Our Inconsistencies
Kung titingnan mo ang disipline mo sa Bible reading, sa prayer, sa ministry, sa pagsunod sa Diyos, you have to admit na ang dami nating inconsistencies. Sala sa init, sala sa lamig. Minsan mainit, minsan malamig. We can make a renewed commitment na mas maging consistent, pero hindi doon nakasalalay ang solusyon sa problema natin sa devotion natin sa Panginoon. We know that. We tried that. It doesn’t work. Temporarily siguro, pero sa pangmatagalan? No. What we need is not our resolve to be consistent, but faith in God’s consistency. Yung constant care niya, yung faithfulness niya sa promises niya, yung consistent work niya from beginning to end of our story, from beginning to end of all of human history.
Yung Hebrew word na hesed perfectly captures that. Translated as “steadfast love” or “faithful love,” or “lovingkindness,” or “covenant faithfulness.” Natapos na natin ang Ezra 1-6, which covers a period of about 22 years nang makabalik na sila sa Jerusalem from Babylon, after 70 years of exile hanggang maitayo ulit ang templo na natigil din nang halos 16 years dahil sa inconsistencies nila. Umawit sila sa Diyos, “For he is good, for his steadfast love endures forever toward Israel” (3:11). As we resume sa story sa Ezra 7, na hanggang sa Nehemiah 13 ay nangyari from 458 to 433 BC, merong 57 years na tinalunan from the temple’s dedication sa chapter 6 hanggang dito sa second batch ng returnees under Ezra’s leadership. Again, si Ezra naman ang witness sa personal experience niya: “[God] extended to me his steadfast love…” (7:28) at sa corporate experience ng Israel: “God…has extended to us his steadfast love…” (9:9).
Story (Ezra 7-8)
Sa pagpapatuloy ng kuwento, bagamat medyo mahabang panahon ang lumipas, di nagbabago ang Diyos, consistent siya. Di tulad natin na pag matagal na nating di nakita ang kakilala natin tapos sasabihin natin, “Aba, ang laki na ng pinagbago mo.” Pero sa Diyos, “Lord, di ka talaga nagbabago.”
Tingnan natin ang sumunod na nangyari. Ezra 7:1-6: “Makalipas ang ilang panahon, nang si Artaxerxes ang hari ng Persia, dumating mula sa Babilonia ang isang lalaking nagngangalang Ezra. [According to v. 7, sa ika-7 taon ng Haring Artaxerxes nangyari ‘to. Kaya merong 57 years ang lumipas mula sa dedication ng temple sa chapter 6, hanggang dito. Ito ang unang beses na binanggit si Ezra sa aklat na ‘to. Sino ba siya?] Nagmula siya sa angkan ni Aaron dahil ang kanyang ama na si Seraias ay anak ni Azarias na anak ni Hilkias. Si Hilkias naman ay anak ni Sallum na anak ni Zadok. Si Zadok ay anak ni Ahitub na anak ni Amarias na anak ni Azarias. Si Azarias naman ay anak ni Meraiot at apo ni Buki na anak ni Abisua na anak ni Finehas. Si Finehas ay anak ni Eleazar at apo ni Aaron na pinakapunong pari. [Ang purpose ng mahabang listahan na ‘to ng lineage ni Ezra ay para i-trace ang lahi niya kay Aaron. Para ipakita ang legitimacy niya bilang kabilang sa priesthood ng Israel. Hindi tulad ng ilang mga bumalik sa Jerusalem na un-traceable ang lineage, 3:59-63. Pero ang identity niya ay higit pa sa pagiging pari na galing sa lahi ni Aaron.] Si Ezra ay isang eskriba na dalubhasa [skilled, ESV] sa Kautusan ni Moises na ibinigay ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Si Ezra ay pinatnubayan ni Yahweh na kanyang Diyos kaya’t lahat ng kahilingan niya’y ipinagkaloob sa kanya ng hari.” Ang paglalarawan sa kanya bilang isang scribe o teacher of the law ay nakakabit sa relasyon niya sa Salita ng Diyos. Ito ay “Kautusan” hindi lang ni Moises, kundi ibinigay ni Yahweh. Salita mismo na galing sa Diyos, 1 Tim. 3:16-17. Nakakabit sa Salita ng Diyos, nakakabit sa Presensiya ng Diyos, ang identity ni Ezra.
