Greater Things Still to be Done
February 1, 2009 nang formally ay ma-install ako as leading pastor ng church. So, I’m celebrating that ten years not just as a personal milestone. We are celebrating God’s work in our church. So nung Friday, ang nakaplano kong gawin ay ganito: sumulat ng thanksgiving for that ten years (nagawa ko naman), then sumulat ng reflection sa “10 Danger of Pastoral Ministry” (nasimulan ko pa lang), then work on my sermon (na hindi ko nagawa, except some meditations on the passage), then lead prayer meeting (na hindi ko nagawa). I have to let Ptr. Marlon take charge, tapos siya rin naglead sa service sa wake ng tatay ni Mina after that.
Meron akong nakaplanong gawin, pero plano ng Diyos ang nasunod, as always. Nagkaroon kasi ng accident ang sinasakyan na van nila JC, my brother in law. kasama ang family nila. Nabangga ng truck yung side nila. Salamat sa Panginoon halos lahat okay naman sa kanila, except dun sa trauma ng nangyari, except din sa dalawa sa kanila including Joclet. So kaming mag-asawa ay nagpunta sa Malolos provicial hospital to assist them hanggang sa gabi. Nakahabol na lang kami sa service sa patay pag-uwi.
This is ministry, doing God’s work. May mga good things na nangyayari, meron ding bad things. Merong masaya na kailangang i-celebrate, meron ding malungkot na kailangang iyakan. Merong panahon para pag-aralan ang Salita ng Diyos, meron ding time na kailangang i-serve ang salita ng Diyos sa iba lalo na sa mga hurting. Merong panahong dapat mag-isa, time alone with God, meron ding panahong dapat samahan ang iba at damayan sa pinagdaraanan nila. Ang ministeryo ay gawain ng Panginoon. Plano niya, hindi plano ko, hindi plano mo, ang dapat masunod.
Ganito rin naman ang nakita natin sa kuwento sa Book of Ezra-Nehemiah na sinimulan natin last week sa chapters 1-2. Ano ang drama (story) dito? After 70 years of exile sa Babylon, sa wakas nakabalik na sila (at least yung first batch pa lang) sa lupain nila. Ano ang doctrine (theology) dito? Merong Diyos na sovereign over all. Puso ni King Cyrus at puso ng mga taong bumalik, siya ang nag-udyok para makasunod sa plano niya. And he is faithful sa mga promises niya at powerful para tuparin ang mga redemptive purposes niya.
Ano ang implication nito sa discipleship (Christian life) natin? Yung restoration nangyari nang mamatay siya sa krus para buksan ang pintuan palapit sa Diyos, at sinumang sasampalataya sa kanya ay mapapanumbalik ang relasyon sa Diyos. Yung promise niya sa Israel natupad kay Cristo. Dahil kay Cristo, yung God’s people, kabilang na tayo dun. So we also trust sa power niya, sa provision niya, para ano? Para makabahagi tayo sa katuparan ng mga redemptive purposes niya – na mailapit ang marami pang tao – dito at sa buong mundo – sa Panginoon.
As a pastor, masaya ako na kabahagi niyan. Kaya nga we are celebrating today. Kung Christian ka, celebrate with us kasi bahagi ka rin niyan. Kahit medyo malayo na rin ang narating natin sa gawain ng Panginoon, marami pang kailangang gawin. We don’t have a reason to stop. Mas maraming reasons pa nga para magpatuloy hanggang matapos. Ito ngayon ang titingnan natin sa sumunod na bahagi ng story sa Ezra chapters 3-4.
Rebuilding the Altar (3:1-7)
After some time, nang naka-settle na sila pagbalik sa Judah, nagpunta silang lahat sa Jerusalem (3:1). Seventh month kasi sa calendar nila ay para sa celebration ng Day of Atonement (Lev. 23:26-32) na susundan ng Feast of Booths or Tabernacles (Lev. 23:33-42), pareho ‘yan na celebration ng pagkakalaya nila mula sa pagkakaalipin sa Egypt. So we have here in this story like a second exodus. Nagpapatuloy ang kuwento ng pagliligtas sa kanila ng Diyos. Kaya nga ang description sa kanila dito “children of Israel,” konektado sila sa kuwento ng kanilang mga ninuno simula pa kay Abraham na pinangakuan ng Diyos at kay Moses na ginamit ng Diyos para pangunahan ang paglaya nila from slavery sa Egypt.
