Part 12 – David and Absalom

David and Absalom“Niyakap mo ako sa aking karumihan…Inibig mo ako ng di kayang tumbasan…Salamat sa sukdulang biyaya mo…O Diyos ng pag-ibig na mas malawak pa kaysa aking mga pagkakasala.” Yan ang inaawit natin simula pa last week. Yan din ang nakita natin sa story ni David at Bathsheba last week (2 Sam. 11-12). Scandalous ang mga kasalanan ni David. Pangangalunya, pagtatakip ng kasalanan, at pagpatay. Pero mas scandalous ang biyaya ng Panginoon. Hindi siya hinayaan ng Diyos sa kanyang pagkakasala kundi kinumpronta sa pamamagitan ng isang propeta. Nagsisi si David, pinatawad siya ng Diyos at sinabing hindi siya mamamatay. Pero dahil sa kasalanan niya, ang anak niya ang namatay. Napalitan naman ito ng pag-asa nang ipanganak si Solomon.

[sermon audio not available]

Totoo ang pagpapatawad ng Diyos. Pero dahil seryoso ang kasalanan, meron yang mga consequences. Ang iba ay natural consequences, ang iba naman ay Diyos mismo ang nagtakda. Kung nakipagrelasyon ka sa hindi mo asawa o maging sa kapwa lalaki o kapwa babae, pwedeng consequences niyan ay STDs. O yung shame na dulot ng kasalanan mo, o yung sirang relasyon sa asawa at pamilya. Kung nagnakaw ka naman, maaaring consequences ay makulong ka o paghirapan mong ibalik ang ninakaw mo, o yung markado ka na ng mga tao at hirap magtiwala sa iyo. God’s forgiveness is great. But God has also warned us that we can face the devastating  and tragic consequences of our sins.

Sa pagpapatawad ng Diyos, he took away the guilt and punishment of our sins, but not necessarily the consequences of our sins. At kapag nararanasan natin ang mga consequences na ‘yan, we struggle to believe kung totoo nga ba o kumpleto ang pagpapatawad ng Diyos.

Sabi ni Nathan kay David: “Kaya dahil sa ginawa mo, mula ngayon, palagi nang magkakaroon ng labanan at patayan sa pamilya mo, dahil sinuway mo ako at kinuha ang asawa ni Uria upang maging iyong asawa…May isang miyembro ng sambahayan mo ang maghihimagsik laban sa iyo. Ibibigay ko ang mga asawa mo sa taong iyon na hindi iba sa iyo at sisiping siya sa kanila na kitang-kita ng mga tao. Ginawa mo ito nang lihim pero ang gagawin koʼy makikita nang hayagan ng buong Israel” (12:10-12 ASD).

Story of 2 Samuel 13-19

Ang mga salitang ito ng Panginoon ay nagkaroon ng katuparan sa mga pangyayari sa chapters 13 to 19. Pinagnasahan ni Amnon, panganay na anak ni David, ang kanyang half-sister na si Tamar. Nagkunwaring maysakit at ipinatawag si Tamar para pagsilbihan siya. Pero ginahasa niya ang kanyang kapatid. Guilty of incest and rape, Amnon dishonored his sister and the royal family (13:1-19). Nabalitan ito ni David at galit na galit siya. Nalaman din ito ni Absalom na brother ni Tamar. Simula noon ay nagalit siya sa kanyang half-brother na si Amnon, at nagplano na na patayin siya (13:20-22). Ipinapatay niya sa kanyang mga tauhan si Amnon. Umiyak si David at ang kanyang buong pamilya sa nangyari (13:23-36). Pero itong si Absalom ay tumakas at nanirahan sa mga kamag-anak niya sa Geshur nang tatlong taon. Masakit na masakit ang puso ni David sa nangyari sa kanyang pamilya (13:37-39).

Grabe ang brokenness, grabe ang messiness sa nangyayari sa pamilya ni David. But it is just getting started. It is about to get worse. Gumamit si Joab ng isang matalinong babae para kumausap kay David at kumbinsihing ibalik na si Absalom sa Jerusalem. Pumayag naman si David pero sinabing titira siya sa ibang bahay at di pwedeng humarap sa kanya (14:1-24). Matapos ang dalawang taon, nainip si Absalom at sinunog ang bukirin ni Joab to get his attention para sabihin kay David na payagan na siyang lumapit sa kanya. Ginawa naman ni Joab at nagkita ulit si Absalom at ang kanyang ama. Hinalikan niya ang kanyang anak nang magkita sila (14:28-33).

