How Long, O Lord? (Psalms 12-13)

Fotosearch_k13002870For the past two months, we’re digging deeper into the gospel through the Psalms. I hope marami sa inyo ang regular na ginagamit na sa Bible reading and prayer ang Psalms. Kung hindi pa, I encourage you to do that. It will really refresh your soul and your relationship with God. Every Sunday din pinag-aaralan natin ang iba’t ibang klase ng languages or expressions na matatagpuan natin sa Psalms. Ang hope natin ay mas maging rich and varied ang experience natin sa pagsamba sa Diyos. Pinag-aralan natin how to approach the Word at makinig sa Diyos, kung paano tingnan ang nilikha ng Diyos at pakinggan ang sinasabi niya tungkol dito, kung ano ang tunay na pagsamba sa Diyos, kung paano lumapit sa Diyos with a repentant heart, kung paano lumalim ang pananampalataya natin sa Panginoong Jesus, at kung paano alalahanin ang mga kamangha-manghang gawa ng Diyos sa mga kuwento sa Bibliya at sa buhay natin.

Sa mga natalakay na natin, yung confession and repentance (based sa Psalm 51) ang hindi karaniwang matatagpuan sa worship expressions ng maraming churches. Although for the last few years, sinusubukan na nating i-incorporate iyan. At nakikita nating napakahalaga. Isa pa sa di karaniwang matatagpuan sa expression ng worship natin sa church (even on a personal level) ay ang tinatawag na “lament” – o pag-iyak sa Diyos, pagdaing sa Diyos, at maging pagrereklamo sa Diyos dahil sa hirap na nararanasan sa buhay – maaaring dulot ng sariling kasalanan o kasalanan ng ibang tao o sadyang dahil sa kahirapan ng buhay sa mundong ito lalo na sa ating mga sumasampalataya sa Panginoon.

Merong invidual lament tulad ng Psalm 13: “Panginoon, hanggang kailan nʼyo ako kalilimutan? Kalilimutan nʼyo ba ako habang buhay” (v. 1)? O kaya ay Psalm 22: “Diyos ko, Diyos ko, bakit n’yo ako pinabayaan?” How long, O Lord? Why, O Lord? Yan ang karaniwang iyak ng mga individual laments. Meron din namang mga corporate laments. Pagdulog ito ng buong bayan ng Israel dahil sa kahirapang dinaranas nila dahil sa mga kaaway. Tulad ng Psalm 12, pag-aaralan natin yan ngayon. Tulad din ng Psalm 74: “O Dios, hanggang kailan mo kami itatakwil? Bakit kayo nagagalit sa mga taong inyong kinakalinga” (ASD)?

Importance of Laments

Meron tayong ilang mga dahilan kung bakit neglected ang mga laments, at magbibigay din naman ako ng mga katumbas na dahilan kung bakit di natin ito dapat balewalain.

