Hearts Stirred Up (Ezra 1-2)

Preached by Derick Parfan on January 27, 2019 at Baliwag Bible Christian Church

The Problem

Tulad ng napag-aralan natin sa latest sermon series natin sa Sampung Utos, alam nating nasisiyahan ang Diyos kung tayo na kanyang mga anak ay sumusunod sa kanya. Pero nagiging disobedient at unfaithful tayo sa kanya. Hindi lang yung ginagawa natin na nakikita ng mga tao. Last year, we have several instances ng mga kasama sa church na aktibo sa ministry, pero we found out na may itinatagong kasalanan. Ang iba, umaamin. Ang iba, hindi. Ang iba obvious na living worldly lives. Ang iba may relasyon sa mga unbelievers. Na para bang going back to our former life outside of Christ. Bumabalik sa pagkakaalipin sa kasalanan. Sa halip na mamuhay ayon sa kalayaan na meron kay Cristo. Nakakalimutan kung sino siya, kung kanino siya.

It is my prayer that this year, more than any other thing, magkaroon ng “Restoration. Renewal. Reformation.” We will pray about it. And we need the word of God to accomplish that. Starting today, Ezra-Nehemiah. Isang book lang naman talaga ‘yan, as we will see. By mid-year, 1 Corinthians tayo. Then in between series breaks, iisa-isahin natin yung Beatitudes sa Sermon on the Mount ni Jesus (Matt. 5).

Bakit Ezra-Nehemiah ngayon? Ang layong panahon na ‘yan (2,500 years ago) na nangyari sa isang bansa na ang layo sa atin ay 9,000 km. Pero kung alam mo ang history nila, makikita mong ang problema nila ay hindi nalalayo sa problema ng istorya ng buhay natin. “In the first year of Cyrus king of Persia…” (1:1). 539 BC yan. At itong verses 1-3 ay kopyang-kopya sa ending ng 2 Chronicles (36:22-23). Tingnan mo. Merong bahagi ng Ezra-Nehemiah na si Ezra ang nagsulat, meron ding si Nehemiah, yun bang mga diaries nila. Pero merong nagcompile at bumuo ng aklat na ‘to, na ang paniwala ng mga Bible scholars ay the same author ng 1-2 Chronicles – The Chronicler, posibleng si Ezra din daw. Whatever the case, ang klaro ay sulat ito ng Diyos, nagpapatuloy na kuwento ng Diyos, and a continuing story of God’s people. 

Ano bang problema nila? Nangako ang Diyos kay Abraham na magmumula sa kanya ang isang lahi at maniniraan sa lupaing pinangako ng Diyos. Natupad yun, sa kanya nagmula ang bansang Israel. Kaso, 430 years silang naalipin sa Egipto. Pero, by God’s miraculous deliverance, nakalaya sila at nakarating sa Canaan, the land of promise. Eventually nagkaroon sila ng king. Pero nahati ang kaharian sa dalawa – Israel sa north, Judah sa south. Mula pa nang makalaya sila sa Egipto, unfaithful and disobedient na sila. Lalo pa yung mga hari nila, na pasimuno sa kasamaan (with a few exceptions siyempre). At itong Israel, nilusob, winasak at binihag ng Assyria noong 722 BC. 

Ang Judah nakaligtas pa. Not because better sila. No. Ganun din naman sila. Ayon sa 2 Chronicles 36:11-16, ang huling hari nila, si Zedekiah, ay masama sa paningin ng Diyos, mayabang, di nakikinig sa salita ng Diyos, matigas ang puso, di nagsisisi. Tulad ng hari nila, ganun din ang mga tao. Exceedingly unfaithful, tulad ng mga bansang nakapaligid sa kanila, binastos nila ang banal na templo ng Diyos, the house of God. Sa kabila nun, paulit-ulit na nagpapadala ang Diyos ng mga propeta, because he is compassionate. Pero paulit-ulit din ang pagbabalewala at pambabastos nila sa salita ng mga propeta. Dahil sa matinding galit ng Diyos (v. 16), kaya ginamit niya ang mga Babylonians, para lusubin sila, pati mga babae at mga bata pinagpapatay, in a trilogy of invasions, 605 BC, 597 BC at 586 BC. Lahat ng treasures sa templo ninakaw. Sinunog ang templo. Winasak ang pader ng Jerusalem. Pati mga palasyo at mga bahay sinunog. Halos wala nang matira. Ang mga natirang buhay dinala sa Babylon at doon ay ginawang mga alipin.

