Last week, pinag-usapan natin ang Titus 2:11-14: “the grace of God…training us to renounce ungodliness…and live godly lives…” Binigyang-diin ko sa na sa laban natin sa kasalanan at sa pamumuhay nang may kabanalan, ang kailangan natin ay hindi “try harder, do better next time, keep a list of do’s and don’t’s” approach as if kaya natin sa sarili natin. Ang kailangan natin ay ang biyaya ng Panginoon, ang alalahanin palagi ang kanyang ginawa sa atin sa pamamagitan ni Cristo. Alalahanin at paniwalaan at panghawakan.
Hindi ibig sabihing passive lang tayo, nakikinig lang, nakaupo lang, at tapos bigla na lang may magbabago sa atin. I’m not saying that. The hard work actually begins in us believing the gospel deeply in our hearts. At yun ang babago sa puso natin, sa desires natin, so that we will want to obey God and please him sa lahat ng bahagi ng buhay natin.
Oo kailangan natin ang grace ng Panginoon. “To renounce ungodliness…and to live godly lives…” Tayo ang magsasabi ng “No!” sa kasalanan. Tayo ang magsasabi ng “Yes” sa pagsunod sa Panginoon. Throughout Titus, binigyang-diin natin na konektado ang Good News (mabuting gawa ng Diyos) at Good Work (mabuting gawa natin) (1:1, 8-9, 16; 2:1, 5, 10). Kambal, Siamese twins nga, di pwedeng paghiwalayin. Ano’ng koneksiyon? Pansinin n’yo ang structure ng Titus 2 at Titus 3 na pag-aaralan natin ngayon.
Ibig sabihin, ang motivation at power na kailangan natin para makagawa ng mabuti, ng tunay na mabuti, hindi pakunwari lang na mabuti, ay ang Mabuting Balita ni Cristo. This is the difference ng mabuting gawa ng mga non-Christians, walang gospel motivation, not driven by faith in Christ. Kaya kahit anong mabuting gawa sa tingin natin ay masama pa rin sa harapan ng Diyos at di katanggap-tanggap sa kanya. “For whatever does not proceed from faith is sin” (Romans 14:23).
Good News, Good Work ang title ng sermon series, in that order. Hindi Good Work, Good News; na para bang nagtatrabaho ka tapos nakita ang maganda mong gawa, sabi ng boss mo, “Good job!” Tapos later on naghihintay ka ng “good news” na public recognition o promotion o increase in salary. Yes may reward ang mga ginawa nating kabutihan (1 Cor. 15:58). Pero tandaan nating ginagawa natin yun not to gain anything na wala pa sa atin. Ginagawa natin yun dahil naniniwala tayong lahat ay nasa atin na dahil kay Cristo. We already received the good news (of salvation in Christ), that’s why we do good works.
Hindi lang natin ito tinanggap, ito rin ang bumabago sa buhay natin. Because of the gospel of grace, we are now a new people: “a people who are zealous for good works” (2:14); “ready for every good work” (3:1); because we believe in God and his grace, we are “careful to devote” ourselves “to good works” (3:8); we “learn to devote [ourselves] to good works” (3:14). Zealous, devoted, ready, learning. So ang mabuting gawa sa buhay natin ay hindi lang pagbabago sa behavior natin, panlabas lang, kundi pagbabago ng desires, ng naisin, ng saloobin, ng hangarin, ng layunin. We are changed by the gospel from the inside out.
Ready for every good work (3:1-2)
Karaniwan kasi, mas feel nating gumawa ng mabuti kung nasa mood tayo, kung wala tayong masyadong pinagkakaabalahan, o kung obligado tayo, o kung nasa loob tayo ng church o kasama natin ay mga Christians na. Pero ganoon ba dapat? May oras lang ba sa paggawa ng mabuti? Nakadepende ba ito sa mood swings natin – kung feel natin o hindi? Nakadepende ba ito sa mga taong kasama natin?
