Ang Sampung Utos (Intro)

Listen to this sermon…

Listen to sermon excerpt…

download mp3  |  listen on YouTube  |  listen on audiomack

Natural sa mga bata ang ayaw na inuutusan. Bihira o minsan lang sa kanila na masayang gagawin kung ano ang inuutos mo. Minsan, tayong mga magulang, nagtataka bakit ganun. E kanino ba naman nagmana ‘yan? Kung natural sa mga bata, natural din sa mga matatanda na ayaw na inuutusan. Tingin kasi natin sa mga utos o batas o patakaran, parang nililimitahan yung freedom natin. Natural sa ating lahat ang autonomy (auto – self; nomos – law), na sariling batas ang sinusunod natin. Kaya nga maraming sobra ang disrespect sa government, sa parents, at maging sa Diyos mismo kapag puro utos o batas ang ineemphasize. Na para bang istrikto daw, malupit daw, unloving daw, wala daw grace. We have this mistaken notion na kapag grace, hahayaan ka na lang na gawin kung ano ang gusto mong gawin, kung san ka masaya bahala ka.

This is a real problem. Not just in our country, but also in our brand of Christianity. So today, meron akong three purposes na prayer kong maaccomplish sa sermon na ‘to.

  1. To introduce yung bagong sermon sa church na Sampung Utos. Yes, gusto nating maging “deeper into the gospel.” Pero hindi ibig sabihing we set aside the law. It is not gospel vs law. Hindi magkaaway ang dalawang ‘yan. Makikita natin all throughout this series na kapag nagiging deeper ang understanding natin ng law, nagiging deeper din tayo into the gospel.
  2. Dahil anniversary celebration ngayon, to lead us in celebrating our freedom in Christ. Crucial for us to clarify na when we are celebrating that freedom, ano naman ang kinalaman dun ng mga utos ng Diyos? Kung naligtas tayo sa biyaya ng Diyos at hindi sa sariling gawa (Eph. 2:8), ibig bang sabihing malaya na tayong sumuway sa mga utos ng Diyos? Of course not!
  3. And for all of us, I hope na magkaroon tayo ng change of attitude tungkol sa function ng law sa Christian life. Particularly yung mga nakasulat sa Old Testament, particularly itong 10 Commandments. Na kapag marinig mo ang mga utos ng Diyos, hindi na ganito ang saloobin mo: “Sige, pagsisikapan kong sundin ‘yan, so that God will love and accept me more.” Legalism ‘yan. Hindi rin ganito: “Love na naman ako ni Lord. Accepted na naman ako because of his grace. Okay lang na di ako sumunod sa kanya.” Antinomianism (anti-“law”) naman ang tawag diyan. Both legalism and antinomianism spring from a failure to understand the nature of the law and its function sa Christian life. Kung “low” ang view natin ng “law”, we will not grow deeper into the gospel. Pero kung we will recover a high view of the law (tulad ng gagawin natin sa 10 Commandments), masasabi nating: “Dahil kay Jesus, love ako ni Lord, accepted na niya ako. Dahil diyan, masaya ang puso ko sa pagsunod sa mga utos niya.”

Ngayon kung titingnan natin ang sampung utos sa Exodus 20:3-17, ang tingin natin limiting ito ng freedom natin kasi parang negative ang dating, “Don’t do this, don’t do that.” In a way, the law functions as a restraint. Para supilin ang tendency natin na gumawa ng kasalanan. Just imagine kung walang batas sa bansa natin against murder, rape, and stealing. It will be chaotic!!! So, in a way, ang utos ng Diyos ay nagseset ng limitations at boundaries. Pero ‘wag na ‘wag nating iisiping tinatalian ng Diyos ang freedom na meron tayo by giving his law for us to obey. That’s the problem when we read the 10 Commandments. Sa verse 3 tayo nagsisimula. Dapat sa verses 1-2. “Ang lahat ng [mga salitang] ito’y sinabi ng Diyos: ‘Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin'” (MBB). Ito yung preface, intro, prologue sa Sampung Utos. Meditate on this at makikita mo kung para saan ang utos ng Diyos at ano ang usefulness nito sa buhay natin.

Tingnan natin ang pito:

#1: Ang Sampung Utos ay mga salita ng Diyos.

