“Enlarge My Heart” (Psalm 119:25-32)

Preached by Derick Parfan on Jan. 13, 2019 at Baliwag Bible Christian Church

Reading the Bible

Sa Three-Year Bible reading schedule natin, we started last week by reading Genesis 1-11. Then this week Genesis 12-21. Sana nakasabay kayo. Kung hindi pa nakapagsimula, pwede pang humabol. Kung meron kayong ibang reading plan na nasimulan na, okay lang din naman. Ang mahalaga, merong plano, merong commitment, merong discipline and devotion sa pakikinig sa kanya through the Word at pakikipag-usap sa kanya through prayer. 

Siyempre, meron din namang mga challenging parts, tulad ng mga genealogies. Example yung Genesis 5. Kaya nga nung isang araw may nagtanong sa ‘kin, “Pastor, dapat bang basahin din yung mga listahan ng pangalan na yun?” Why not? If we know na bawat passage ay may theological purpose, hindi ‘yan basta listahan lang ng mga pangalan at ng edad nila kung kailan sila nagkaanak, at edad nila kung kailan sila namatay.

We read every passage with knowing God as our goal. To know more of God’s will for us, na mga nilikha sa larawan niya, para sa karangalan niya. To know more of God’s judgment if we live contrary to his will. To know more of God’s grace, when he treats us with life even when we deserve death. To know more of God’s patience, yung haba ng pasensiya niya na pagtiisan ang mga makasalanan na tumatagal ang buhay nang 500 years or more! To know more of God’s purpose and plan sa redemptive history, eventually culminating in Jesus’ coming, his life, death and resurrection for us. 

Nagsisimula pa lang tayo sa three-year journey na ‘to sa Bible reading. But actually, it is a life-time journey. Yes, merong mga challenges ahead of us. Hindi lang yung tungkol sa mga content na mababasa natin na parang mahirap basahin, mahirap intindihin, at lalo nang mahirap i-apply sa buhay. Pero yung mga challenges sa experiences natin sa buhay that will challenge our resolve to spend time with the Word, and our resolve to live all of life according to his Word.

Psalm 119

Kaya last Sunday at ngayon nasa Psalm 119 tayo. Nabanggit ko na last week na itong awit na ‘to ay isang acrostic psalm. Meaning, bawat section nito na may eight verses ay nagco-correspond sa 22 letters ng Hebrew alphabet. Bawat verse sa bawat section ay nagsisimula din sa letrang yun. Halimbawa, aleph sa verses 1-8, beth sa verses 9-16, gimel sa verses 17-24, at ngayon ay daleth sa verses 25-32. Daleth, sounds like letter D. Kaya nga sabi ni Charles Spurgeon sa commentary niya sa Psalms na The Treasury of David, this passage “sings of Depression, in the spirit of Devotion, Determination, and Dependence.” Hiramin ko na rin ‘yan as outline for our message today.

Depression

Ang konteksto o kalagayan ng sumulat ng awit na ‘to ay hindi that of comfort, convenience, ease, and prosperity. Matindi ang hirap na pinagdadaanan niya. “My soul clings to the dust” (v. 25). Literally, ang kaluluwa niya’y nakakapit na sa alikabok sa lupa. This reminds us of Genesis 1-2. Kung paanong ang tao ay nilikha mula sa alikabok at babalik din sa lupa. At yung “cling” ay similar sa Gen. 2:24 tungkol sa relasyon ng mag-asawa na magkakapit at di maghihiwalay. Matindi yung desperation niya, parang mamamatay na at wala nang pag-asa pang mabuhay. Kaya nga sa ASD, “Ako’y parang mamamatay na.” His was not merely a physical condition. Posibleng maysakit siya na baka ikamatay na niya. But the pain was more than just physical. 