Pero wala naman talagang reconciliation na nangyari. Ang plano pala nitong si Absalom at maghiganti at pagtaksilan ang kanyang ama. Probably as revenge for how Amnon treated her sister and how David did nothing in response to Amnon! Whatever the reason, there’s just too much hate sa heart niya para sa kanyang ama.  Ginamit niya ang gandang lalaki niya, charisma at pambobola to steal the hearts of the people of Israel away from his father (15:1-7). Nakipagsabwatan siya sa ilang mga tauhan ni David, pati ang top adviser niyang si Ahitophel. Lumaki ang conspiracy, dumami ang tao niya at inagaw niya ang trono sa kanyang ama (15:8-12). Tumakas si David patungo sa wilderness kasama ang mga loyal servants niya. Umiiyak sila at nagluluksang umakyat sa Mt. of Olives. Nanalangin siya sa Diyos na tulungan sila. Tumugon ang Diyos at ipinadala si Hushai para talunin ang payo ni Ahitophel kay Absalom (15:13-37).

Pumunta siya kay Absalom sa Jerusalem at nakumbinsing he was on his side (16:15-19). Ito namang si Ahitophel, pinayuhan si Absalom na para lumakas pa ang power niya, ganito ang gawin niya: sipingan ang mga asawang iniwan ni David para mamahala sa bahay niya, at gawin niya ito sa harap ng maraming tao. Ganoon nga ang ginawa ni Absalom (16:20-23). Siya ang tinutukoy sa salita ni Nathan na anak ni David na magtataksil sa kanya (12:11-12).

Pinayuhan na naman ni Ahitophel si Absalom. Sinabi niyang sugurin agad nila si David. Mainam naman ang payo niya dahil pagod pa sila David at kapag ginawa nila yun siguradong mananalo sila (17:1-4). Pero pasok sa eksena si Hushai at sinabing wag muna at magpaliban muna dahil si David at ang mga tauhan niya ay bihasa sa pakikipaglaban. Pinayo din niyang sumama sa laban si Absalom. Naniwala naman silang mas mahusay ang payo ni Hushai (17:5-14).

Nagkaroon ng engkwentro ang panig ni David laban sa panig ni Absalom. Bago yun, nagbilin si David na alang-alang sa kanya’y maging mahinahon sila kay Absalom (18:5). Naglaban sila, nagtagumpay ang panig ni David, pero 20,000 ang namatay nung araw na iyon (18:6-7). Ito namang si Absalom, habang nangangabayo ay nasabit sa puno. Nakita siya ni Joab at kasama ang sampung lalaki ay pinatay siya (18:9-15). Nabalitaan ito ni David, lubha siyang nalungkot at umiyak (18:31-33). Ang tagumpay noong araw na iyon ay naging araw ng pagdadalamhati. Kaya kinagalitan ni Joab si David dahil parang binabalewala niya ang sakripisyo ng mga sundalong lumaban para sa kanya. Kaya lumabas na si David at humarap sa mga tao bilang hari ng Israel (19:1-8).

Consequences of Sin

Kitang-kita sa kuwentong ito ang mga negatibong epekto ng kasalanan, partikular na sa sirang relasyon sa loob ng pamilya ni David. Nagdudulot ang kasalanan ng broken family relationships. Kasalanan ni David ay sexual immorality sa kanyang adultery kay Bathsheba. Namana ng kanyang panganay na si Amnon sa kanyang incestous rape sa kanyang kapatid na si Tamar. Like father, like son. Kasalanan ni David ay murder sa pagpatay kay Uriah na asawa ni Bathsheba. Namana ni Absalom sa kanyang pagpatay sa kanyang kapatid na si Amnon. Kasalanan ni David ay pagtataksil sa Diyos at sa kanyang salita. Tinularan ni Absalom sa kanyang pagtataksil sa kanyang ama at hari.

In one way or another, lahat sa atin ay suffering from broken family relationships. In differing degrees, of course. Merong hiwalay na sa asawa. Merong dala pa rin hanggang ngayon ang sakit ng kasalanang nagawa ng asawa. Merong lumaki na wala ang isa o dalawang magulang. The truth is, we are all broken in our relationships.