  1. Sasabihin n’yo, “Di ba ang aklat ng Mga Awit ay mga awit ng papuri sa Diyos?” In a sense, yes. Pero hindi ibig sabihing laging masaya ang mga awit. One-third of the Psalms are laments. Maaaring higit pa sa mga awit na masayang nagpupuri sa Diyos. Pag-isipan n’yo, bakit ilalagay ng Espiritu Santo sa Banal na Kasulatan ang ganito karaming mga laments kung di importante? Kung di beneficial sa relasyon natin sa Diyos? Meron pa ngang isang book sa Bible na Lamentations!
  2. Sasabihin n’yo, “Ang ganyang klaseng lenggwahe sa Diyos ay disrectful sa kanya.” Di tayo nakakarinig ng mga ganyang klaseng public prayers ngayon kasi ano na lang magiging reaksiyon n’yo pag ako sabihin ko sa prayer ko, “Lord, kinalimutan mo na ba kami? Natutulog ka ba? Nakikinig ka ba? Powerful ka ba talaga?” It may sound disrespectul sa Diyos pero nagcocommunicate din ito ng honesty of our feelings. Nararamdaman din naman natin yan. Ayaw lang natin ilakas baka marinig ng iba. Pero alam din naman yan ng Diyos. Sabihin mo sa kanya. God can take it. God invites you to say what you really feel in your heart.
  3. Sasabihin n’yo, “Di ba nagpapakita yan ng kakulangan ng tiwala sa Diyos?” Actually makikita natin mamaya, nagpapakita pa nga ito ng kumpiyansa sa Diyos. At kung mag-express man ng doubts ang nag-lalament, it’s ok. Our Christian life naman ay mixture of faith and unbelief. Pero ang primary disposition pa rin ng puso natin ay pagtitiwala sa Diyos. Kaya ka nga nagpepray sa kanya. Praying a lament is better kaysa naman sa prayerlessness. Uttering your complaint to God is better than not talking to him at all.
  4. O baka sabihin n’yo, “Di ba ang Christian life and worship dapat happy?” Rejoice in the Lord always, di ba? Yes, because the gospel brings joy. Kaya pag nag-uusap ang mga nagpaplano ng songs pag Sunday, “Ano yung dalawang masayang kanta? Ano naman yung malungkot?” At medyo natatawa pa kasi nga naman bakit tayo kakanta ng malungkot? But we need to realize that the gospel also brings sorrow dahil mas nagiging aware tayo sa kasamaan at kahirapang nararanasan natin at nararanasan ng mga tao sa paligid natin. Laments give us the  language or expression for feeling sorrow and grief. Realidad naman yan sa buhay natin, aminin man natin o hindi. Nakangiti ka man pag Sunday, you know something is sad in your life.

Application of Laments

Tingnan natin ngayon ang typical na five elements na makikita natin sa isang lament. At habang dinadaanan natin ang mga elementong yan, ang prayer ko makita n’yo rin kung paano ito makakatulong sa personal reading mo ng Psalms, sa pagrespond mo kapag nakakaexperience ka ng matinding suffering sa buhay mo, sa paglapit mo sa Diyos sa kabila ng mga trying experiences mo, sa pagmiminister mo sa ibang taong dumaranas din ng matinding kahirapan, sa pagbabagong dapat nating gawin sa pag-approach natin sa worship every Sunday, at sa pagkakaroon natin ng God-centered perspective sa realidad ng presence ng kasalanan, kasamaan at kahirapan sa mundong tinitirhan natin.

Titingnan natin ang Psalm 12 (a community lament) and 13 (an individual lament) side by side. Pag Psalm 13 lang kasi, baka kung wala kang matinding personal suffering ngayon sabihin mo di applicable sa iyo. Although it prepares you for future certain suffering. Kaya kasama yung Psalm 12 kasi we need to learn how to express our sorrow for the many evils happening around us at kung paano tayo maka-sympathize sa mga taong dumaranas ng matinding suffering na maaaring di natin naeexperience pa. Kung wala kang matinding suffering ngayon, hindi pwedeng wala lang o hindi pwedeng deadma ka lang sa mga sufferings na nararanasan ng iba, lalo na ng mga kapatid natin sa Panginoon.

#1 – Address

Bawat lament ay nakadirekta sa Diyos. Hindi ito self-focused na parang nag-eexpress ka lang ng reklamo, o kaya kung may reklamo ka sa asawa mo sa iba mo ibubuhos ang reklamo mo. Kung may daing ka o reklamo sa Diyos, sa kanya mo sabihin. Pansinin n’yo ang address ng Psalms 12 and 13: “O Yahweh” (12:1 MBB). “Hanggang kailan, Yahweh…” (13:1). “Yahweh, aking Diyos” (13:3). “O Yahweh” (13:6). O kung isama mo pa yung Psalm 22: “O Diyos ko! Diyos ko” (22:1)!

