Here’s the story of Jesus’ encounter with Zacchaeus based on Luke 19:1-10. You can use these pictures in telling the story to your self, your family, or your friends. Just click the image thumbnail to enlarge the picture and read the story.

*Story narrated by Rey and Paulo Cruz. You can download the audio here.
Pumasok si Jesus sa Jerico dahil doon siya dadaan papuntang Jerusalem. May isang lalaki roon na ang pangalan ay Zaqueo. Siya ay mayaman at isa sa mga pinuno ng mga maniningil ng buwis. Gusto niyang makita kung sino talaga si Jesus, pero dahil pandak siya at marami ang tao doon ay hindi niya ito magawa.
Kaya tumakbo siya sa unahan at umakyat sa isang puno ng sikamoro upang makita si Jesus na daraan doon.
Pagdating ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala siya at sinabi, “Zaqueo, bumaba ka agad, dahil kailangan kong tumuloy sa bahay mo ngayon.” Kaya nagmadaling bumaba si Zaqueo at masayang tinanggap si Jesus.
Nang makita ng mga tao na roon siya tumuloy sa bahay ni Zaqueo, nagbulung-bulungan sila, “Tumuloy siya sa bahay ng isang masamang tao.”
Sa loob ng bahay niya ay tumayo si Zaqueo at sinabi, “Panginoon, ibibigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng kayamanan ko. At kung may nadaya akong sinuman, babayaran ko ng apat na beses ang kinuha ko sa kanya.”
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Dumating na ngayon ang kaligtasan sa tahanang ito, dahil siya ay galing din sa lahi ni Abraham. Sapagkat ako na Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naliligaw.”
***Scriptures are taken from Ang Salita ng Diyos (Biblica Publishing). Bible illustrations are from Sweet Publishing, available for free download at Distant Shores Media.
It’s amazing to go tto see this web page and reading the views of all colleagues on the topic of
this post, while I am also eager of getting know-how.
LikeLike