Subsob na siya sa lupa. “My soul melts away for sorrow” (v. 28). Sa NET, “I collapse from grief.” Sa ASD, “Ako’y nanlulumo dahil sa kalungkutan.” “My soul…my soul.” There was inner pain, more painful than what we feel in our body. Para siyang natutunaw na kandila. Dahil kaya sa kasalanan o sa pagiging more aware niya sa kanyang sinful condition, kahit na mas naging committed siya to live a righteous and blameless life. Tulad ni Paul, “Anong saklap ng aking kalagayan! Sino kaya ang magliligtas sa akin sa kalagayang ito na nagpapahamak sa akin” (Rom. 7:24 MBB)? Or most probably because of suffering from the bad things around him, tulad ng mga kaaway niya na patuloy na tumutuligsa sa kanya. Merong mga taong nasa katungkulan na nag-uusap-usap at nagsasabwatan laban sa kanya, merong panghihiya, merong pangungutya sa kanya (vv. 22-23). Kaya patuloy niyang prayer dito, “Huwag n’yong papayagang ako’y mapahiya (v. 31 ASD). 

Obviously, anuman ang bigat ng sitwasyon niya, di ito nakahadlang para magwaver ang devotion niya sa Panginoon. Sa kabila ng kalagayan niya, patuloy siya sa panalangin at pagbubulay ng kanyang salita. Ang 176 verses ng awit na ‘to ay carefully, creatively composed in the context of his suffering. Meron siyang dahilan para magmukmok, pero he finds greater reason to celebrate the wonders and the treasures and the delight he finds in the Word. Nandun yung mga struggles niya. Nandun yung mga temptations na gumugulo sa kanya. Nandun yung pain sa heart niya. But instead of finding an excuse na manlamig at maging unfaithful, his sufferings all the more motivated him.

Ano ang nararamdaman mo sa kalagayan mo ngayon? Siguro baon ka sa utang at parang wala nang pag-asang makaahon. O sira ang relasyon n’yong mag-asawa at parang wala nang pag-asang maayos. O lublob ka sa kasalanan at parang wala nang pag-asang magbago. O you are suffering depression na di mo malaman kung anong dahilan ng matindi mong kalungkutan, na para bang wala ka nang liwanag na makita at puro kadiliman. The more sufferings we have, sapat na excuse ba yun for us to spend less time in the Word and prayer, para mabawasan ang commitment natin sa Panginoon? No, hangga’t nadaragdagan pa nga ang mga sufferings natin, nadaragdagan din ang reasons na meron tayo, the more we need God, the more we need to pray, the more we need to listen to his Word.

Dependence

The more we need to depend on God’s help. Prayer is an acknowledgment of our need for help. Ganito naman ang response ng psalmist, “My soul clings to the dust; give me life…” (v. 25). Mamamatay na ako, kailangan ko ang buhay na galing sa ‘yo. Nalulunod ako, kailangan ko ang pagsagip mo. “My soul melts away for sorrow; strengthen me…” (v. 28). Mahina ako, kailangan ko ang kalakasang galing sa ‘yo. Nalulungkot ako, kailangan ko ang kaaliwan at kagalakang galing sa ‘yo.

Prayer is also an acknowledgment of God’s power and willingness to provide the help we need. Kaya nga simula sinasabi natin “Our Father in heaven.” He is our heavenly and gracious Father. Makapangyarihan siya at willing siya na iparanas yun sa atin. Kapag nananalangin tayo, we confess our faith in God as our Creator and giver of life. Na meron tayong Diyos na dependable, maaasahan. We can depend on God’s help. “When I told of my ways, you answered me” (v. 26). Anuman ang kalagayan natin, meron tayong kumpiyansa na merong Diyos na nakikinig sa atin. He is our Father, and he delights to listen to our desperate prayers.

“At may kapanatagan tayo sa paglapit natin sa Dios, dahil naniniwala tayong ibibigay niya sa atin ang anumang hilingin natin na ayon sa kanyang kalooban. At kung alam nating nakikinig sa atin ang Dios, alam nating tinatanggap na natin ang hinihiling natin sa kanya” (1 John 5:14-15 ASD).

Prayer is dependence on God. Prayerlessness is declaring independence from him. 

Something is wrong in your life right now. Ano yun? Pray because only God can make it right. Something is missing in your life right now. Ano yun? Pray because only God can fill it. Something is hurtful in your life right now. Ano yun? Pray because only God can heal and give life to your languishing heart.