At nagkakaisa silang icelebrate yun at sambahin ang Diyos na nagligtas sa kanila: “At nagtipon silang lahat sa Jerusalem nang may pagkakaisa” (ASD); sa ESV, “as one man.” Oh how good and how pleasant it is when brothers dwell together in unity, lalo na sa pagsamba sa Panginoon, tulad ng ginawa nila, tulad ng ginagawa natin ngayon.
Wala pang temple. It will take sometime para magawa yun. Kaya sa verses 2-6, gumawa muna sila ng altar sa pangunguna nina Jeshua the high priest, at iba pang mga priests at Zerubbabel. At yung altar na yun ang ginamit nila para maghandog sa Panginoon ng daily burnt offerings, meron sa umaga, meron sa gabi (vv. 3-4). Meron ding regular burnt offerings, offerings for the new moon at mga freewill offerings galing sa mga tao (v. 5). They were not just going back to the land. They were going back to worshipping God in Jerusalem.
Ang pagsamba sa Diyos ang dapat nasa sentro ng buhay ng mga anak ng Diyos. The worship of God is central to the life of the people of God. Ito dapat ang prayoridad natin, na higit pa sa lahat ng ating ginagawa sa buhay.
Pero hindi lang basta pagsamba, but worship according to the Word of God. Ang ginawa nilang paghahandog ay “ayon sa Kautusan ni Moises na kanyang lingkod (ESV, the man of God),” (see Lev. 1; Deut. 12:5-6). Yung celebration nila ng Feast, ayon din sa nakasulat (v. 4), pati mga “appointed feasts” (v. 5). Ang pagsamba sa Diyos ay dapat ayon sa salita ng Diyos, ayon sa gusto ng Diyos hindi preferences ng tao, ayon sa instruction ng Diyos hindi sa tradisyon ng tao.
Hindi rin ito as a matter of convenience. Takot nga sila dahil sa mga taong nandun at nakapaligid sa kanila, na later on makikita natin na marami talagang opposition. But that did not stop them from worshipping God. “Kahit takot sila sa mga tao na dati nang nakatira sa lupaing iyon…” (v. 3). I believe na hindi lang ito pagsamba in spite of their fear. Katulad sa ESV, “…for fear was on them…” Instead of their fears or difficult situation hindering them to worship, motivation pa nga yun para lalo pang sumamba sa Panginoon.
The more difficult life becomes, the more na kailangang maging central at priority ang pagsamba sa Panginoon. That is why we worship not according to our convenience, but according to the Word of God.
Worship must also be in response to the work of God. Ipinagdiwang nila itong Feast of Booths (v. 4) ayon sa Lev. 23:33, month 7 day 15. Para ano? Para alalahanin ang kasaysayan ng ginawa ng Diyos nang iligtas sila mula sa Egipto at kung paanong gumabay at nagprovide siya sa kanila sa paglalakbay sa disyerto. Sinasabi din sa Lev. 23:26 na sa month 7 day 10 ay yung great Day of Atonement. Pero hindi pa nila macelebrate dito. Kasi wala pa ang templo. May problema pa, merong pang kailangang gawin.
Pero ang mainam na ginawa nila, hindi nila inintay na matapos ang lahat bago sila sumamba’t mag-alay sa Panginoon. “Kahit hindi pa nasisimulan ang muling pagpapatayo ng templo ng Panginoon, nagsimula na ang mga Israelita sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog…” (v. 6). Nagsimula na rin silang magbigay para sa gawain ng Panginoon. “Nagbigay [sila] ng pera…” (v. 7) para masimulan na ang pagpapatayong muli ng templo.
Kasama sa pagsamba ang pagpaparticipate sa gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay. We approved our annual budget last week. May bahagi ka dun. We also have “gospel ambition partnership” para makabahagi ka pa sa pagtulong sa missions and church planting. Meron din tayong renovation project, another opportunity worship God by giving. It’s not about the money, it’s not about the building, it’s not about the project, it’s about God’s work. Para maging central at priority ang worship in our life, meron tayong “work” na dapat ding gawin.
