Grace for Your Daily Mess (Titus 2:11-15)

13502690_10205188552832941_1876070439751469430_oPursuing godliness is not easy. Kahit sa ating mga Cristiano na. Kahit nga sa aming mga pastor na, mahirap pa rin. Honestly, I’m still battling against lust and pride, and inaamin kong I still fail in loving my wife, my kids, our church and the lost as God wants me too. At natuklasan ko rin ito sa experience ko bilang pastor sa pakikipag-usap sa ilan sa inyo sa mga sharing times, counseling sessions, at prayer times – and even with some other pastors.

Merong mga kabataang nagiistruggle sa sexual sins, sa same-sex attraction, sa pornography, sa masturbation. At kahit na rin matatanda, kahit mga may-asawa merong muntik nang maghiwalay, merong naging unfaithful sa asawa. Meron din namang nag-iistruggle sa worldliness, at greed, at love of money.

Realidad ito sa buhay Cristiano. Kaya kailangan natin ang tulong ng isa’t isa.

Kaya si Pablo pinapaalalahanan si Titus. Kaya itong si Titus, bilang pastor sa Crete, dapat din niyang turuan ang mga Christians dun na nag-iistruggle din sa pagiging godly. Sabi niya sa Titus 2:1, “Teach what accords with sound doctrine,” ang uri ng pamumuhay o ang kabanalang kaakibat ng Magandang Balita ni Cristo. At inisa-isa niya mula verses 2 to 10 kung ano ang itsura nitong godliness na dapat meron ang bawat isa sa church – older men, younger men, older women, younger women, at slaves – lahat walang exempted. Emphasizing that growth in godliness is not optional in the Christian life. It is necessary.

So kung tayo’y Christians na, sinusubukan naman talaga nating magbago. Pero ilang beses din tayong nabibigo. At kailangang amining kailangan natin ng tulong. At kung meron mang ilan sa inyo tingin n’yo successful na kayo sa pursuit of godliness, unti-unti naman nag-gogrow ang pride at self-righteousness sa heart n’yo. At ibabagsak kayo ng Diyos para magkaroon kayo ng “gospel wakefulnes” (Jared C. Wilson). Nitong mga nakaraang linggo lang, merong ilang lumapit sa akin, nice boy ang tingin sa kanya ng marami, pero ang hindi alam ng marami he’s committing fornication (pre-marital sex). Inamin niya na kailangan niya ang tulong.

Oo nga’t malaki ang maitutulong ko as pastor. Ganun din si Titus sa Christians sa Crete. Kaya nga inulit na naman ni Paul sa verse 15 ang dapat na ibigay niyang tulong sa church, “Declare these things; exhort and rebuke with all authority. Let no one disregard you.” Ituturo ko, ipapaalala ko ang kahalagahan ng godliness sa buhay mo, hihikayatin kitang mamuhay sa kalooban ng Diyos, sasawayin kita pag nagkakasala ka, at kahit sa panahong binabalewala mo, I won’t let you ignore me, I will be persistent. Ito ang dapat kong gawin para makatulong sa inyo. I’m not a perfect pastor, kahit ako nagkukulang din sa tungkuling atas ng Diyos.

Nagtuturo ako sa inyo, pero di ko naman kayo mababantayan araw-araw. At kung marinig n’yo ang itinuro ko, wala naman akong katiyakang gagawin n’yo. Kapag sinabing “with all authority,” saan ba nanggagaling ang kakayahan ko na makatulong sa inyo? Hindi sa sarili ko. Hindi mo rin naman kayang tulungan ang sarili mo. “God helps those who help themselves”? Wala sa Bible yan! Oo kailangan natin ng paalala, kailangan natin ang mga spiritual disciplines tulad ng Bible reading at prayer, kailangan natin ng accountability tulad ng Fight Club. Pero wag nating linlangin ang sarili natin na komo nababago natin ang behavior natin, ay magkakaroon ng tunay na pagbabago sa atin. Ang tunay na pagbabago ay dapat mangyari on the level of our desires.