Nangyari ang mga ito tulad ng babala sa salita ng Diyos through prophet Jeremiah (v. 21; Jer. 25:8-11). Hindi nagbibiro ang Diyos. He does not utter empty threats. Tinotoo niya ang sinabi niya. That’s the problem. We are the problem. Meron bang solusyon? Yes. Nandun din sa dulo ng verse 21 na nakasulat din sa Jer. 25:11, tatagal lang ang exile at captivity nila sa Babylon ng 70 years. Meaning, may katapusan. Ang solusyon din pala ay nasa salita ng Diyos. Nasa pangako ng Diyos.

The Promise of God

Ganito din ang bungad ng Ezra 1:1, “…that the word of the Lord by the mouth of Jeremiah might be fulfilled.” Yung Jeremiah 29:11 marami sa inyo life verse at memorized ‘yan: “I know the plans I have for you…” Hindi ito primarily tungkol sa atin. Kundi sa Israel. Tingnan n’yo ang verse 10, “Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing pagkatapos ng 70 taon na pagsakop ng Babilonia, babalikan ko kayo at tutuparin ko ang pangako ko na ibabalik ko kayo sa lupain ninyo” (MBB). Itong 70 years, di rin agreed ang mga Bible scholars kung ano ang reference. Mula 612 BC ba sa simula ng Babylon hanggang sa simula ni Cyrus (539 BC)? O mula sa destruction ng temple (586 BC) hanggang sa maitayong muli ito (516 BC)?

Anuman yung exact reference nitong 70 years, the message for God’s people is very clear.  “The whole book of Ezra (and Nehemiah) is the story of God’s work to fulfill his promises by bringing his people back from exile and establishing them once again in their land” (ESV Study Bible). Si Yahweh ay Diyos na tumutupad sa lahat ng kanyang pangako para sa kanyang bayan. Mula pa kay Abraham, hanggang ngayon sa Ezra-Nehemiah, hindi nagbabago ang kanyang puso para sa kanyang mga iniligtas. But the focus ay hindi lang dun sa kung ano ang ginawa ng Diyos, kundi kung paano siya tumupad sa pangako niya at anu-ano ang paraang ginamit niyang instrumento para matupad ang layunin niya. “The overall purpose of Ezra and Nehemiah is to affirm that God works sovereignly through responsible human agents to accomplish his redemptive objective” (The ESV Reformation Study Bible).

The Power of God

Klaro ‘yan sa sumunod na bahagi ng intro sa verse 1, “…the Lord stirred up the spirit of Cyrus king of Persia, so that he made a proclamation throughout all his kingdom and also put it in writing.” Bago pa man gumawa ng aksyon si Cyrus, nauna na ang Diyos. Bago pa nga siya ipanganak, more than 100 years before he was born, pinangalanan na siya ng Diyos, “who says of Cyrus, ‘He is my shepherd, and he shall fulfill all my purpose’; saying of Jerusalem, ‘She shall be built,’ (mangyayari sa Nehemiah) and of the temple, ‘Your foundation shall be laid’ (mangyayari sa Ezra)” (Isa. 44:28; also 45:1-5). For that redemptive purpose, God raised up an ungodly and idolatrous king. Yung “stirred up” ay galing sa Hebrew word na gisingin, idilat ang mata, ibangon mula sa pagkakatulog, an image kung paanong ang Diyos ay kumilos sa puso niya para gawin kung ano ang nais niya. He may have different motivations, pero malinaw na tinutupad ng Diyos ang pangako niya even by using an unlikely instrument.

“Ito ang mensahe ni Haring Cyrus ng Persia: ‘Ibinigay sa akin ng Panginoon, ang Dios ng kalangitan, ang lahat ng kaharian dito sa mundo, at ipinagkatiwala niya sa akin ang pagpapatayo ng templo para sa kanya roon sa Jerusalem na sakop ng Juda. 3Kayong lahat na mamamayan ng Dios, bumalik na kayo sa Jerusalem at muli ninyong ipatayo roon ang templo ng Panginoon, ang Dios ng Israel, na nakatira sa lungsod na iyon. At samahan niya sana kayo. 4Ang mga natitirang tao sa mga lugar na tinitirhan nʼyong mga Israelita ay dapat tumulong sa inyong paglalakbay. Magbibigay sila ng mga pilak at ginto, mga kakailanganing bagay, mga hayop, at pagtulong na kusang-loob para sa templo ng Dios sa Jerusalem'” (vv. 2-4). 