Paalala ni Pablo kay Tito para sa mga Christians sa Crete, “Paalalahanan mo ang mga mananampalataya na magpasakop at sumunod sa mga may kapangyarihan. Kinakailangang lagi silang handa sa paggawa ng anumang mabuti” (3:1 ASD). Inuna niya dito ang ugali natin pagdating sa gobyerno. Whether we like the government or not, we must submit. Kahit di kumportable sa atin ang pagsunod sa batas – sa buwis o sa trapiko – dapat sumunod tayo at magpasakop. Dapat laging “handa” tulad ng motto ng mga Boy Scouts. Sa lahat ng panahon, sa lahat ng pagkakataon. Doing good is because of who we are in Christ. Nahuli ka dahil sa traffic violation, nanghingi ng lagay ang pulis. Hindi ibig sabihing magpapasakop ka sa kanya. You do good to our country by saying, “No! Lumabag ako sa batas. Kuhanin mo ang lisensya ko. Magbabayad ako ng multa sa gobyerno. Lumabag ka rin sa batas. Nanghingi ka ng lagay. Anong pangalan mo? May obligasyon akong ireport kita sa kinauukulan.”
Natural sa atin, we do good to those who are good to us; pero sa mga gumawa ng masama laban sa atin, o nambastos sa atin, o nanira sa atin, aba teka, hindi pwede yan, dapat ipamukha sa kanya ang kasalanan niya, dapat magbayad siya sa ginawa niya, ano siya sinusuwerte at papalampasin lang, lintik lang ang walang ganti. Verse 2, “Huwag nilang siraan ang sinuman, at huwag silang maging palaaway, sa halip, dapat silang maging maunawain at mapagpakumbaba sa lahat.” Oh! Really? Yes! Siniraan ka, anong kapalit? Siraan mo din? Hindi, maging maunawain. Inaway ka, anong gagawin mo? Aawayin din? Hindi, maging mapagpakumbaba. Sa lahat. Sa asawa mo, sa anak mo, sa kapatid mo, sa may utang sa iyo, sa naninira sa iyo sa Facebook, sa waiter na nakalimutan ang order mo o di ka pinagsilbihan nang maayos, sa tricycle driver na malaking sumingil ng pasahe, sa lahat. We treat others not in response to how they treated us; but according to how God wants us to treat them.
Sasabihin mo pa, “But I want justice; he doesn’t deserve it!” Yes, that’s why it is called grace.
Gospel basis (3:3-7)
At ito ang binigay ni Paul na basehan ng paggawa ng mabuti sa lahat ng tao, just like what he did in 2:11-14, rooting godliness and good works in the gospel.
We were Bad People Doing Bad Works (3:3)
Verse 3, “Sapagkat noong una, tayo rin…” Lahat tayo ganito dati, walang exempted. Dati, if you are now in Christ. If you are not yet in Christ, hanggang ngayon ganito ka. Ano daw? “…kulang sa pang-unawa tungkol sa katotohanan at mga masuwayin.” Hindi lang basta walang alam, kundi hangal (MBB) o foolish (ESV). Wala sa katinuan ang pag-iisip. Edukado nga, pero pagdating sa kasalanan, kung ano ang hilig yun ang ginagawa. Di na iniisip kung makakasama o kung kalulugdan ng Diyos. We are foolish rebels. Lahat!
“Nilinlang at inalipin tayo ng lahat ng uri ng kahalayan at kalayawan.” Natutukso tayo, madaling mahulog sa tukso, madaling maniwala sa kasinungalingan ng Kaaway, madaling matangay ng agos ng mundo na taliwas sa nais ni Cristo. Ang iba naging addict sa sex o sa materyal na bagay o sa alcohol o sa pagkain o sa entertainment. We want pleasures for ourselves apart from God.
“Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit.” Sa ESV nagsimula ito sa “Passing our days…” Di natin namamalayan ang paglipas ng panahon na dala-dala natin ito sa loob natin. Malice, masamang pag-iisip sa ibang tao kapag nakagawa sila ng masama laban sa atin. Envy, naiiinggit kapag mabuti ang nangyayari sa iba, at hindi nangyari sa iyo. At feeling mo mas deserving ka kaysa sa kanya.
“Kinapootan tayo ng iba, at kinapootan din natin sila.” Instead of love, ang nagiging defining characteristics ng mga relationships natin lalo na sa pamilya ay neglect, hatred, passivity, abuse, etc.
The message of verse 3? Tayong lahat (without exemption!) ay masamang tao na gumagawa ng masama (apart from the grace of Christ). Ang takot ko bilang pastor, baka marami sa inyo di naniniwala dito, lalo na sa mga lumaki sa simbahan. Kasi feeling n’yo nice boy naman kayo o nice girl. Mas madali itong paniwalaan ng mga taong nasa loob ng bilangguan kaysa sa mga laking simbahan. But the bad news is, we were sinners.
