What is at the center of your life? Kung ano ang nasa sentro ng buhay mo, lahat ng bagay sa buhay mo ay umiikot dito, nanggagaling dito, at binabago nito. Ito rin ang focus mo at nagpapatakbo sa buhay mo. Kung pera o materyal na bagay, you are materialistic. Ang goal mo mas maraming pera, mas masaya, kahit pa masakripisyo ang iba. Kung career naman, nagiging workaholic ka. Lahat gagawin mo, para umangat ang posisyon mo.
Kung pamilya naman o relasyon sa ibang tao, nagiging emotionally dependent ka, na parang di ka na mabubuhay o wala nang saysay ang buhay kapag ang isang taong minamahal mo ay nawala sa iyo. Kapag sarili mo naman ang sentro, you are narcissistic, in love sa sariling imahe o reputasyon. Kahit magpanggap gagawin mo, maingatan lang ang pangalan mo.
But we are Christians. Our new identity is in Christ. Siya ang nasa sentro. The cross – his life, death and resurrection – ang driving force ng buhay natin. As disciples of Jesus, the cross is and must be central to everything we are and everything we do in life.
Listen
Resources
Ito ang paulit-ulit na itinuturo ng Panginoon sa labindalawang estudyante (disciples) niya. Luke 18:31-33:
Tinawag ni Jesus ang 12 apostol at sinabi sa kanila, “Makinig kayo! Pupunta tayo sa Jerusalem, at matutupad na ang lahat ng isinulat ng mga propeta tungkol sa akin na Anak ng Tao. Sapagkat ibibigay ako sa mga hindi Judio, iinsultuhin nila, hihiyain at duduraan. Hahagupitin nila ako at papatayin, ngunit muli akong mabubuhay sa ikatlong araw.” (ASD)
Bukod pa sa ilang mga talatang nagpapahiwatig ng kanyang kamatayan, pangatlong beses na niyang diretsahang binanggit ito bago at habang naglalakbay sila papuntang Jerusalem. Ang una ay sa 9:22: “Ang Anak ng Tao’y dapat magdanas ng matinding hirap. Itatakwil siya ng mga pinuno ng bayan, ng mga punong pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Siya ay papatayin ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay” (MBB). Ang ikalawa ay sa 9:44, “Pakinggan ninyo at tandaan itong sasabihin ko: ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga tao” (MBB).
Ito rin ang central message ng mga apostol at mga tagasunod ni Jesus na kanilang ibinabahagi sa ibang tao hanggang sa iba’t ibang bansa. Dito rin umiikot ang buhay nila bilang isang iglesya. Ito ang bumago sa buhay nila. Kaya nga sabi ni Pablo tungkol sa kanyang buhay at ministeryo, “For I resolved to know nothing while I was with you except Jesus Christ and him crucified” (1 Cor. 2:2 NIV); “As for me, may I never boast about anything except the cross of our Lord Jesus Christ” (Gal. 6:14 NLT).
The cross of Jesus is at the center of our life. Kung ang lahat ng nakasulat sa mga propeta ay magkakaroon ng katuparan kay Jesus – sa kanyang buhay, kamatayan at muling pagkabuhay – ibig sabihin, kung magbabasa tayo ng Salita ng Diyos, nakasentro o hahanap-hanapin natin kung paano ito tumutukoy sa Panginoong Jesus. At kapag tapos na tayong magbasa at tutungo na sa buhay natin araw-araw, nakafocus pa rin tayo kay Jesus at ang pananaw natin sa buhay ay ayon sa kanyang natapos nang ginawa para sa atin. So we are not narcissistic, materialistic, o workaholic, kundi evangelical Christians. Galing sa salitang evangel o good news (gospel). We are gospel people. Jesus and his cross is at the center. We look to the cross. We boast in the cross. We live our lives in light of the cross.
The Blindness of the Human Heart
Pero bakit parang hindi ganoon ang palaging nangyayari? Parang nalilihis ng direksyon ang buhay natin. Parang gegewang-gewang ang gulong ng buhay natin. Parang meron tayong ibang hinahangad o pinapangarap. The reason is because we still don’t fully see the glory of the cross of Jesus.
Ito ang problemang kinakaharap ng mga disciples sa kuwentong ito. Matapos sabihin ni Jesus ang tungkol sa mararanasan niyang kamatayan sa Jerusalem, ni hindi nila naintindihan ang sinasabi ni Jesus.Verse 34, “Pero wala silang naintindihan sa mga sinabi ni Jesus. Itinago sa kanila ang kahulugan kaya hindi nila naiintindihan ang mga sinabi niya” (ASD). Pansinin n’yong paulit-ulit, tatlong beses – “wala silang naintindihan…itinago sa kanila ang kahulugan (hindi nila alam ang kahulugan)…hindi nila naiintindihan.” Sabi ng Panginoon sa kanila, “Makinig kayo…” (v. 31 ASD) o “See…” (ESV). Pero hindi nila nakita ang gusto ni Jesus na makita nila. They were spiritually blind pagdating sa bagay na iyon. Not totally, kasi sumusunod na sila kay Jesus, at nakilala na nila si Jesus. But at this point, kulang pa ang pagkakilala nila kay Jesus. Kahit noong ikalawang beses na sabihin ni Jesus ang tungkol dito, “hindi nila ito naunawaan” (9:45 MBB).
