Vision 2020: Making Disciples, Planting Churches

2020 Vision Tarp

This church is only about the gospel of the Lord Jesus. Kaya, simula last September during our 30th anniversary, ang tema natin ay “Deeper into the Gospel, Wider in the World.” What is this gospel? Yan ang mensahe ng “Lord’s Supper” na ipinagdiwang natin kanina. Na ginawa ng Diyos para sa atin ang dapat nating gawin pero di natin nagawa. Ang Diyos ay nagkatawang-tao, ipinanganak na isang sanggol mula sa lahi ni David, mula sa lahi ni Abraham, bilang katuparan ng pangako ng Diyos sa kanyang bayan. The gospel is Jesus. Namuhay siya na may perfect righteousness at perfect obedience sa kalooban ng Diyos Ama. Pinatay siya sa krus at inako ang bigat ng parusa ng galit ng Diyos bilang pambayad o pantubos sa ating mga kasalanan. Sa ikatlong araw, muli siyang nabuhay. Nagpakita sa mga tagasunod niya nang ilang araw, umakyat sa langit, naupo sa kanang kamay ng Diyos at siyang namamagitan sa Diyos para sa atin. Balang araw, babalik siya. That is the gospel. That is the good news of salvation.

Sa simula ng ministeryo niya dito sa mundo, nagpunta siya sa Galilea, Mark 1:14-15, “proclaiming the gospel of God.” Sabi niya, “The time is fulfilled, and the kingdom of God is at hand…” Hindi good news yan para s atin na nagrebelde sa pamamahala ng Diyos. So, heto ang good news, dugtong niya, “Repent and believe in the gospel.” Merong pagpapatawad sa lahat ng susuko sa Diyos, aamining makasalanan sila, at magtitiwala kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Sila ang mga totoong Cristiano o mga disciples ng Panginoong Jesu-Cristo. Na tulad nina Simon Pedro at Andres, magkapatid na mangingisda, sabi sa kanila ni Jesus, verses 16-18, “Follow me, and I will make you become fishers of men.” At sumunod nga sila. Yan ang isang disciple: sumusunod kay Jesus (sabi niya kasi “follow me”), binabago ni Jesus (sabi niya kasi “I will make you become…”, para maging katulad ni Jesus), at ibinibigay ang buhay para sa misyon ni Jesus (sabi niya kasi gagawin silang “fishers of men”). Tulad ni Jesus na ang misyon ay “to seek and to save the lost” (Luke 19:10).

So, if you are a disciple, you are also a disciple-maker. Yan naman ang malinaw na malinaw na misyong iniwan ni Jesus sa lahat ng kanyang mga disciples bago siya bumalik sa langit at kailangan nating tapusin bago naman siya bumalik dito sa mundo. Sabi niya sa Matthew 28:18-20, “All authority in heaven and on earth has been given to me. Go therefore and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit,  teaching them to observe all that I have commanded you. And behold, I am with you always, to the end of the age.”

Yan ang misyon ni Jesus. Yan ang misyon ng lahat ng mga tagasunod ni Jesus, hindi lang ng mga pastor at mga misyonero. Our mission is to worship Jesus by making disciples of all nations. Hindi ang magpayaman, hindi ang maging popular, hindi ang magkaasawa’t pamilya, hindi ang makapamasyal kung saan-saang lugar, hindi ang magkaroon ng sariling bahay at kotse, hindi ang maging kumportable at convenient ang araw-araw na buhay, hindi ang magpahinga na lang pagkaretiro. But to give our lives for the mission of Jesus.

The gospel that saves us is the same gospel that sets us on mission with Jesus. Kanina sabi ko, this church is only about the gospel of Jesus. But because we believe that gospel deeply enough, we go “wider in the world.” Ang dahilan kung bakit maraming mga Cristiano, maraming mga churches ang hindi committed sa Great Commission ay dahil they don’t believe the gospel deeply enough. Hindi dahil kulang sa kaalaman, hindi dahil kulang sa pera, hindi dahil sa hirap ng buhay.

Family on mission

Kung ikaw ay pa-attend-attend lang sa church na ito, hindi ka pa talaga “tagasunod” ng Panginoong Jesus, di ka pa nga baptized, di ka pa nagcommit as a member, I will tell you that this church is serious about the mission Jesus gave us. We will give our lives to the one who gave his life for us. Kung pa-impress lang ang hanap mo, kung comfort or convenience lang ang hanap mo, pumunta ka sa ibang church at kapag nahanap mo ang church na impressive, comfortable, convenient, they are probably not being faithful to the mission of Jesus. Pero kung gusto mo talagang malaman ang layunin at direksyon mo sa buhay at gusto mong matulungan kang di masayang ang buhay mo, then you are in the right place.