I wonder if the same thing can be said about us. Na we are defined by other people not with our family name, or our looks, or our performances, but in relation to the word of God and the presence of God in our lives.
Verses 7-10: “Noong ikapitong taon ng paghahari ni Artaxerxes, umalis si Ezra sa Babilonia patungong Jerusalem, kasama ang isang pangkat ng mga Israelita na kinabibilangan ng mga pari at mga Levita, mga mang-aawit, mga bantay sa pinto at mga tagapaglingkod sa Templo. Umalis sila sa Babilonia nang unang araw ng unang buwan, at sa patnubay ng kanyang Diyos ay dumating siya sa Jerusalem nang unang araw ng ikalimang buwan.” Apat na buwan ang inabot ng paglalakbay nila, covering about 1,300km. Sa biyahe namin from Marinduque last Friday, 300 plus km lang kasama ang boat ride, pero inabot ng mula 10AM hanggang 1:30AM, 15 hrs, napakahaba. Pero maikli pa kumpara sa ginawa nila Ezra. It takes a lot of commitment on their part para matapos ‘to. Pero ang driving factor dito ay ang pagkilos ng Panginoon. Sa v. 6, “the king granted him all that he asked [kaya nakasimula silang maglakbay]. Dito naman sa v. 9, nakarating na sila sa Jerusalem after 4 months, “for the good hand of his God was on him.” Naniniwala si Ezra sa paggabay ng Diyos, at ito ay most evident sa commitment niya sa Salita ng Diyos. Buong sikap na pinag-aralan ni Ezra ang Kautusan ni Yahweh upang maisagawa niya ito at upang maituro niya sa bayang Israel ang mga batas at tuntunin nito.” Hindi lang binasa, kundi pinag-aralan. Hindi lang pinag-aralan, kundi buong-sikap (devoted, set his heart) na pinag-aralan. Hindi lang pinag-aralan, kundi isinagawa, isinabuhay, sinunod. Hindi lang para sa sarili niya, kundi para maituro din sa iba.
We have here the same pattern para sa lahat ng Cristiano sa commitment sa salita ng Diyos. Study the Word, apply the Word, teach the Word. And do it wholeheartedly and passionately.
Dito naman sa verses 11-26 ay nakasulat ang content ng letter na binigay ng hari kay Ezra, clearly showing yung favor ng hari sa kanya, “the king granted him all that he asked” (v. 6): “Ito ang nilalaman ng liham na ibinigay ni Haring Artaxerxes kay Ezra, ang pari at eskriba na dalubhasa sa Kautusang ibinigay ni Yahweh sa Israel: “Buhat kay Haring Artaxerxes [ASD/AB, ang hari ng mga hari] para kay Ezra na pari at eskriba ng Kautusan ng Diyos ng kalangitan, [heto na naman ang description kay Ezra, nakakabit sa Kautusan ni Yahweh. He was a man of God, a man passionate for the Word of God. Kay Artaxerxes naman, hari ng mga hari, supreme over the kings of the earth. Of course, si Yahweh ang supreme over all kings, including Artaxerxes. And Jesus is our King of kings and Lord of lords, Rev. 19:16; 11:15].