Imagine Presidente Duterte, na naglabas ng presidential proclamation na nag-uutos na lahat ng mga pastor ay magpagawa ng simbahan sa bawat barangay at mag-imprenta ng isang milyong Bibliya at popondohan ng gobyerno ang gastos. Sounds impossible? Yun ay dahil we are slow to believe the power of God. He is King and sovereign over all human rulers. Kahit si Pharaoh, hari ng Egipto (Exod 7:3; 9:12) at si Nebuchadnezzar, hari ng Babylonia (Dan 5:20). “Ang isipan ng hari ay parang ilog na pinapadaloy ng Panginoon saan man niya naisin” (Prov. 21:1 ASD). “He turns it wherever he will.” God is sovereign and powerful to use even the ungodly, the unbelievers, to bring about his redemptive purposes for his people.

Pwedeng ang asawa mong matigas ang puso, o ang tatay mo, o ang boss mo, o ang presidente natin at mga lawmakers. Ang pag-asa natin ay wala sa pagbabago ng presidente o mga government officials, kundi sa Diyos na di nagbabago. He is sovereign then, and he still is today. Parang kinikilala naman ni Cyrus si Yahweh. Pero maaaring accomodating lang naman din siya sa ibang mga “gods” na sakop ng kaharian niya, for political reasons. Whatever the case, there is hope that God can change the heart of anyone to be obedient to his word. If he can do this with King Cyrus, he can do this with anyone. We are not to stop praying for our president, our lawmakers, and all the unbelievers. And for believers who are being disobedient to his word.

Si Haring Cyrus sumunod sa Diyos. May batas na para sa lahat ng citizens ng Jerusalem na bumalik sila. Hindi lang pwedeng bumalik. Dapat bumalik. Again, imagine, nasa ibang bansa ka, 30 years ka na dun, dun na lumaki ang mga anak mo, maganda na ang buhay n’yo, sanay na, kumportable na. Tapos may batas na bumalik na, umuwi na. E anong babalikan? Sira-sira naman, mahirap ang buhay, simula na naman sa simula. Madali bang sumunod? No.

Again, the God who is at work sa heart ni Cyrus, the same God at work sa puso ng mga tao. Sinu-sino ang sumunod sa proklamasyon? “…everyone whose spirit God had stirred up…” (v. 5). Same with what God did to Cyrus. They became obedient because of God’s sovereign power. Even our faith, our repentance, and our obedience are results of God’s sovereign grace (Eph. 2:8-9; Phil. 1:29; 2 Tim. 2:25; Phil. 2:12-13).

The Purpose of God

Ano ang dahilan bakit sila babalik? Sabi sa utos ni Cyrus: “…bumalik na kayo sa Jerusalem at muli ninyong ipatayo roon ang templo ng Panginoon, ang Dios ng Israel…” (v. 3). Ganun nga ang ginawa nila. “Kaya naghanda silang pumunta roon para ipatayo ang templo ng Panginoon” (v. 5). Hindi para mas maging kumportable, hindi para mas maging feel at-home, not for their own prosperity, but for the Lord’s purposes. Para itayo ang templong nawasak. It is not just a building restoration project. Ang templo ay symbolic ng presensiya ng Diyos, ng karangalan ng Diyos, ng pagsamba sa Diyos, ng malapit na relasyon sa Diyos. Ang pagbabalik nila sa Jerusalem ay hindi lang basta relocation project, ito ay restoration to God’s purposes, restoration to God’s presence, restoration of their intimacy with God.
‘Yan ang pangunahing layunin ng Diyos sa buhay natin. ‘Yan ang pangako niyang gagawin niya. Not to make our life easy, but to make us holy, set apart, consecrated to him and his purposes. Anumang desisyong gagawin natin sa buhay, dapat nakasang-ayon sa plano ng Diyos, hindi kung anong trabaho ang mas malaki ang kita, ang makakapag-advance ng career mo, kung paano ka yayaman, kung paano giginhawa ang pamilya mo, kung paano mapiplease ang sarili o ibang tao, but according to God’s calling and purposes for us.