Kasama rin sa brokenness na ‘to ang broken fathering. It needs special mention dahil prominent sa story na parang naparalyzed na si David on how to deal with sins in his family. Nalaman niya ang ginawang kasalanan ng panganay niyang si Amnon sa isa pa niyang anak na si Tamar. Oo, galit na galit siya. Pero ano ang ginawa niya? Kinausap ba niya? Dinisiplina ba niya bilang tatay? Pinarusahan ba niya bilang hari? Si Tamar naman, nagdurusa sa kahihiyan, ano ang ginawa niya bilang tatay? Itong kay Absalom, kung hindi pa namagitan si Joab, he was not even reaching out to his son for reconciliation. Oo pumayag siyang mabalik si Absalom pero walang restoration ng relationship. Sa ibang bahay pa nga nakatira. Nung nagkita na silang mag-ama, oo hinalikan niya, pero hanggang dun lang. Wala man lang usapan? Wala man lang forgiveness? Nang mamatay si Absalom, iniyakan niya. Proof of deep love of a father to his son. Pero huli na ang lahat. Nakaapekto pa sa relasyon niya sa kanyang bansang pinamamahalaan.

Meron sa inyo ang nagsuffer sa isang abusive or absentee father. At tayong mga tatay, we are also guilty of neglect sa fathering natin sa mga anak natin. And we also struggle in providing spiritual leadership sa family natin. Kung hindi mapuputol ang ganitong pattern sa family, magpapatuloy din yan sa pamilya ng mga anak natin.

God’s Sovereign Grace

Terrible sins have terrible consequences, usually. Hindi ito “karma.” Ang karma, bad works leads to bad consequences, good works leads to good consequences. Oo nga sa Bible meron ding law of sowing and reaping. Aanihin mo kung ano ang itinanim mo. Merong katotohanan iyan. Pero ang problema sa karma, wala ang Diyos sa equation, as if yun ang formula sa lahat ng nangyayari sa mundo o sa buhay natin. The sovereign grace of God trumps karma. Hindi law of karma ang nagdidikta sa mangyayari sa pamilya ni David. The hand of God is visible all throughout.

Sovereign. Pagkapos marinig ni Absalom ang payo ni Hushai at ikumpara ito sa payo ni Ahitophel, “sinabi ni Absalom at ng lahat ng namumuno sa Israel, ‘Mas mabuti ang payo ni Hushai na Arkeo kaysa kay Ahitofel.’ Ang totoo, mas mabuti ang payo ni Ahitofel, pero niloob ng Panginoon na hindi ito sundin ni Absalom para ibagsak siya” (17:14). Ang pangyayaring ito ay hindi aksidente, hindi dahil sa husay nitong si Hushai o dahil sa kamangmangan ni Absalom. This is ordained and decreed by God. Itinakdang mangyari ng Diyos because God is sovereign. Masama ang mga nangyayari kay David pero plano at layunin pa rin ng Diyos ang magtatagumpay. Higit ang kapangyarihan niya kaysa sa masasamang balak ng mga tao. Maging ang kasamaan ng tao ay ginagamit niya to accomplish his good purposes for his people.

Gracious. Nang tumakas si Absalom at tatlong taon nang wala, sinabi ng pinadalang babae ni Joab kay David, “Mamamatay tayong lahat; magiging gaya tayo ng tubig na natapon sa lupa at hindi na muling makukuha. Pero hindi lang po basta-basta kinukuha ng Dios ang buhay ng tao, sinisikap niyang mapanumbalik ang mga taong napalayo sa kanya” (14:14). Pinatutukuyan niya nito si Absalom na deserving of death pero mabuti ang Diyos na gusto niyang ipanumbalik ang taong nalayo sa kanya kaya dapat ganun din ang gawin ni David. And when David was hearing this, probably he thought of God’s grace for him also. Deserving din siya na mamatay at mahiwalay sa Diyos. Pero nananatili siyang buhay, naghahari, at ipinapanumbalik ng Diyos sa kanya. Oh, we have such a gracious God.