“Ngayo’y ipinag-uutos ko na sinuman sa mga Israelita, mga pari man o mga Levita sa aking kaharian, na gustong sumama sa iyo pabalik sa Jerusalem ay pahihintulutan. Isinusugo kita, at ng aking pitong tagapayo, upang siyasatin ang mga nagaganap sa Jerusalem at Juda. [Clearly, maaring isang high-ranking official si Ezra sa Persia.] Alamin mo kung sinusunod nilang mabuti ang Kautusan ng iyong Diyos na ipinagkatiwala sa iyo. [Pati ang hari concerned na ang mga Judio ay sumusunod sa utos ng Diyos. Amazing!] Dalhin mo ang mga ginto at pilak na ipinagkakaloob ko at ng aking mga tagapayo sa Diyos ng Israel na ang Templo ay nasa Jerusalem. Dalhin mo rin ang lahat ng pilak at gintong ipagkakaloob sa iyo mula sa buong lalawigan ng Babilonia, gayundin ang mga kusang-loob na handog na ibibigay ng mga Israelita at ng kanilang mga pari para sa Templo ng Diyos sa Jerusalem. Tiyakin mong ang salaping ito ay gagamitin mo sa pagbili ng mga toro, mga lalaking tupa, at mga kordero, pati ng mga handog na pagkaing butil at alak na panghandog. Ihandog mo ang mga ito sa altar ng Templo ng Diyos na nasa Jerusalem. Ang matitirang ginto at pilak ay maaari mong gamitin, pati na ng iyong mga kababayan, sa anumang naisin ninyo ayon sa kalooban ng inyong Diyos. Dalhin mo rin sa Templo ng iyong Diyos sa Jerusalem ang mga kagamitang ibinigay sa iyo para gamitin sa paglilingkod sa Templo. Kung may iba ka pang kakailanganin para sa Templo, kumuha ka mula sa kabang-yaman ng hari.” [Gustong tiyakin ng hari na lahat ng kailangan sa Templo at sa pagsamba ng mga Judio ay well-provided. Ganito rin mula pa kay Cyrus at Darius. Gusto rin ng hari na maingatang mabuti ang mga kayamanan, well-accounted for, hindi kukurakutin ng iba. At ang lahat ng gagawin ay “ayon sa kalooban ng inyong Diyos.”]
Ang provision ni Lord, hindi barya-barya, kundi nag-uumapaw. And he will even use unbelieving kings like Cyrus, Darius and Artaxerxes to provide kung ano ang kailangan, and more than what is enough, para magawa ang layunin ng Diyos para sa atin. “Ako, si Haring Artaxerxes, ay nag-uutos sa lahat ng ingat-yaman sa lalawigan ng Kanluran-ng-Eufrates na ipagkaloob agad ninyo kay Ezra, na pari at dalubhasa sa Kautusan ng Diyos ng kalangitan, ang anumang hingin niya sa inyo. Maaari ninyo siyang bigyan ng hanggang 3,500 kilong pilak, 100 malalaking sisidlang puno ng trigo, 10 malalaking sisidlang puno ng alak, 10 malalaking sisidlang puno ng langis ng olibo, at gaano man karaming asin na kakailanganin. Ibigay ninyo ang lahat ng kailangan sa templo na ipinag-uutos ng Diyos ng kalangitan. Kung hindi ay baka ibaling niya ang kanyang galit sa aking kaharian at sa aking mga anak. Labag din sa batas na pagbayarin ng buwis ang mga pari, Levita, mang-aawit, bantay sa pinto, manggagawa o iba pang mga naglilingkod sa Templong ito ng Diyos.” Ibibigay ng Diyos ang lahat ng kailangan natin para makasunod tayo sa mga ipinag-uutos niya.
“At ikaw naman, Ezra, gamitin mo ang karunungang ibinigay sa iyo ng iyong Diyos; maglagay ka ng mga tagapamahala at mga hukom na mangangasiwa sa lahat ng tao sa lalawigan ng Kanluran-ng-Eufrates. Ang ilalagay mo ay ang marurunong sa Kautusan ng Diyos. Sa hindi naman marurunong, ituro mo sa kanila ang Kautusan. Ang lahat ng sumuway sa mga utos ng Diyos o sa mga utos ng hari ay paparusahan ng kamatayan, o pagkabihag, o pagsamsam ng kanyang mga ari-arian, o pagkabilanggo.” Parang Diyos mismo ang nagsasalita dito. Ganito rin naman ang nais ng Diyos para kay Ezra. Kilalanin na ang karunungang meron tayo ay galing sa Diyos, at dapat mas maging marunong pa tayo sa salita ng Diyos, para maturuan natin ang iba. Kamatayan ang kabayaran sa pagsuway sa utos ng Diyos. Purihin ang Panginoon dahil sa kanyang Anak na si Jesus na sinunod ang lahat ng utos ng Diyos at binayaran ang parusa sa ating mga pagsuway nang siya ay mamatay sa krus at muling mabuhay, para tayo’y mapatawad at magkaroon ng bagong buhay.
