http://www.esvapi.org/crossref/crossref.min.js
Ika-13 bahagi na ito ng sermon series natin sa life story ni David. Second to the last sermon na. 1st and 2nd Samuel ang pinag-aaralan natin. Nasa bandang dulo na tayo ng buhay ni David. Magandang balikan ang isa sa mga pangyayari noong nagsisimula pa lang siya. Hindi pa nga siya ang nakaupong hari noon, si Saul pa. Pero siya na ang anointed na pumalit kay Saul. Pero dahil sa galit ni Saul sa kanya, hinahabol siya para patayin, kaya laging siyang tumatakas siya.
Listen on YouTube | Download mp3
Heto ang isang eksena dun, “Umalis si David sa Gat, at tumakas papunta sa kweba ng Adulam. Nang mabalitaan ito ng mga kapatid at kapamilya ni David, pinuntahan nila ito para samahan siya. Sumama na rin kay David ang mga taong nababahala, lubog sa utang, at hindi kontento sa buhay. Umabot sa 400 ang kanilang bilang at si David ang naging pinuno nila” (1 Sam. 22:1-2 ASD). Maliit ang bilang nila kung ikukumpara sa mga tauhan ni Saul. Bukod dun, ang mgakasama pa niya mga problemadong tao. Paano sila lalaban? How can they contribute to the cause of the kingdom para kay David? At kung ako si David, magtataka ako kung paanong gagamitin ng Panginoon ang mga taong pinamumunuan ko to do great and mighty things for him.
Ganyan tayo e. Dahil sa hirap ng buhay, o mga problemang kinahaharap mo, o sa limitasyon ng kakayahan mo, iniismall mo ang sarili mo, pinagdududahan mo kung capable ka ba of doing great things for God. Kaya sa halip na mag-involve kayo sa ministry, sasabihin pa ng iba, “Sila pastor na lang, sila na lang, kaya na nila yan. Ako di naman ako singgaling nila, di naman marami ang time ko, ang dami ko pa ring mga iniintindi sa buhay.” Ayan tuloy, marami ang nagsasakripisyo sa ministry dahil marami pa ang hindi naman tumutulong sa mga kailangang gawin. O kung active ka na, o leader ka ng isang gracecomm o isang ministry team o pastor na kagaya ko, napapakamot din tayo ng ulo kapag nakikita natin ang kalagayan ng mga kasama natin, “Kung ganito ang problema ng mga kasama ko, paano naman namin matutupad ang misyong ibinigay sa amin ng Diyos?”
Kung nakatingin tayo sa kakayahan (o kakulangan) natin o ng ibang tao, we are not just underestimating ourselves. We are underestimating God and what he can do through us. Pinagdududahan natin ang pagpili ng Diyos sa atin o sa mga kasama natin sa church, yung layunin niya na kahit mga mangmang pinipili niya para ipahiya ang mga marurunong, ang mga mahihina para mapahiya ang mga malalakas (tingnan ang 1 Cor. 1:26-30). And that he alone might get the glory, kapag nangyari ang mga extraordinary things sa pamamagitan ng mga ordinaryong tao na katulad natin.
Isipin nating mabuti kung ano ang mangyayari sa buhay natin, sa pamilya natin, sa iglesiya natin kung maniniwala tayo sa kayang gawin ng Diyos, kung ano ang magagawa niya sa pamamagitan natin. There are no extraordinary people. Only ordinary people believing in an extraordinary God. Tandaan natin na: Christian ministry is not about what we can do for God, not even about our spiritual gifts to be used to serve his church, but what God can supernaturally accomplish through us for his glory.
Kitang-kita ang katotohanang iyan sa listahan ng mga tauhan ni David sa dulo na ng story, sa 2 Samuel 23:8-39. Kung paanong nagsimula siya kasama ang mga problemadong tao, dito naman ay makikita kung paano kumilos ang Panginoon to turn his men into “mighty men” (v. 8). Heto ang listahan ng mga matatapang (ASD) o magigiting (MBB) na mga mandirigma ni haring David, faithful in service of the king and the kingdom. Thirty-seven sila lahat (v. 30). Pero ang nickname nila ay “The Thirty.” Kilalanin natin sila at tingnan natin kung ano ang matututunan natin sa kanila.