Malinaw sa verse 1 na ang Sampung Utos ay hindi salita lang ng tao, hindi rin si Moises ang nagsabi nito. “Ang lahat ng [mga salitang] ito’y sinabi ng Diyos.” “God spoke all these words” (ESV), emphasizing the source and origin of the 10 Commandments. Tawag dito Decalogue (10 Words). Salita ng Diyos. Tulad din ng ibang bahagi ng Scripture, “breathed out by God” (2 Tim. 3:16). Dala-dala nito ang authority ng Diyos. Dahil siya ang nagsalita nito, dapat pakinggan. Kung di mo pakikinggan, binabalewala mo ang Diyos mismo. Kung ano ang attitude mo sa mga utos niya, siya ring attitude mo sa Diyos mismo. You cannot say, “I love God” and “I hate his law” at the same time. Sabi ni prophet Nathan kay David ang mensahe ng Diyos pagkatapos niyang suwayin ang commandments na “you shall not murder” at “you shall not commit adultery”: “You have despised the word of the Lord…you have despised me” (2 Sam. 12:9-10). You cannot separate the law from the Law-giver.

Ang Sampung Utos, dahil salita ng Diyos, ay dapat pakinggan, dapat pag-aralan, dapat sundin. Dahil ito rin ay mainam para sa atin. “All Scripture is breathed out by God and profitable…” Kapaki-pakinabang. Beneficial. If you neglect it, mapapahamak ka. What we need most ay hindi ang pakinggan ang tibok ng puso natin, o pakinggan ang mga advice ng ibang tao, kundi ang pakinggan, paniwalaan at sundin ang salita ng Diyos. Ang Sampung Utos ay salita ng Diyos.

Hindi lang sinasabi kung ano ang gusto niyang gawin mo, kundi kung sino siya na dapat mong makilala…

#2: Ang Sampung Utos ay nagpapakilala kung sino ang Diyos.

Verse 2, “I am the LORD, your God…” “Ako si Yahweh, ang iyong Diyos…” Siya ang Diyos, Elohim, wala nang ibang diyos maliban sa kanya. Only he is Creator, Sovereign, All-Powerful, All-Knowing, Infinite, Eternal, Immortal God. Wala nang iba. Wala nang ibang maaaaring magcommand ng ating absolute devotion, allegiance and obedience. Siya rin si Yahweh, the LORD (all caps), PANGINOON (all caps), pero ang tinutukoy ay ang personal name na ni-reveal niya sa Israel. This is his name forever. This reminds us of the special covenant relationship na meron ang Diyos sa Israel noon at sa ating mga nakay Cristo ngayon.

So, dito sa Sampung Utos, nagpapakilala siya kung sino siya bilang Diyos, at kung sino siya na gustong makipagrelasyon sa ‘yo. Kasi gusto niyang mas makilala mo siya. Kung ang kautusan ay tulad ng sinasabi ng Psalm 19:7-11 na “perfect, sure, right, pure, clean, true, more to be desired than gold, sweeter than honey” then God is also “perfect, sure, right, pure, clean, true, more to be desired than gold, sweeter than honey.” Kung ang commands ay tulad ng sabi ni Paul sa Romans 7:12 na “holy and righteous and good” then God is also “holy and righteous and good.”

So, heto ang tip pag pag-aaralan ang mga commandments. Tanungin mo, “What does this law reveal about God and his character?” Pag sinabi niyang “You shall not murder,” paano ito nagpapakilala sa Diyos at sa pagpapahalaga niya sa buhay ng tao at kung sino ang may authority sa decision na who lives and who dies? At siyempre, because we are created in the image of God, gusto niya na masalamin sa buhay natin yung kanyang holiness, love and goodness. But…all have sinned and fall short of his glory. Kaya, another function of the law is this…

#3: Ang Sampung Utos ay sumasalamin sa lalim ng kasalanang nasa puso natin.

Ano yung role ng Israel dun sa prologue sa Ten Commandments? “Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin.” Sila na nasa Egipto at mga alipin just a few days ago. Sinolusyunan ng Diyos ang napakalaking problema nila for that 430 years of slavery sa Egypt. Pero sa pamamagitan ng Sampung Utos – at ng libu-libo pang commands na nakakabit dito – ipapakita ng Diyos na they have a bigger problem. Hindi ang Egypt, hindi ang ibang tao, hindi ang ekonomiya o politika ang pinakamalaking problema. The problem is inside of them. Inside of us. In our hearts.