Marapat lang na purihin ang Diyos dahil sa kanyang kabutihan sa atin. Ganun din ang response ni Ezra dito sa vv. 27-28: “Sinabi ni Ezra, ‘Purihin si Yahweh, ang Diyos ng ating mga ninuno! Inudyukan niya ang hari upang pagandahin ang Templo ni Yahweh na nasa Jerusalem. Sa tulong ng Diyos [ESV, his steadfast love, Heb. hesed], napapayag ko ang hari at ang kanyang mga tagapayo, pati ang lahat ng kanyang makapangyarihang pinuno. Lumakas ang aking loob sapagkat pinatnubayan ako ni Yahweh na aking Diyos upang tipunin at isama ang mga pangunahing lalaki ng Israel.'” Si Yahweh ang Diyos ng Israel. Siya ang kumilos sa puso ng hari. Siya ang tumulong kay Ezra. Siya ang tapat sa pangako niya. Siya ang gumagabay sa bawat yugto ng mga pangyayari dito.
Siya ang Bida sa kuwentong ito. Kahit pa maraming pangalan ang babanggitin sa simula ng chapter 8, verses 1-14, pangalan ni Yahweh ang marapat na itanyag sa kuwentong ito: “Ito ang listahan ng mga pinuno ng mga angkan na dinalang-bihag sa Babilonia at bumalik na kasama ni Ezra noong panahon ng paghahari ni Artaxerxes: ‘Sa angkan ni Finehas ay si Gersom; sa angkan ni Itamar, si Daniel; sa angkan ni David ay si Hatus na anak ni Secanias; sa angkan ni Paros ay si Zacarias at ang mga kasama niyang 150 lalaki; sa angkan ni Pahat-moab ay si Eliehoenai na anak ni Zeraias at ang kasama nilang 200 lalaki; sa angkan ni Zatu ay si Secanias na anak ni Jahaziel at ang kasama nilang 300 lalaki; sa angkan ni Adin ay si Ebed na anak ni Jonatan at ang kasama nilang limampung lalaki; sa angkan ni Elam ay si Isaya na anak ni Atalias at ang kasama nilang pitumpung lalaki; sa angkan ni Sefatias ay si Zebadias na anak ni Micael at ang kasama nilang walumpung lalaki; sa angkan ni Joab ay si Obadias na anak ni Jehiel at ang kasama nilang 218 lalaki; sa angkan ni Bani ay si Selomit na anak ni Josifias at ang kasama nilang 160 lalaki; sa angkan ni Bebai ay si Zacarias na kanyang anak at ang kasama nilang dalawampu’t walong lalaki; sa angkan ni Azgad ay si Johanan na anak ni Hacatan at ang kasama nilang 110 lalaki; sa angkan ni Adonikam ay sina Elifelet, Jeuel, at Semarias ang huling dumating, bukod sa kasama nilang animnapung lalaki; sa angkan ni Bigvai ay sina Utai, Zacur at ang kasama nilang pitumpu.” [Listahan ito ng second batch ng returnees under sa leadership ni Ezra. Similar ito sa chapter 2 na listahan ng first batch under sa leadership naman ni Zerubabbel. Although higit na mas konti ang batch 2.]
