Conflicts in the Church
May panahon sa kasaysayan ng church natin na maraming mga away-away. Merong nagkampi-kampihan. Merong nagsalita ng masasakit sa pastor natin dati pati sa kanyang pamilya. Eventually, that pastor left. Merong nag-accuse sa mga young people noon na pinagkakaisahan yung isang elder para di maging senior pastor. Eventually, that elder left. Merong isang leader na asawa ng isang elder na di nagustuhan ang desisyon ng mga elders to consider me for the senior pastor role. Eventually, their family left. Meron namang isang member na nagtampo kasi nawala yung patatas na sahog sa nilulutong ulam para sa anniversary ng church. Eventually, that member and her family left.
Lahat ng churches may karanasan sa ganitong mga away-away at kampi-kampihan. We are already “saints” – holy in the sight of God and being made holy – dapat wala nang mga ganito. But we are still “sinners” – selfish, prideful sinners – kaya meron pa ring mga ganito. Isa itong dahilan kung bakit isinulat ni Paul ang 1 Corinthians. Immediately after yung Christ-centered, grace-saturated greetings and thanksgiving niya sa introduction niya sa letter na ‘to, tungkol sa away-away na agad yung in-address niya. “Ibinalita sa akin ng mga kasamahan ni Cloe na kayo raw ay nag-aaway-away” (1:11 MBB). Hindi natin kilala kung sino itong si Cloe. Pwedeng kasama nila sa church na concern sa nangyayari sa kanila. Pwedeng unbeliever na nakaka-observe sa nangyayari sa kanila. Sino man siya, malinaw ang problemang binalita ng household members niya na merong pagkakabaha-bahagi (v. 10). Merong kampi-kampihan at pagmamataasan (v. 12).
I thank God na during my ten years as a pastor, meron mang mga ganyan pero I think minor na lang. Sa second half ng sermon na ‘to you will see what is the reason. And to be clear, I am not the reason why. Meron pa rin namang mga away-away, minor disagreements, tampuhan, negatibong salita tungkol sa iba. Tungkol naman sa gospel ambition ng church to plant churches, meron ding mga misunderstanding, pagdududa, at yung iba na hindi pa rin nakikiisa. Or kung active man sa ministry, yun lang, pero not thinking of the bigger picture. Kahit naman walang away-away, not necessarily ay meron nang unity. Ang goal naman natin ay hindi yung absence ng mga away-away, but the presence of unity. Pwede mo kasing sabihin, “Wala naman akong ginagawa para mag-away-away.” Pero ang tanong, “May ginagawa ka ba para magkaroon ng pagkakasundo, pagkakaisa at pagtutulungan sa church?”
Sa first nine verses pa lang, indirectly ina-address niya na ‘to. Tinawag silang “the church of God that is in Corinth” (v. 2). Church singular, not churches plural, to emphasize their spiritual unity. Pati yung unity nila with other churches sa ibang lugar, “called to be saints together with all those…” (v. 2). Then sa v. 9, “God is faithful, by whom you were called into the fellowship of his Son, Jesus Christ our Lord.” Fellowship, koinonia, union and partnership with Jesus. Dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, ang bunga dapat nito ay ang pagkakaisa natin bilang magkakapatid kay Cristo. ‘Yang idea na ‘yan ang ie-expand niya sa vv. 10-17.
Command: Makiisa (vv. 10-12)
Merong sasabihin dito si Pablo na dapat nilang gawin, dapat rin nating gawin. Pero bago yun, pansinin muna natin kung paano niya ito sinasabi. Una, sinasabi niya ito with apostolic authority. Yun nga ang pagpapakilala niya sa sarili niya, “called by the will of God to be an apostle of Christ Jesus” (v. 1). Then dito sa v. 10, “I appeal to you…by the name of our Lord Jesus Christ.” Hindi sa pangalan o titulo niya bilang apostol, kundi sa pangalan at titulo ng Panginoong Jesu-Cristo na nagsugo sa kanya. In effect, sabi niya, “Ang sasabihin ko sa inyo ay galing sa Panginoong Jesus.” Dapat siyang pakinggan bilang apostol bilang pagsunod kay Jesus na siyang Panginoon. He represents the word, the will and the desire of Jesus in this letter.