Preparations for Rebuilding the Temple (3:8-13)
Tulad ng mga Judio. Sumasamba na sila ulit sa Panginoon. That’s good. Pero hindi pa naitatayo ang templo. Meron pang “work” na kailangang gawin. A great work, in fact. Year 2 Month 2, after 5 months nang magsimula sila ulit na sumamba, “sinimulan ang pagpapatayo ng templo” (v. 8). Tulad nang kanina, “tulung-tulong sa pagtatrabaho” ang leadership team nila para pangasiwaan ito (v. 9). Magandang simula, pero mukhang may nagbabadyang problema. Pwedeng magsimula ng maganda, pero ang mas mabuting itanong ay ito, matatapos kaya?
Mahalaga ‘to kasi this is not just about working. This is about “the work of the house of the Lord” (v. 8). This is about worship. Not just about finishing a project, papuri sa pangalan ng Panginoon ang nakasalalay dito. Kaya nang mailatag na ang pundasyon ng templo, parang groundbreaking ceremony pa lang, naggayak na ang mga pari, mga Levites, mga musicians in charge sa worship, “to praise the Lord” (v. 10). Tulad ng kanina, worship is central in the life of the people of God.
Kung magkakaroon man ng reformation among the people of God, we must recover biblical worship. Hindi yung kung ano lang ang nakagawian o kung ano ang preferences ng tao o kung ano ang musical taste o kung ano ang “in”. Again, worship must be according to the word of God. Ang ginawa nilang pagsamba ay ayon sa direksyon ni David na Hari ng Israel (v. 10). Nakasulat ang instructions na ‘yan sa 1 Chronicles 6:31; 16:4-6; 25:1-2.
Para maging central ang pagsamba, dapat maging central ang salita ng Diyos.
Sa pagbanggit kay David, ikinokonekta ang pagtatayo nitong ikalawang templo dun sa una kung saan si David ang gumawa ng mga preparations bago ipatayo ng kanyang anak na si Solomon. Tulad noon, umaawit din sila. Ano ang awit ng papuri nila sa Panginoon? “For he is good, for steadfast love endures forever toward Israel” (Ezra 3:11; tulad din ng 1 Chr. 16:34, 41), bahagi ng song na tinuro ni David sa 1 Chr. 16:18-36.
Sabi dun sa v. 35, “Save us, O God of our salvation, and gather and deliver us from among the nations, that we may give thanks to your holy name and glory in your praise.” Sumagot ang Diyos sa prayers nila, tumupad ang Diyos sa pangako niya, by his great power iniligtas sila. Itong inaawit nila ay naglalaman ng dahilan kung bakit sila nagpupuri sa Panginoon. Because of his “steadfast love,” hesed, covenant faithfulness, loyal love, unfailing love, never-giving up, never failing, never running out, forever kind of love.
Kung ganito magmahal ang Diyos, if we have a great God, loving us with a great love, paano ngayon tayo dapat sumamba? “…all the people shouted with a great shout…” (v. 11). Great worship for a great God. Simula pa nga lang, matindi na ang pagsigaw nila sa pagsamba, paano pa kung matapos? Like last week, sa monthly worship gathering ng church planting natin sa Plaridel, ang sarap umawit ng “Jesus, Thank You.” Simula pa lang, paano pa kung tuluyan nang mabuo ang church sa lugar na yun!
Dapat lang na ibigay-todo natin ang pagsamba sa Panginoon kasi naman we have greater reasons than the Jews para sumamba sa Panginoon. Bakit? Tingnan n’yo ang nangyari sa verses 12-13. Malakas ang sigawan, pero magkahalo ang saya at lungkot. Merong mga umiiyak, yung mga matatanda. Bakit? Killjoy ba sila? Negative ba silang mag-isip? Umiiyak sila kasi nakita nila nung kabataan nila yung unang templo. Kita pa lang nila sa pundasyon pa lang nitong ikalawang templo, di na maikukumpara ang laki dun sa una. Nandun yung longing nila for the glory of the first temple. Actually, it is a longing for something greater. Meron pang kulang. Meron pa silang dapat hintayin. Kahit na matapos ang templong ito, hindi pa malulubos ang restoration.
The True and Better Temple
Kasi, eventually, nasira ulit ito. Tapos nung panahon ni King Herod, under na sila ng Roman Empire, ipinatayo ulit. Pangatlong templo na yun sa panahon ng Panginoong Jesus. Sa John 2:12-22, itinaboy ni Jesus yung mga nagtitinda sa templo. Sabi niya, “Do not make my Father’s house a house of trade.” Naalala ng mga disciples niya ang nasusulat, “Zeal for your house will consume me.” Sabi naman ng mga tao, “Ano’ng karapatan mong gawin ‘to?” Sagot ni Jesus, “Destroy this temple and in three days I will raise it up.” Tanong nila, “Forty six years nga bago matapos ‘to, tapos ikaw three days lang?” Pero ang tinutukoy ni Jesus na templo ay ang sarili niyang katawan.