Verses 15-20: “Sinabi ni Ezra, ‘Tinipon ko sila sa ilog na umaagos papuntang Ahava at tatlong araw kaming tumigil doon. Nalaman ko roon na may mga pari sa grupo ngunit walang Levita. [Problema ‘to, dapat may mga pari sa grupo, pero walang mga Levita na sumama, sa kanila dapat galing ang mga priests, sila pa naman ang magsisilbi sa templo, magtuturo ng kautusan, sila pa ang hindi sumama. Siguro naging kumportable na sa Babylon. Tsk. Tsk. We can be at home in this world, and fail to respond to the Word of God. Malaking problema ‘yan.] Dahil dito, ipinatawag ko ang mga pinunong sina Eliezer, Ariel, Semaias, Elnatan, Jarib, Elnatan, Natan, Zacarias, at Mesulam at ang mga gurong sina Joiarib at Elnatan. Isinugo ko silang lahat kay Ido na pinuno ng Casifia para hilingin sa kanya at sa kanyang mga kapanalig na manggagawa ng templo na magpadala ng mga taong maglilingkod sa Templo ng Diyos. [Ginawa ni Ezra, as a leader of the people, ang kailangang gawin, para matugunan ang problema at pangangailangan. Naging sucessful ‘to sa tulong ng Diyos, siyempre.] Sa tulong ng Diyos [ayan na naman, “by the good hand of our God on us,” ang Diyos ang gumagabay at nagdidirekta para maging matagumpay ang plano niya] ay ipinadala nila sa amin si Serebias, isang matalinong lalaking Levita na mula sa angkan ni Mali. May mga kasama siyang anak at kapatid na ang kabuuang bilang ay labingwalo. Ipinadala rin nila sina Hashabias at Jesaias na nagmula sa angkan ni Merari, dalawampung kamag-anak naman ang kasama nito. Napadagdag pa sa kanila ang 220 trabahador ng templo na ang mga ninuno ay inatasan ni Haring David at ng kanyang mga opisyal upang tumulong sa mga Levita. Nakalista lahat ang kanilang mga pangalan.'”
Gagawin ni Ezra ang lahat ng dapat gawin, gagawin ng mga Judio ang dapat gawin, gagawin natin ang dapat gawin, but let us be aware na we are utterly dependent on God. Hindi sa hari, hindi sa kaninuman, kundi sa Diyos lamang. Verses 21-23, “Doon sa pampang ng Ilog Ahava, sinabi ko sa buong grupo na kaming lahat ay mag-aayuno (fast) at maninikluhod (humble ourselves) sa harap ng aming Diyos upang hilingin sa kanya na patnubayan kami at ingatan sa paglalakbay, pati na ang aming mga anak at mga ari-arian. Nahihiya akong humiling sa hari ng mga kawal na magbabantay sa amin laban sa mga kaaway habang kami’y naglalakbay sapagkat nasabi ko na sa hari na pinapatnubayan ng aming Diyos ang lahat ng nagtitiwala sa kanya. Napopoot siya at nagpaparusa sa mga nagtatakwil sa kanya. [Gusto niya na magkaroon ng magandang witness sa hari tungkol sa kapangyarihan ni Yawheh.] Nag-ayuno nga kami at hiniling sa Diyos na nawa’y ingatan kami, at pinakinggan naman niya ang aming kahilingan.” When we are desperate and humble in our prayers, the Lord listens. Sumasagot siya. Kumikilos siya. God is sovereign, and he ordained the prayers of his people as a means para ma-accomplish ang mga layunin niya.
Verses 24-30: “Mula sa mga pangunahing pari ay pinili ko sina Serebias at Hashabias, at sampung iba pa na pawang mga kamag-anak din nila. Pagkatapos ay tinimbang ko at ibinigay sa mga pari ang mga pilak, ginto, at lalagyang ipinagkaloob ng hari at ng kanyang mga tagapayo at mga pinuno, at ng buong Israel upang gamitin sa Templo. Ang mga ibinigay ko sa kanila ay 22,750 kilong pilak; sandaang sisidlang pilak na may bigat na pitumpung kilo; 3,500 kilong ginto; dalawampung mangkok na ginto na ang timbang ay walong kilo at apat na guhit; at dalawang mangkok na yari sa pinong tanso na kasinghalaga ng mga mangkok na ginto.”