Or kung member ka man sa ibang church, pray that your church will also be faithful to the Great Commission. At makabalik ka dun para matulungan silang maging faithful. At kung for a time makatulong ang church na ito para ma-motivate ka, para ma-train ka, para ma-empower ka, then we will be happy for you to go back to your church family.

At kung member ka ng church family ng BBCC, this message is especially for you. Kung itinuturing mo ang sarili mo na bahagi ng pamilyang ito, then bahagi ka rin ng misyon ng iglesiyang ito. Hindi ka lang taga-upo, hindi ka lang taga-nood, hindi ka lang taga-cheer sa mga leaders at committed workers ng church, you also commit na sumunod at ibigay ang buhay sa misyon ng Panginoong Jesus.

A Church Planting Vision

Hindi ako nakapagbigay ng pastoral report last December sa business meeting ng church. Ngayon lang kasi mas naging klaro ang tatahakin natin, with prayer and discernment sa pagkilos ng Diyos for the last few years sa church, and also with affirmation ng mga leaders ng church. Tatawagin natin itong Vision 2020. Ito ang prayer natin na mangyari for the next four years simula ngayong taong ito. Ito ang pagtutulungan natin bilang isang pamilya. I hope na magiging malinaw sa lahat ang vision na ‘to at mas magiging klaro din sa inyo kung ano ang nais ng Diyos na maging bahagi n’yo dito. Ayon sa mission statement natin: “We exist to glorify God by building local and global grace communities of disciples of Jesus who make disciples of Jesus.”

Sa ngayon, we are one local church. Pero by 2020, we will be four local churches: Grace Communities of Baliwag (Central), Grace Communities of Baliwag (North), Grace Communities of Bustos, at Grace Communities of Plaridel. Meron nang kanya-kanyang pananambahan at kanya-kanyang liderato, pero mananatiling nagtutulungan sa pagsasanay, resource-sharing, at pagpaplano for multiplication and church planting.

Sa ngayon, meron tayong isang grace community na nagtitipon sa Bustos sa pangunguna ni Ric. Sa kanilang panalangin at pagpaplano early this year, tinatanaw nila na sa mga susunod na taon, magiging apat na ang grace communities sa Bustos. Meron na tayong mga members na nasa San Pedro at Poblacion. Nagtutulung-tulong din sila para ibahagi si Cristo sa Tanawan at Tibagan.

Sumunod naman po sa panalangin at pagpaplano ang Plaridel. Actually, last October pa ay fully committed na sila na baka nga sa susunod na taon ay makapagsimula na ang sariling church natin dun. By 2020 o baka nga mas maaga pa, ang isang gracecomm natin sa Plaridel ay magiging apat. Meron na tayong mga aktibong miyembro mula sa Parulan at San Jose. At sila rin ang nangunguna at nagtutulung-tulong para maabot naman ng ebanghelyo ang Cambaog at Buisan sa Bustos.

Two weeks ago, I met with our members mula sa bandang norte ng Baliwag. Actually, for the last 8 years ay meron na po tayong daughter church sa Barangca. Meron na ngang worship hall dun. Simula last year, the leadership decided to stop our worship gathering there. It was a difficult decision to make. Hanggang ngayon kailangan pa ring ipagpray dahil mahirap talaga. In consultation sa core leaders natin dun at sa mga workers natin dun, di na kasi strategic kung itutuloy yun. So they were worshipping with us hanggang ngayon at bahagi ng pamilya BBCC. Pero hindi ibig sabihing natigil yung ministry dun. Actually mas naging malaki pa. Dahil ang church hindi lang nakapirmi sa looban ng Barangca, kundi ilalabas pa natin. May mga members din naman tayo sa Tangos at Tilapayong, sa San Jose (San Luis, Pampanga), sa Pulong Plazan (Candaba, Pampanga). Prayer natin na magkaroon na rin ng grace communities sa mga lugar na iyan. Pati sa Sto. Niño maabot din. At sa tamang panahon, muli nating itatayo ang church doon – Grace Communities of Baliwag (North).

Ibig sabihin, kapag naging reality yan, a significant number of our members will be gone by 2020. Huhuhuhu. Ganun naman talaga ang isang pamilya. May umaalis para bumuo ng bagong pamilya. Hindi tayo talaga nawalan. Dumami pa nga! It will be thrilling and joyful kung ang ebanghelyo ni Cristo ay makakarating sa iba’t ibang lugar. Tayo na maiiwan dito sa Grace Communities of Baliwag (Central) ay patuloy pa rin na magsasanay ng iba pang mga disciples to set them out to mission with Jesus.

