Kung Iniisip Mong Umalis sa isang Church…

Bago ka magdesisyon kung aalis na…

  1. Manalangin muna.
  2. Ipaalam mo sa iyong kasalukuyang pastor ang tungkol sa iyong iniisip bago ka lumipat sa ibang church o gumawa ng desisyon na lumipat ng tirahan sa ibang lungsod. Humingi ng kanyang payo.
  3. Timbangin ang iyong mga motibo. Kaya ba gusto mong umalis ay dahil sa isang makasalanang personal conflict o sama ng loob? Kung ito ay dahil sa mga kadahilanang doktrinal, mahalagang-mahalaga ba ang mga doctrinal issues na ito?
  4. Gawin mo ang lahat sa abot ng iyong makakaya na magkaroon ng pagkakasundo ang anumang nasirang relasyon.
  5. Siguraduhin mong isaalang-alang ang lahat ng mga “evidences of grace” na nakita mo sa buhay ng church—sa mga bahagi nito at mga pagkakataon kung saan malinaw na nakikita ang pagkilos ng Diyos. Kung hindi mo makita ang kahit anong ebidensya ng grasya ng Diyos, baka gusto mong suriin muli ang sarili mong puso (Mateo 7:3-5).
  6. Maging mapagpakumbaba. Tanggapin mo na wala sa iyo ang lahat ng katotohanan at suriin mo ang mga tao at ang kanilang kalagayan nang may pag-ibig (bigyan mo sila ng benefit of the doubt).

Kung aalis ka na…

  1. Huwag kang gagawa ng hakbang para magkaroon ng pagkakahati-hati sa church.
  2. Mag-ingat nang husto na huwag maghasik ng discontent sa puso ng mga tao kahit na sa iyong mga malapit na kaibigan. Tandaan mo, ayaw mong magbigay ng kahit anong hadlang sa kanilang paglago sa church na ito. Tanggihan ang kahit anong pagnanais na magtsismis (minsan kilala bilang “paglalabas ng sama ng loob” o “pagsasabi ng nararamdaman mo”).
  3. Ipanalangin mo at pagpalain ang congregation at ang leadership nito. Maghanap ng mga paraan kung paano mo ito magagawa. Kung nasaktan ka, matuto kang magpatawad—tulad ng pagpapatawad sa iyo ng Diyos.

Translated from the original 9Marks article, “If You’re Thinking about Leaving A Church…” Hango ito sa page 57 ng What Is A Healthy Church? na isinulat ni Mark Dever.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.