Sinabi ko sa kanila, “Kayo’y banal sa harap ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno; sagrado rin naman ang lahat ng pilak at gintong kagamitan na iniaalay kay Yahweh bilang mga kusang-loob na handog. [Ang pagsamba sa Diyos ay isang banal na gawain, kaya dapat lang na magpakabanal tayong mga sumasamba sa kanya. We are God’s holy nation, 1 Pet. 2:9.] Ingatan ninyong mabuti ang mga ito hanggang sa makarating kayo sa Templo, sa silid ng mga pari, kung saan titimbangin ang mga ito sa harap ng mga punong pari, mga Levita at mga pinuno ng mga angkan ng Israel sa Jerusalem.” Pinamahalaan nga ng mga pari at mga Levita ang mga ginto, ang mga pilak, at ang mga lalagyan. Kinuha nila ang mga ito at dinala sa Templo ng aming Diyos sa Jerusalem.”
Verses 31-36: “Umalis kami sa pampang ng Ilog Ahava at naglakbay patungong Jerusalem noong ika-12 araw ng unang buwan. Pinatnubayan kami ng aming Diyos [heto na naman, “the hand of our God was on us.” ] at iningatan kami sa anumang pananalakay at pananambang ng mga kaaway. Pagdating namin sa Jerusalem, tatlong araw kaming nagpahinga roon. Noong ikaapat na araw, nagtungo na kami sa Templo at pagkatapos timbangin doon ang mga pilak, ang mga ginto, at ang mga lalagyan, ipinagkatiwala namin ang mga ito sa paring si Meremot na anak ni Urias, Eleazar na anak ni Finehas at sa mga Levitang sina Jozabad na anak ni Josue at Noadias na anak ni Binui. Ang lahat ay binilang at tinimbang, at ang timbang ng bawat isa ay inilista. Ang lahat ng bumalik mula sa pagkabihag ay nagdala ng mga handog na susunugin para sa Diyos ng Israel. Nag-alay sila ng labindalawang toro para sa buong Israel, siyamnapu’t anim na tupang lalaki at pitumpu’t pitong kordero; nag-alay din sila ng labindalawang kambing na lalaki bilang handog para sa kasalanan. Ang lahat ng ito’y sinunog bilang handog kay Yahweh. Ibinigay din nila sa mga gobernador at mga pinuno ng lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates ang nakasulat na utos ng hari. Sa bisa ng utos na ito ay tumulong ang mga pinuno sa buong bayang Israel at sa pagsamba sa Templo ng Diyos.”
Their return to the land was not the end goal, worship is. Bumalik sila sa bayan nila para bumalik sa pagsamba sa Diyos nila.
Iniligtas tayo ng Diyos, through Jesus’ death and resurrection, para bumalik sa kanya, para sumamba sa kanya. Worshipping God is our ultimate goal.
Theology
Bakit? Malinaw itong itinuturo ng theological truths na kitang-kita sa kuwentong ito. This story, and every story in the Bible, teaches us theology. Ano ang itinuturo nito tungkol sa Diyos?
Ang Diyos ang Bida. Hindi si Haring Artaxerxes, kahit siya pa ang “hari ng mga hari” sa panahong ito. Hindi si Ezra, kahit isa siyang dalubsaha, at mahusay na leader. Kundi si Yahweh. “Lord” or Yahweh occurs 11 times in these two chapters. God appears 33 times, hindi lang sa sinulat ni Ezra, kundi pati sa sinulat ni Artaxerxes. Yung phrase na “the hand of God” / “the good hand of God,” paulit-ulit ding binabanggit sa kuwento. Binibigay ng hari ang lahat ng hilingin ni Ezra, bakit? “for the hand of the Lord his God was on him” (7:6). Nakarating si Ezra kasama ang ibang returnees sa Jerusalem, bakit? “for the good hand of his God was on him” (7:9). Tumapang at lumakas ang loob ni Ezra, tinipon niya ang mga kasama niyang babalik, bakit? “for the hand of the Lord my God was on me” (7:28). Nakapagpadala kay Ezra ng mga maglilingkod sa templo, they responded to Ezra’s call, paano nangyari? “by the good hand of our God on us” (8:18). Bakit di siya humingi ng band of soldiers and horsemen para samahan siya sa delikadong journey? Kasi siya mismo ang nagsabi sa hari ng ganito, “The hand of our God is for good on all who seek him…” (8:22). Nakaligtas nga sila sa mga kaaway at mga ambushes sa trip nila, bakit? “The hand of our God was on us” (8:31). Ang Diyos ang Bida, siya ang mabuting Bida, ng kuwentong ito, ng buong Kuwento ng Bibliya, ng kuwento ng buhay ng bawat isa sa atin.