Devotion

We pray kasi kumpiyansa tayo na sumasagot si Lord sa prayers natin. Kasi yun ang promise naman niya sa Salita niya. So, in one sense, pwedeng ang ibig sabihin ng “according to your word” sa verse 25, “Give me life according to your word” at verse 28, “Strengthen me according to your word” ay tulad ng salin sa Tagalog (MBB/ASD) na nag-eexpress ng confidence na ang prayer na ‘to ay sang-ayon sa mga pangako ng Diyos. In a sense, yes. “Lord, sagutin mo ang prayer ko kasi pangako mo ‘yan.”

But in another sense, and I believe that this is more likely na meaning ng passages na ‘to, nag-iindicate ito na ang answer ni Lord o ang means na gagamitin niya to answer those prayers ay “by his word.” Tulad ng salin ng NLT, “Revive me by your word…encourage me by your word.” HCSB, “through your word.” “Bigyan mo ako ng buhay sa pamamagitan ng salita mo, buhay na nanggagaling sa mga salita mo. Palakasin mo ako sa pamamagitan ng salita mo, yung lakas na nanggagaling sa mga salita mo.”

This is crucial to understand as we expect God’s answers to our prayers. Kung nagiging miserable ka o depress ka o hopeless ka dahil sa pagiging single mo, o sa problema mo sa marriage, o sa financial problems mo, o dahil sa negatibong salita ng ibang tao sa ‘yo, o may sakit ka, tapos nagpray ka, “Lord, give me life. Lord, strengthen me.” Ano ang sagot ni Lord? Boyfriend agad? Fixed marriage agad? More money? O change of heart ng mga taong nakasakit sa ‘yo? O complete healing from sickness? Not necessarily, although pwedeng gawin ni Lord ‘yan and in some cases ginagawa naman niya. Pero madalas di naman ganyan ang immediate answer ni Lord.

Salita ng Diyos ang sagot. Yung satisfaction na hinahanap mo, yung intimacy na hinahanap mo, yung security na hinahanap mo, yung acceptance and affirmation na hinahanap mo, yung strength na hinahanap mo, lahat ‘yan ay nasa Salita ng Diyos. You find your life, you gain more power and strength through the Word of God. Alam ng psalmist ‘yan. Ang sagot ng Diyos sa prayers niya nasa kanya na. 

Ang sagot ni Lord sa prayers mo nasa ‘yo na. You have the Word of God. And this Word is enough for the children of God. So, listen to God. Be devoted to his Word. Ang sagot na hinahanap mo sa mga prayers mo hindi babagsak miraculously from heaven. Kasi nasayong mga kamay na. Bubuklatin mo na lang. Babasahin. Pagbubulayan. Nanamnamin. Bumaba na si Jesus mula sa langit. At nagpapakilala sa ‘yo through the Word. Yes, we wait for specific answers sa mga prayers natin. Pero dapat nating alalahanin na lahat ng kailangan natin ngayon, God has already supplied through his Word, the written Word (the Bible) and the incarnate Word (Jesus, as he revealed himself through the Old and New Testaments).

“I will meditate on your wondrous works” (v. 27). Meron pa bang mas wonderful sa ginawa ng Diyos in saving us through the life, death and resurrection of Jesus? 

Para tayong mga bata na nagta-tantrums ‘pag naghahanap ng gustong pagkain. “Nagugutom ako.” Sasabihin ni mommy, “Ayan o, ang daming pwedeng kainin sa table.” Sasagot ang bata, “Ayoko niyan.” Meron na tayong pagpe-pyestahan sa salita ng Diyos, pero naghahanap pa tayo ng iba. The problem is not in the Word, but in us. Yung tastebuds natin na sanay na sanay sa mga pagkaing alok ng mundong ito. Yung mata natin na captivated by the false and fading beauties of this world. Yung tenga natin na inclined to listen to the noises around us.