Ayaw natin ng mga utos ng Diyos hindi dahil ang problema ay nasa utos ng Diyos. Ayaw natin kasi ipinapakita nito how far we fall short of God’s holiness and perfection. Ayaw kasi nating makita ang problema sa puso natin. Parang magpapacheckup sa doctor. Good ang checkup, pero ayaw nating harapin kung ano ang sakit natin. Paano kung may cancer ka na pala? Our pride will lead to our destruction. Kung hindi maexpose ang sakit natin, akala mo okay ka pa, yun pala mamamatay ka na.

Sabi ni Pablo, “…ang gawain ng Kautusan ay ang ipamukha sa tao na siya’y nagkasala” (Rom. 3:20). So, another tip sa pag-aaral ng sampung utos. Tanungin mo sa bawat utos, “How did you fail in obeying this command at anumang expression ng kalooban ng Diyos na nakapaloob din dito?” Let the law expose your heart. Use it as a mirror. Hindi para ikumpara mo ang sarili mo sa iba. Like yung sa “you shall not commit adultery.” Minsan sasabihin natin, “Ako porn lang ang problema ko. At least hindi ako katulad ng iba na may ibang babae o lalaki.” Ang utos ng Diyos ay salamin para makita mo ang laki ng problema mo, hindi para maliitin mo ang kasalanan mo. It’s like comparing stages of cancer: “At least ako stage 2 lang, siya stage 4 at terminal na.”

Oh, we must feel desperate, we must feel our need of a Healer, of a Savior, of a Redeemer. Tulad ni Paul sa Romans 7, “Anong saklap ng aking kalagayan! Sino kaya ang magliligtas sa akin sa kalagayang ito na nagpapahamak sa akin” (v. 24 MBB). Ang kautusan ay salamin para makita natin kung gaano kasaklap ang kalagayan natin. Pero pag nakita mo ang dumi mo, hindi yung salamin ang gagamitin mo para linisin ang mukha mo (to illustrate sabi ni Donald Barnhouse), you go to the water! That water is Jesus, kaya sagot ni Paul sa sarili niyang tanong, “Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Salamat sa kanya” (v. 25)!

#4: Ang Sampung Utos ay nagtutulak sa ating lumapit kay Jesus na ating Tagapagligtas.

Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin.” Inilabas sila ng Diyos, pinalaya sila ng Diyos. Ibinigay niya ang Sampung Utos para ipakita na hindi sapat ang first and physical exodus para masolusyunan ang problema nila. Kailangan ng second and spiritual exodus. Merong blessings sa pagsunod, pero sumpa ang kapalit ng pagsuway. Sabi ng Diyos, “Do this and you will live.” Sabi nila susunod sila sa Diyos. Pero katatapos lang ng giving ng 10 Commandments – you shall not worship other gods, you shall not make idols – sumamba na sila sa diyus-diyosan, yung Golden Calf, kapatid pa ni Moises ang pasimuno. Talagang lilipulin na ng Diyos ang Israel, kung hindi lang namagitan si Moises. Pagkatapos, nagbigay na naman ng mga utos para mas maging maliwanag ang gusto ng Diyos. Sumuway na naman sila. 

The point is clear. The law reveals the problem, but God does not intend the law to be the solution. Kaya sa Deuteronomy, nasa chapter 5 yung repetition ng 10 Commandments para sa new generation ng Israel na papasok sa promised land pagkatapos ma-forfeit ng older generation yung inheritance nila dahil sa pagrerebelde nila sa Diyos. Sinabi ni Moises na alam niyang hindi rin sila susunod, matitigas ang puso nila. Ang kailangan nila ay hindi maraming mga utos, kundi bagong puso. Through the prophets, like Jeremiah and Ezekiel, nangako ang Diyos na darating ang araw na bibigyan sila ng bagong puso para makasunod sa mga utos ng Diyos. Pero bago yun mangyari, kailangan munang dumating ang Tagapagligtas para mapalaya sila sa sumpa at parusa na dulot ng pagsuway sa mga utos ng Diyos.