Gaano man kabigat ang mga salitang binibitawan sa isang lament, nagpapakita ito ng relasyon mo sa Diyos. Mainam malaman na anuman ang nararamdaman mo, anuman ang sitwasyon mo, anuman ang difficulties na hinaharap mo, anuman ang complaints mo, meron kang Diyos na malalapitan. May reklamo ka, sa kanya ka magreklamo. Kesa naman lumayo ka, kesa naman talikuran mo na siya, kesa naman sa iba ka magreklamo. Para tayong bata na umiiyak kasi inaway ng kapatid o nabully sa school. Pero hindi umiiyak mag-isa, umiiyak palapit sa tatay. Mainam nang iyak nang iyak palapit sa Diyos kaysa tuwang-tuwa palayo sa Diyos. God can take it.

Kasi kilala mo siya. Siya ang Diyos na powerful and sovereign. His name is Yahweh. He is faithful to his promises. He is unfailing in his love. This address to God puts the lament in context. Gaano man katindi ang suffering mo, you see your suffering in light of who he is. At kapag ganyan, magbabago talaga ang perspective mo. Even when you don’t understand the reason or purpose for your sufferings, even when you don’t know kelan matatapos. Kahit na ang nangyayari ay parang inconsistent sa character, purposes and promises of God.

#2 – Complaint

Dito naman, sinasabi ng isang psalm of lament – honestly and specifically – kung ano ang sitwasyon o pangyayari na masakit, mahirap, nakakaiyak, nakakalungkot, parang may mali, mukhang di makatarungan. Na para bang may pagtataka na bakit nangyayari kung ang Diyos ang Panginoon na naghahari sa buhay natin at sa mundong ito. Hindi lang natin babasahin ang bahaging ito but also feel the emotional tone of the psalmist. Is he expressing sorrow, remorse, weariness, anger, disappointment, or doubt? We have to feel that.

Tulad ng sa Psalm 13: “Panginoon, hanggang kailan nʼyo ako kalilimutan? Kalilimutan nʼyo ba ako habang buhay? Hanggang kailan ba kayo magtatago sa akin? Hanggang kailan ko dadalhin itong mga pangamba ko? Ang aking mga araw ay punong-puno ng kalungkutan. Hanggang kailan ba ako matatalo ng aking mga kaaway” (13:1-2 ASD)? These are not question na as if curious siyang malaman ang mga sagot. Parang mga anak natin ang daming tanong na “Bakit?” Pag sinabi ni Lord na, “Mga 10 years pa,” natugon na ang mga tanong niya. No, these are questions na nag-eexpress ng matinding emotion. Nararamdaman niyang parang nalimutan na siya ng Diyos, parang pinagtaguan na siya ng Diyos. Nandun yung personal feeling of sorrow, defeat and a heavy burden. Tayo rin naman umiiyak nang ganyan, “Lord, bakit nangyari? Lord, gano katagal pa ang iintayin ko?”

Umiyak ako nang makipagbreak sa akin ang first girlfriend ko. Umiyak ako nang di ko na alam ang gagawin ko sa matinding struggle sa kasalanan. Umiyak ako nang madeny ng US embassy ang application ko to go to US last year. Umiyak ako nang merong ilan sa inyo (lalo na kung malapit na kaibigan) ang paulit-ulit na nahulog sa kasalanang sekswal.

Kayo naman, umiyak kayo o umiiyak o iiyak kapag ang asawa n’yo ipinagpalit kayo sa iba, o hanggang ngayon di pa kumikilala kay Cristo; kapag ang anak n’yo kahit ilang taon na ninyong sinasama sa church patuloy pa ring nagrerebelde sa inyo; kapag daang libo ang nalugi sa negosyo n’yo; kapag iniwan ka ng taong mahal mo; kapag wala kang maalalang magandang karanasan sa tatay mo kasi lumaki ka na wala siya palagi; kapag yung mga kaklase mo nung highschool mga nakapag-asawa’t may pamilya na samantalang ikaw single pa rin. We cry. Psalms of lament teach us not just to cry, but to cry to God. “Lord, bakit nangyayari ‘to sa akin? Lord, bakit parang wala kang ginagawa? Lord, hanggang kailan ganito ang kalagayan ko?”