And I am powerless to do that for you. Para sa sarili ko nga di ko kaya, sa inyo pa! You are also powerless to do that. Saan manggagaling ang tulong na kailangan natin? “I lift up my eyes to the hills. From where does my help come? My help comes from the Lord, who made heaven and earth” (Psa. 121:1-2). Kaya nga gustung-gusto ko rin yung kanta na Shoulders ng For King and Country: “My help comes from You / You’re right here, pulling me through / You carry my weakness, my sickness, my brokenness all on Your shoulders / Your shoulders / My help comes from You / You are my rest, my rescue / I don’t have to see to believe that You’re lifting me up on Your shoulders / Your shoulders.

The Gospel

That’s why we need the gospel. Kasi dito pinapaalala sa atin kung sino ang Tagapagligtas. We cannot save ourselves. Kaya nga ang ending ng passage natin last time ay ang motivation ng mga slaves, at ng bawat isa sa atin sa paggawa ng mabuti, “that in everything they may adorn the doctrine of God our Savior” (2:10). Yun ang gospel. We do good works for the sake of the gospel.

Pero wag nating iisiping God need our good works. No! Kaya dito sa verses 11-14, ipinapaalala niyang sa growth natin sa godliness, we need God, we need the gospel to work in us. Verse 11, “For the grace of God has appeared…” (v. 11). For…dahil sa biyaya ng Diyos na naihayag sa atin through the gospel of Jesus…ito ang basis ng exhortations ni Paul for us to pursue godliness. Ito ang motivation na kailangan natin. Ito ang power na kailangan natin. Hindi sa pastor, hindi sa church, hindi sa sarili natin manggagaling ang tulong na kailangan natin, kundi sa biyaya ng Diyos. We need the grace of God.

Di pwedeng ihiwalay ang grace sa good works. We are not saved by works, but by grace and this grace produces good works in us (Eph. 2:8-9). The gospel produces godliness. The gospel is the root, godliness is the fruit. Gospel embrace leads to gospel transformation.

Kaya kailangang klaro sa atin kung ano yang gospel na yan. Let us not assume na alam na, maaaring ang iba sa inyo hindi pa alam yan, o kung alam man nakakalimutan kung ano ang ibig sabihin nun. So, what is the gospel?

The gospel is the good news of the grace of God. “The grace of God has appeared…” Ang salitang “appear” dito ginamit din sa verse 13 na tumutukoy sa “the appearing” of Jesus for the second time. So, ito ay tumutukoy sa pagdating ni Jesus 2000 years ago. Hindi ibig sabihing wala ang “grace” ni God sa Old Testament, at absent noon. Pero ang emphasis dito ay ang fullness ng pagliligtas ng Diyos na nakasalalay hindi sa sarili nating gawa kundi sa biyaya ng Diyos, sa gawa ng Diyos para sa atin. Yun ang implication ng “God our Savior” sa verse 10. Binanggit din ito sa chapter 3 ni Paul: “But when the goodness and loving kindness of God our Savior appeared, he saved us, not because of works done by us in righteousness, but according to his own mercy…” (3:4-5).

The gospel is the good news of Jesus. The grace of God is Jesus! He is “full of grace and truth…From his fullness we have all received, grace upon grace…grace and truth came through Jesus Christ” (John 1:14, 16, 17). At pansinin n’yo kung paano siya dinescribe ni Paul sa Titus 2:13, “…our great God and Savior Jesus Christ.” Malinaw sa construction ng words dito sa original Greek, hindi dalawang persona ang tinutukoy na para bang “our great God” tumutukoy sa Diyos Ama at ang Anak ay “Savior Jesus Christ,” tulad ng turo ng sektang Iglesia ni Cristo. Isang persona ang tinutukoy dito, si Jesus. At dalawa ang description sa kanya. Una, “our great God.” Siya ay tunay na Diyos, hindi lang lesser god (tulad naman ng turo ng mga Mormons at Jehovah’s Witnesses), but great God. Siya yung “God our Savior” sa v. 10. Yun ang pangalawa, “Savior.” Siya ang ating Tagapagligtas, yun ang ibig sabihin ng pangalang “Jesus.” There is no good news without Jesus the God-Man. Paano niya tayo iniligtas?

