Kahit saan ka pumunta may conflicts. Conflicts – whether big-time or small-time – are everywhere. Nakatira tayo sa mundo na puno ng mga taong makasalanan at makasarili, kaya merong mga di-pagkakasundo, alitan at awayan. Ang Pilipinas at China may territorial dispute. May mga armed conflicts sa pagitan ng mga bansang Muslim Arabs at ng Israel. Maging sa loob ng bansa natin, may giyera sa pagitan ng mga Muslim rebels at ng gobyerno. Kaya nga may mga peace negotiations. May awayan sa pagitan ng mga tao. Mga magkapitbahay nagbabangayan. Mga magkatrabaho nagsisiraan. May nauuwi sa demandahan at patayan. Hindi na bago ang mga ganitong balita. Simula sa inggit, galit at pagpatay ni Cain sa kanyang kapatid na si Abel, we have conflicts kahit saan, kahit kailan.
Kahit saan, kahit sa loob ng church. Oo nga’t binago na tayo ng Dios dahil kay Cristo at sa Espiritu na nasa atin. Pero hindi pa tapos iyon. Nasa proseso tayong lahat. May nagkakasala pa rin. May nakasasakit pa rin sa atin. Dahil sa conflict, merong lumipat na ng ibang church. Meron namang sinisiraan ang ibang kapatid kay Cristo sa iba. Dahil sa pera, may nag-aaway-away din. Kahit mga leaders may mga pag-aaway din. Marami sa inyo ang nakakaalam ng matinding conflicts na nangyari seven or eight years ago, bago ako maging pastor ng church. Nagkapersonalan. Nagkagulo sa church. Maraming nasangkot. Maraming umiyak. Maraming nasaktan. May mga ilang umalis na sa church dahil dito.
Purihin ang Panginoon dahil, relatively speaking, di na natin ulit naexperience ang ganoong katinding conflict. Pero meron pa ring mga disagreements, tampuhan, awayan. Di mawawala iyan. It’s messy being part of the church as family. Kasi hindi naman ito institusyon lang. We relate to each other, makikilala natin ang bawat isa, matutuklasan natin ang mga ayaw natin sa isa’t isa.
Maging sa loob ng bahay ganoon din. Away mag-asawa. May tuluyan nang naghiwalay. Meron namang nagtitiisan lang, akala mo OK ang relasyon nila pag nakikita mo sa church, pero pagdating sa bahay nila, wala masyadong kibuan, o kaya puro pagtatalo. Ganoon din sa pagitan ng mga magulang at mga anak. At sa pagitan ng magkakapatid. May galit. May tampuhan. May inggitan. May mga hinanakit na di mawala-wala kahit sa paglipas ng matagal na panahon.
Everywhere you go, everywhere you are, there is conflict. Kaya tama lang, nais ng Diyos, at para sa ikabubuti nating lahat, na pag-usapan sa susunod na dalawang buwan o higit pa ang sermon series na “The Peacemaker: Bringing the Gospel in Personal Conflict.” Malaking tulong ang book ni Ken Sande na The Peacemaker: A Biblical Guide to Resolving Personal Conflict sa sermon series na ‘to. Ang definition niya ng conflict ay ito: “a difference in opinion or purpose that frustrates someone’s goals or desires.” Pagkakaiba ng pag-iisip o layunin na nakahahadlang sa mga mithiin at naisin ng iba. Lahat tayo sangkot diyan. You cannot deny it. You cannot escape it. You need to face it.
If we don’t deal with conflicts biblically…
Ang kaso hindi tayo sanay kung paano humarap sa mga conflicts sa paraang biblikal at naaayon sa kalooban ng Diyos. Natural sa atin, kalooban natin ang nasusunod. Sa halip na, “Your will be done,” ang reaksyon natin, “My will be done.” Ang iba sa atin, tatakasan (escape response) lang ang problema. Tatahimik na lang, hindi kikibo, kunwari walang problema kahit meron. Aray! Alam ng asawa ko iyan. Ang iba iiwanan ang asawa, para wala nang gulo, para tahimik na. Ang iba lilipat ng trabaho o lilipat ng church. Ang iba naman aatake (attack response) sa mga taong di nila makasundo. Maaaring pisikal. Maaari ding sa pamamagitan ng masasakit na salita. Ang iba magdedemanda. Ang iba papatay, hindi man aktwal, pero sa isip at puso magtatanim ng galit at sama ng loob.