Dumating si Jesus, ang Anak ng Diyos. The Law-giver himself came. Not to condemn, but to save. Sinabi niyang naparito siya hindi para i-abolish ang law, but to fulfill the law (Matt. 5:17-18). “Christ is the end (telos, the purpose, the goal, the culmination) of the law” (Rom. 10:4) The Law-giver becomes the Law-keeper. Pero kailangan ring may magbayad sa sumpa. That’s why he died on the cross. “Christ redeemed us from the curse of the law by becoming a curse for us” (Gal. 3:13). Sa krus, itinuring siyang Law-breaker at inako ang lahat ng parusa na nararapat para sa ating mga law-breakers. Para ano? Para matanggap natin ang pardon, ang amnesty na irrevokeable (na hindi mababawi ng kahit sinumang presidente). In Christ, by faith in his name, ang tingin ng Diyos sa ating mga law-breaker ay mga law-keepers na. “For our sake he made him to be sin who knew no sin, so that in him we might become the  righteousness of God” (2 Cor. 5:21). “There is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus” (Rom. 8:1). That’s freedom! Hallelujah. 

“Kaya’t ang Kautusan ang naging tagapangalaga (tutor, guardian) natin hanggang sa dumating si Cristo upang tayo’y mabilang na matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa kanya” (Gal. 3:24). Kaya kung pag-aaralan natin ang Sampung Utos, answer this question: “How does Jesus fulfill the law in our behalf”? Paanong ang utos na ito ay nagtutulak sa atin para lumapit kay Jesus?

#5: Ang Sampung Utos ay nagpapaalala ng espesyal na relasyong meron tayo sa Diyos.

Dahil kay Jesus, our Passover Lamb, meron na tayong bago at espesyal na relasyon sa Diyos. Dahil sa pangako ng Diyos kay Abraham, dahil sa exodus, ang Israel ay meron nang bago at espesyal na relasyon kay Yahweh. “Ako si Yahweh, ang iyong Diyos…” Your God. I am yours, you are my people. Yun ang purpose ng exodus, inilabas sila sa Egipto para maipasok sa relasyon sa Diyos (“brought you to myself,” 19:4). At kung susunod sila sa mga utos ng Diyos, they will enjoy more of that relationship (19:5-6).

Itong mga commandments ay stipulations na nakapaloob sa covenant/treaty ni Yahweh sa Israel. Hindi ito tulad ng mga obligations na nakapaloob sa isang business contract. But more like a marriage covenant na pledge or vow ng Israel na gawin as part of their covenant. In return, God pledged his loyal love and faithfulness sa kanila. Dun sa prologue, parang sinasabi ni Lord, “This is how much I love you, always remember that.” Then yung commands 1 to 4, “This is how you love me with all your heart.” Then, yung 5 to 10, “This is how you love your neighbor as yourself.” Yan din naman ang way ng pag-summarize ni Jesus sa mga commandments. Para ipaalala sa atin na ibinigay ng Diyos ang mga utos na ‘to because he has a special relationship to us. Hindi lang relasyon ng isang Creator sa kanyang mga nilikha. Kundi mas special, tulad ng relasyon ng isang Redeemer sa kanyang mga iniligtas, ng Father sa kanyang mga anak.

Para ding tayo sa mga anak natin. Inuutusan natin ang mga anak natin at pinapagalitan ‘pag sumusuway because we love them. We don’t do this to other children. But we do with our own children. Mga bata, remember that. So, tip sa pag-aaral ng law, sagutin mo ‘to: How does this law expresses God’s love for me? How do I express my love for God and for other people, especially my church family? At kapag sinagot natin ‘yan, we will discover kung gaano ka-beneficial itong 10 Commandments sa daily life natin.

#6: Ang Sampung Utos ay gumagabay kung paanong ang buhay natin ay makalulugod sa Diyos.