He is a forgiving God. Pinatawad na niya ang mga kasalanan natin, ipinagkakaloob pa niya at hindi ipinagkakait ang mga mabubuting bagay na kailangan natin. Kapag puro kasamaan ng ibang tao ang nakikita natin, we fail to appreciate the goodness and kindness of God to undeserving sinners like us. At karaniwang ipinapakita niya ito sa kabutihan ng ibang tao sa atin. Nang tumakas sila David dahil inagaw nitong si Absalom ang trono niya, ganito ang nangyari:  Nang dumating sina David sa Mahanaim, binati sila nina Shobi na anak ni Nahash na Ammonitang taga-Rabba, Makir na anak ni Amiel na taga-Lo Debar, at Barzilai na Gileaditang taga-Rogelim. May dala silang mga higaan, mangkok, palayok, trigo, sebada, harina, binusang butil, buto ng mga gulay, pulot, mantika, keso at tupa. Ibinigay nila ito kay David at sa mga tauhan niya, dahil alam nilang gutom, pagod, at uhaw na ang mga ito sa paglalakbay nila sa ilang” (17:27-29). In all our brokenness, God remains gracious to provide us with the strength we need everyday.

Sovereign Grace and the Gospel

cross sovereign graceGod is sovereign and he is gracious. Itong sovereign grace niya ay kitang-kita sa pagdating ng Panginoong Jesus. Bago siya ipako sa krus, umiyak siya dahil sa kasalanan at kasamaan ng mundo. He carried all our brokenness on his shoulders. Ipinagkanulo siya ni Hudas sa pamamagitan ng isang halik. Nang arestuhin siya, nagtakbuhan at nagtago ang mga disciples niya. Ikinaila siya ni Pedro. Nang nakapako na siya, ininsulto siya ng mga dumaraan at pailing-iling pa (Matt. 27:39). Hinamak siya ng mga chief priests, elders at scribes (v. 41). Pati yung dalawang magnanakaw na nakapako ring kasama niya ay nilalait siya (v. 44). Sin has terrible consequences. Pero ang consequences kay Jesus ay hindi dahil sa sarili niyang kasalanan, for he has none.

Pero lahat ng iyon ay nasa plano ng Diyos, hindi aksidente, hindi dahil sa masamang plano ng tao. Itinakda niya para tuparin ang pangako niya kay Abraham at kay David. Sabi ni Pedro tungkol kay Jesus, “Ngunit ang taong ito, na ipinagkanulo sa inyo ayon sa pasya at kaalaman ng Diyos sa mula’t mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga taong masasama. Subalit siya’y muling binuhay ng Diyos at hinango sa kapangyarihan ng kamatayan, sapagkat hindi siya kayang ikulong nito” (Gawa 2:23-24 MBB). Yung betrayal ni Judas ay “according to the definite plan and foreknowledge of God” (ESV). Sa prayer ng mga disciples noong sila ay inuusig, sabi nila, “Nagkatipon nga sa lunsod na ito sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang buong Israel, laban sa inyong banal na Lingkod na si Jesus, ang inyong Hinirang. Nagkatipon sila kaya’t naisakatuparan ang mga dapat mangyari, ayon sa itinakda ninyo noon pang una (4:27-28 MBB). “To do whatever your hand and your plan had predestined to take place” (ESV).

Itinakda ng Diyos na ang Anak niya ay magdusa at mamatay para sa kasalanang hindi naman sa kanya. This is an act of sovereign grace for us undeserving sinners. Sa halip na tayo ang mamatay, siya ang namatay. Ang dami nang namamatay sa kuwento ng buhay ni David, samantalang siya ay nananatiling buhay, though he deserves to die. This is grace.

Responding to Sovereign Grace

Dahil kay Jesus, yan din ang naranasan natin. We have new life in Jesus. Oo, meron pa ring brokenness at broken relationships. We still sin. Nagkakasala ang mga tao sa atin. We live in a fallen, broken world. But because of God’s scandalous grace, ano ang dapat maging response natin?

Humility. Kapag nakakaranas kasi tayo ng mga broken relationships, sinasabi natin, “I don’t deserve this. I deserve better. Oo may kasalanan ako, pero sobra-sobra naman ata itong consequences ng kasalanan ko.” Pero itong si David, nang tumakas na siya sa anak niyang si Absalom na nagtaksil sa kanya, meron pang isang kamag-anak ni Saul na sumalubong sa kanya at pinagbabato siya, nilait, at inakusahan. Sabi ni Abishai, “Pupugutan ko yan ng ulo!” Pero ang sabi ni David, “…Kung inutusan siya ng Panginoong sumpain ako, sino ako para pigilan siya?…Kung ang anak ko nga ay binabalak akong patayin, paano pa kaya itong kamag-anak ni Saul?  Inutusan siya ng Panginoon kaya hayaan nʼyo na lang siya. Baka makita ng Panginoon ang paghihirap ko, at gantihan niya ng kabutihan ang kasamaang nararanasan ko ngayon” (16:10-12). He deserves worse. When bad things happen to good people? E wala namang good people! Except Jesus. So let us humble ourselves. We are all sinners. And we deserve worse than what we are suffering now.

