagawa nang ayon sa nais ng Diyos.
We find our highest joy not in doing the work na gusto nating gawin, but in doing the work na gusto ng Diyos for us, for our family, for our church.
At saan nanggagaling ang joy na ‘to? “Sapagkat binigyan sila ng Panginoon ng kagalakan (God-given joy!) nang binago niya ang puso ng hari ng Asiria para tulungan sila sa paggawa ng templo ng Dios, ang Dios ng Israel” (v. 22). Malinaw na ang kagalakan natin ay nanggaling sa Diyos as we do his will. You are not happy kasi gusto mo ang nasusunod, paraan ng mundo ang sinusunod mo. That is clear from this verse.
Pero teka, bakit sinabi “puso ng hari ng Asiria.” Panahon na ito ng Persian Empire. Yung Assyria noon pang bago yung Babylon, yung Assyria ang lumusob sa Northern Kingdom of Israel. Nagkamali kaya ang author? Or, more likely, this is deliberate, connecting this story sa tragic events noon. Sinuman ang naghahari sa mundo ngayon, anumang tragic events ang mangyari, anumang sufferings ang ma-experience natin (kasalanan man natin o kasalanan ng iba), God is powerful, always powerful to reverse our condition. Assyria, then Babylon, then Persia, then Greece, then Rome during the time of Christ – all the kingdoms of this world in opposition to God hanggang ngayon, lahat ‘yan under the authority of the God of heaven and earth.
And at times nagiging threatening sa atin ang power and influence ng mga unbelievers. Pero it must not stop us doing God’s work in our life and in our church. Bakit? Kasi we know the ending. “Then comes the end, when he delivers the kingdom to God the Father after destroying every rule and every authority and power” (1 Cor. 15:24). “…at the name of Jesus every knee should bow, in heaven and on earth and under the earth, and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father” (Phil. 2:10-11).
We don’t really have any reason to stop doing his work. Hindi pwedeng saka na, hindi pwedeng mamaya na. Dapat ngayon na. Bakit? Because grace is available to us. Joy is waiting for us at the end. When we do his work to the end, we get the joy, God gets the glory. Forever.
Thank you po Pastor Derick. Makakatyulong po ito sa akin. Isa rin po akong Baliwagenyo from Sabang. Pedro dito po ako ginagamit sa Jeddah. Pagpalain po kayo ng Diyos na Buhay at sa inyong ministry. God bless po and more power.
LikeLike