Kung hindi tayo matututong magresolba ng mga conflicts, it will dishonor God. Di natin nabibigyang karangalan ang Diyos. Apektado ang pagsamba natin at paglilingkod sa kanya. Nasisira din ang pangalan ng Diyos sa labas ng church.
It will also divide our church and family. Nagkikita-kita tayo pero merong division. Ang iba casual lang ang relationship. Walang genuine love. Ganoon din sa loob ng bahay. Hindi maexperience ang love, joy, peace and harmony.
It will destroy our lives. Kung hindi natin babantayan ang puso natin, maaalipin at makokontrol tayo ng inggit, galit at mga makasariling hangarin na dala-dala pa rin natin. We will not enjoy our life. We will not experience the freedom God wants us to experience.
It will damage the cause of Christ. Masisira o mahahadlangan natin ang pagsulong ng misyong ibinigay sa atin ng Diyos dito sa mundo. Paano nga naman makikinig ang mga tao sa atin tungkol sa Magandang Balitang itinuturo natin kung masasamang balita ang naririnig nilang nangyayari sa mga relasyon natin sa loob ng church at loob ng tahanan. Malaki ang nakasalalay sa biblical peacemaking.
“God has called us to peace”
We are not called to be troublemakers. Kapag may conflict, we are not called by God to be escapers or attackers. “God has called us to peace” (1 Cor 7:15 NASB). Ito ang daang inilatag para sa atin ng Diyos, kung saan mararanasan natin ang blessedness o totoong kagalakan ng pagiging mga anak ng Diyos. Sabi ng Panginoong Jesus, “Blessed are the peacemakers, for the shall be called sons of God” (Mat 5:9 ESV).
Bago tayo maging peacemaker, dapat alam nating mabuti kung ano ba ang ibig sabihin ng peace. Shalom. Normal na batian ng mga Judio. Hindi lang ito kawalan ng conflicts. This is a sense of wholeness. Buong relasyon sa Diyos. Maayos na relasyon sa ibang tao. Sabi ni John MacArthur, “Some people define peace as the absence of conflict or strife. No conflict or strife exists in a cemetery, but we don’t look there for a model of God’s peace. As God sees it, peace is far more than the absence of something. It is the presence of righteousness that causes right relationships. Peace is not just stopping war; peace is creating righteousness that brings enemies together in love” (The Beatitudes: The Only Way to Happiness).
Hindi madali ang peacemaking. Hindi simple. Kumplikado. Messy. Magulo. May sakripisyo. Karaniwang mahabang proseso. Kaya kailangan meron tayong matibay na foundation. Hindi natin kaya sa sarili natin. Kung natural natin ang paiiralin natin, lalong magkakagulo. We need a God-centered, gospel-centered, foundation for peacemaking. Ang malapit na relasyon natin sa Diyos ang pundasyon ng biblical peacemaking. Tatawagin natin itong K.K.K. ng biblical peacemaking.
Purpose of Peacemaking – Para maipakita ang likas na KATANGIAN ng Diyos bilang “Diyos ng kapayapaan.”
Ilang beses na tinukoy ni Pablo ang Diyos na “God of peace” sa kanyang panalangin para sa mga Christians na sinulatan niya. Halimbawa sa Romans 15:33, “May the God of peace be with you all. Amen” (ESV). Ganoon din sa Romans 16:20; Philippians 4:9; 1 Thessalonians 5:23; Hebrews 13:20; 1 Corinthians 14:33; at 2 Corinthians 13:11. Sinisikap nating mamuhay nang payapa dahil ang Diyos natin – na siyang lumikha sa atin, na siyang tinatawag nating Ama – ay Diyos ng kapayapaan. Bagamat karaniwan sa Tagalog translations, ang salin ay “Diyos na pinagmumulan ng kapayapaan,” na posible naman, mas mainam na makita nating hindi lang siya ang source of peace kundi ang peace ay likas na katangian niya.