Pagdating sa sentralidad ng krus sa pagsunod kay Jesus, bulag pa sila. Tulad ng lalaking bulag (physically) sa sumunod na bahagi ng kuwento. Verse 35, “Nang malapit na sina Jesus sa Jerico, may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos.” Hindi naman aksidenteng nandito ang kuwentong ito. Naniniwala akong sinadya ni Luke, ang nagcompile ng mga kuwentong ito, na gawin itong magkasunod para makita natin na itong 12 disciples niya hanggang ngayon ay bulag pagdating sa spiritual reality ng kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoon, tulad ng physical blindness ng lalaking namamalimos. Para ipakita din na tulad ng lalaking ito, kailangan nilang makakita, kailangan nila si Jesus para makakita sila at kung ano ang magbabago sa buhay nila kung nakakakita na sila nang malinaw at patuloy na titingnan ang sentro ng kanilang buhay.
Pero bago natin tingnan iyon, pag-usapan muna natin kung bakit ang hirap-hirap para sa mga tagasunod niya – noon at ngayon – na makita ang “centrality of the cross” sa buhay natin.
We are blinded by our own desire for immediate glory. The cross says, “Suffering first, glory after.” Gusto natin, “Glory now! No suffering!” Pero papunta si Jesus sa Jerusalem. Dahil ang Messiah ay ang Haring Tagapagligtas nila, they expect this Son of David to rule in power and glory. At silang mga tagasunod niya, nasa inner circle of power. Ayos na ayos. Kaso sabi ni Jesus, na oo nga’t darating din iyon. Pero di iyon agad-agad. “But first he must suffer many things and be rejected by this generation” (Luk 17:24 ESV). Kaya di na nila naririnig tuloy ang sinasabi ni Jesus na “ngunit muli akong mabubuhay sa ikatlong araw” (18:33 ASD). Wala sa kategoryang nila ang suffering Messiah – lalo na ang sinabi ni Jesus sa kuwentong ito na siya’y iinsultuhin, hihiyain, duduraan, hahagupitin at papatayin. Di nila iniintindi ang sabi sa Isaiah 53 na ang Messiah ay siyang Suffering Servant. O kung tayo naman natatakot tayo sa implication nito na kung susunod tayo sa kanya, we will also take up our own cross, with all its shame, suffering and death.
We are also blinded by our own pride. Ang taas taas ng tingin at tiwala natin sa sarili natin, sa magagawa natin. The cross says, “You can’t do anything to be reconciled to God. It is wholly a work of God’s grace.” Gusto natin, “Anong kailangan kong gawin?” Performance orientation ang sakit natin tulad ng mga Pharisees. Akala nila sa pagsisikap nila makalalapit sila sa Diyos. Di nila alam na sila’y bulag tulad ng lalaki sa kuwento. Hindi lang bulag, pulubi pa’t namamalimos. Alam niya wala siyang magagawa. Nagmakaawa siya kay Jesus. Have mercy on me! Alam niya wala siyang maiaambag ni isang kusing. Bulag siya at alam niyang hindi niya kayang pagalingin ang sarili niya. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng iba, Do your best and God will do the rest. Ang masasabi lang niya, Maawa po kayo sa akin. Kahit sinaway siya, nagpatuloy pa rin siya. Kasi alam niya wala siyang ibang pag-asa maliban kay Cristo.
We are so slow to get this. Kahit mga Christians na tayo. Lalo na nung di pa tayo Christian, we are blinded by our own sin and by Satan (2 Cor. 4:4). Feeling natin kayang kaya natin, na di natin kailangan ng Savior. But we need him, desperately. Nang sabihin ni Jesus sa lalaking nakakita na, “Your faith has made you well,” ito rin ang salitang ang ibig sabihin ay salvation, “has saved you.” Malinaw na lesson sa mga disciples, tulad din natin, na may kapangyarihan si Jesus na pagalingin hindi lang ang physical blindness kundi ang spiritual blindness natin.