God is good and Jesus has done the good work (3:4-7)
And the good news? Verses 4-5, “Ngunit…”, o kay sarap pakinggan ng salitang ito. Good news! sa kabila ng bad news! “…nang mahayag ang biyaya at pag-ibig ng Dios na ating Tagapagligtas, iniligtas niya tayo…” Ang tinutukoy dito ay ang pagdating ni Jesus, ang kanyang buhay at kamatayan at muling pagkabuhay. Tulad din ng 2:11, “For the grace of God has appeared, bringing salvation…” Ipinapaalala na naman niya, kasi lagi naman nating nakakalimutan araw-araw, kung ano ang basehan ng Diyos sa pagliligtas sa atin. Hindi dahil mas mabuti tayo kaysa sa ibang tao, hindi dahil may nakita ang Diyos na katangian natin na nagustuhan niya, kundi dahil sa katangian ng Diyos, dahil ang Diyos ay mabuti at mapagmahal.
We are saved not because of who we are or what we have done but because of who God is. At kung sakaling di pa nagsink-in sa iyo ang verse 3, inulit na naman niya sa verse 5, “iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil sa kanyang awa.” Tayo nga ay masama, makasalanan, kaya kahit anong gawa natin na mabuti o gawa para ipakita sa Diyos na tayo’y katanggap-tanggap sa kanya, balewala, parang maruming basahan sa harap ng Diyos. We were bad, we do bad works, and even our best efforts in doing good is not enough! Only by God’s mercy we are saved! Hallelujah! If that is not good news sa iyo, ewan ko na lang sa iyo.
Wag kang tumingin sa mabuti mong gawa; tumingin ka sa mabuti niyang gawa; iyon ang tunay na mabuti. Anong ginawa niya? Paano niya pinakita ang kanyang mercy. Ituloy natin ang verse 5, “…Iniligtas niya tayo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na naghugas sa atin at nagbigay ng bagong buhay.” Gawa pa rin ng Diyos iyan. Wala tayong contribution dyan. Ang tinutukoy dito ay ang role ng Holy Spirit sa ating new birth or pagiging born again, yun yung washing and renewal na tinutukoy dito, with reference sa New Covenant (Ezek. 36:25-27). Hindi ka parang nasirang makina ng kotse na kailangang kumpunihin para umandar ulit. You’re a total wreck! But God made new into a brand new car. Hindi ka lang may sugat na kailangang linisin para gumaling, hindi ka lang may sakit na pwedeng dalin sa doktor para gumaling. You were dead (Eph. 2:1), stinking dead, nabubulok, naaagnas. But God made you alive (Eph. 2:5)! Good News? Oh yes!
Ang Holy Spirit, hindi lang niya ipinahiram sa atin the moment we need him. Kundi ibinigay as a precious gift, our greatest blessing, God himself. Verse 6, “Masaganang ibinigay sa atin ng Dios ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas.” Dahil sa ginawa ni Cristo, hindi suweldo dahil sa pinagtrabahuhan mong mabuti, kundi regalo. The greatest gift we received from God is not forgiveness, not being in our church, not the material blessings that we receive each day, not life in heaven, but the Holy Spirit, God himself in us.
Verse 7, “…upang sa kanyang biyayaʼy maituring tayong matuwid at makamtan natin ang buhay na walang hanggan na ating inaasahan.” Justified by his grace – hindi tayo matuwid, pero tinuring na matuwid; marumi, pero itinuring na malinis. Gumagawa tayo ng masama pero itinuring na gumagawa ng mabuti. Dahil sa biyaya ni Cristo na siyang tunay na matuwid, malinis, at gumawa ng mabuti. Grace!!! And this past grace guarantees future grace. “Heirs according to the hope of eternal life.” Para tayong pulubing namamalimos sa kalye, marumi, mabaho. Kinuha tayo ng Diyos sa awa niya. Pinaliguan, sinabon, binihisan. At hindi lang binigyan ng limos na barya-barya. You are now my child. God is King. We are princes and princesses. Tagapagmana kasama ni Cristo. Riches beyond imagination. Grace!
Anong koneksiyon nitong verses 3-7 sa verses 1-2? You received so much grace – so much goodness from God when you don’t deserve it. Why do you find it so hard to give the same grace to others – do good works even when they don’t deserve it?