Maybe wala kang personal na karanasan ngayon na angkop para yan ang idalangin mo sa Diyos. Kaya bahagi din ng itinuturo sa atin ng community lament tulad ng Psalm 12 ay para maging sensitive tayo sa kasamaang nasa paligid natin, at kung paanong maraming tao sa paligid natin ang nagdurusa dahil sa kasalanan ng iba (di man tayo personally affected). Tingnan n’yo ang lenggwahe ng Psalm 12: “Panginoon, tulungan nʼyo po kami, dahil wala nang makadios, at wala na ring may paninindigan. Nagsisinungaling sila sa kanilang kapwa. Nambobola sila para makapandaya ng iba” (12:1-2 ASD). Sa dulo may complaint din: “Pinalibutan nila kami, at pinupuri pa ng lahat ang kanilang kasuklam-suklam na gawain” (12:8 ASD). Sa paligid natin, laman-laman ng balita ang mga gawa ng mga taong di kumikilala sa Dios. Mga unfaithful. Mga sinungaling. Mga mandaraya.  Magaling magsalita pero nanloloko pala.

Tulad ng naging business transaction ko sa Ramos Agri sa Tarlac na pekeng kumpanya pala. Sabi ko sa Panginoon, “Lord, bakit may mga taong ganyan. Bakit ako pa ang nabiktima?” At hindi lang naman ako ang nabiktima, marami ring iba pa. “Lord, kelan sila ma-iisyuhan ng warrant of arrest? kelan sila magbabayad ng kasalanan nila? hahayaan mo bang meron pa silang mabiktimang iba pa?”

O kung marinig mo ang pananalita at pag-asta ng ating presidente, “Lord, bakit siya ang naging presidente namin?” O kung mabalitaan mo ang dami ng namamatay sa war on drugs at ang iba ay mga nabiktima lang din, “Why O Lord? Bakit dumadanak ang dugo sa bansa namin at maraming tao ang wala man lang pakialam sa dami ng napapatay?” “Bakit maraming tiwali at corrupt sa aming kapulisan at sa mga nasa pamahalaan? Bakit meron mga taong ginagamit ang mga bata sa cyberporn? Bakit? Bakit?”

Don’t just read the news. Iiyak mo yan sa Panginoon. And ask him to do something about it.

#3 – Request

We expect na sasagot si Lord, na may gagawin siya sa daing natin sa kanya. Lord, do something! Recognition naman ito na wala tayong magagawa sa sarili natin. Na inaamin nating ang sagot sa tanong na “Where does my help come from?” ay ito: “My help comes from the Lord” (121:1-2). Sa Psalm 12, simula pa lang may hiling na sa Panginoon: “Tulungan mo po kami” (12:1 ASD). Sa ESV, “Save, O Lord…” Mas specific ang request niya sa verses 3-4, “Panginoon, patigilin nʼyo na sana ang mga mayayabang at mambobola. Sinasabi nila, ‘Sa pamamagitan ng aming pananalita ay magtatagumpay kami. Sasabihin namin ang gusto naming sabihin, at walang sinumang makakapigil sa amin.'” Kapag nalulungkot tayo sa nangyayari sa bansa natin o sa nangyayari sa mga kaibigan at kamag-anak natin, hinihiling natin sa Panginoon na kumilos siya. Lord, kumilos ka po sa bansa namin. Baguhin mo ang aming presidente. Tanggalin mo ang yabang ng aming mga pulitiko. Huwag mo pong hayaang madaan sa pambobola ang mga mamamayan ng bansang ito. Panagutin mo po ang mga manloloko. Ipakulong ninyo ang mga sumisira ng buhay ng mga kabataan.