Pangalawa, sinasabi rin niya ito as a member of the family. Meron siyang authority, meron din siyang loving relationship sa kanila. Sabi niya, “Nakikiusap ako sa inyo…” Hindi, “Inuutusan ko kayo, makinig kayo, apostol ako!” Hindi siya nagdedemand, nakikiusap siya sa kanyang “mga kapatid” (v. 10). Pati sa v. 11, nang sabihin niya ang tungkol sa narinig niyang problema, “mga kapatid.” Nakikialam siya sa kanila hindi parang isang kapitbahay na outsider na nanghihimasok sa buhay nang may buhay. Kundi isang kasambahay, kapamilya, an insider, na sasabihan sila ng dapat gawin out of concern as a brother.
Meron siyang authority as an apostle, meron ding concern as a brother. Ano ngayon ang sinasabi niyang dapat nilang gawin? Negatively, “huwag magkabaha-bahagi” (v. 10). Galing ito sa salitang schisma, na ang image ay yung isang tela na punit at nahati sa gitna (see Matt. 9:16; Mark 2:21). Ganyan ang nangyayari sa kanila. Napupunit. Nahahati. Nasisira. Merong “divisions.” Ano ang resulta nito? “Quarelling” o away-away (v. 11).
Ano naman yung specific nature ng divisions na ‘to? Meron pang iba-ibang partido o allegiances of loyalty. “Ito ang tinutukoy ko: may nagsasabing, ‘Kay Pablo ako’; may nagsasabi namang, ‘Ako’y kay Apolos.’ May iba pa ring nagsasabi, ‘Kay Pedro ako,’ at may iba namang nagsasabi, ‘Ako’y kay Cristo'” (v. 12). Si Pablo kasi ang founder ng church sa Corinth sa kanyang second missionary journey, nagstay din siya dun ng 18 months (Acts 18). Siguro ang sabi nitong Partido ni Pablo, “Dun tayo sa nagtayo at nagsimula ng church natin.”
Ito namang si Apolos, native ng Alexandria sa Egypt, mahusay magsalita, mahusay sa Bibliya (18:24). Maaaring si Pablo ay hindi kasing eloquent nitong si Apolos sa public speaking. Meron ngang nakatulog sa preaching niya, nahulog mula sa third floor at namatay (20:9)! Pag-alis ni Pablo sa Corinth, si Apolos naman ang bumisita at marahil ay namalagi din sa kanila para magturo (19:1). Sabi siguro nitong Partido ni Apolos, “Wala ‘yang si Pablo kay Apolos. Mas mahusay magsalita, hindi nakakaantok. Siya na lang ang palagi nating imbitahing guest speaker.”
Ito namang si Pedro, baka nakapasyal din sa Corinth. Pero marahil din ay hindi. Pero kilala kasi siya bilang apostol ng mga Judio. So yung mga Jewish background dito sa Corinth ang malamang na nasa Partido ni Pedro, “Wala ‘yan kay Pedro. Dun tayo sa original. Mas matapang.”
Ito namang Partido ni Cristo, “Wala ‘yang lahat na ‘yan. Taob lahat kay Cristo.” Siyempre ang allegiance natin nakay Cristo. Yun nga ang point ng first few verses ng letter ni Paul. Pero itong partido na ‘to, nandun yung pride, claiming yung spiritual high ground for their allegiance to Christ. So ano ang problema ng lahat ng partidong ito? Nagkakahati-hati sila dahil sa misplaced confidence nila sa mga human leaders nila o sa sarili nilang pride and self-centeredness, for thinking that they were better. Are we any better than them? We have the same problem, right?