The gospel is the good news of the cross. Verse 14, “who gave himself for us…” Sabi ni Paul sa Gal. 2:20, he “loved me and gave himself for me.” Ibinigay niya ang buhay niya – namuhay siya na matuwid para tayo’y maituring na matuwid sa harapan ng Diyos. Sariling buhay niya ang naging pantubos sa ating mga kasalanan nang siya’y ipako sa krus. Buhay na walang hanggan ang kaloob niya sa atin nang siya’y nabuhay na muli sa ikatlong araw. Yun ang good news na kailangan natin sa pakikipaglaban natin sa kasalanan at sa pagbabagong inaasam natin tungo sa kabanalan. We need the gospel. We need grace. We need Jesus. We need the cross.

For Our Salvation, including Sanctification

Our help comes from the gospel. That’s clear from verse 11, “For the grace of God has appeared, bringing salvation for all people.” Dumating ang tulong na kailangan natin sa pagdating ni Cristo. Dala niya ay kaligtasan para sa lahat ng tao. Hindi ibig sabihin na lahat ng tao ay maliligtas, tulad ng paniniwala ng mga universalists. Ang point dito ay hindi lahat ng indibidwal ay maliligtas dahil meron namang hindi. Pero ang point nito ay merong pag-asa ang lahat ng klase ng tao. Anuman ang lahi mo – Judio ka man o hindi, maitim ka man o maputi. Anuman ang estado mo sa buhay – mayaman ka man o hindi, edukado ka man o hindi, may trabaho ka man o wala. Anuman ang spiritual standing mo – relihiyoso ka man o hindi, lumaki sa simbahan o naging salot sa lipunan, mabuting anak o rebeldeng anak, sexually pure o sex addict, virgin ka man o prostitute, mabait ka man o isang pusakal na kriminal. In the gospel of Jesus, there is hope for salvation for all kinds of people.

Totoo yan, walang duda. Pero ang isa sa problema natin ay ang maling paniniwala tungkol sa kaligtasan. We believe that the gospel is the power of God for salvation (Rom. 1:16), pero tingin ng marami sa “salvation” na iyan ay limitado. Na parang ang gospel ay ticket lang para tayo’y mapunta sa langit pag tayo’y namatay. Na kailangan lang natin ng gospel noong tayo’y unbelievers pa at kapag Christians na tayo, parang sariling sikap na pagdating sa discipleship o Christian growth. No! No! No! Kailangan natin ang gospel (and by believing the gospel) upang tayo’y maituring na matuwid ng Diyos (justification). Kailangan din natin ang gospel (going deeper into the gospel) para tayo’y maging tunay na matuwid at tulad ni Cristo (sanctification). We need the gospel today as much as we need it at the beginning of our Christian life. Sabi ni Tim Keller, “The gospel is not the ABC of the Christian life; the gospel is the A to Z of the Christian life.”

So, salvation is not just about going to heaven. Kasama dito ang araw-araw na proseso na tayo’y binabago ng Panginoon. Sa prosesong iyon ng ating transformation, bakit mahalagang alalahanin natin ang gospel o ang ginawa ni Jesus para sa atin? Why do we need to preach the gospel to ourselves everyday?

The purpose of the gospel is for our transformation. Ang layunin kung bakit namatay si Cristo ay hindi lang para bayaran ang kasalanan natin, hindi lang para tayo’y mapatawad, hindi lang para makatiyak tayong sa langit tayo pupunta pag tayo’y namatay. Jesus died to change us from inside and out. Verse 14, Jesus “gave himself for us (he died for what purpose?) to redeem us from all lawlessness and to purify for himself a people for his own possession who are zealous for good works.”

Dalawa ang binanggit ditong layunin – two sides of the same coin. Una, “to redeem us from all lawlessness.” Para hanguin, para palayain sa lahat ng uri ng kasalanan. Hindi lang para patawarin sa penalty ng ating kasalanan, kundi para bigyan ng tagumpay sa kapangyarihan ng kasalanan sa buhay natin. From all lawlessness. Meaning, hangga’t may natitira pang kasalanan sa buhay mo, hindi pa tapos ang gawa ni Cristo para sa iyo. Until that day you are freed from sinning. Sa buhay na ito, we will never really graduate from our need of the gospel of the grace of God. Maliban na lang kung gusto mong lokohin ang sarili mo na di ka na nagkakasala at di mo na kailangan ang gawa ni Cristo para sa iyo.