Dahil dito, our devotion to the word must be a prayerful devotion. “Open my eyes…” (v. 18). We are dependent on God para maintindihan ang salita ng Diyos, that we may behold the wonders of Jesus in the gospel. Ganito pa rin ang paulit-ulit niyang prayer sa section na ‘to about the word: “Teach me” (v. 26); “Make me understand” (v. 27); “Graciously teach me” (v. 29). Biyaya na ang hainan tayo sa hapag kainan ng maraming pagkain. Pero kailangan din natin ng biyaya ng Diyos para maenjoy at mabusog sa kakainin natin. Napakabuti ng Diyos, gagawin niya ang lahat ng dapat gawin for us to enjoy and be satisfied with his Word. Ikaw din ba, gagawin mo ba ang lahat ng dapat gawin to find your joy and satisfaction in the word? 

Determination

Determination ang tawag diyan. Yung determination ay yung quality ng isang tao na magpatuloy sa kabila ng maraming hindrances. Kahit gipit financially, kung determinado ang isang estudyanteng makatapos, gagawin niya lahat ng magagawa niya para makapag-aral, kahit maging working student. Grabe ang determination ng psalmist sa Psalm 119 na anuman ang kalagayan niya, salita ng Diyos ang bukambibig niya. Bawat verse dito tungkol sa salita ng Diyos ang binabanggit niya: your word (v. 25), your statutes (v. 26), your precepts (v. 27), your word (v. 28), your law (v. 29), your rules (v. 30), your testimonies (v. 31), your commandments (v. 32). Kung ano ang bukambibig mo, yun ang nasa puso mo, yun ang mahalaga sa ‘yo, yun ang di mo hahayaang mawala sa ‘yo kahit anong mangyari, kahit gaano kahirap ang buhay, kahit gaano kabigat ang mga sufferings mo.Yun ang determinasyon.

And it involves making a personal decision. “When I told of my ways…” (v. 26). Ano yun? Ano ang plano niya, ano ang hangarin niya, ano ang decision niya. Merong dalawang choices everyday ang haharapin natin. It involves two ways to live our lives. At paulit-ulit ‘yang “way” sa section na ‘to (vv. 26, 27, 29, 30, 32). Galing sa Hebrew na derek, meaning “road, path” na metaphorical for the way we live our lives. Merong dalawang daanan na dapat nating pagdesisyunan araw-araw kung saan tayo dadaan. God’s way (“the way of your precepts…the way of faithfulness…the way of your commandments”) or our own sinful way, the way of this world (“false ways”). Ang isa maling daan, ang isa tamang daan. Ang isa kasinungalingan, ang isa katotohanan. Ang isa patungo sa kamatayan, ang isa patungo sa buhay. Ano ang pipiliin mo?

“Put false ways far from me…” (v. 29). May it be the prayers of our hearts. At hindi lang ‘yan prayer. Yes we depend on God. But we also make a firm determination in our heart na pipiliin natin ang daan ng Panginoon para sa atin araw-araw. “I have chosen the way of faithfulness (ASD, pinili ko ang tamang daan), I set your rules before me” (v. 30). When you make that choice, merong commitment. Naka-set ang heart mo, buo ang loob mo. “I cling to your testimonies” (v. 31). “Cling,” same word sa v. 25 (pati sa Gen. 2:24, tungkol sa pagkapit ng mag-asawa sa isa’t isa). Kung gaanong nakadikit na sa lupa ang kalagayan niya, ganun din naman nakadikit sa salita ng Diyos ang puso niya.

Determinado siyang hinding-hindi hihiwalay sa salita ng Panginoon no matter what. No one and nothing can divorce him from the Word. “I will run in the way of your commandments” (v. 32). Walang hesitation. Dito ba ako dadaan? ‘Yan ba sabi ng Waze (navigation app)? Baka traffic dyan? Tama kaya na dito tayo dumaan? Baka maligaw tayo? Walang doubt kung tama ba ang desisyon niya o hindi. He is all out in his commitment to God’s word.