Kaya sa halip na magkampihan, magbaha-bahagi, mag-away-away, maging mapagmataas, maging kumpiyansa sa mga human leaders, ano ang dapat gawin? “Magkaisa kayo…”; “that all of you agree” (v. 10). Literally ito ay speak or say the same thing (KJV/ASV). Hindi naman ibig sabihing parehas na lang lagi ang mga ideas at opinions nila sa mga bagay-bagay, tulad ng sa pagboto. Pero iisa dapat yung tinitibok ng puso natin, yung sentro ng buhay natin. Kaya sabi pa niya, “that you be united in the same mind and the same judgment.”
Yung “united” dito ay galing sa katartizo, na ginagamit for repair, restoration, preparation, fitting together (like mending nets, Matt. 4:21; Mark 1:19). So, in light of our many differences, dapat maging aktibo tayo na gawin ang lahat to pursue our commond bond. Meron ka mang ibang preference sa kulay ng kurtina o musical style o ministry strategy, we are willing to set that aside para di maapektuhan ang relasyon natin sa isa’t isa. Same mind and same judgment. Iisang pananampalataya, iisang conviction, iisang purpose, mission at ambition.
To be honest, none of these is easy for us. Hangga’t nandun pa rin yung pride at self-centeredness na kailangang bunutin sa puso natin, kailangan natin ng powerful and compelling motivations to help us unite. At ‘yan naman ang gagawin niya sa vv. 13-17, like what he will do the rest of this letter.
Motivation No. 1 – Iisa lang yung gospel na tinanggap natin (v. 13)
Ano yung motivation o compelling reason na binigay niya sa v. 13? Sabi niya, in a series of three rhetorical questions, mga tanong na obvious ang sagot. Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Sabi niya, “Bakit? Nahati ba si Cristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa pangalan niya?”
Unang tanong, “Nahati ba si Cristo?” Divided ba siya? Sinasabi n’yong nasa inyo si Cristo, yung isang bahagi ba ng katawan niya ay nasa iba at ang ibang bahagi naman ay nasa iba? Christ is one. His body is one. You have the whole Christ. There is no place for division in the one body of Christ.
Ikalawa, “Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo?” Merong sense of sarcasm sa tono ni Pablo. Obvious ang sagot. Hindi si Pablo ang ipinako sa krus para sa inyo, si Cristo. Siya ang Tagapagligtas. Hindi si Pablo, hindi kung sinupaman. Si Jesus ang Messiah, hindi ang pastor. Jesus is the gospel. We are just preachers of the gospel. Hindi dapat kaming mga pastor ang bida sa mga churches, hindi dapat kayong mga ministry leaders ang bida sa ministry n’yo. Si Cristo lang.
Ikatlo, “Binautismuhan ba kayo sa pangalan ni Pablo?” Hindi ba’t binautismuhan kayo sa pangalan ni Cristo? Sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo? Nakalimutan n’yo na ba kung ano ang ibig sabihin nun? Ang pakikipag-isa ninyo ay kay Cristo (v. 9) at sa kanyang katawan, kanyang pamilya, kanyang iglesya. He is reminding them to remember the meaning of their baptism. Kaya sa sumunod, vv. 14-17, paulit-ulit ‘yang tungkol sa baptism. Ang allegiance dapat nila ay nakay Cristo at wala kay Pablo, kay Apolos, kay Pedro o sa sarili nilang ministeryo.
What’s the point? Meron kayong divisions, conflicts, and lack of unity, kasi anong dahilan? Meron kayong gospel amnesia. You forget the gospel! Sa tuwing nag-aaway-away ang members or leaders ng church, we are having gospel amnesia. Sa tuwing nahihirapan kang makipagbati, magpatawad at magmahal, you are having gospel amnesia. Sa tuwing iniisip mo nang umalis ng church because of unresolved conflicts, you are having gospel amnesia. Nakakalimutan n’yo kung sino si Cristo, kung ano ang ginawa niya para sa inyo, at kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang church. Mga kapatid, let us all remember the gospel. The gospel unites the church. We must be together for the gospel. Dapat tayong magkaisa dahil iisa lang yung gospel na tinanggap natin.
