Sa loob ng tatlong buwan, bihira n’yo pong makita ang family namin dahil mas madalas nagworship kami sa Sovereign Grace Baptist Church (Sabang) at minsan sa Baliuag Alliance Church (Tarcan), at last Sunday kasama mga kapatid ko sa Living Word sa Singapore. Kasama po iyan sa purpose ng sabbatical leave ko, na may ituro sa akin ang Panginoon kapag wala ako dito, at may maituro naman sa inyo ang Panginoon habang wala ako.
Gusto kong magpasalamat sa mga leaders – especially Ptr. Marlon and Ptr. Robin, sa pagsalo ng iba’t ibang responsibilities ko for the last three months. At sa mga elders, mga GraceComm leaders, ministry team leaders, na nagstep-up at nagpatuloy sa paglilingkod. At sa inyong lahat na kumukumusta sa amin, nananalangin, bumibisita, nag-eencourage, maraming salamat sa Panginoon.
Ano ba ang sabbatical? Marami pa ring nagtatanong, sa mga non-Christians di nila alam, marami ring Christians hindi alam, marami ring pastors hindi ito napapractice. Ibig sabihin mas mahabang pahinga sa karaniwang trabaho para makapag-isip-isip, para mapahinga ang katawan, para mas develop din ang mahahalagang relasyon – lalo na sa Diyos at sa pamilya. Karaniwan sa mga pastor/missionary na nasa full-time vocational ministry every five or six years, mula ilang buwan hanggang isang taon. Pitong taon na po akong pastor ninyo. Nagpahinga lang ng tatlong buwan. Para sa akin, sa relasyon ko sa Panginoon, sa pamilya, at para din sa ikabubuti ng church. Pinaliwanag ko po yan sa sermon ko last December.
Naniniwala ako na ang pahinga – para sa ating lahat – ay mahalaga para iexpress ang pagmamahal natin sa Panginoon (January series), para mas madevelop din ang love natin para sa isa’t isa (February) at sa ibang tao (March). How can we love God with all our strength kung pinapabayaan natin ang katawan natin? How can we love God with all our minds kung puro entertainment ang pinapasok mo sa utak mo at hindi pinapakain ng Salita ng Diyos? How can we love God with all our hearts kung ang puso natin ay hindi natin ipinagkakatiwala sa Panginoon?
Mahalaga ang pahinga o Sabbath, kaya nga kasama iyan sa Sampung Utos. “Remember the Sabbath day, to keep it holy. Six days you shall labor, and do all your work, but the seventh day is a Sabbath to the Lord your God. On it you shall not do any work…” (Exodus 20:8-10 ESV). This law is an expression of God’s love for us. Nilikha tayo ng Diyos para sa kanyang layunin. Kaya may trabaho tayong dapat gawin. Pero dapat ding magpahinga. Hindi pwedeng puro trabaho. Ang pagiging workaholic ay idolatry. You make an idol out of your work. Hindi rin naman pwedeng puro pahinga, at wala ka nang inatupag kundi TV o FB, at wala ka nang ginawang kapaki-pakinabang sa sarili mo o sa ibang tao. Katamaran ang tawag dun.
Napakabuti ng Panginoon. Dahil kay Cristo, dahil sa natapos na niyang ginawa sa krus para sa atin, ang buhay natin, ang kasiyahan natin, ang kabuluhan natin ay hindi nakasalalay sa trabaho natin, kundi sa relasyon natin sa kanya. Pwede tayong magpahinga. At dapat tayong magpahinga. At least isang araw sa loob ng isang linggo. Ilang linggo sa loob ng kalahati o isang taon. At, sa case ko, tatlong buwan (o mas mahaba pa) sa loob ng anim na taon.
Sa panahong iyon, maraming itinuro ang Panginoon sa akin. Hindi naman mga bagong aral. Kundi ipinaalala, ipinagdiinan sa akin ng Panginoon. Kasi sanay akong nangangaral at nagtuturo, kaya kailangang makinig mabuti at ako naman ang pangaralan at turuan. At dalangin kong matutunan n’yo rin.
#1 INTIMACY
Intimacy in my relationship with God and my family is more important than success in my work or ministry. Higit na mahalaga ang malapit at mainit na relasyon sa Diyos at sa ibang tao kaysa sa tagumpay sa trabaho o ministeryo. Alam naman natin iyan. Pero ang problema meron tayong mga maling paniniwala na nangingibabaw sa puso natin. Halimbawa, kapag nakita natin ang isang tao na maraming accomplishments (or awards sa school) o mas successful o nagprosper ang business, sinasabi nating, “Natutuwa ang Diyos sa kanila. Tingnan mo, laging pinagpapala.”