Ang Diyos natin ay Trinity – Ama, Anak, Espiritu. Sa relasyon ng Diyos sa bawat persona, merong perfect harmony, walang pagtatalo, kundi perpektong pagkakaisa. Kaya nang likhain ng Diyos ang tao, nilikha niya ayon sa kanyang larawan (Gen 1:26-27), sa kanyang wangis, para mamuhay na tulad niya, para maipakita ang katangiang ito ng Diyos sa maayos na relasyon natin sa ibang tao. Iyon ang “shalom” na siyang kalagayan ng mundo nang likhain ng Diyos ang tao na lalaki at babae. Pero di nagtagal, sumuway sina Adan at Eba sa Diyos. That’s the first conflict on earth. Na siya namang naging sanhi ng unang conflict ng mag-asawa. Sa halip na magkasama silang lumapit sa Diyos at humingi ng tawad, nagsisihan. Sabi ni Adan, “Ito kasing babaeng bigay mo sa akin.” Sabi ni Eba, “Ito kasing ahas na ‘to.” Dahil sa kasalanan, nagkaroon ng pag-aaway, sisihan at di pagkakasundo.
Kung titingin nga naman tayo sa tao, imposible ang peacemaking. Pero kung sa Diyos tayo titingin, we have a perfect model of a peacemaker. Tandaan natin na ang layunin natin sa buhay ay para maipakilala siya sa ibang tao, mabigyan siya ng karangalan. Hindi nareresolba ang mga conflicts kung ang buhay natin ay “it’s about me” at hindi “it’s about God.”
Kahit Christian na tayo, we still struggle with this. Pero salamat na lang at hindi tayo hinahayaan ng Diyos sa ganitong kalagayan. Unti-unti tayong binabago ng Diyos para maging tulad ng kanyang Anak na si Jesus (Rom 8:29; 2 Cor 3:18). Siya lang ang Tao na titingnan natin kung gusto nating matutunan kung ano ang ibig sabihin ng isang peacemaker. Siya ang “Prince of Peace” na katuparan ng prophecy ni Isaiah (9:6). Siya ang tinatawag ni Pablo na “Lord of peace” (2 Thess 3:16).
Nais ng Diyos na ang katangian natin ay maging tulad ng katangian o karakter niya. To be like him in his humility. Bagamat siya ay Diyos at walang kasalanan, siya ang nagpakababa para sa atin. Hindi niya sinabing, “Bakit ako bababa? Bakit ako ang mag-iinitiate? Kayo ang nagkasala.” “…in humility count others more significant than yourselves” (Phil 2:3 ESV). To be like him in his love. Kapag love, hindi na selfish interests ang nangingibabaw sa iyo. Kundi ang interes ng iba. Paano maibigay ang kailangan ng iba. Yan ang ginawa ni Jesus. Inisip ka niya kaya namatay siya sa krus para ibalik ka sa relasyon sa Diyos. “Let each of you look not only to his own interests, but also to the interests of others” (Phil 2:4). Love is costly. He wants us to be like him in his sacrifice for sinners. Hindi niya sinabing, “Hanggang dito lang ang gagawin ko ha, tapos bahala na kayo.” Rather, “he humbled himself by becoming obedient to the point of death, even death on a cross” (Phil 2:8).