Motivation No. 2 – Iisa lang yung gospel na binabahagi natin (vv. 14-17)
Ano pa yung isang motivation? Related pa rin sa gospel. Yung last four verses dito sa passage natin ay nage-expand ng idea about baptism na nasa third question niya sa v. 13. Sabi niya sa v. 14, “Salamat na lang sa Diyos at wala akong binautismuhan sa inyo maliban kina Crispus at Gauis.” Paul felt relieved dun sa desisyon niya or conviction niya na hangga’t maaari hindi siya ang magbabaptize sa mga new converts. Kaya sabi niya, “Haay, salamat sa Diyos…” Buti na lang pala, kasi kung mas marami pa siyang nabaptize, baka mas magiging divided pa ang church at mas dadami ang loyal fans ni Paul.
Ayon sa Acts 18:8, si Crispus yung ruler of the synagogue, na nagrespond sa preaching ni Paul, kasama yung buo niyang pamilya. Marami rin noong iba pang Corinthians na naniwala sa gospel na dala ni Paul at nabaptized. Si Gaius naman marahil ay yun ding Gaius na binanggit niya sa sulat niya sa Romans, na sinulat niya from Corinth. Sa bahay niya madalas nakikituloy si Pablo, at siya ring naghohost ng mga gatherings ng church.
Sila lang daw yung naaalala ni Paul na binaptize niya sa Corinth. Ay teka, pagdating sa v. 16, may naalala na naman siya. Hindi na siguro niya pina-edit sa secretary niya yung naunang sinabi niya. May nakalimutan pa pala ako, “Ako nga rin pala ang nagbautismo sa sambahayan ni Stephanas.” Ayon sa 1 Cor. 16:15, yung family niya ang first converts sa Achaia, yung probinsiya na kinaroroonan ng Corinth. “They have devoted themselves to the service of the saints.”
Tapos sabi pa ni Paul sa 1:16, “Maliban sa kanila’y wala na akong natatandaang binautismuhan ko.” Siguro may nakalimutan pa siya. Hindi dahil may those-who-are-baptized-by-me amnesia na siya. Para sa kanya, deliberate strategy niya sa ministry yun, to take care na hindi madevelop ang pride sa heart niya, to take care of the church na rin. Kuntento siya, masaya siya na ipaubaya ang pagbabautismo sa iba. Siguro alam niya ang tendency nila na magkaroon ng greater attachment than necessary sa nagbaptize sa kanila. Kaya sabi niya sa v. 15, ang purpose bakit kahit na siguro marami ang magrequest na magpabaptize sa kanya, tinatanggihan niya at dinedelegate niya sa ibang leaders ng church, “para hindi ninyo masabing kayo’y binautismuhan sa aking pangalan.”
Heto yung motivation ni Paul sa ministry niya, at dapat ding maging motivation ng bawat isa sa atin para maiwasan natin ang pagkakahati-hati at mas mapagtibay ang unity sa Diyos. Ayaw ni Pablo na ang allegiance or confidence nila ay nasa kanya o kaninuman maliban kay Cristo. Ayaw niyang to draw attention to himself. Instead, ang gusto niya, ang passion ng heart niya, ang purpose niya sa ministry, is to draw attention to the gospel.
Ipinaliwanag niya sa v. 17 ang primary calling niya bilang isang apostol. “Isinugo ako ni Cristo, hindi upang magbautismo…” Hindi dahil hindi mahalaga ang baptism. It’s absolutely important! Kasali ‘yan sa Great Commission, bahagi ng making disciples of all nations. Pero sabi niya, “Yes, the whole church’s commission ‘yan, so it is not necessary na ako ang gumawa niyan.” Ano ang focus niya? “…hindi upang magbautismo kundi upang mangaral ng Magandang Balita.” Preaching the gospel ang heart ng ministry niya, to focus people’s attention to the gospel. That’s the point.