The Provision of God

Maaaring idahilan n’yo na mahirap. Mahirap iwanan ang relasyong kinalalagyan mo ngayon, o ang trabahong pinagkakaabalahan mo, o ang kayamanang hawak-hawak mo alang-alang sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Pero ipinapaalala sa sumunod na nangyari sa verses 6-11 na kung ang Diyos ang tumawag sa ‘yo, siya rin ang magkakaloob ng lahat ng kailangan mo para makasunod ka. Verse 6, “Ang ibang mga tao ay tumulong sa kanila…” Sa Hebrew, literally, strengthened them. Natural mahina tayo, may kakulangan tayo, pero gagawa at gagawa ang Diyos at gagamit siya ng mga tao para palakasin tayo, para tugunan anuman ang kakulangan natin. Even itong mga Persians, mga dayuhan, pati si Cyrus ginamit niya para lahat ng kailangan sa project maibigay. 

Pati yung mga treasures na ninakaw ni Nebuchadnezzar binalik na. Kung sumahin mo ang mga gamit sa verses 9-10 ay 2,499, pero nakasulat sa v. 11 ay 5,400. Hala, mahina sa math, mali. Siyempre walang mali sa Scripture, salita ng Diyos ‘yan. Pero maaaring may mali sa mga kumopya nitong mga original manuscripts o kaya naman, hindi na sinali sa listahan lahat, samples lang. Sa chapter 2 mamaya meron ding ganyang case. Pero don’t miss yung historical significance nito. Kung detached tayo sa history, parang ‘yang Balangiga Bells na sinoli na ng mga Americano sa Pilipinas, di natin ma-feel ang significance. Pero historically significant ‘yan. Ganun din dito sa story. They were going back to the way things were. They were returning home. Balikbayan na sila. Kung matagal kang OFW at finally nakauwi ka na, you can’t help but be emotional about it. Lalo pa kung alam mong God is providing everything you need back home.

The People of God

Sino ang kabilang sa kuwentong ito? Sino ang kabilang sa Diyos at sa pagtupad ng kanyang layunin? Para kanino ang mga pangako ng Diyos na “restoration, renewal at reformation”? They belong to God’s people. That’s the point of chapter 2. 

“Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia. Ngayon umalis na sila sa lugar na iyon at bumalik na sa Jerusalem at sa sarili nilang mga bayan sa Juda” (2:1). Babalik na sila, pero they were not yet totally free. Probinsiya pa sila, hindi pa independent nation. Wala pa silang sariling hari. Waiting pa rin. 

Pero merong pag-asa. “Ang mga namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem ay sina Zerubabel (ibig sabihin, son of Babylon, galing sa line ng mga kings of Judah, uncle niya si Shesbazzar the appointed governor, and eventually pinalitan niya, at nanguna sa first batch of returnees, and from his line ang Panginoong Jesus, Matt. 1:12),  Jeshua (siya ang high priest, katunog ng Joshua ang pangalan niya, ibig sabihin, “Si Yahweh ang nagliligtas,” Yeshua, Jesus), Nehemias (not the same as Nehemiah sa next part, 100 years later pa siya), Seraya, Reelaya, Mordecai (not the same dun sa Esther), Bilshan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baana. Ito ang talaan ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag…” (2:2). 

  • vv. 3-20, talaan ayon sa pinanggalingang angkan o ninuno;
  • vv. 21-35, talaan ayon sa pinanggalingang bayan; 
  • vv. 36-42, mga pari at mga Levita, mga nakatalaga para manguna sa religious life ng Israel;
  • vv. 43-58, mga utusan sa templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon;
  • vv. 59-63, mga colorum pa, di pa alam kung san sila galing, pero kasamang bumalik, pati yung nagsasabing they belong to the priesthood pero wala pang katibayan kaya di muna nagserve sa priestly ministry hangga’t hindi verified. Noon merong ginagamit ang high priest na “Urim at Thummim”, a device for knowing God’s will, dalawang stones (yes and no). Even sa ganyang palabunutan, God is sovereign!

Sabi sa v. 64, ang total ay 42,360, pero kung icheck mo wala pa sa 30,000. Hindi klaro kung bakit iba. Maybe the list was not exhaustive. Or probably, merong error yung copyist ng manuscript. We don’t know for sure. Pero kung icheck mo yung cross-reference ng Ezra 2:1, sasabihin sa ‘yong ganito din ang nakalagay sa Nehemiah chapter 7, with minor differences lang. Kung walang halaga ang listahang ito, bakit uulitin pa? Ibig sabihin, this was historically and theologically significant. Ayon sa notes ng ESV Reformation Study Bible, at least merong tatlong reasons bakit mahalaga ‘to:

The Lord knows his people personally.