Devote yourself to good works (avoid bad influences) (3:8-11)
Because this gospel is so good, and this is the power we need to be able to do good, ito ang kailangan nating pakinggan, alalahanin, paniwalaan not just one time or some times, but over and over and over and over again. Verse 8, “Ang mga aral na itoʼy totoo at mapagkakatiwalaan. Kaya gusto kong ituro mo ang mga bagay na ito upang ang mga sumasampalataya sa Dios ay maging masigasig sa paggawa ng mabuti (di tulad ng mga false teachers sa 1:16). Ang mga itoʼy mabuti at kapaki-pakinabang sa lahat.” Gusto kong marinig ninyo kung ano ang kapaki-pakinabang sa inyo. That’s why you will hear me talk about the gospel over and over again.
And I pray na yun din ang maging longing ninyo na pakinggan palagi. Dahil ito ay sobrang precious, it is so good, dapat gawin natin ang lahat para bantayan ang puso natin para di natin ito makalimutan o isantabi man lang.
Oo nga’t sabi ko kanina na dapat tayong gumawa ng mabuti sa lahat ng klase ng tao, pero kung ang integrity ng gospel ang nakasalalay, o kung ang personal faith natin sa Diyos ang maaapektuhan dahil sa pakikisama natin sa ibang tao, mas mainam pa na iwasan sila. Not because we hate them, but because we love the gospel so much. Verses 9-11, “Ngunit iwasan mo ang mga walang kwentang pagtatalo-talo, ang pagsusuri kung sinu-sino ang mga ninuno, at ang mga diskusyon at debate tungkol sa Kautusan, dahil wala itong naidudulot na mabuti. Pagsabihan mo ang taong sumisira sa inyong pagkakaisa. Itakwil mo siya kung pagkatapos ng dalawang babalaʼy hindi pa rin siya nagbabago. Alam nʼyo na masama ang ganyang tao, at ang kanyang mga kasalanan mismo ang nagpapatunay na parurusahan siya.”
Iiwasan natin ang sinumang nagtuturo ng maling araw, salungat sa Mabuting Balita ni Cristo. Iiwasan natin ang mga taong nagpapatuloy sa kasalanan, lalo pa kung sinasabi nilang sila’y mananampalataya. Oo, sasabihan natin sila, sisikaping maibalik para magsisi’t magbago. Pero kung magiging tahasan ang kanilang pagsuway at ayaw nilang makinig, wala na tayong pananagutan sa kanila. We want to maintain our unity in the gospel. We also want to maintain our integrity as gospel people.
Hindi ko sinasabing iwasan natin lahat ng makasalanan. Nasa mundo tayo ng makasalanan, imposible iyon. Kailangang sa langit ka na tumungo kung ganun. Pero gawin natin lahat ng magagawa natin para proteksiyunan ang sarili natin na siguraduhing palagi tayong nakasentro kay Cristo. Kung may mga taong puro tsismis lang ang kinukuwento sa iyo, at kung anu-anong walang katuturan, anong gagawin mo? Kung may mga panoorin sa TV o Internet o Facebook ang puro walang kabuluhan at di nakakatulong sa iyong maging deeper into the gospel of Jesus, anong gagawin mo?
Devoted yourself to good works in our church family (3:12-15)
As we go deeper into the gospel, lalo namang babaguhin nito ang pakikitungo natin sa isa’t isa sa church. Yes, we do good to all people, especially to the household of faith (Gal. 6:10). Kaya dito sa huling bahagi ng sulat ni Pablo yun ang gusto n’yong bigyang diin.
Verse 12-13, “Papupuntahin ko riyan si Artemas o si Tykicus (para siyempre makatulong kay Titus). Kapag dumating na ang sinuman sa kanila, sikapin mong makapunta agad sa akin sa Nicopolis, dahil napagpasyahan kong doon magpalipas ng taglamig (si Titus naman gusto ni Paul mag-visit sa kanya, for mutual encouragement malamang). Gawin mo ang iyong magagawa para matulungan sina Zenas na abogado at Apolos sa kanilang paglalakbay, at tiyakin mo na hindi sila kukulangin sa kanilang mga pangangailangan (si Titus at mga Christians sa Crete na tumulong sa pangangailangan ng mga workers/missionaries).”
