Navigating Conflicts with Grace

Being passionate for the gospel doesn’t mean conflict-free. Nakita na natin ‘yan sa series sa 1 Peter. Pero doon, outside the church ang problema. Pero mas mahirap kung inside the church ang magiging problema. How have you responded sa panahon na may naging ka-conflict ka? Meron din bang bitterness, anger, defensiveness, self-justification? But how must we really respond? Paul’s exhortation sa Romans 15:1-7 about how the strong in faith should relate to those weak in faith will be especially helpful for us.

Part 8 – Fighting Well

Kapag may away kayong mag-asawa, tandaan mong hindi ang asawa mo ang kaaway mo. Hindi siya ang dapat mong labanan. Your enemy is your sinful self. Kahit pa nasasaktan ka ng asawa mo, tandaan mong ang kasalanan sa puso mo ang dapat mong labanan at patayin. You will learn how to fight well when you learn how to fight against your real enemy. Sa halip na kayo ang mag-away, magtutulong kayong labanan ang natitira pang kasalanan sa puso n’yo. When you remember that, it will make a lot of difference in your marriage, and in all relationships for that matter.