Pangalawa, “to purify for himself a people…who are zealous for good works.” Nabuhay na muli si Cristo para bigyan ka ng bagong buhay. Hindi lang para patawarin ang iyong mga kasalanan, kundi para linisin ka sa lahat ng iyong karumihan. Hindi lang para mawala ang sexual sins mo, kundi para matuto kang magmahal sa ibang tao na malinis at walang halong malisya. Hindi lang para maovercome mo ang anger mo, kundi para matuto kang magpasensiya, magpatawad sa iba, at gumawa ng mabuti sa kapwa mo. So everytime na sinasabi mong OK lang ang ginagawa mong kasalanan – na OK lang ang porn, OK lang ang sex sa hindi mo asawa, OK lang ang pride, anger, materialism at bitterness sa puso mo – binabalewala mo ang layunin kung bakit si Cristo ay namatay sa krus para sa iyo.

Layunin ng pagkamatay ni Cristo ay para sa ating pagbabago. Pero hindi naman niya tayo pababayaan lang na parang sinabi, “O ayan, ginawa ko na ang lahat para sa iyo, bahala ka na, kaya mo na iyan.” We need the power of the gospel for our transformation. Verse 12, ano daw ang ginagawa ng gospel of grace sa buhay natin ngayon? “training us to renounce (say no!) to ungodliness and wordly passions, and to live self-controlled, upright and godly lives in the present age.”

In the present age, tumutukoy sa dapat na buhay natin ngayon. Hindi tayo naligtas at tapos ay hihintayin lang ang kamatayan o pagbabalik ni Jesus. We have to live our lives actively pursuing godliness. Para mangyari iyan, we have to say no to ungodliness o anumang gawa na di kalooban ng Diyos, and worldly passions o anumang kahalayan, masamang pag-iisip, masamang pagnanasa na acceptable na sa mundong ito pero kasalanan sa harap ng Diyos. And we have to say yes sa buhay na “self-controlled,” na Espiritu na ang nangunguna, “upright,” na ayon sa pamantayan ng salita ng Diyos, at “godly,” nagbibigay karangalan sa Diyos at tinutularan ang karakter ni Crristo.

But change is difficult and impossible for us. But not with God. With God, all things are possible. The grace of God is “training us…” From the Greek paedeia, o pagpapalaki o pagdidisiplina sa isang bata. The gospel trains us, disciplines us, helps us, gives us power to live godly lives. Ang kailangan natin ay hindi “more law, more commands, more lists of do’s and don’ts”; what we need is more of the grace of God. Ang grace ng Panginoon ay hindi lisensya para tayo’y magpatuloy sa kasalanan. Ito ang kapangyarihan ng Diyos na kailangan natin upang matalikuran natin ang kasalanan at makapamuhay nang may kabanalan. God’s saving grace is God’s training grace. Grace saves us from sin; grace also trains us to say no to sin and to say yes to God.

Does it mean we are to be passive in our fight against sin and in our pursuit of godliness? No! But the hard work for us is the work of really believing the gospel and embracing the grace of God. Ito ang sabi ni Paul sa Gal. 2:20, “the life I now live in the flesh I live by faith in the Son of God who loved me and gave himself for me.” Kung saan-saan, kung kani-kanino kasi tayo nakatingin at nagtitiwala. Sabi ni Jerry Bridges, “So our best works can never earn us one bit of favor with God. Let us then turn our attention from our own performance, whether it seems good or bad to us, and look to the gospel of Jesus Christ, which is God’s provision for our sin, not only on the day we trusted Christ for our salvation but every day of our Christian lives.”

Grace Now and Forever

Nahulog ka na naman sa tukso, nagkasala ka ulit. O kaya’y naalala mo ang dami at ang laki ng mga kasalanang nagawa mo in the past. Naramdaman mo yung guilt. Anong sasabihin mo sa Panginoon, “Lord, last na po yun promise. Pagsisikapan ko na pong magbago. Pagbubutihin ko next time. Hindi na lang po ako titingin sa Internet. Lagi na po akong magka-Quiet Time. Magseserve ako sa inyo, promise.” Ha? Ilang beses ka na ngang nagkasala paulit-ulit, and you still trust yourself to do better next time? Don’t look to yourself, look to Christ, you sinner and weak and broken and helpless! At the cross, all your sins, all! are forgiven and cleansed and paid for by the blood of Jesus.