Pero alam ba natin kung anong klaseng relasyon meron sila sa Diyos? Parang isang FB friend ko na nagcomment sa picture naming magkakapatid sa Singapore. Sabi niya, “Mapalad ang parents n’yo.” Sa isip ko, “Dahil ba nakapunta kami sa Singapore, natutuwa na ang parents namin?” Alam ba niya kung maganda ang relasyon namin sa magulang namin? Success doesn’t mean na OK ang relasyon natin sa Diyos o sa ibang tao.
Sa ministry ganun din. Akala natin mas spiritual kapag mas maraming ministry activities na involved o mas mature kasi mataas ang position sa church leadership. Malay mo, kung yang nakikita mong aktibong-aktibo sa ministeryo o mahusay sa pagtuturo ng Bibliya, puro TV at FB ang inaatupag araw-araw o kaya’y addict sa porn. O kung may kapatid kang mahusay sa pagpapayo sa mag-asawa o problemang pampamilya, inaassume natin na mature sa family relationship niya. Malay mo ba kung ano ang relasyon niya sa asawa niya.
Ano ang itinuturo ng Bibliya? Ang husay o galing o kaabalahan sa pagtatrabaho o paglilingkod ay hindi batayan ng tunay na espirituwalidad o malapit na ugnayan sa Diyos. Naalala n’yo ang kuwento ng magkapatid na si Maria at Marta sa Luke 10:38-42. Dinalaw sila ni Jesus sa kanilang bahay, kasama mga disciples niya. Maghahapunan sila. Si Marta abalang-abala sa paggagayak ng ipapakain sa kanila. Samantalang si Maria, nakaupo sa paanan ni Jesus, sabik na sabik na makinig sa turo niya. Si Marta, napansin ang kapatid niya. Sinabi niya kay Jesus, “Guro, wala ba kayong pakialam na pagud na pagod ako dito sa kusina, samantalang yang kapatid kong magaling, uupo-upo lang. Sabihan n’yo ngang tulungan ako dito.” Sumagot si Jesus, verses 41-42, “Marta, Marta, hindi ka mapalagay at abalang-abala ka sa maraming bagay. Ngunit isang bagay lang ang kailangan, at ito ang pinili ni Maria. Mas mabuti ito at walang makakakuha nito sa kanya” (ASD).
Mas mahalaga ang malapit na relasyon sa Panginoon kaysa ang pagtatrabaho para sa kanya. Yan ang dahilan bakit ako nagsabbatical. Para maalala ko iyan, para matutunan ko iyan, para maging damdamin ko tulad ni David: “Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ang kanyang kadakilaan, at hilingin sa kanya ang kanyang patnubay” (Salmo 27:4 ASD).
Dahil sa sabbatical ko, naeenjoy ko ngayon ang biking. Isang araw, nagbike ako sa may bukirin sa bandang Pulilan na. Nang napagod na ko, naupo ako sa may lilim ng puno. Binasa ko ang ilan sa Psalms, tiningnan ang magandang nilikha niya, narinig ang salita niya, kinausap ko siya, kinantahan ko siya…at naramdaman ang tamis ng pag-ibig niya. Sa Tagaytay din, nagjoin ako ng 3-day retreat. Sabi ng facilitator, magspend kami ng ilang oras na makipagusap lang sa Diyos. Nahiga ako sa isang bench, nakita ko ang ganda ng ulap na dahan-dahang umuusad, namangha ako sa kadakilaan ng Diyos, at narinig na sinasabi niya sa akin, “Ganito kita kamahal, anak.”
Ang pagmamahal na ito ng Diyos ay siya namang mag-uumapaw sa puso ko para mahalin ko ang tatlong taong pinakamahalaga sa buhay ko – ang asawa ko at mga anak ko. Walang anumang success sa ministry ang maipapalit kung mapapabayaan ko naman ang relasyon ko sa pamilya ko. Pinag-aralan na natin dati ang Colossians 3:18-21 tungkol sa relasyon ng mag-asawa at magulang sa anak. Hindi lang ako pastor, ako rin ay asawa at tatay. Sakto namang iyon din ang naging series sa Sovereign Grace. At dahil nakasabbatical ako, mas marami akong oras sa asawa ko at sa mga anak. I enjoyed my date times with my wife, praying with her, and being more intimate with her emotionally and physically. Ganun din sa mga bata, mas naenjoy kong makipaglaro sa kanila, magpray kasama sila, at makita silang magkalaro at nag-eenjoy.