The three mighty men (23:8-12)
Unahin natin itong top-3. Una dito si Josheb-basshebeth (Jashobeam sa 1 Chr. 27:2-3). “Si Josheb Bashebet na taga-Takemon ang nangunguna sa tatlo na matatapang na tauhan ni David. Sa isang labanan lang, nakapatay siya ng 800 tao sa pamamagitan ng sibat niya” (v. 8). Parang si Panday FPJ yan. Mag-isa lang kaya siya o siya ang nanguna sa pagpatay sa 800? Whatever the case, ang mahalaga, di siya tumitigil sa laban hangga’t hindi tapos. Hindi niya sinasabing okay na yan, marami na! Hindi niya sinasabi, okay nagawa ko na ang part ko, kayo naman! We are to reach out to more and more people. We must have this holy discontent sa ministry. Hindi pwedeng may nabaptize tayong 12 ngayong taon, okay na yun, marami na yun. No! Let us reach more and more people for Christ! At kung anuman ang inilagay ng Diyos sa ating mga kamay gamitin natin. And do it with all our might.
Pangalawa si Eleazar. “Ang sumunod sa kanya ay si Eleazar na anak ni Dodai na angkan ni Ahoa, na isa sa tatlo na matatapang na tauhan ni David. Isa siya sa mga kasama ni David na humamon sa mga Filisteong nagtipon sa Pas Damim sa pakikipaglaban. Tumakas ang mga Israelita, pero nagpaiwan siya at pinagpapatay niya ang mga Filisteo hanggang sa mapagod na ang kamay niya at manigas sa pagkahawak sa espada. Pinagtagumpay sila ng Panginoon nang araw na iyon. Bumalik kay Eleazar ang mga tumakas na Israelita para kunin ang mga armas ng mga namatay” (vv. 9-10). Buong lakas niya ibibigay niya, kahit buhay niya ang maging kapalit. Di yan tumitigil hangga’t di pa tapos ang laban. Ang iba umatras na, siya hindi pa. Ang iba napagod lang, pinawisan lang, nagastusan lang, naabala lang, umayaw na. Ang iba sa kahahawak ng phone napapagod.
Next naman si Shammah. “Ang sumunod ay si Shama na anak ni Agee na taga-Harar. Isang araw, nagtipon ang mga Filisteo sa Lehi, at sinalakay nila ang mga Israelita sa taniman ng mga gisantes. Tumakas ang mga Israelita, pero nagpaiwan si Shama sa gitna ng taniman para protektahan ito, at pinatay niya ang mga Filisteo. Pinagtagumpay sila ng Panginoon nang araw na iyon” (vv. 11-12). Ang iba natakot na sa mga kalaban, pero siya nanatili, ipinagtanggol ang lupaing pag-aari ng Israel. Kung concern lang tayo sa mga taong inaatake ng Kaaway araw-araw, mga kapatid nating nahahatak ng kamunduhan, we will give ourselves for the ministry of discipleship. Involvement in minsitry shows love for your church family. Pero kung di ka involved, wala kang pakialam, ano ang ipinapakita nun sa puso mo para sa mga kapatid mo sa Panginoon?
Ang paglilingkod sa ministry dapat may holy discontent, dapat no turning back, dapat motivated by love. Dahil ang ganyang paglilingkod ang ginagamit ng Panginoon to bring “great victory” for his cause, for his purposes. Pansinin n’yong dalawang beses binanggit, after ng ginawang sacrificial service nitong tatlo, “And the Lord brought about a great victory that day” (23:10); “And the Lord worked a great victory” (23:12). Ang kanilang dedication and service ay instruments ng Panginoon para sa ikatatagumpay ng kaharian ng Israel. Totoo ngang God can accomplish mighty things without human help. Tulad na lang ng exodus from Egypt. Tulad na lang ng pagkamatay ng mga Assyrians. Wala namang silang contribution sa laban. Pero niloob din at kinalulugdan ng Diyos na isabak tayo sa laban, at sa pamamagitan natin ay ma-accomplish niya ang mga gusto niyang mangyari. Ministry is a privilege. Ministry is a gracious gift from God. It is amazing that God would choose to use people like us, undeserving, unworthy, weak, sinners.
Wag mong gawing excuse ang “grace” for not involving yourself sa ministry. On the contrary, grace motivates and empowers us for service. Ang problema, we love convenience more than we love other people. Mahilig tayo sa mamaya na lang, next time na lang. Ningas cogon din tayo, mainit sa simula pero madaling mawala ang apoy pag nagsawa o napagod na. Ang iba barya-barya kung magbigay, pati oras sa paglilingkod tinitipid pa. How far should we go in ministry, in serving in the kingdom of God?