At malinaw na ito ang intensyon ni Luke-Acts dahil sa tatlong beses niyang binanggit ang kabulagan ng mga disciples sa v. 34, “Pero wala silang naintindihan sa mga sinabi ni Jesus. Itinago sa kanila ang kahulugan kaya hindi nila naiintindihan ang mga sinabi niya.” Parallel ito sa kuwento ng healing ng blind man na tatlong beses ding inulit ang tungkol sa desire niyang makakita (vv. 41-42): Sumagot ang bulag, “Panginoon, gusto ko pong makakita!” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Makakita ka na!…” Nakakita siya agad…
Let Light Shine Out of Darkness
God’s desire to reveal himself to us. Dapat marealize natin na gusto ng Diyos na ipakilala ang sarili niya sa atin. Gusto niyang makita natin ang sentralidad ng krus sa buhay natin at sa relasyon natin sa kanya. Pero tatanungin natin na bakit sabi sa v. 34, “Itinago sa kanila ang kahulugan…”? Ganoon din sa Luke 9:45, “Ngunit hindi nila ito naunawaan sapagkat inilihim sa kanila ang kahulugan nito. Natakot naman silang magtanong sa kanya kung ano ang ibig niyang sabihin.” Gusto ng Diyos na magpakilala sa kanila, pero di man lang sila nagtanong. Si Jesus tinanong ang lalaking bulag, “What do you want me to do for you?” Ang gusto kasi ng Diyos lumapit tayo sa kanya, humingi at tayo ay bibigyan. Ganito ang ginawa ng lalaking bulag. Pumuwesto siya sa lugar na matao, na may makakakita sa pangangailangan niya. At hindi aksidente na dumaan si Jesus. He was willing to make him see. Pero bago iyon, dapat aminin muna nating kailangan natin siya…
Our need to see God for who he really is. Di ba’t ang sagot ng bulag, “I want to see!” Ito namang mga disciples ni Jesus, ni hindi ngtanong. Parang dinidismiss na agad nila ang sinabi ni Jesus. Akala nila nauuunawaan na nila ang tungkol sa Messiah. They were learners, they were Jesus’ students. Kung gusto nilang matuto, kung gusto nilang makilala pa si Jesus, dapat aminin na kailangan nilang si Jesus ang magpaunawa nito sa kanila. Hindi natin makikilala si Jesus hangga’t hindi siya nagpapakilala sa atin. Hindi natin makikita ang centrality ng cross sa buhay natin hangga’t di natin inaaming siya ang kailangan natin. He is willing and he is able to make us see.
Jesus’ power to make us see God for who he really is. Sinabi lang ni Jesus sa bulag, “See! Makakita ka na!” With just one word, nakakita ang bulag. Ito ang dahilan bakit naparito si Jesus: “He has sent me to proclaim that captives will be released, that the blind will see” (Luke 4:18 NLT). Sa isang salita ni Jesus, “Nakakita siya agad” (Luke 18:43 ASD). Para tayong mga bulag dati na alam nating nakakakita na ngayon dahil kay Cristo, “One thing I do know, that though I was blind, now I see” (John 9:25 ESV). Paano ginawa iyon ng Panginoon. Pakinggan n’yo ang paliwanag ni Paul sa 2 Cor. 4:3-6:
And even if our gospel is veiled, it is veiled to those who are perishing. 4 In their case the god of this world has blinded the minds of the unbelievers, to keep them from seeing the light of the gospel of the glory of Christ, who is the image of God. 5 For what we proclaim is not ourselves, but Jesus Christ as Lord, with ourselves as your servants for Jesus ‘sake. 6 For God, who said, “Let light shine out of darkness,” has shone in our hearts to give the light of the knowledge of the glory of God in the face of Jesus Christ (ESV).
Our new desire to see Jesus. Ngayong malinaw nating nakikita ang kaningningan at kagandahan ni Jesus at ng kabutihang dulot sa atin ng gospel o ng cross, we keep on looking at Jesus! Nandoon iyong kauhawan ng puso natin na hinahanap-hanap ang mamasdan siya, tulad ni David, “I have seen you in your sanctuary and gazed upon your power and glory” (Psa 63:1 NLT). Anumang bigat ng sitwasyon niya sa buhay, sa mukha ng Diyos siya nakatingin. At ng oras na ibinaling niya ang kanyang pagtingin sa Diyos, sumilip siya sa isang magandang babaeng naliligo, disaster happens, nahulog siya sa kasalanan. Ganoon din sa kaso ni Eba, nang tiningnan niya ang bungang pinagbabawal ng Diyos na mukhang maganda at masarap, nahulog siya sa kasalanan.
Kasi kung saan tayo nakatitig, iyon ang nasa sentro, iyon ang kumokontrol sa buhay natin. Whether you’re looking at pornography, or money, or ambition or the naked body of a man or woman who is not your wife. Sabi ni Alan Kraft: “Here’s the scary truth: Whatever we gaze upon controls us” (Good News for those Trying Harder, p. 149). At kapag malinaw na ang paningin natin at nakita na natin ang ganda ng Panginoong Jesus at ang inam ng kanyang ginawa para sa atin, bakit pa nga naman tayo lilingon sa iba? Sabi ni Paul Tripp, “Jesus is more awesome and beautiful than anything else in creation! When we see him as he is, why would we want to give our affection to any other” (How People Change, p. 61)?