Mas mahalaga ang relasyon kaysa sa trabaho. Natutunan mo na ba iyon? Hindi ba’t parepareho naman tayong ang hirap turuan pagdating sa bagay na iyan? Kumusta ang relasyon mo sa Diyos, kapatid? Mabuti at nandito ka ngayon at hindi muna nagtrabaho. Pero naeenjoy mo ba ang relasyon mo sa Diyos? Nasasabik ka bang makinig sa kanya, magbasa ng Salita niya araw-araw? O wala ka nang oras at nilamon nang lahat ng trabaho mo? Kumusta ang prayer life mo? O wala ka nang lakas at panahon kasi inubos mo nang lahat sa trabaho? At kung magpahinga ka man TV at Internet ka lang? Kung hindi intimate ang relasyon mo sa Diyos, malamang sa pamilya mo malamig din. Dahil sa trabaho, dahil sa pera, nag-aaway kayo. Wala na kayong panahon sa isa’t isa. Nag-uusap pa ba kayong mag-asawa? Regular ba ang sex life n’yo? O wala na kayong lakas na itinitira para sa asawa n’yo? Naubos na sa opisina o naubos na sa gawaing bahay. Ano bang mas mahalaga sa iyo?
#2 IDENTITY
My identity is anchored in my relationship with Jesus, not in my performance at work or ministry. Ang halaga ng pagkatao ko ay nakakabit sa relasyon ko kay Jesus, hindi sa husay ko sa pagtatrabaho o sa ministeryo. Madaling sabihing si Cristo ang lahat-lahat para sa atin, na ang pagiging Christian ang primary identity natin. But the way we evaluate ourselves or view other people shows that we don’t really believe that. Ang value o significance na inilalagay natin sa sarili natin o sa ibang tao ay karaniwang nakadepende sa trabaho (engineer vs karpintero), sa dami ng pera (six-figure salary vs minimum wage earner), sa social status (pamilyadong tao vs matandang dalaga), sa ministry accomplishments (megachurch pastor vs smallchurch pastor). Maliit ang tingin ko sa sarili ko kapag mga “big-time” ang kasama ko. Kapag naman mga “small-time” I feel proud of myself.
Bakit ganoon? Kasi, sa puso ko, di ko pa lubos na pinaniniwalaan ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa relasyon ko kay Cristo na siyang pinakamahalaga sa lahat. “So you also are complete through your union with Christ, who is the head over every ruler and authority” (Col 2:9 NLT). “In this new life, it doesn’t matter if you are a Jew or a Gentile, circumcised or uncircumcised, barbaric, uncivilized, slave, or free. Christ is all that matters, and he lives in all of us” (Col 3:11 NLT). Hindi posisyon natin sa trabaho ang mahalaga, kundi posisyon kay Cristo; hindi dami ng pera, kundi yaman na nakay Cristo; hindi pagtingin ng ibang tao, kundi pagtingin ni Cristo.
Ang plan ko talaga, sa last week ng sabbatical ko ay pumunta sa US para umattend ng Together for the Gospel Conference. Sasamahan daw ako ng brother ko. Nag-apply ako ng visa. Pumunta ako sa embassy sa time of appointment na binigay sa kin. Nainterview ng consul. Tinanong kung ano ang trabaho ko, magkano ang sweldo ko, at sino ang mag-finance ng trip ko. Sinagot ko naman lahat. Pagkatapos, sabi niya, I’m not qualified to get a US visa. Nakakalungkot. Bihirang-bihira kong maramdaman ang ganoong klaseng rejection. Nakita ng brother ko kung gaano ako kalungkot. Sabi niya, “Tara, ipasyal kita sa Singapore.”
Last weekend, nasa Singapore kami. Wala talaga akong budget dun. Siya na daw bahala. Minsan sa isang Levi’s store, may nakita siyang sale. Bumili siya. Ako naman, kahit sale pa iyon, mahal pa rin. Wala naman akong pambili kahit gustong kong bumili. Ang liit ng tingin ko sa sarili nung time na iyon. Lumabas ako ng store. I don’t like what I’m feeling. Nagpray ako. Pinaalala sa akin ng Panginoon na ang identity ko, significance ko, satisfaction ko ay hindi nakasalalay sa purchasing power ko o sa suot ko, kundi kay Cristo na nasa akin. Praise the Lord.