The unnamed three (23:13-17)
Tingnan naman natin sa vv. 13-17 ang ikalawang set ng “tatlo.” Pero ito, part na ito ng natitira sa “The Thirty” bagamat dito walang pangalan na binanggit. “Nang panahon ng tag-ani, pumunta kay David ang tatlo niyang tauhan doon sa kweba ng Adulam. Ang tatlong taong itoʼy kasama sa 30 matatapang na tauhan ni David. Nagkakampo noon ang mga Filisteo sa Lambak ng Refaim at naagaw nila ang Betlehem. Habang naroon si David sa isang matatag na kublihan” (vv. 13-14). Halos 20 km din ang layo nila David sa Bethlehem noon.
“Dala ng matinding pananabik, nabigkas ni David ang ganito, ‘Sana’y makainom ako ng tubig buhat sa balon sa may pintuang-bayan ng Bethlehem'” (v. 15 MBB)! Hindi naman dahil nauuhaw lang siya at wala silang ibang makukuhanan ng tubig. Pero tandaan nating Bethlehem ang hometown niya. Para bang nasa ibang bansa ka, tapos sinasabi mong “Gusto ko ng longganisa, gusto ko ng pandesal, gusto ko ng Jollibee.” Homesick kumbaga. Di nag-uutos si David dito, he’s just expressing his longing.
Kung ikaw ang makarinig niyan, ano’ng gagawin mo? Ang iba kunwari magtatakip ng tenga, kunwari walang narinig, dedma lang. Ang iba mag-eexcuse, busy ako ngayon. Ang iba magtuturo ng iba. Pero itong tatlo? Ano ang ginawa nila? Hindi sila inuutusan ha, kusa nila itong ginawa. “Kaya palihim na pumasok ang tatlong matatapang na iyon sa kampo ng mga Filisteo, malapit sa pintuang bayan ng Betlehem. Kumuha sila ng tubig sa balon at dinala ito kay David…” (v. 16 ASD). Halos 20km ang nilakbay nila makakuha lang ng tubig. Pinasok pa nila ang enemy territory (parang sa Marawi), makapag-igib lang. They spent careful planning to go undetected. Buhay nila ibinuwis nila para sa tubig? No. For their king. It is about their sacrificial love for their king. Ang klase ng paglilingkod at sakripisyo nila ay hindi nakadepende sa laki o liit ng pangangailangan, kundi sa halaga ng hari na pinaglilingkuran nila.
Ganun din dapat sa atin. Wag nating idepende ang halaga ng ibinigay natin (money, time or effort) sa laki o liit ng pangangailangan. Kailangan ba ng church? Kailangan ba ng mga workers? Kailangan ba ng mga missionaries? Yes, merong need at kailangan nating tugunan yun. But our service, our giving, our sacrifices must be according to the worth of the King we serve. Oh, Jesus is worthy of our all – all our money, all our time, all our energy!
Naaalala ko palagi ang kaklase ko nun sa seminary na si Ferdie kapag ganito pinag-uusapan. Nag-ministry kasi kami nun sa isang church. Meron silang service sa umaga, meron din sa hapon. Siya nakasched magpreach sa hapon. Pero dahil may ginagawa noon na kalsada sa tabi ng church, apektado ang attendance. Diyan madalas nasusubok ang iba, umulan lang, di kumportable ang transportation, di na umaattend. Parang dalawang pamilya lang ata ang andun, wala pa sa sampu ang bilang kasama na yung team namin. Sa isip-isip ko, buti na lang hindi ako ang preacher. Pero itong si Ferdie, nung nagpreach na siya, parang 1,000 ang attendance sa lakas ng boses niya, sa passion and energy na ipinakita niya. Wala kasi sa dami ng tao ang klase ng paglilingkod niya. God deserves his best. God deserves our all.
Ano ang naging response ni David sa ginawa ng tatlo? “…Pero hindi ito ininom ni David, sa halip ay ibinuhos niya ito bilang handog saPanginoon. Sinabi niya, ‘Panginoon, hindi ko po ito maiinom dahil kasinghalaga ito ng dugo ng mga taong nagtaya ng kanilang buhay sa pagkuha nito.’ Kaya hindi ito ininom ni David. Iyon ang ginawa ng tatlong matatapang na tauhan ni David” (vv. 16-17). Wag nating isipin na ininsulto lang niya at sinayang ang sakripisyo ng tatlong ito. No. Katunayan nga he honored them. He acknowledged na precious ang ginawa nilang sacrifice. Humility din ang pinakita ni David, na parang sinasabi niya, “I don’t deserve that kind of sacrificial service.” Then he honored his men by offering that water as a drink offering to the Lord, na parang sinasabi ni David, “You alone, Lord, deserves this kind of sacrifice.”