Ang Diyos ang Direktor. Itong repeated references to the hand of God ay nag-iindicate ng kanyang sovereign direction sa bawat yugto ng nangyayari dito. It gives assurance sa mga readers ng story na ‘to na nakabalik sila sa promised land at naitayong muli ang templo not because of the will of King Cyrus or King Darius or King Artaxerxes or the leadership skills of Zerubabbel, Ezra and Nehemiah. “Rather, it was the sovereign hand of the wise and powerful King of the universe that allowed this to happen” (John MacArthur).
Ang Diyos ang Script Writer. Bagamat mahaba ang sulat ng Hari sa kuwentong ito, mas nangingibabaw pa rin ang paulit-ulit na references sa sulat ng Diyos, sa Kautusan ng Diyos na ibinigay niya kay Moises at sa Israel (7:6): “the Law of the Lord…his statutes and rules in Israel” (7:10); “the commandments of the Lord and his statutes for Israel” (7:11); “according to the Law of your God” (7:14); “the Law of the God of heaven” (7:21); “the laws of your God” (7:26). They were to be a people living by the Book. Their life must be all about the Word of God, the will of God, the wisdom of God.
Life
If life is all about God, how do we then respond to this story?
Bible reading – pag-aralang mabuti ang Script-ure. Merong mga parte ng script ng Diyos na unknown sa atin. Ano mangyayari sa future mo, sino mapapangasawa mo, magkakaanak ka ba, gagaling ka ba, bakit nangyayari ang sufferings sa buhay mo. Don’t dwell on that. The secret things belong to the Lord our God, but the things revealed (the Word of God in the Bible) belong to us and our children forever, that we may do all the words of this law (Deut. 29:29). Kaya tulad ni Ezra, we must set our heart to study the Word, and to do it, and to teach it to others (Ezra 7:10). We must be people of the Book, salita ng Diyos ang nananalaytay sa dugo natin. Dapat tayong maging consistent sa pag-aaral ng Bibliya. Pero dahil di natin kayang maunawaan, masunod, at maituro ito sa sariling kakayahan natin, we need…
Prayer – humingi ng tulong sa Diyos – Bida, Direktor at Script-Writer. Tulad nina Ezra, they humbled themselves in prayer, at desperate pa nga sa paghingi ng tulong sa Diyos in fasting, as they seek protection sa journey nila. Dapat din tayong maging desperate at consistent sa paghingi ng tulong sa Diyos – asking for his provision, his protection, his power sa buhay natin. Yes, sa personal, private prayers natin araw-araw. At sa Friday, as we gather as one church to pray.
Obedience – gampanan ang unique and special roles na binigay ng Diyos sa ‘yo. Crucial ang role ni Ezra bilang tagapagturo at tagapanguna sa Israel during this time. Kaya gagawin niya ang lahat to prepare himself for that task. Kailangan din niya ang ibang mga priests and Levites to serve sa Temple, sa worship life ng Israel. Noong una, walang sumama sa kanya. Pero eventually, may mga naisama na siya (8:15-20). At first, tayo rin, we may be hesitant to obey God, at gawin ang ipinapagawa niya sa atin. We are not the directors, but actors in this story. Gawin natin kung ano ang pinapagawa sa atin ni Lord, walang hesitation, but consistently.
Dahil ang Diyos ang consistent na Bida, Direktor at Script-Writer sa kuwento ng buhay natin, sa tulong at biyaya ng Diyos, motivated by the gospel of the Lord Jesus Christ, empowered by the Spirit, dapat rin tayong maging consistent sa pagbabasa ng Bibliya, pananalangin, at pagsunod. Hindi sala sa init, sala sa lamig.