Kaya sabi pa niya, “At hindi ko ito ginagawa sa pamamagitan ng mahusay ng pananalita at karunungan ng tao” (ASD). Literally, “not with words of wisdom” (sophia logou). Siyempre ang salita natin, our preaching of the gospel, dapat may wisdom. Pero ang tinutukoy niya dito ay yung common Greek style of speaking na talagang highly skilled, yung mapapahanga ka, masasabi mong “Wow! Ang galing galing!”
Again, ayaw niyang makuha ang attention nila papunta sa sarili niya. “Upang hindi mawalan ng kabuluhan (o mawalan ng saysay o mabalewala) ang pagkamatay ni Cristo sa krus.” The whole point of the death of Jesus, and the preaching of that event (the word of the cross, v. 18), the whole point of the gospel is to focus attention sa gawa ni Cristo. Kasi sabi niya sa verse 18, that’s the power of God for salvation. Kung ang attention nila nakay Pablo o sinumang tao, they will not be saved, o yung ibang unbelievers, they will not be saved.
Ipapaliwanag pa niya ito further sa mga susunod na section ng letter niya. But the point of vv. 14-17 is already clear. Dapat silang magkaisa kasi iisa lang ang gospel na siyang focus ng preaching ni Paul. Meron lang tayong iisang misyon. Meron lang tayong iisang gospel ambition.
Ministry is not a numbers game. May mga times na nararamdaman ko yung struggle with pride and self-confidence sa heart ko. Kung mas marami na akong members sa church kumpara sa iba. Kung mas marami na ang nagiging views ng mga sermons ko online, kung mas marami nang followers ang Treasuring Christ PH page sa Facebook, kung mas marami ang reactions, likes at comments ng posts ko. I quickly forget that it is about treasuring Christ above all, not me, not my sermons, not my ministry, not my words, but the gospel of the Lord Jesus.
He is the point of everything. Kaya naman sobrang saya ang inilalagay ngayon ni Lord sa heart ko sa mga recent events na nangyayari sa church. Yun bang makita ko na ang team natin sa Plaridel kasama ang mga youth natin ay nagkakaisa para ikuwento si Cristo sa mga bata every Sunday, at yung most recent ay yung DVBS the last three days. At yung team natin ay nagkakaisa para makahanap ng lugar na pupuwestuhan ng church na sisimulan natin dun hopefully next month. At yung OFW Ministry na nagtutulung-tulong para ipakita ang pastoral care sa mga OFW families natin. At si Ptr. Marlon na bumiyahe sa La Union para makiisa sa DVBS at worship gathering ng church planters natin dun. One gospel unites us. One gospel ambition unites us.
Mga kapatid ko kay Cristo, bilang pastor ninyo, nakikiusap ako sa inyo na sa halip na ang gagawin mo ay maging cause of division sa church o mag-iindicate ng lack of participation,
palagi tayong gumawa ng hakbang para makiisa sa gospel ambition ng church dahil iisa lang yung gospel na tinanggap natin at ibinabahagi natin sa iba.
It is time for you to evaluate, yun bang level of participation mo sa church ay nakakatulong o nakahahadlang in forging gospel unity? And, ano ang gagawin mo this week para makatulong sa pagkakaisa? Para maresolve ang existing conflicts at magkaroon ng pagkakasundo? How will you make sure na yung ministry na involvement mo ay nakikiisa sa isang gospel ambition ng church? And may we all start praying more regularly yung number one sa “18 Things to Pray for Your Church” na nakapost sa The Gospel Coalition website:
That we would have unity amid diversity – loving those with whom we have nothing in common but the gospel.
One gospel. One gospel ambition.