Trust. Trust God because God is good and he is at work for our good. Nangyayari ang mga hirap sa relasyon sa pamilya not to punish us, but to discipline us, to make us more like Christ, to increase our faith in him, and to cause our hearts to long for God’s precious promises. Sa pagtakas ni David palabas ng Jerusalem, sinabi ni David kay Zadok na pari, “Ibalik ang Kahon ng Dios sa Jerusalem. Kung nalulugod sa akin ang Panginoon, pababalikin niya ako sa Jerusalem at makikita ko itong muli at ang lugar na kinalalagyan nito. Pero kung hindi, handa ako kung anuman ang gusto niyang gawin sa akin” (15:25-26 ASD). In Jesus, nalulugod ang Diyos sa atin. And he works all things for our good. Magtiwala tayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya. Anuman ang sakit sa puso na nararanasan mo, may ginagawang mabuti ang Diyos para sa iyo, at para sa karangalan niya.

Prayerful dependence. Hindi ibig sabihing sit back and relax ka lang o bahala na o que sera sera. Anumang sakit na nararanasan natin sa relasyon, idudulog natin sa Diyos. We believe God’s power to heal broken relationships, God’s power to turn bad things for our good. “Umiiyak na umakyat si David sa Bundok ng Olibo. Nakapaa lang siya at tinakpan niya ang ulo niya bilang pagdadalamhati. Nakatakip din ng ulo ang mga kasama niya at umiiyak habang umaakyat. May nagsabi kay David na si Ahitofel ay sumama na kay Absalom. Kaya nanalangin si David, ‘Panginoon, gawin po ninyong walang kabuluhan ang mga payo ni Ahitofel'” (15:30-31). Tulad ng ginawa ni David, lumuhod ka sa Diyos at ipanalangin ang sitwasyon mo, ang relasyon mo at mga sakit na nararanasan mo.

Forgiving others. At ipanalangin mo ding likhain sa iyo ng Diyos ang pusong nagpapatawad. Karaniwan sa mga sirang relasyon, di maalis-alis ang bitterness, ang galit o nais na paghihiganti. Sa isip rin natin gusto nating pumatay. Naalala n’yo si Shimei na nanlait kay David? Nang si David na ulit ang hari sa Jerusalem lumapit siya kay David,  “Mahal na Hari, patawarin nʼyo po ako. Kalimutan nʼyo na po sana ang masamang ginawa ko sa inyo noong umalis kayo sa Jerusalem. Inaamin ko po na nagkasala ako, Mahal na Hari” (19:19-20 ASD). Ang payo naman ni Abishai (again!)? Patayin ‘yan!!! Pero ang sabi ni David, si David na nakaranas din ng pagpapatawad ng Diyos, “Huwag na ninyong salungatin ang desisyon ko. Ako na ngayon ang hari ng Israel, at walang taong papatayin sa Israel sa araw na ito.” Tapos ay sinabi ni David kay Shimei, “Isinusumpa ko na hindi ka papatayin” (19:22-23). Forgive as the Lord has forgiven you. Ang biyayang natanggap mo sa Diyos ibahagi mo rin sa iba.

Dahil sa biyaya ng Diyos kay Jesus, tinanggap natin ang pagpapatawad ng Diyos. Gaano man ka-messy ang nangyayari sa mga relasyon mo ngayon, magpakababa ka sa Diyos, magtiwala ka sa kanya, manalangin ka sa kanya, at magpatawad ka sa iba. Nag-iistruggle ka man sa marami at paulit-ulit na kasalanan, nagsasuffer ka man sa marami at paulit-ulit na kasalanan ng ibang tao sa iyo, sabi ni Tim Chester, “Sin is never the last word for the children of God. Grace is always the last word.” Grace, grace, God’s grace, grace that is greater than all our sins. Hallelujah!

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.