Apat na local churches in 2020. Malaki ang vision na ‘yan. Actually hindi pa nga kasali ang ibang lugar tulad ng San Rafael, San Ildefonso, San Miguel, Pulilan, pati na rin ang mga members natin na nakabased sa Metro Manila. Lord willing, tingnan natin baka sa susunod diyan naman tayo magtatayo ng mga churches. Local church planting pa lang yan. Wala pa nga yung global church planting. Tulad ng mga kapatid natin na nasa Mindanao, sa Japan, Thailand, at Middle East. Pati sila Kuya Rommel at Kuya Dennis na may misyon sa barko. We pray na magkaroon ng clarity ang mga lugar na iyan sa ating misyon sa mga susunod na taon.

This vision is actually in line sa 2020 goals ng kinabibilangan nating Alliance of Bible Christian Communities of the Philippines (ABCCOP), sa pangunguna ni Bishop Chito Ramos, na ang kasulukuyang 650 member churches ay maging 1,000 by 2020. Mula ngayong taon hanggang 2019, ako ang naatasang manguna sa distrito natin ng Pampanga-Bulacan-Nueva Ecija na binubuo ng mahigit 30 local churches. Ang goals namang ito ng ABCCOP ay in cooperation sa kinabibilangan nating Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC), sa pangunguna ni Bishop Noel Pantoja, na ang kasalukuyang 65,000 local churches sa Pilipinas ay maging 100,000 by 2020.

Strategy

Wag na nating baguhin ang tema natin mula ngayon hanggang 2020, dagdagan lang natin ng “together” – Deeper into the Gospel, Wider in the World…Together. To emphasize na meron tayong gagawin para mangyari ‘to, na lahat may bahagi. So ano’ng pagtutulungan nating gawin?

#1 – Make gospel-centered disciples. Simula sa mga not-yet-disciples, siyempre we share the gospel to them. Kung di ka pa sanay magkuwento ng Story of God, sasanayin ka namin. Itong mga bagong disciples, ibabaptize natin at sasanaying sumunod sa Panginoong Jesus (Matt. 28:19). Merong mga kuya at ate na tututok sa kanila para regular na turuan ng mga pangunahing katuruan na dapat nilang matutunan at masanay silang ipamuhay ang Salita ng Diyos. Hanggang sila rin naman ay magshare na ng gospel sa iba at magdisciple na rin.

#2 – Raise up gospel-centered leaders. So ang goal natin bawat isang disciple ay maging disciplemaker din. In a sense kung disciplemaker ka, leader ka na rin dahil merong sumusunod sa iyo, merong gumagaya sa halimbawa mo, meron kang pinapangunahan para masanay sa pagsunod kay Jesus. Sasanayin din natin ang ilan para maging ministry team leaders ng Children Disciplemaking, Youth Disciplemaking, Young Adults Disciplemaking, Women Disciplemaking, Men Disciplemaking, Music and Arts Ministry, Ushering Ministry, Finance Committee, at iba pa. Sasanayin din natin ang mga lalaki na maging leaders ng ating grace communities, ang iba ay magiging mga pastors, lay elders man o vocational pastors. Ang iba ay masasanay na ibigay ang buhay nila sa frontier missions.

#3 – Multiply grace communities. Mangyayari ito kung magmumultiply ang mga leaders natin. Pero kung di madadagdagan ang leaders, imposible ‘to. Mula sa kasalukuyang 12 grace communities, we will work to have at least 25 grace communities. At kung sa isang lugar tulad ng Bustos o Plaridel o Baliwag (North) makapagsimula na tayo ng dalawa o tatlong grace communities, then we will…

#4 – Plant gospel-centered churches. Wala pa tayo diyan, pero diyan tayo papunta. Bakit nga ba magtatayo pa tayo ng ibang church, baka pwede namang dito na lang natin dalhin lahat ng mga bagong disciples. Naniniwala tayo na the best way to fulfill God’s vision for us is not to turn our church into something “mega” – but to send out our people and train them to plant their own churches. To reach the lost where they are. Not to bring them to the church, but to bring the church to them. Hindi tayo magpapalaki ng church. Magpaparami tayo ng churches. At kung dumadami man tayo, sasanayin natin ang mga naririto to send them out on mission with Jesus. Saan man sila naroroon, saan man sila dadalhin ng Panginoon.

Faith Commitment

Ang tinatanaw nating vision sa taong 2020 ay malaki. Ang tatahakin nating landas para marealize yun ay hindi madali. But we don’t plan ayon sa kung ano ang magagawa natin o kaya nating gawin. Nangangarap tayo at nagpaplano ayon sa gustong gawin ng Diyos para sa atin, at ayon sa kayang gawin ng Diyos sa pamamagitan natin. He can do the impossible, far greater than what you can imagine. He can do extraordinary things through ordinary people. Kung di ka naniniwala diyan, di mo naiintindihan ang mga kuwentong binabasa mo sa Bibliya. Sabi nga ng misyonerong si William Carey, “Expect great things from God. Attempt great things for God.” Merong tatlong mahahalagang aspeto ang kinakailangan ng faith commitment natin:

Gospel. We emphasize over and over again na maging ang gagawin natin to fulfill this vision ay nakasalalay sa ginawa na ng Diyos para sa atin through Jesus. Ang “gospel” na dinadala natin sa mga tao ay ang “gospel” na siyang motivation din natin sa misyong ito. Ito ang nagdala sa atin sa kaharian ng Diyos at hindi ang effort natin. Ito rin ang bumabago sa atin at hindi ang effort natin. Ito rin ang magdadala sa atin sa walang-hanggang buhay at hindi ang effort natin. Ito ang pinaniwalaan natin, patuloy nating panghahawakan, at paninindigan. “For I am not ashamed of the gospel, for it is the power of God for salvation to everyone who believes, to the Jew first and also to the Greek. For in it the righteousness of God is revealed from faith for faith, as it is written, ‘The righteous shall live by faith’ (Rom. 1:16-17).

Prayer. Dahil ito ay nakasalalay sa ginawa na ni Cristo at sa gagawin pa ng Diyos, we really need to pray. We have a God-sized vision. Di natin kaya sa sarili natin. Sino ang mangunguna sa mga lugar na iyan para maging reality ang vision natin? Sino ang magdadala ng gospel sa kanila? Sino ang magtutustos ng mga panggastos diyan? Sino ang mga workers na magtatrabaho para diyan? Malaki ang aanihin, kakaunti ang manggagawa. Ano ang solusyon ayon sa Panginoong Jesus? Magrecruit, magsanay, magpadala ng mga manggagawa? Oo, gagawin natin yan. Pero hindi yan ang primary.

Nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon, at nangaral siya sa mga sambahan ng mga Judio. Ipinahayag niya ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Dios, at pinagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman. Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, naawa siya sa kanila, dahil napakarami ng kanilang mga problema pero wala man lang tumutulong sa kanila. Para silang mga tupang walang pastol. Kaya sinabi niya sa mga tagasunod niya, “Marami ang aanihin, pero kakaunti ang tagapag-ani. Kaya idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng anihin, na magpadala siya ng mga tagapag-ani” (Mat. 9:35-38 ASD).

We will pray for the lost to be saved. Pero hindi yun ang sinabi dito ni Jesus. Ipagpray natin na magpadala siya ng manggagawa. Kapag magpray ka, hindi ganito: “Lord, ipadala n’yo po si pastor, ipadala n’yo po si ganito…” Dapat ganito: “Lord, gusto kong makibahagi sa pag-abot sa mga taong di pa nakakakilala sa iyo. Narito ako, gamitin mong instrumento mo, ipadala mo, sanayin mo, palakasin mo, hubugin mo para ang puso ko ay maging katulad ng sa Panginoong Jesu-Cristo.” Sasagutin ni Lord ang prayer na iyan, kaya hindi pwedeng hanggang prayer lang.

Action. Ano’ng gagawin mo? By faith, by his grace, gagawin natin lahat ng magagawa natin para makibahagi sa vision na ibinigay sa atin ng Panginoon.

Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon.” Pero paano sila tatawag kung hindi naman sila sumasampalataya sa kanya? At paano sila sasampalataya kung hindi pa sila nakakarinig ng tungkol sa kanya? At paano sila makakarinig kung walang nangangaral? At paano makakapangaral ang sinuman kung hindi naman siya isinugo (Rom. 10:13-15 ASD)?

Kung nasaan ka man ngayon, tutulungan at susuportahan mo ang leader ng lugar mo para matupad ang misyon natin. O kung tinatawag ka ni Lord na tumulong sa pagtatayo ng iglesia sa Bustos o Plaridel o Baliwag (North), express your commitment to them. Kasama nila, share the gospel to unbelievers, disciple new believers hangga’t matipon natin sila bilang isang grace community, hangga’t maitayo natin ang bagong lokal na iglesiya na sama-samang sasamba sa Panginoon, magmamahalan bilang isang pamilya, magsasanay at magtutulungan para abutin pa ang mas maraming tao. Until we made disciples of all nations.

May mga oras na ninenerbiyos ako sa laki ng vision na ‘to. Kaya kaya? Mangyayari kaya? Paano kung hindi? At maaaring kayo din. Kaya ko kaya? Posible kaya? Gusto tayong bigyan ng assurance ng Panginoon na nasa atin na ang lahat para matupad ang pangitaing ito. We have the people of God, we have the Word of God, we have the Son of God, we have the Spirit of God. Si Jesus rin ang nagsabi, “I am with you always to the end of the age” (Matt. 28:20). At kung along the way we fail, and at some points we will, Jesus is enough for us. Siya ang lahat-lahat para sa atin. Kaya naman ibibigay natin ang lahat-lahat natin para matupad ang misyong ibinigay sa atin ng Panginoong Jesus na siyang nagbigay ng kanyang lahat-lahat para sa atin.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.