Dahil hindi ako “pastor” for the last three months, wala talaga akong any pastoral ministry commitments. Pinaalala sa akin ng Panginoon na pagdating sa church, ang primary identity ko ay hindi pastor, but a child of God, a worshiper of Jesus. Noong first week ko, medyo nagkaroon ako ng separation anxiety, di kasi ako sanay na hindi naglilead ng worship. Kaya andun ang temptation na kumustahin kung OK na ba lahat. Tapos nung may namatay tayong member, tumawag sa kin ang anak niya nung 50-50 ang nanay niya. Di niya alam na nakasabbatical ako. Gusto ko yung feeling na “kailangan” ako. Ipinaubaya ko kay Ptr. Marlon at siya ang nagprovide sa family nila ng pastoral care hanggang sa mailibing.
Itinuro sa akin ng Panginoon na hindi ko kuhanin ang identity ko sa trabaho ko o sa achievements ko. Kaya kung ikaw ay isang nanay, nasa bahay, nag-aalaga ng mga bata, huwag mong maliitin ang sarili mo. Kung maliit man ang kita mo, o kung di mo nakuha ang maraming awards sa school, o pumalpak ka sa trabaho o sa ministry, wag kang panghinaan ng loob, dahil si Cristo ang pinakamahalagang relasyon na meron ka, at kahit kailan hinding-hindi magbabago ang pagtingin at pagpapahalaga sa iyo ng Diyos dahil kay Cristo.
#3 HUMILITY
Because it is all by the grace of God, success in work or ministry must not produce pride but humility in my heart. Dahil lahat sa buhay ko ay dahil lamang sa biyaya ng Dios, anumang tagumpay sa trabaho o ministeryo ay di dapat magdulot ng pagmamataas kundi pagpapakumbaba sa puso ko. We often feel proud of our accomplishments. Kapag may maganda tayong nagawa, sa halip na ibalik ang papuri sa Diyos o draw attention to God, we try to draw attention to ourselves and take credit. Napakalaking temptation sa atin ng self-glory. Sa social media, usung-uso ang tinatawag na “humblebrag” – iyon bang pagyayabang na di halata, yung kunwari nagpapakahumble pa. May bagong cellphone, bagong sapatos, bagong kung anu-ano ididisplay pa. Yung achievements natin o ng mga anak natin, ipinagmamalaki natin. Hindi ko sinasabing masama ang magpost sa FB, pero tingnan natin kung ano ang sinasabi nito sa puso natin.
Kahit sa success ng mga anak. Last year, wala man lang math award ang anak ko. Sa isip-isip ko, “Pambihira, hindi pwedeng walang math award. Ako ang tatay niyan.” Tapos, this year naman nakakuha ng math award. Sa isip ko, “Mana yan sa akin.” Very subtle ang pride sa heart ko. Kahit sa ministry ganun din. Andun yung temptation na isipin kong ang mga magagandang nangyayari sa ministry ay, “Dahil sa kin yan.” Yucks! I don’t like it. Salungat kasi sa sabi ng salita ng Diyos. “Put on then, as God’s chosen ones, holy and beloved, compassionate hearts, kindness, humility, meekness, and patience” (Col 3:12 ESV). Nagmamalaki ako kung ipinapalagay kong anumang mabuting bagay na ginawa ko o meron ako o nangyari sa iba ay dahil sa akin. Nagpapakumbaba ako kung inaamin kong ang lahat ng mabuting bagay na ito ay galing sa Diyos at dahil lamang sa biyaya ng Diyos.
Meron na po kaming sariling bahay. Oo nga’t nandun ang pagsisikap naming mag-asawa, pag-iipon, pagtitiyaga, wala kaming maipagmamalaki. Nung nagresign ako sa San Miguel Corp. more than 8 years ago, may nakuha akong retirement package. Nag-offer kasi sila company wide. Isipin n’yo yun, less than five years ako sa company, tapos may retirement package. Biyaya ng Panginoon. Tapos four years ago, magpapatayo na dapat kami ng bahay, nawala sa investment ang pera namin. Pero last year, naibalik sa amin 100%. Biyaya ng Panginoon. Ang tinayuan ng bahay namin, lupa ng in-laws ko. Sa pagpapagawa namin ng bahay, may mga tumulong para makatipid kami sa design, materials and labor. Lahat biyaya ng Panginoon.
Tempting din sa akin ang glory ng public ministry. Ang sarap kasi ng pakiramdam na nakatingin sa akin ang maraming tao, nakikinig, tapos babatiin pa ko pagkatapos. So, yung sabbatical ko ay paraan ng Diyos para madevelop sa heart ko ang humility. Nakita ko na andun din ang “glory in the ordinary” – pagwawalis ng bakuran, pagsisiga, pamimitas ng mangga, pakikipagkuwentuhan sa mga bata, paghuhugas ng pinggan, pagtatapon ng basura, pagkukumpuni sa bahay.