In peacemaking, tinatawag tayo ng Diyos na magkaroon ng katangiang “katulad ng kay Cristo Jesus” (Phil 2:5). In peacemaking, we reflect the character of God our Creator and Savior. Meron akong isang nanay na nakausap. Sinasabi daw niya sa anak niya, “Wag kang magyoyosi.” Sagot ng anak niya, “Bakit ikaw, nanay, nagyoyosi?” Sabi pa niya, “Wag kang magmumura.” Sagot ng anak niya, “Bakit ikaw, nanay, nagmumura?” Ibang-iba ang Tatay natin sa langit at ang Panganay nating kapatid na si Jesus at atin ding Panginoon. Sabi niya, “Be a peacemaker.” Sagot naman natin na mga anak niya, “Yes, Lord. I want to be like you. I want to show to others what my God is like.”
In Jesus, we have a perfect Model of a peacemaker. Pero alam natin hindi sapat sa atin model lang siya at ang ginawa niya sa krus. We have a heart problem. Kailangan natin ng matibay na motivation. Ito ang pangalawang “K”.
Motivation of Peacemaking – Dahil ang pakikipagkasundo ay personal na KARANASAN natin kay Cristo na siyang pangunahing Peacemaker.
The gospel of Jesus is our motivation in peacemaking. Tinawag ito ni Pablo na “the gospel of peace” (Eph 6:15 ESV). Dahil ang Diyos ay Diyos ng kapayapaan, siya na mismo ang gumawa ng paraan para maibalik tayo sa maayos na relasyon sa kanya. Sa Genesis 3:15 pa lang, pinauna na niyang sinabi kung ano ang gagawin niya para maayos ang kaguluhang ito. Sabi niya sa ahas na si Satanas, “Ikaw at ang babae ay mag-aaway (conflict!). Ang lahi mo at ang lahi niya ay mag-aaway din (conflict!). Dudurugin niya ang ulo mo at tutuklawin mo ang sakong niya (conflict!).” Tinatawag itong protoeuangellion o first announcement of the gospel. Ang tinutukoy nito ay ang sagupaang kinaharap at pinagtagumpayan ni Jesus laban kay Satanas nang siya’y ipako sa krus.
The greatest conflict in human history – the murder of the sinless Son of God – brought about the end of our conflict with God. “Mayroon na tayong mapayapang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (Rom 5:1 MBB). “Niloob ng Diyos na…[tayo’y] makipagkasundo sa kanya; pakikipagkasundo sa pamamagitan ng pag-aalay ng Anak ng kanyang dugo sa krus” (Col 1:20 MBB). “Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya tayong mga kaibigan at hindi na kaaway…sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao’y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at nilimot na niya ang kanilang mga kasalanan” (2 Cor 5:18, 19 MBB).
May ikinuwento si MacArthur na kuwento ng mag-asawang nagtatalo sa korte tungkol sa kanilang divorce. Ang anak nilang apat na taong gulang ay umiiyak habang pinapanood ang pag-aaway ng mga magulang niya. Habang umiiyak siya, hinawakan niya ang kamay ng tatay niya, hinawakan din niya ang kamay ng nanay niya, hinatak niya ang mga kamay nila hanggang magkahawak na ang kamay ng kanyang tatay at nanay. He became a peacemaker (The Beatitudes: The Only Way to Happiness).
Jesus is our peacemaker. At ang naranasan nating naaayos na relasyon sa Diyos ang magtutulak sa atin na maging peacemakers. “Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil ang mga Judio at ang mga Hentil (na di nagkakasundo) ay kanyang pinag-isa” (Eph 2:14; tignan din ang vv. 15-17). Hindi lang tayo recipients of God’s peace, tayo rin ay instrumento para maayos ang sirang relasyon ng ibang tao sa Diyos at sa kapwa tao. He “[entrusted] to us the message of reconciliation. Therefore, we are ambassadors for Christ…” (2 Cor 5:19-20 ESV).
Peace with others is a result of our having experienced peace with God. We cannot pursue peace without the cross. Sabi ni James Boice, “Only those who have first tasted peace with God at the cross of Christ can become peacemakers. But simply because they have known God’s peace they must be peacemakers” (The Sermon on the Mount : An Expositional Commentary, p. 47). Tandaan mo na ang first and greatest conflict na dapat maresolve sa buhay mo ay ang conflict mo sa Diyos. Kung hindi ka pa nakikipagkasundo sa Diyos, humingi ka ng tawad sa kanya, magtiwala ka na sapat ang ginawa ni Jesus para sa iyo. You will experience real peace with God. Patatawarin ka. Tatanggapin ka. Mamahalin ka.
