A Disciple is a Disciple-Maker

monkimageSa ating pagsunod sa Panginoong Jesus, binabago niya ang ating mga isipan, mga hangarin, mga relasyon at mga pangarap sa buhay. Binigyan tayo ng bagong buhay ng Panginoon para ibahagi din ito sa iba at sanayin sila sa pagsunod sa kanya: “Pinili ko kayo upang kayo’y magbunga” (Jn 15:16). Kung ano ang natutunan natin ay siya namang ibabahagi natin sa iba, tulad ng halimbawa ni apostol Pablo kay Timoteo (2 Tim 2:2). Ito ang tinatawag na “disciple-making.”

Ibig sabihin, walang sinumang nagsasabing siya ay tagasunod ni Jesus ang makukuntentong nakaupo lang sa bangko at nagmamasid. Lahat ay may bahagi sa huling utos ni Jesus bago siya bumalik sa langit: “Make disciples of all nations…” (Mt 28:19). Saanman tayo naroroon, saanmang sulok ng mundo tayo dalhin ng Diyos, ang layunin natin ay “to make disciples who make disciples who make disciples” hanggang maabot lahat ng mga lahi sa mundo at bumalik na ang Panginoon.

Ano ba ang disciple-making? Ang disciple-making ay, una, dapat na intentional: “Habang kayo’y humahayo…” (Mt 28:19). Hindi natin ito magagawa kung nakaupo lang, hindi nagpaplano at hindi naglalaan ng oras para sa iba.

Ikalawa, dapat ito rin ay relational: “Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu” (Mt. 28:19). Hindi lang basta mailubog sila sa tubig, kundi maakay sa isang malapit na relasyon sa tatlong persona ng Diyos at maikonekta sa pamilya ng Diyos – ang Iglesya o Church (GraceCommunity).

Ikatlo, dapat ito rin ay practical o transformational: “Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo” (Mt 28:20). Hindi lang basta mag-aral ng Bibliya, kundi maturuan silang magtiwala at sumunod sa Diyos sa lahat ng bahagi ng kanilang buhay. Our goal is not just information, but transformation (Rom 12:1-2; 2 Cor 3:18).

Panghuli, para maturuan sila, dapat ito ay personal. Tulad ng halimbawa ng Panginoon sa kanyang pagtuturo sa mga tagasunod niya. Inilaan niya ang oras, lakas, at buhay niya para sa kanila. Nagbigay siya ng magandang halimbawang dapat nilang tularan. Tulad ni apostol Pablo sa mga taga-Tesalonica (1 Tes 2:7-12) na para siyang isang “mapagkalingang ina,” inihandog “ang aming buhay” dahil “sa laki ng aming pagmamahal sa inyo”; at tulad din ng “ama” – “pinayuhan namin kayo, pinalakas namin ang inyong loob, at hinikayat na mamuhay nang tapat sa paningin ng Diyos.”

Whats your planKung ang disciple-making ay hindi optional sa bawat isang tagasunod ni Jesus, dapat tayong magplano para makasunod dito. Magcocommit ako, bilang inyong pastor, kasama ng mga iba pang elders ninyo dito sa church, at ng mga liders na nagsisimula na sa disciple-making – na tutulungan kayong lahat na makasulat ng isang personal disciple-making plan.” Naglalaman ito ng ilang mga tanong para mapag-isipan nating mabuti ang tugon natin sa paanyaya sa atin ng Panginoong Jesus na ipamuhay ang ating bagong buhay sa kanya – bilang mga learners, family members, worshippers, servants, missionaries at disciple-makers.

pdf-iconHabang ginagawa natin ito, makakaasa tayo sa ipinangakong presensiya ng Panginoon, “Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon” (Mt 28:20).

Note: This plan is adapted from David Platt’s Personal Disciple-Making Plan.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.