As he is. Kahit tayo mga Christians na, oo nakita na natin si Jesus, pero meron pa ring problema sa mata natin. Hindi pa natin siya lubos na nakikita. Kaya ang prayer natin palagi sa Diyos, “Open my eyes! I want to see more of Jesus!” At habang mas nakikita natin siya nang malinaw, lumalalim ang commitment nating sumunod sa kanya. Ganito ang nangyari sa pinagaling ni Jesus, “Instantly the man could see, and he followed Jesus…” (Luk 18:43 NLT).
The Goal is Worship
Si Jesus na ang nasa sentro ng kanyang buhay. Sumunod siya kay Jesus. Ibig sabihin, si Jesus na ang pinakamahalaga sa kanya. Kung ano ang nasa sentro ng buhay mo, iyon ang sinasamba mo. Kung ano ang tinitingnan mo, iyon ang sinasamba mo. Kaya nahuhulog tayo sa idolatry ay dahil kung saan-saan pa tayo nakatingin. When you see Jesus, his glory, the glory of the gospel, you worship God! Tulad ng naging resulta sa lalaking dating bulag: “…he followed Jesus, praising God” (Luk 18:43 NLT). Kumakanta siya, kumakanta tayo, “Amazing grace, how sweet the sound, that saved a wretch like me. I once was lost but now am found, was blind but now I see.”
Hindi lang ito kapag Sunday. Ito ay everyday. Ang buhay natin ay dumadaloy, nagpapatuloy, at umaapaw dahil sa ginawa ni Jesus sa krus para sa atin. It affects everything – everything! – we do in life. Dahil ginawa na ni Jesus ang lahat para sa iyo, wala ka nang kailangang patunayan sa pamilya mo o mga kaibigan mo o mga kasama mo dito sa church. Malaya ka nang ipakita din sa kanila na si Jesus lang ang kailangan nila. Iyan ang goal natin sa missions – we invite others to worship God! Tulad ng nangyari sa mga nakakita sa pagpapagaling sa lalaking bulag – “And all who saw it praised God, too” (Luke 18:43 NLT). Iyan din ang nasa puso natin. Hindi lang tayo ang magpupuri sa Diyos – buong barangay, buong kumpanya, buong eskuwelahan, buong Pilipinas, buong mundo – magpupuri sa Diyos. Pero hindi mangyayari iyon kung hindi nila makikita si Cristo. At hindi nila makikita si Cristo, kung hindi natin ikukuwento sa kanila kung ano ang ginawa niya sa krus para sa atin.
Ang misyon natin ay tulad din ng misyong ibinigay ng Diyos kay apostol Pablo, “I am sending you to the Gentiles to open their eyes, so they may turn from darkness to light and from the power of Satan to God” (Acts 26:17-18 ESV). Hindi tayo ang magmumulat sa mata nila. Ang Diyos ang gagawa sa pamamagitan ng pagpapakilala natin kay Jesus. Ang Iglesia ni Cristo ay nagdiriwang ngayon ng ika-100 taong anibersaryo nila. Kahit pa nakalagay sa banner nila “Praising God,” hindi sila talaga nagpupuri sa Diyos. Bakit? Kasi hanggang ngayon bulag sila sa tunay na pagka-Diyos ng Panginoong Jesus. Ang mga Muslim, magtatapos ang Ramadan this week. Bulag din sila sa katotohanan ng pagkamatay ni Jesus sa krus – itinatanggi nila hindi lang ang pagiging Diyos ni Jesus kundi ang kamatayan niya sa krus. Imposible bang mabuksan ang mga mata nila at makilala nila si Jesus?
Kung sasabihin mong imposible, bakit ikaw? Hindi ba’t ikaw ay dati ring bulag at imposible din namang ikaw ay makakita sa sarili mo? Pero iminulat ng Diyos ang mga mata mo. Dahil merong nagbahagi sa iyo ng tungkol sa mabuting balita ni Cristo. Imposible talagang mangyari iyon sa mga INC at mga Muslim, kung magbubulag-bulagan tayo sa malaking pangangailangan nila at mananatili sa kumportableng kinalalagyan natin. Pero walang imposible sa Diyos. At ang paraang gagamitin niya ay tayong mga tagasunod ni Jesus na ang sentro ng buhay natin ay ang cross at sinasabi din natin tulad ni Pablo: “May I never boast except in the cross of our Lord Jesus Christ (Gal. 6:14 NIV). “I resolved to know nothing…except Jesus Christ and him crucified” (1 Cor. 2:2 NIV)
Previous sermons