Sinu-sino pa ba ang magtutulungan, kundi tayong magkakapamilya. Kung gumagawa ka ng mabuti sa ibang tao, pero ang sama naman ng ugali mo sa miyembro ng sarili mong pamilya o di mo tinutulungan sa pangangailangan, you have misplaced priorities. Kapag may kakayahan tayo at may nakita tayong nangangailangan dito sa church (materyal man, o encouragement, o visitation, o kailangang idisciple), wag nating sabihing, “Sige, itry ko, pag may time.” Sabi ni Paul kay Titus, “Sikapin mong makapunta agad sa akin.” Do your best. Make time. Sabi pa niya, “Gawin mo ang magagawa mo para matulungan…tiyakin mo na hindi kukulangin.” Again, do your best. Wag try lang. Gawin mo.
Kung nakaugat tayo ng malalim sa Mabuting Balita, nagbubunga ito ng masigasig na paggawa ng mabuti. Hindi parelax-relax lang. Kundi zealous and devoted. Verse 14, “And let our people learn to devote themselves to good works, so as to help cases of urgent need, and not be unfruitful.” Maaaring di pa tayo ganun ka-devoted o ka-zealous sa good works, but we are learning. Yung ang ibig sabihin ng disicples, we are learners. Tinuturuan tayo ng Panginoon na maging katulad niya. Sensitive sa pangangailangan ng iba, lalo na kung urgent. The gospel takes away our self-centeredness, para tayo maging other-centered, maging God-centered. At ito ang nais ng Panginoon sa atin, para di tayo maging “unfruitful” but that we will bear much fruit. Habang lumalalim tayo sa pagkakaugat sa Mabuting Balita, mas dumarami ang bunga ng mabuting gawa sa buhay natin.
Kaya naman, pagsanayan nating bumisita sa mga kapatid natin, lalo na sa mga di aktibo o nanlalamig sa pananampalataya, pati mga leaders natin na kailangan din naman ng encouragement. Let us make time for one another. Pagsikapang tugunan din ang mga material at physical needs. Be sensitive. Be ready. Kahit sa mga missionaries natin, communicate with them, sabihin n’yong you’re praying for them. Send encouragement and financial support din.
Napakasaya na tayong mga magkakapatid sa Panginoon ay nagdadamayan at nakikita ang bunga ng Mabuting Balita sa buhay natin. Napakasaya na lagi din tayong magkakasama, nagbabatian, nagkukumustahan, nagpapanalanginan, nagkukuwentuhan, just enjoying our relationship with each other, enjoying talking about the gospel of Jesus. Ito rin ang nadarama ni Pablo sa pagtatapos ng kanyang sulat kay Titus, verse 15, “All who are with me send greetings to you. Greet those who love us in the faith. Grace be with you all.”
Hindi lang simpleng pagbati. Kundi nagpapakita kung anong klaseng relasyon ang nagbubuklod sa atin. We are united by the grace of God in Jesus. Hindi lang pagbati, kundi panalangin, a prayer of blessing. Grace be with you all. Customary kay Paul sa lahat ng sulat niya ito ang closing. Pero nagpapakita rin ng confidence niya na di man sila magkasama, di man nila marinig ang mga paalala niya, sapat ang biyaya ng Diyos na kasama nila sa araw-araw, to strengthen them, to sustain them, and to sanctify them, hanggang sa pagdating ni Cristo. That’s why we now practice greeting each other after worship service ng “Grace be with you,” hindi lang para magkamayan tayo at magngitian, kundi magpaalala sa atin ng biyaya ng Diyos na nagbubuklod sa atin, ng biyaya ng Diyos na kailangan natin sa araw-araw, ng biyaya ng Diyos na paraan din para tayo’y magdamayan sa mga hinaharap natin araw-araw.
For the past six weeks, I pray na nakita ninyo kung gaano ka-“so good” ang Mabuting Balita ni Cristo at kung paanong ang buhay natin ay dapat maging salamin o reflection ng “so-good” goodness ng gospel. Yun bang parang nasa commercial ka ng KFC, ninanamnam ang fried chicken nila at sinasabing, “Hmmm, finger-licking good.” O sa Max’s, “Hmmm, sarap to the bones.” Nawa ang buhay natin ay maging isang “commercial” o “advertisement” (not scripted, but real life demonstration) ng pagiging “so good” ng Mabuting Balita na ating pinaniniwalaan at ipinapangaral.
As you go, isipin mo ang isang kapatid mo na may pangangailangan na gagawan mo ng mabuti this week. Isipin mo rin ang isang non-Christian na gagawan mo ng mabuti this week, to demonstrate the goodness of the gospel. Para saan pa’t anim na linggo natin itong pinag-uusapan kung hindi naman ito magiging realidad sa buhay natin?
Grace be with you all!
Image credit: www.occasionalplanet.org