At this point, alalahanin nating ang ginawa nila at ni David ay nagpapakita ng worth and value ng Panginoon. Ultimately fulfilled in Jesus, the true and better David. Bethlehem ang bayang sinilangan ni Jesus. Lumaki siya at di siya nagkaroon ng mga tauhang tulad ng kay David na itataya ang sariling buhay para sa kanya. Katunayan, nagtakbuhan palayo ang mga disciples niya nang arestuhin ang Panginoong Jesus. Si Jesus mismo ang nag-alay ng kanyang buhay para sa kanila, para sa atin. Dugo niya ang nabuhos as a drink offering to God (Ps 22:14; Isa 53:12). Ibinigay niya ang buhay niya, inako ang parusa ng Diyos (drinking the cup of the wrath of God) para makainom tayo ng tubig na nagbibigay buhay, to satisfy all the longings in our heart, to bring us back home to the Father.
“The Son of Man came not to be served but to serve and give his life as a ransom for many” (Mark 10:45). For you and for me. Warren Wiersbe: “Jesus gave himself as a sacrifice for us, and also as a drink offering (Ps 22:14; Isa 53:12). Paul used the image of the drink offering to describe his own dedication to the Lord (Phil. 2:17; 2 Tim. 4:6). Mother Theresa often said, ‘We can do no great things, only small things with great love.’ But doing small things because we love Christ turns them into great things. According to Jesus, whenever we show love and kindness to others and seek to meet their needs, we give Him a cup of cold water (Matt. 25:34-40).”
“The Son of Man came not to be served but to serve and give his life as a ransom for many” (Mark 10:45). For you and for me. Warren Wiersbe: “Jesus gave himself as a sacrifice for us, and also as a drink offering (Ps 22:14; Isa 53:12). Paul used the image of the drink offering to describe his own dedication to the Lord (Phil. 2:17; 2 Tim. 4:6). Mother Theresa often said, ‘We can do no great things, only small things with great love.’ But doing small things because we love Christ turns them into great things. According to Jesus, whenever we show love and kindness to others and seek to meet their needs, we give Him a cup of cold water (Matt. 25:34-40).”
Anuman ang gawin nating paglilingkod, ayon sa pagkakatawag sa atin ng Diyos, let us do it while remembering his sacrifice for us. He is worthy of our all in all. Pansinin n’yo na di binanggit ang pangalan ng tatlo. Bakit? Para hindi sila ang highlight. But to highlight the worth of the one they are serving. Maglingkod tayo kahit di tayo makilala, kahit di mapuri ng tao, kahit di mapansin, kahit di mapalakpakan, kahit makalimutan ang ginawa natin. As long as we show the world how worthy our King Jesus is of our sacrifice.
The Rest of the Thirty (23:18-39)
Naglilingkod tayo hindi para maging sikat. Although siyempre, dahil sa mga “great thing” na magagawa natin, ang iba sa atin makikilala ng mga tao. Tulad nitong sa huling bahagi ng listahan ng mga pangalan ng “Thirty” sa vv. 18-39. Yung iba pinangalanan lang. Pero itong si Abishai (vv. 18-19), dahil sa ginawa niya, “kaya naging tanyag siya…siya ang pinakatanyag sa 30.” Sikat siya. Pero hindi yan perfectly great. Mainitin din ang ulo niyan. Nagvolunteer na patayin si Saul (1 Sam. 26:8), kasama ni Joab pinatay nila si Abner na commander ng army ni Saul (2 Sam. 3:30), at dalawang beses gustong patayin si Shimei na kamag-anak ni Saul at siyang lumait kay David (16:9; 19:21).Si Benaiah (vv. 20-23), sumikat din: “Marami siyang kabayanihang ginawa…Naging tanyag din siya…siya ang pinakatanyag sa kanyang 30 kasama…” Oo ang iba sa atin na masipag maglingkod sa Panginoon ay magiging tanyag tulad nila, makikilala for the great things we do for the kingdom. But to be popular is not our goal. To be faithful to our King is. And we thank the Lord for men and women like them, na kahit di sila marecognized, kahit ang iba ay behind-the-scenes, pero patuloy na ibinibigay ang buhay sa paglilingkod sa Panginoon. Tulad ng mga natitira pang pangalan na kasama sa 30 mighty men na binanggit lang ang pangalan sa vv. 24-39, kahit di na binanggit ang resume of accomplishments nila.