Para sa marami sa atin, naranasan na natin ‘to. Nasa atin na ang motivation para makipagkasundo sa mga taong di natin kasundo at maging instrumento ng Diyos para makatulong sa iba. “Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo” (Eph 4:31-32 MBB).
Remember the gospel. Nahihirapan kang makipagkasundo sa mga nakaaway mo dahil nakakalimutan mo ang gospel. Meron akong kaibigan noong college. Kapag may tampo ako sa kanya, kunwari hindi ko siya patatawarin. Pabiro niyang sasabihin, “Kung ang Diyos nga nagpapatawad, ikaw pa.” Pwede naman nating idahilan, “Hindi naman ako Diyos a.” Oo nga, pero anak ka ng Diyos. Tagasunod ka ni Jesus. Ikaw mismo pinatawad. Dati kang namamalimos at nagmamakaawa. Pero ngayon, inampon ka na at itinuring na anak ng mayamang Hari. Kapag may nakita kang namamalimos, kinalabit ka, mabaho siya, marumi ang kamay, anong gagawin mo? Remember the gospel.
Pero siyempre, meron mag-oobject. “Pastor, hindi madali iyang pinagagawa mo. Kung alam mo lang kung ano ang kasalanang nagawa sa akin ng asawa/kamag-anak/ka-church ko. Imposibleng magkaayos pa kami.” Una, hindi ako ang maysabi nito. Ikalawa, imposible nga kung sa sariling lakas mo ikaw huhugot. We need a power greater than ourselves. The good news is, that power is already inside of us. Ito ang ikatlong “K”.
Power of Peacemaking – Sa pamamagitan ng KAPANGYARIHANG galing sa Espiritung ang bunga ay “kapayapaan.”
“But the fruit of the Spirit is love, joy, peace…” (Gal 5:22). Ang tunay na kapayapaan ay bunga ng gawa ng Espiritu sa puso natin, hindi dahil sa sariling lakas at pagsisikap natin. Alam ni Pablo na nakasalalay ito sa pagkilos ng Diyos at dapat na ibabad sa panalangin. Kailangang-kailangan natin ito, kaya nga karaniwang bati at panalangin ni Pablo at ni Pedro sa mga sinusulatan nila ay “May grace and peace be multiplied to you” (1 Pet 1:2 ESV; 2 Pet 1:2; also Tit 1:4; Rom 1:7; 1 Cor 1:3; 2 Cor 1:2; Gal 1:3; Eph 1:2; Phil 1:2; Col 1:2; 1 Thess 1:1; 2 Thess 1:2; 1 Tim 1:2; 2 Tim 1:2; Phm 3).
Ang Espiritu ang tutulong sa atin. Hindi natin puwedeng sabihing, “Hindi ko kayang kausapin ang nakagalit ko.” Ang Espiritu ang kikilos sa puso ng taong di natin nakasundo. Hindi natin puwedeng sabihing, “Hindi makikinig iyon. Hindi na magbabago iyon. Matigas ang puso ng taong iyon.”
Hindi lang ako basta tinutulungan ng Diyos para mahandle ang conflict, ginagamit din ng Diyos ang mga conflicts para baguhin ako at maging tulad ni Cristo. The Spirit transforms us through the fires of conflict. “As you worry less about going through conflict and focus more on growing through conflict, you will enhance that process and experience the incomparable blessing of being conformed to the likeness of Christ” (Ken Sande).
Dahil ang kapangyarihang kailangan natin ay sa Espiritu nanggagaling, rely on the Spirit. If you need to do something, and it’s very important. Pero hindi mo kaya. Tulad ng pagbubuhat ng isang kabang bigas. Anong gagawin mo? You ask for help. The good news is, help is available for us through the Spirit in us. Yes, we rely on the Spirit. But we must also take responsibility to do our part.