Mula sa Egipto, hanggang sa paglabas nila, naglakbay sila’t nagkampo dito sa Mt. Sinai. Dito binigay ng Diyos ang 10 Commandments. After almost 40 years, inulit ulit ito sa sumunod na henerasyon bago sila pumasok sa Canaan, sa Promised Land. Ang mga utos ng Diyos ang gabay kung paano sila mamumuhay bilang isang holy nation (ibang iba sa mga lahing walang relasyon sa Diyos) at kingdom of priests (para madala ang ibang tao palapit sa Diyos) (Exod. 19:4-6). Tayo rin na nakay Cristo, ang mga utos ng Diyos ang gabay kung paano natin ipapamuhay ang bagong identity na meron tayo bilang chosen people, royal priesthood at holy nation (1 Pet. 2:9-10). “Mamuhay kayong tulad ng mga taong malaya. Huwag ninyong gawing panakip sa paggawa ng masama ang kalayaang ito, subalit mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos” (1 Pet. 2:16-17). How to love and serve God ang focus ng first four commandments. “Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa’t isa sa diwa ng pag-ibig. Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili’ (Gal. 5:13-14).

Tulad ng mga bata, kailangan din natin ng gabay ng ating Ama sa pamamagitan ng mga utos niya. Minsan para tayong gumagamit ng navigation app tulad ng Waze o Google Map, tapos pag sinabing “turn left”, “turn right” ka naman. We do that kasi we think we are wiser than God’s navigation guide sa 10 Commandments. Tingin natin we can navigate life on our own. No wonder, nagpapaikot-ikot tayo, naliligaw, napupunta sa dead end, or worse para sa iba, nahuhulog sa bangin. So everytime your read God’s law, interpret it correctly, at sagutin ito, “Ano ang gusto ni Lord na gawin ko specifically to obey this law?” Then do it, by his grace of course. To go deeper into the gospel means we are also growing in obedience and being conformed to the will of God expressed in the 10 Commandments.

#7: Ang Sampung Utos ay mabuting regalo ng Diyos para sa ‘yo.

Kung ang Sampung Utos ay (1) mga salita ng Diyos (2) na nagpapakilala kung sino ang Diyos, (3) sumasalamin sa puso natin, (4) nagtutulak sa atin papunta kay Cristo, (5) nagpapaalala ng espesyal na relasyong meron tayo sa Diyos, at (6) gumagabay sa pang-araw-araw na buhay natin, then…ang Sampung Utos ay (7) mabuting regalo ng Diyos para sa ‘yo. At this last point, sinabi kong “para sa ‘yo” at hindi “para sa atin” to emphasize something na hindi natin mapapansing mabuti sa English translation na “you” na mali namang sinalin ng ASD na plural din (“inyo”, “kayo”). Sa original Hebrew, singular pronouns ang gamit dito. Tama ang MBB na salin. Babasahin ko ang Exodus 20:1-17 (first lines lang ng bawat utos), and feel na nagsasalita ang Diyos not just generally to all Israel, or to all of us here, but personally, individually speaking to you eye to eye.

Ang lahat ng [mga salitang] ito’y sinabi ng Diyos: “Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin.

  1. Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
  2. Huwag kang gagawa ng imahen…upang sambahin.
  3. Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos.
  4. Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga.
  5. Igalang mo ang iyong ama at ina.
  6. Huwag kang papatay.
  7. Huwag kang mangangalunya.
  8. Huwag kang magnanakaw.
  9. Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.
  10. Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa…o ang anumang pag-aari niya.

Sabi ni Moises sa Deut. 5 na nung binigay itong commandments ay nakipag-usap ang Diyos sa kanila nang “face to face” (v. 4). Meron pang matching audio-visual effects na totoong apoy, totoong usok, totoong kidlat at totoong kulog. Natakot sila (Exod. 20:18ff). Sabi nila kay Moises, “Ikaw na lang ang kumausap sa amin. Wag na ang Diyos. Mamamatay kami.” Yes, kung face to face ka nga naman sa kabanalan ng Diyos at kasalanan mo, to hear his law will slay you. Buti na lang, meron tayong Mediator na greater than Moses. Dahil face to face din tayo sa glory of the Lord revealed in the gospel (2 Cor. 4:4, 6), we have received grace upon grace. Sa halip na mamatay, we are now alive. Sa halip na manataling nakagapos, we are now set free.

Pinalaya hindi para sumuway ulit. Pinalaya para makasunod at maging masaya sa pagsunod sa mga utos ng Diyos. “I will walk in freedom (literally, “wide, broad, open place”) for I have devoted myself to your commandments…How I delight in your commands! How I love them” (Psa. 119:45, 47 NLT). This is why we celebrate. Hindi lang yung 32 years ng BBCC, but more importantly, yung freedom na meron tayo in Christ forever and ever.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.