Again, this is a personal decision. “I have chosen…I set…I cling…I will run…” Hindi pastor mo, hindi church mo, hindi magulang mo ang magdedesisyon para sa ‘yo. Piniprisinta ko sa inyo ang pwedeng Bible reading plan na gamitin, pero desisyon mo kung ano ang gagawin mo about it. Pinopromote namin ang mga prayer gatherings at iba pang opportunities for ministry, pero desisyon mo kung ano ang gagawin mo about this. I hope and pray you will make the right decision everyday. Hinding-hindi mo pagsisisihan ang dumaan sa landas na inilitag ng salita ng Diyos para sa ‘yo.

God’s Work

But I need to remind you. Gaano ka man ka-devoted o ka-determined, ‘wag kang magfocus sa sarili mong devotion and determination. Kung matindi ang devotion mo, kung dyan ka nakafocus, you may become prideful. Kung mapansin mo naman kung gaano kaliit ang commitment mo and how weak your determination is, madidiscourage ka naman. Don’t focus on you, focus on God. The psalmist was not trying to draw attention to himself and his devotion to the Word. Ang nais niya ay ibaling ang atensyon natin sa salita ng Diyos (“your word,” vv. 25 and 28) at sa gawa ng Diyos (“your wondrous works,” v. 27). 

Crucial dito yung last verse, “I will run in the way of your commandments when (or, because) you enlarge my heart” (v. 32). Sinasabi niya in essence, magagawa ko lang ‘to kung gagawin n’yo ‘to, magagawa ko lang ‘to (yung devotion and determination to follow you) dahil sa gawa ninyo. “When you enlarge my heart.” My determination depends on God’s determination to do his work in me, in my heart. Sa Hebrew, itong “heart” ay hindi lang tumutukoy sa emotive aspect of our being. Hindi lang ito yung feeling or emotions natin. Kasama din dyan yung capacity to make decisions, yung will, yung ability to choose. 

Yung commitment natin sa Panginoon nakadepende pa rin sa commitment niya para sa atin. Dependent tayo sa kanya para i-enlarge o palakihin ang capacity natin na maunawaan ang salita niya, yung puso natin na mas maging devoted sa kanya, yung “willpower” natin na mas maging determinado at buo ang loob na sumunod sa kanya. Tulad ng sabi ni Paul, “Work out your salvation with fear and trembling (our commitment) for (because, it is the ground) it is God who works in you, both to will and to work for his good pleasure” (Phil 2:12-13).

A few years ago, naging popular itong The Prayer of Jabez (1 Chr. 4:10) dahil sa book ni Bruce Wilkinson. “Oh that you would bless me and enlarge my territory,” sabi niya sa prayer niya. That prayer was misused and abused. Yung blessing and enlargement of territory naging ganito na, “Give me more influence, give me more prosperity, give me more material blessings.” More, more, more. Naging covetousness na, a selfish desire for more.

Itong dulo ng section na pinag-aaralan natin, I hope will serve as a corrective sa ganoong tendency ng puso natin. We pray, “Lord, enlarge my heart.” Sa medical terms, yung heart enlargement ay unhealthy at nakakamatay pa nga. Pero dito, nothing is more healthier and life-giving.  Anuman ang desisyon na kailangan mong gawin ngayon, may this be your prayer also. “Lord, enlarge my heart.”

For the third year, nominated ulit ako na maging member ng National Council of Elders ng ABCCOP, na pagbobotohan sa National Assembly next month. The last two years, I said no. This year, medyo nagkaroon ako ng added reason and motivation to say yes. Pero half-hearted pa rin ako. Need ko pa rin na magconsult sa asawa ko, sa leadership ng church natin, pati sa district natin (Pampanga-Nueva Ecija-Bulacan) na pinapangunahan ko for the last two years. To be in that position, magkakaroon ako “enlargement” in terms of position, in terms of influence, in terms leadership. It can be a good thing. Or not. Kung ang puso ko ay not in the right place.

Kailangan kong magdesisyon this week about that. Pero ipinapaalala sa akin ng Diyos, whether I say yes or no, mangibabaw sa prayer ko ay ito: “Lord, enlarge my heart’s capacity to know you more, love you more, obey you more, proclaim you more. Lord, I want more of you and less of me, more of your word and less of the world.” Anumang desisyon ang haharapin n’yo this week, anumang challenge, may it also be the prayer of your heart.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.