Our Responsibility: Ang Peacemaker ay lumalaban para sa kapayapaan.
Hindi tayo dapat tumulad sa mga false prophets sa panahon ni Jeremiah na parang tinatapalan lang ang mga sugat ng kanyang mga kababayan at di talaga nagkakaroon ng totoong healing. Sinasabi nilang, “‘Peace, peace,’ when there is no peace” (Jer 6:14 ESV). Meron tayong dapat gawin. Sabi ni John Piper, “A peacemaker longs for peace, and works for peace, and sacrifices for peace.”
Hindi mo puwedeng sabihing trabaho lang ito ng mga leaders ng church at kami lahat ang mag-aayos ng mga awayan at tampuhan. Sabi ni Jesus, “Tulungan ninyo ang isa’t isa upang maging mapayapa ang pagsasamahan n’yo” (Mk 9:50 ASD).
Hindi mo puwedeng sabihing, “Siya naman ang nagsimula, kaya siya ang dapat mag-ayos nito.” Sabi ni Pablo, “Do all that you can to live in peace with everyone” (Rom 12:18 NLT).
Hindi mo puwedeng sabihing, “Di baleng masama ang loob niya sa akin, marami pa naman akong friends.” Sabi ng Salita ng Diyos, “Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao” (Heb 12:14 ASD).
Hindi mo puwedeng sabihing, “Tahimik lang naman ako sa church. Wala naman akong inaaway. Wala naman akong kagalit. Wala naman akong ginagawang masama.” Oo nga, yun nga ang problema, wala kang ginagawa. Pero may dapat kang gawin. Sabi ni Pablo, “Pagsikapan nating gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan” (Rom 14:19 MBB).
Habang nakikinig ka, may naiisip ka bang isang taong nakasamaan mo ng loob – recently o kahit matagal na. O may sama ng loob sa iyo. Asawa mo? Kapitbahay? Churchmate? Officemate? Hindi mo puwedeng sabihing, “Di bale na, ang mas mahalaga naman ay malapit ang relasyon ko sa Diyos, sumasamba ako, nananalangin, naglilingkod.” Oo nga, pero si Jesus din ang nagsabi, “Kung nasa altar ka at nag-aalay ng iyong handog sa Dios, at maalala mong may hinanakit sa iyo ang iyong kapatid, iwanan mo muna ang handog mo sa harap ng altar. Makipagkasundo ka sa iyong kapatid at saka ka bumalik at maghandog sa Dios” (Mat 5:23-24 ASD).
Ang nais ng Diyos, sa mga susunod na araw, ay ipanalangin mo at gumawa ka ng hakbang para maging peacemaker sa taong iyon. “Ang mga peacemakers ay mga taong nabubuhay sa biyaya ng Diyos. Ang ginawa ni Jesus (gospel) – ang kanyang kabutihan at kapangyarihan – ang pinanggagalingan ng pag-ibig, awa, at pagpapatawad na ipinaparanas din nila sa iba, para maglaho ang galit, magkaroon ng higit na pang-unawa at mahikayat ang pagsisisi at pagkakasundo” (www.peacemakers.net).
Dealing with conflicts is messy. Kaya nilalayuan natin, ikinakaila natin, nagrereklamo tayo. Dumating sa panahon ng aking pagpapastor na nagkasunud-sunod ang mga conflicts na inilapit sa akin para ayusin. Kapag nga may tumatawag sa akin late at night, kinakabahan na ko at tiyak na may emergency case na naman na kailangang kausapin. Yes, nagiging burden. Mahirap pag-usapan. Messy. Pero tinuruan ako ng Diyos na tingnan ang conflicts na isang opportunity. Mabigat pa rin, masalimuot, nakakaiyak, pero meron nang pag-asa. Dahil sa pagrespond sa conflict, meron tayong opportunity to glorify God by reflecting God’s gracious character, to remember the gospel and to go deeper into his grace, and to sense your need of prayer in reliance to the Spirit.
1 Comment