O siguro nasanay ka na sa paulit-ulit na kasalanan, manhid na, o suko ka na at di mo na itry na magbago. Kasi sabi ng sarili mo sa iyo, “Addict ka naman talaga dati pa, marumi ka, wala kang pag-asa, ganyan ka na lang palagi, tanggapin mo na, accept your self.” The gospel means you have a new identity in Christ. Verse 14, “…to purify for himself a people for his own possession who are zealous for good works.” For himself…for his own possession. That’s who you are. Ikaw ay para sa Diyos, hindi para boyfriend mo, hindi para sa kahalayan mo, hindi para sa trabaho mo. Pag-aari ka ng Diyos, prized possession, kayamanan. Hindi marumi ang tingin sa iyo ng Diyos. You are very important to God. “For you are a chosen people, a royal priesthood, a people belonging to God…” (1 Pet. 2:9). Kung yan ang pagkakilala mo sa sarili mo, mananatili ka ba sa kasalanan mo? Hindi! You will live your life for the glory of God, for the love of God.

The gospel also means that all the promises of God are yours in Christ. Sasabihin mo mahina ka, hindi mo kaya. Oo nga. Pero makapangyarihan ang Tagapagligtas mo, siya ang pag-asa mo. Kaya nga sa laban sa kasalanan at pamumuhay na may kabanalan, ano ang kailangan nating gawin? Verse 13, “waiting for our blessed hope, the appearing of the glory of our great God and Savior.” Dahil sa ginawa na ni Cristo noon para sa atin, tiyak tayo na lulubusin niya ang kaligtasan natin sa araw ng pagbabalik niya. We look to the cross (past grace), and we look to his second coming (future grace). Siya ang ating “blessed hope.” Ang inaasahan nating kasiyahan ay wala sa kayamanan sa mundong ito, kundi nakay Cristo. Christ is enough for us. Ang inaasahan nating makapagpapawi ng ating kalungkutan at kakulangan ng natanggap nating pagmamahal ay wala sa ibang tao kundi nakay Cristo. Christ is enough for us. He is our hope. He is our glory. He is our joy. Walang makapapantay na anuman o sinuman sa buhay na meron tayo kay Cristo.

Grace in Our Mess

The key in our pursuit of godliness is not by focusing on our own performance. Ok kaya ang ginagawa ko? Pumalpak ako, paano kaya ako mag-improve? Ano kaya ang mga dapat kong gawin? No! Nagiging godly ka hindi kapag nakafocus ka sa sarili mo (actually you’re just becoming self-absorbed, too much self-preoccupation, you’re being narcissistic). Magiging godly ka kung kay Jesus ka titingin, if you look at Jesus (2 Cor. 3:18), at kung ano ang ginawa niya para sa iyo, at kung sino ka na ngayon dahil kay Cristo, at ano ang gagawin pa niya para iyo.

Gaano man ka-messy ang Christian life mo ngayon, take heart because the grace of God is bigger than all our mess. Naalala ko ito noong isang araw. Katatapos ko lang mag-Quiet Time. Enjoy na enjoy pa ko sa Bible reading and prayer time ko. Tapos si Stephen, wala nang diaper kasi sinasanay naming sa toilet bowl na dumumi, ayun dumumi sa shorts niya, nalaglag sa sahig, at naghugas ng kanyang puwet. Mabaho, nakakasuka, pero kailangang gawin para maging malinis at mabango siya. That’s grace. Kapag dumumi tayo dahil sa kasalanan o nilublob natin ang sarili natin sa putikan, di niya tayo sinasabihang, “Ikaw ang may kagagawan niya, ikaw din ang bahalang gumawa ng paraan diyan.” No. He extends his hands (kahit marumihan, actually naipako nga sa krus ang mga kamay na iyan) at hinahawakan tayo kahit gaano karumi, kahit gaano kabaho, para tayo’y maging malinis at mabango. Hindi lang niya ito one time ginawa, but every day.

There is every day grace for our every day mess.

2 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.