For the last three Sundays, dito na kami ulit umaattend. Tapos nakikita ko na maraming dumadalo (mas marami yata pag hindi ako preacher!), tapos marinig ang mga preachers natin na nandun ang faithfulness sa Word, boldness sa kanilang preaching, at Christ-centeredness. Wow! Sabi sa kin ni Lord, “Wag mong isipin na hindi ka puwedeng mawala sa church. Wag mong isiping ikaw lang ang magaling.” It’s humbling. And it’s good for me and our church.
Anumang accomplishments o influence mo sa trabaho o ministeryo, anuman ang mga bagay na meron ka ngayon, di mo dapat ipagmalaki na para bang lahat ay dahil sa iyo. “Bakit sinasabi ninyong nakakahigit kayo sa iba? Ano ba ang mayroon kayo na hindi nagmula sa Dios? Kung ang lahat ng nasa inyoʼy nagmula sa Dios, bakit nagmamalaki kayo na parang galing mismo sa inyo ang mga ito” (1 Cor 4:7 ASD)?
#4 MINISTRY
True Christian ministry is not about using other people for my own interest, but an overflow of the love of God in my heart. Ang tunay na ministeryo ay hindi tungkol sa paggamit sa ibang tao para sa sarili kong interes, kundi dahil sa nag-uumapaw na pag-ibig ng Dios sa puso ko. Natural na noong bago akong pastor, nandun ang init at excitement. I’m really burning with passion to serve God, preach his Word and lead his church. Pero kapag tumatagal, parang nasasanay na ko sa palagi kong ginagawa, nagiging routine, nagiging ritual, at andun yung temptation na mali na ang motivation sa ministry. Hindi na para sa karangalan ng Diyos, para sa akin na. Hindi na para sa ikabubuti ng church, kundi para I will look good in front of other people. Nagsabbatical ako para bantayan at icheck ang puso ko sa paglilingkod.
Kung nababawasan man ang “love tank” ng heart ko, kailangang mapunan. Kasi balewala ang gagawin kong paglilingkod kung hindi naman dahil sa pagmamahal sa Dios at sa inyo. “And above all these put on love, which binds everything together in perfect harmony” (Col 3:14 ESV). “And whatever you do, in word or deed, do everything in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God the Father through him” (Col 3:17).
Mahalaga sa akin na naramdaman ko nung panahong iyon na hindi naman ninyo ako kailangan, pero hinahanap n’yo ako kasi gusto n’yo na naglilingkod ako sa inyo at nais n’yong makita ako. I feel loved by this church. May mga panahon nga na talagang hinahanap ko iyon bang may dumadalaw sa amin. Lalo na nung maraming araw, walang dumadalaw. Tapos may panahon naman na sunud-sunod. Masayang-masaya ang puso ko sa pagdalaw n’yo at pangungumusta. Kaya nga last two weeks sabik na sabik na akong makasama kayo. God increased my love for you.
Ikaw naman, bakit ka naglilingkod? Are you motivated by love for God and for this church? O nandun ang kabigatan sa iyo kasi ginagawa mo lang ang duty mo, o kasi kailangang gawin para matanggap ang pabor ng Dios (legalism yun) o maramdaman mong espirituwal ka? Kayo na mga nangunguna at tumatayo sa harap, anong nangingibabaw na desire sa heart n’yo? Yung mabigyang karangalan ang Dios o yung makita ka ng maraming tao at mapalakpakan?
Salamat sa Panginoon na dahil sa sabbatical ko, mas natutunan ko ang kahalagahan ng “intimacy,” ipinaalala sa akin ng Dios ang “identity” ko kay Cristo, tinuruan niya ako ng totoong “humility,” at ipinaalala sa akin ang essence ng “ministry.” Hindi mo naman matututunan ang mga aral na ito kung makikinig ka lang ngayon. Kailangan mo ring magpahinga. Ilagay mo yan sa kalendaryo mo. Wag mong sabihing pag natapos mo na ang mga kelangan mong gawin. Hindi mauubos yan!
Kailangan mong huminto at magpahinga para mas makinig mabuti sa Diyos. Kailangan mong kausapin siya. Kailangan mong ibukas ang puso mo para sa kanya. Kailangan mong maging honest sa mga struggles mo at humingi ng tawad sa kanya. Kailangan mong laging alalahanin ang natapos nang ginawa ni Cristo para sa iyo. Kailangan mong huminto muna sa pagtatrabaho o sa ministeryo, kasi mas mahalaga sa Diyos ang puso mo kaysa sa trabaho o ministeryo mo.