Si Benaiah (vv. 20-23), sumikat din: “Marami siyang kabayanihang ginawa…Naging tanyag din siya…siya ang pinakatanyag sa kanyang 30 kasama…” Oo ang iba sa atin na masipag maglingkod sa Panginoon ay magiging tanyag tulad nila, makikilala for the great things we do for the kingdom. But to be popular is not our goal. To be faithful to our King is. And we thank the Lord for men and women like them, na kahit di sila marecognized, kahit ang iba ay behind-the-scenes, pero patuloy na ibinibigay ang buhay sa paglilingkod sa Panginoon. Tulad ng mga natitira pang pangalan na kasama sa 30 mighty men na binanggit lang ang pangalan sa vv. 24-39, kahit di na binanggit ang resume of accomplishments nila.
Si Benaiah (vv. 20-23), sumikat din: “Marami siyang kabayanihang ginawa…Naging tanyag din siya…siya ang pinakatanyag sa kanyang 30 kasama…” Oo ang iba sa atin na masipag maglingkod sa Panginoon ay magiging tanyag tulad nila, makikilala for the great things we do for the kingdom. But to be popular is not our goal. To be faithful to our King is. And we thank the Lord for men and women like them, na kahit di sila marecognized, kahit ang iba ay behind-the-scenes, pero patuloy na ibinibigay ang buhay sa paglilingkod sa Panginoon. Tulad ng mga natitira pang pangalan na kasama sa 30 mighty men na binanggit lang ang pangalan sa vv. 24-39, kahit di na binanggit ang resume of accomplishments nila.
How About Us
Tulad ng mga frontier missionaries natin. Tulad ng mga elders at gracecomm leaders natin sa church. Tulad ng mga leaders natin sa church planting vision by 2020 sa Plaridel, Bustos at Baliwag-North. Tulad ng mga staff natin sa church. Tulad ng mga leaders natin sa local at global disciplemaking teams. Tulad ng mga ministry team leaders natin. Tulad ng prayer warriors natin. Tulad ng mga faithful, generous givers sa church, giving much much beyond their tithes. Tulad ng mga nagseserve as cleaners at helpers sa church. Tulad ng mga parents na faithful sa marriage and family nila. Tulad nga mga estudyante na faithful witnesses sa kanilang schools. Tulad ng mga businessmen at employees na faithful witnesses sa workplace nila.
Huling binanggit sa listahan ng pangalan si Uriah the Hittite (v. 39). Last but not the least. A faithful warrior of the kingdom of Israel. Kahit na hindi siya pure-blooded Israelite. Huli siyang binanggit for emphasis. Sa kabila ng faithful devotion niya kay King David at sa cause of the kingdom, nagawa ni David na ipapatay siya para makuha niya ang asawa niyang si Bathsheba at mapagtakpan ang kasalanan niya ng pangangalunya (chap. 11). Uriah was a faithful warrior of an unfaithful king. At itong iba pa sa mga mighty men, nanatili silang loyal sa kanilang hari sa kabila ng mga kasalanang nagawa ni David. Kasi ano? Sabi ni Warren Wiersbe, “All these men recognized that God’s hand was upon David and they wanted to be a part of what God was doing.” It is not about David. It is about God. Kung si Uriah and the rest of the 37 were able to be faithful kahit na ang king nila ay naging unfaithful, how much more tayo na ang Hari natin ay laging faithful. Kung sila ay inialay ang kanilang lakas at buhay sa paglilingkod, paano pa kaya tayo na ang Hari nating pinaglilingkuran ay siya mismo ang nag-alay ng kanyang buhay para sa atin.
May we all be found faithful in our sacrifice and servanthood, sa loob ng iglesiyang ito o maging sa ministry natin paglabas. Si Jesus ang Hari ng lahat ng bahagi ng buhay natin. He deserves our whole-hearted devotion. He is worthy of all our service. “Kaya nga, mga minamahal na kapatid, magpakatatag kayo at huwag manghina sa inyong pananampalataya. Magpakasipag kayo sa gawaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, dahil alam ninyo na hindi masasayang ang mga paghihirap ninyo para sa kanya” (1 Cor. 15:58).