Ganoon din kung personal na kahilingan sa Diyos, tulad ng sa Psalm 13: “Panginoon kong Dios, bigyan nʼyo ako ng pansin; sagutin nʼyo ang aking dalangin. Ibalik nʼyo ang ningning sa aking mga mata, upang hindi ako mamatay at upang hindi masabi ng aking mga kaaway na natalo nila ako, dahil tiyak na magagalak sila kung mapahamak ako” (13:3-4). Pagkatapos mong sabihin ang reklamo mo sa kanya, hilingin mong kumilos siya, pakinggan ang panalangin mo. Lord, restore my joy! Wag mo pong hayaang magtagumpay ang aming kaaway sa paninira sa buhay ko. Wag mo pong hayaang madungisan ang pangalan ko ng mga taong sinungaling. Ibalik n’yo po ang aking sigla sa paglilingkod sa iyo. Wag mo pong hayaang magtagumpay ang kaaway sa buhay ng aking asawa at mga anak.

Lament, then, is different from grumbling. Ang pagrereklamo sa Dios ay iba sa pagrereklamo dahil sa Dios. Sa lament, idinudulog mo ang hinaing mo sa Diyos. Sa grumbling, nagrereklamo ka at inaakusahan mo ang Diyos na walang ginagawa at wala ring gagawin sa sitwasyon mo. Sa lament, gusto mong lumapit sa Diyos. Sa grumbling, gusto mo nang lumayo sa Diyos. Anuman ang suffering na nararanasan natin o nararanasan ng ibang tao, suffering must lead us to prayerful dependence on God. Dahil ang panalangin ay nagpapakita ng pagtitiwala sa Diyos.

#4 – Expression of trust

Laments are expressions of faith in God. Yes, may times na parang andun yung doubts sa promises ni God. Kasi yun ang perception natin kapag may suffering, na para bang nakalimot na si Lord sa mga promises niya. But the primary disposition of our heart in praying laments is that of trust in God. Nagtitiwala tayo sa kanya kahit di natin naiintindihan lahat. Kahit parang wala siyang ginagawa. Kahit parang absent siya. Parang di siya nakikinig. Parang natutulog siya.

God is too wise to be mistaken / God is too good to be unkind / So when you don’t understand / When don’t see his plan / When you can’t trace his hand / Trust His Heart // Babbie Mason

Ganito ang ipinapahayag ng mga sumulat ng laments. Sa Psalm 13:5, “Panginoon, naniniwala po ako na mahal nʼyo ako. At ako ay nagagalak dahil iniligtas nʼyo ako” (ASD). “But I have trusted in your steadfast love; my heart shall rejoice in your salvation” (ESV). Sa kabila ng lahat ng nangyayari, tiwala siya na di nagbabago ang pagmamahal ng Diyos sa kanya. That even sufferings are expression of God’s love for us. Nandun din yung confidence sa future grace ng Panginoon. He’s already claiming answers to his prayers. Sigurado na siya na ililigtas siya ng Diyos. Sigurado siyang matatapos din ang mga paghihirap niya.

Sa mga kasinungalingang laganap sa panahon nila at sa panahon din natin ngayon. Sa mga political issues, sa mga hearing sa Senado, maging sa statements ng pangulo, di mo na alam kung ano ang totoo. Di man natin malaman ang totoo sa salita ng tao, ang mahalaga alam natin na laging totoo ang salita ng Panginoon. Psalm 12:5-6: “Sinabi ng Panginoon, ‘Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha, at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap. Kayaʼt ibibigay ko sa kanila ang pinapangarap nilang kaligtasan.’ Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan, gaya ng purong pilak na pitong ulit na nasubukan sa nagliliyab na pugon.” Nagtitiwala siya sa pangako ng Diyos na tutugon siya sa panalangin, na siya ang magbibigay ng kaligtasan. Kahit ilang beses mong isalang sa apoy o subukin ang salita ng Dios, napatutunayan niyang bawat salita niya ay katotohanan. That’s why we are confident sa mga promises niya. Verse 7, “Panginoon, nalalaman namin na kami ay inyong iingatan, at ilalayo sa masamang henerasyong ito magpakailanman.”