Si Cristo ang katuparan ng lahat ng ipinapahiwatig ng temple, the true and better temple. Sa kanya nananahan ang presensya at gloria ng Diyos (John 1:14). Itong araw-araw at paulit-ulit na mga sinusunog na handog na mga hayop ng mga Judio ay hindi sapat na pambayad sa kanilang kasalanan para mapanumbalik sila sa Diyos. Inihandog ni Jesus ang kanyang sariling katawan sa altar ng krus para bayaran ang kasalanan ng lahat sa atin na sumasampalataya sa kanya. Dahil sa minsanang handog na yun, malaya na tayong makalalapit sa Diyos sa tunay na pagsamba. Worship in spirit and truth. Ayon sa salita ng Diyos at bilang tugon sa gawa ng Diyos sa krus para sa atin. That is why we remember the gospel during the Lord’s Supper and sing the gospel and preach the gospel. Isinisigaw natin nang may kagalakan ang ginawa ni Jesus para sa atin.
Dahil tayo ay nakay Cristo, we are now God’s temple, nananahan sa atin ang Banal na Espiritu. Diyos mismo ang nasa atin para magpatuloy tayo sa pagsama at sa paggawa ng gawain ng Diyos in spreading the gospel hanggang lahat ng mga lahi ay madala sa paanan ni Jesus para sumamba. Umiiyak pa rin tayo when we suffer and see the sufferings around us. Pero darating ang araw na wala nang iyakan. Our sorrows will be turned into joy, our mourning into dancing. Jesus Christ will return, and the whole earth will be God’s temple, filled with the glory of his presence, at lahat ng mga tinubos niya mula sa iba’t ibang lahi ay sasamba sa kanya, aawit ng papuri, “his steadfast love endures forever,” sasayaw sa saya, and we will be finally, fully, and forever restored to God.
Historic Oppositions to the Work (4:1-24)
Happy ending? Yes, pero as we continue sa pagsamba at sa pagsigaw ng papuri sa Diyos, may mga challenges. Tulad dito sa story sa Ezra. Narinig ang kanilang sigaw sa malayo (3:13). May mga ibang lahi. Meron ding mga Israelites na nahaluan ng ibang lahi. Nabalitaan nila ang nangyayari (4:1). Tawag sa kanila “kaaway nga mga taga-Juda at Benjamin.” Adversaries. Kunyari pa ang sabi, “Tutulungan namin kayo kasi sumasamba din kami sa Diyos na tulad n’yo mula noon pa” (v. 2). Hindi naman totoo at puro ang pagsamba nila, may kahalong mga diyus-diyosan. Alam naman nila Zerubabbel at Jeshua ang intentions ng mga ito, kaya sagot nila, “You are not part of this work.”
“Kaya pinahina ang loob at tinakot ng mga taong dati nang nakatira sa lupaing iyon ang mga tao sa Juda para hindi nila maipagpatuloy ang pagpapagawa nila ng templo. Sinuhulan nila ang mga opisyal ng gobyerno ng Persia para salungatin ang mga plano ng mga tao sa Juda. Patuloy nila itong ginagawa mula nang panahon na si Cyrus ang hari ng Persia (539-530) hanggang sa panahong si Darius na ang hari ng Persia (522-486)” (vv. 4-5). Ang tactic nila, discouragement and fear. “Hindi n’yo kaya ‘yan. Simula lang ‘yan. Sige kayo, pag tinuloy n’yo ‘yan mapapahamak kayo.” “Kaya natigil ang pagpapatayo ng templo ng Dios sa Jerusalem hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Darius sa Persia” (v. 24). That’s about 15 or 16 years na nakatiwangwang ang pagawain sa templo. Sa halip na humingi sila ng tulong at magtiwala sa Diyos na all-powerful, nadaig sila ng discouragement and fear.