Kilala ng Diyos (by name) kung sino ang sa kanya, ang kabilang sa kanya. At yung makakabasa nito na nakabalik na, at makita nilang kabilang sila, oh what joy to belong to God and his people! Kaya yung mga di pa sure, talagang ang first priority nila is to make sure that they really belong. Ikaw, kilala mo ba ang Diyos? Or rather, kilala ka ba ng Diyos, o kinikilala ka ng Diyos na sa kanya, pag-aari niya, anak niya? O sasabihin niya sa ‘yo at the last day, “I never knew you. Get away from me” (see Matt. 7:21-23). Nakalista ba ang pangalan mo? Nakakabit ka ba kay Cristo?

God is re-creating a people for himself.

Itong Ezra 2 ay may hawig sa listahan din sa Numbers chapters 1 and 26, kung saan binilang ang kabilang sa Israel una bago sila maglakbay mula sa Mt. Sinai, at ang huli ay after almost 40 years na, second generation na, papasok na sa promised land. Hawig din sa Joshua 18-19, kung saan naman pinaghati-hatian na ang lupa. Ipinapahiwatig nito ang outworking ng plano ng Diyos na bumuo ng isang redeemed covenant community. Kaya nga dito sa Ezra 2, ang ending, “Ang bawat isa sa kanila ay bumalik na sa kani-kanilang bayan…” (v. 70 ASD). But still, they were a “people of the province,” sakop pa ng dayuhang pamamahala, naghihintay pa ng full freedom and redemption. 

Nagkaroon ‘yan ng katuparan sa pagdating ng Messiah, ng Haring Tagapagligtas, ang Panginoong Jesus. Not politically, but spiritually. Yung restoration nangyari nang mamatay siya sa krus para buksan ang pintuan palapit sa Diyos, at sinumang sasampalataya sa kanya ay mapapanumbalik ang relasyon sa Diyos. Yung promise niya sa Israel natupad kay Cristo. Dahil kay Cristo, yung God’s people, kabilang na tayo dun. So we also trust sa power niya, sa provision niya, para ano? Para makabahagi tayo sa katuparan ng mga redemptive purposes niya – na mailapit ang marami pang tao – dito at sa buong mundo – sa Panginoon. “In Christ God was reconciling the world to himself…Therefore, we are ambassadors of Christ…” (2 Cor. 5:19-20). Hindi lang pastors and missionaries ang “ambassadors” na tinutukoy dito. Lahat ng Christians.

Common people are vital to the accomplishing of God’s redemptive plan. 

Dito sa story, pagkatapus unahin yung primary leaders nila (11 or 12), puro listahan na ng mga ordinaryong tao ang binanggit, saka pa lang yung mga religious leaders. The point is clear. Para maisagawa ang layunin ng Diyos, kailangan ang participation ng lahat ng kabilang sa Diyos. “Whoever is among you of all his people” (Ezra 1:3). Lahat may kontribusyon, “…ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay ng kusang-loob na tulong sa muling pagpapatayo ng templo sa dati nitong pinagtayuan. Nagbigay sila ayon sa makakaya nila para sa gawaing ito” (2:68-69). Ito yung mga “freewill offerings” na beyond sa required na tithes. Sa account sa Nehemiah 7, hindi lang mga pinuno ang nagbigay, pati mga ordinaryong tao nagbigay din (v. 72). 

Hindi sila exempted. Hindi sila nag-excuse na mas mahirap sila at walang kakayanan. Hindi nila sinabing, yung mga mayayaman na lang kaya na nila yan. Tulad ng mga taga-Macedonia, na nagmamakaawa pa kay Pablo na gustong makibahagi sa pagbibigay tulong. Sa kabila ng hirap ng buhay (“severe test of affliction…extreme poverty”), nag-uumapaw ang generosity nila, dahil nag-uumapaw din ang kagalakang meron sila dahil sa biyaya ng Diyos na nakay Cristo (2 Cor. 8:1-4). This is not just about money, but giving all we can, all we have, para makibahagi sa gospel ambition na bigay ng Diyos sa church natin. So, don’t just be a member na nasa listahan ang pangalan sa membership list ng church. Be a participating member, committed na makibahagi at makita ang katuparan ng mga plano at layunin ng Diyos for our church.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.