Isa si John Calvin (1509-1564) sa naging tapat sa pangangaral ng Salita ng Diyos hanggang sa kanyang kamatayan. He was a precious gift to the Church. Ang kanyang impluwensiya sa pagtuturo ng Salita ng Diyos ay hindi lamang noong nagsisimula pa lamang ang Reformation noong 16th century, kundi hanggang ngayon.
Sa panahong tinutuligsa ang mga Protestante ng Simbahang Katoliko, sa panahong talamak ang imoralidad sa bayan ng Geneva sa Switzerland na pinagpastoran ni Calvin, nanatili siyang tapat sa pangangaral, “[preaching] steadily through book after book of the Bible.” Hindi niya binago ang kanyang approach sa loob ng 25 taong ministeryo sa St. Peter’s Church. Limang taon siyang nagsermon sa Acts. Ang Thessalonians ay inabot ng 46 sermons, Corinthians 186 sermons, Galatians 43 at Ephesians 48! Noong pinaalis siya sa Geneva noong 1538, pagbalik niya noong 1541 itinuloy niya ang pangangaral sa sumunod na verse sa naiwan niya noong 1538.
Naniniwala siya na nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng Bibliya. Naniniwala siyang ipinapahayag ng Diyos ang kanyang kadakilaan sa pamamagitan nito kaya nanatili siyang tapat sa pangangaral nito sa mga tao. Sabi niya sa kanyang last will and testament: “I have endeavored, both in my sermons and also in my writings and commentaries, to preach the Word purely and chastely, and faithfully to interpret His sacred Scriptures.” [Source: John Piper, The Legacy of Sovereign Joy: God’s Triumphant Grace in the Lives of Augustine, Luther and Calvin, pp. 138-139]
My commitment as a pastor is to be a faithful preacher of God’s Word until the end. Hindi ko gagamitin ang pulpito upang sabihin lang ang mga opinyon ko, o ientertain ang mga nakikinig, o isulong ang sarili kong interes. I will say what God wants me to say and be faithful to the Word. Sino ba naman ako para magsalita sa mga tao, maliban na lamang kung ang ipapangaral ko ay ang salita ng Diyos?
And to all of you who listen to the Word of God preached, please, be faithful in obeying the Word of God. ‘Wag tayong maging tagapakinig lang. Huwag n’yong naising kilitiin lang ang inyong mga pandinig kundi naising sumunod at buong katapatang ipagkalat sa iba ang buhay at makapangyarihang salita ng Diyos.
***This is an excerpt from my sermon entitled “Preach the Word!” (October 11, 2009), third and last part of The Bible as the Word of God sermon series.
1 Comment