Hindi ito isang beses lang nangyari. Historic at systemic ang naging oppressions sa kanila. ‘Yan ang point kaya may nakasingit na “interlude” between v. 5 and v. 24. Nang si Ahasuerus (also known as Xerxes, same as the king sa story ni Esther) na ang hari (486-464), itong “mga kalaban” nila “ay sumulat ng mga paratang laban sa kanila” (v. 6). Sa vv. 7-23, mas detailed yung account tungkol naman sa panahon ng anak niyang si Artaxerxes (464-423). Sumulat na naman itong mga kaaway nila sa hari. Hindi na tungkol sa templo, yun namang rebuilding ng walls ng Jerusalem (v. 12) (time of Nehemiah). Meron daw four threats sa empire kapag natapos yun.
1. Hindi na ‘yan magbabayad ng buwis (v. 13).
2. Mapapahiya ang hari (v. 14).
3. Mula noon pa rebelde na sila (v. 15)
4. Mawawalan na ang hari ng kontrol sa lupain nila (v. 16)
Naniwala naman itong hari sa pag-udyok ng mga tao. Kaya naglabas siya ng kasulatan para ipatigil ang pagpapagawa ng pader (4:17-23). We will look at this story pagdating natin sa Nehemiah. Salungat itong ginawa niya sa kasulatang inilabas ni Haring Cyrus na nagbibigay ng mandate para ipatayo ang templo. Ito namang mga kalaban nila, dali-daling dinala ang sulat, “by force and power made them cease” (4:23). When God’s people are doing the work of God, may mga kokontra. Kung ano ang nangyari dito sa rebuilding ng temple, ganun din sa rebuilding of the walls. Ang question sa kanila at sa atin ay ito,
“Kung pinatitigil ka, titigil ka ba? Kung tinatakot ka, magpapatakot ka ba? Kung pinapahina ang loob mo, aayaw ka na ba sa pinapagawa ng Panginoon?”
The Joy of Joining God’s Work
The worship of God is central in the life of the people of God. Yung worship na ‘yan dapat according to the word of God, dapat in response to the work of God. At itong Word of God at work of God parehong nagkaroon ng fulfillment sa sakripisyo ng Panginoong Jesus sa krus para sa atin. In Christ, nagpapatuloy ang paggawa natin.
We continue doing the work of God as we make the worship of God in spirit and truth central, top priority sa buhay natin at sa church natin. But as we do God’s work, we are at war daily with forces that oppose God’s work.
To clarify, ‘wag n’yong iisiping itong mga “opposition” ay yung mga kasama natin dati sa church na umalis na bago pa ako ang maging pastor ng church. Yes, nagkaroon ng mga conflicts noon. Nakalulungkot na di naresolba ang iba. But they are not our enemies. They are our brothers and sisters. Sino ang mga kaaway natin? Si Satanas na gustong patigilin tayo, ang mundo na gustong hatakin tayo palayo sa Diyos, at ang sarili nating puso na gustong masunod ang sarili sa halip na ang kalooban ng Diyos. Nagsasabwatan ang mga ‘yan – Satan, the world, and the flesh – against us and against God’s work in our lives. Our enemies are unceasing, unrelenting, hindi sila humihinto hangga’t hindi ka napapahinto.
Will you stop because of discouragement and fear? Or will you continue with strength and faith and much prayer? Itong mga kalaban nila “by force and power made them cease” (v. 23). 16 years nakatigil ang pagawain sa templo. Bakit hindi sila nagpray and ask God na higit na mas powerful kaysa sa sinumang hari. Di ba’t ganun ang ginawa niya kay Cyrus? Di ba niya magagawa kina Darius, Xerxes, at Artaxerxes?
Tumigil sila. Maaaring tumigil ka rin sa ipinapagawa ng Diyos sa ‘yo. Dati mainit ka, ngayon baka nanlalamig ka na at naging kumportable na na pinabayaan ang pagsamba at paglilingkod sa Panginoon. Tumigil ka man, pero merong Diyos na hindi tumitigil sa paggawa sa buhay mo. He who began a good work in you, in your life, in your family, in our church, siya rin ang gagawa para tiyaking matatapos ang sinimulan niya. Hindi niya hahayaang nakatiwangwang ang gawain niya sa buhay mo. Hangga’t hindi ang pagsamba sa kanya, ang salita niya, ang gawa niya ang nangingibabaw sa buhay mo.
If God never stops doing his good work in you, why not join him in what he is doing? There is no greater joy than worshipping God and doing the works of God.
Tulad ng Panginoong Jesus, “My food is to do the will of him who sent me and to accomplish his work” (John 4:34).