Pagkasabi mo ng complaint mo sa kanya, pagkasabi mo ng request mo sa kanya, sabihin mo din ang tiwala mo sa kanya. “Lord, I know that you answer our prayers. That you are faithful. That you are loving. That you are good. That you are wise. I believe. Help my unbelief.”

Gospel Realities

Before we move on sa fifth element ng isang lament, at this point mahalagang itanong: Paano kung hindi ka naman malungkot? Baka iba sa inyo sadyang masayahin ang personality. When you feel sad, akma lang na read, meditate, pray and sing laments. Pero paano pag you don’t feel sad? Sa isang blog post sa Desiring God, merong binanggit na apat na dahilan kung bakit mahalagang gamitin ang lament sa worship even when you don’t feel sad:

  1. Something in your life is sad. Kahit na lagi kang nakangiti, kahit na kapag may nangumusta sa iyo at lagi mong sagot ay “ok lang ako,” meron pa ring dapat ikalungkot sa buhay mo. You are not yet in heaven.
  2. You live in a broken world. Ang daming dapat ikalungkot sa mundo natin. Manood o magbasa ka ng balita, makikita mo ang brokenness and much evil. Makipagkwentuhan ka sa mga kapitbahay mo, marerealize mo how much they are hurting.
  3. Someone in your church family is weeping. Merong may sakit. Merong brokenhearted. As a church family, we weep with those who weep.
  4. One day all weeping will be turned to laughter. Yan naman ang pag-asa natin.

Para tayong ang anak kong si Stephen. Nasaktan, sobrang lakas ng iyak. Tapos, bigla na lang tatawa. Because he has a reason to laugh. He has a family. Sa kabila ng mga iyak natin, meron tayong dahilan to rejoice, that is because of the gospel. Jesus is the ultimate cry of every believer. Our cries and laments are all fulfilled in Christ. Iniyakan niya ang pagkamatay ng kanyang mahal na kaibigang si Lazarus (John 11:35). Nang papasok na siya sa Jerusalem, iniyakan niya ang magiging kalagayan nito (Luke 19:41). Ayon sa author of Hebrews, maraming beses siyang nanalangin “with loud cries and tears” (Heb. 5:7). Sa sobrang paghihirap niya, sa Garden of Gethsemane, isang gabi bago siya arestuhin, “ang pawis niya ay parang dugo na tumutulo sa lupa” (Luke 22:44). Sa krus, sabi niya sa prayer niya, “Eli, Eli, lama sabactani; Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan” (Matt. 27:46; quoting Psalm 22, a psalm of lament).

#5 – Vow of praise

Anumang iyak natin sa Dios ay pakikibahagi sa iyak ni Jesus sa krus. But one day it will be over. Tulad ni Jesus, muli siyang nabuhay, muli rin tayong mabubuhay. After our sufferings, there will be glory. Ang pag-iyak ay mapapalitan ng pagpupuri sa Dios, ang kalungkutan ay mapapalitan ng kasiyahan, our mourning will be turned to dancing. Kaya naman sa dulo ng isang psalm of lament (di naman lahat meron nito), merong vow of praise. Tulad sa Psalm 13:6, “Panginoon, aawitan kita dahil napakabuti nʼyo sa akin mula pa noon” (ASD). Sa MBB, “O Yahweh, ika’y aking aawitan, dahil sa iyong masaganang kabutihan.” Because our affliction is light and momentary, but our joy in Christ will be eternal.

3 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.