Fight Clubs: A Primer

downloadpdf

Nais ng Diyos sa bawat isang tagasunod ni Jesus ang magtagumpay laban sa kasalanan at patuloy na lumago sa pananampalataya at pagkakatulad kay Jesus. Isa sa pinakamabisang paraang ginagamit niya para dito ay ang pakikipag-isa natin sa ilang mga kapatid natin kay Cristo para sa labang ito. Kailangan natin ang bawat isa sa labang ito. Kailangan natin ng fight club.

Ano ang isang fight club?

Ito ay isang grupo ng tatlo o apat (puro lalaki o puro babae) na nagkikita nang regular (kada linggo o dalawang beses isang buwan) para tulung-tulong na patayin ang mga natitirang kasalanan sa atin at lumago ang pagtitiwala natin sa mga pangako ng Diyos kay Cristo.

Paano magsimula ng fight club?

  1. Manalangin ka sa Diyos na bigyan ka ng dalawa o tatlong kapwa-lalaki o kapwa-babae na makakasama mo.
  2. Makipagkaibigan ka sa mga kapatid mo dito sa church (o kahit sa ibang church). Ikuwento mo ang buhay mo sa kanila at pakinggan mo ang kuwento ng buhay nila.
  3. Mag-schedule kayo kung tuwing kelan kayo magkikita at anong oras. Dapat may schedule kayo para intentional at regular. Once a week ba o twice a month? Gaano kahaba ang meeting n’yo? Isang oras ba o dalawang oras?
  4. Magpatulong sa mga church leaders o sa mga sanay na kung ano ang gagawin.
  5. Basahin at sama-samang pag-aralan ang book na Fight Clubs, isang chapter bawat meeting. Free download at here.
  6. Magkasundo kung anong book sa Bible ang gagamitin sa Bible reading plan at maging batayan ng pag-uusap sa mga susunod na meetings ng fight club. Pwede ring gumamit ng isang Bible study series o isang gospel-centered Christian book, depende sa pangangailangan ng inyong grupo.

Ano ang ginagawa sa meeting ng isang fight club?

Ang goal ng isang fight club ay maging “gospel-centered” o “Christ-centered” ang nabubuong disciplemaking relationships. Ibig sabihin, iniiwasan nating sarili natin ang maging focus, kung nagtatagumpay ba tayo o hindi. Sa halip, ang focus ay kung paanong si Jesus ay nagtagumpay para sa atin, kung ano ang natapos na niyang ginawa para sa atin at kung paanong sa bawat sandali ay kailangan natin ang kanyang tulong. Kaya sa bawat pagtitipon, bawat isa ay bibigyan ng pagkakataong masabi ang kanyang praises (1), confession (2) at plan for obedience (4). Ang mga kasama niya naman sa grupo ay tutulungan siya sa pagpapaalala ng gospel (3) at sa bahagi ng prayer (5).

1. Praises

Ang sentro ay ang Diyos, hindi tayo. Sabihin mo sa grupo ang tungkol sa kadakilaan at kabutihan ng Diyos.

  • Word of God. Sa napagkasunduan basahin, paano mo mas nakilala ang Diyos
  • Works of God. Sa buhay mo ngayon – sa pagpapala mang natatanggap mo o sa mga pagsubok na pinagdaraanan mo – paano nagpapakilala ang Diyos sa iyo?

2. Confession

Magkasundo na anumang ibabahagi dito ay “confidential” – hindi pwedeng sabihin kahit kanino. Mahalaga ito para maging “safe place” ang fight club at manatili ang tiwala n’yo sa isa’t isa. Ano ang dapat i-confess?

  • Specific sins. Anu-anong mga kasalanan ang nagawa mo (historic sins) na di mo pa nasasabi sa iba? Ano naman ang mga kasalanang patuloy na nilalabanan mo?
  • “Righteousness.” Anu-anong “mabuting gawa” ang ginagawa mo nang may makasariling intensyon at sa sariling paraan o mga gawang pinagtitiwalaan mo sa halip na si Cristo?
  • Unbelief. Paanong ang mga kasalanang ito ay nagpapakita ng kakulangan ng pagtitiwala mo sa mga pangako ng Diyos at sa kasapatan ni Jesus para sa iyo?

3. Gospel

Kailangan nating ipangaral ang “gospel” o Mabuting Balita sa isa’t isa. Ito ang tanging solusyon sa “masamang balita” ng kasalanang nilalabanan natin araw-araw.

  • Gospel Story. Ano ang ginawa ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ni Jesus para pagtagumpayan ang kasalanan?
  • Gospel Identity. Sino ka na ngayon dahil sa pakikipag-isa mo kay Cristo? Ano na ngayon ang turing at pagtrato sa iyo ng Diyos?
  • Gospel Promises. Anu-anong mga pangako ng Diyos (na gagawin o ibibigay niya) ang dapat mong panghawakan.

4. Obedience

Kung pinanghahawakan mo ang mga gospel truths na narinig mo, ano ang mga praktikal na hakbang na gagawin mo para labanan ang kasalanan at makapamuhay nang may kabanalan at pagsunod sa Diyos?

5. Prayer

Ipanalangin na ang mga kasinungalingang pinaniniwalaan niya ay mapalitan ng katotohanan (truth); na ang puso niyang naghahanap ng pag-ibig sa ibang tao o sa mga bagay sa mundo ay mahumaling sa pag-ibig (love) ng Diyos sa kanya; at bigyan siya ng Espiritu ng kapangyarihang (power) labanan ang kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos.

Sama-sama tayo at tulung-tulong sa labang ito. Nasa panig natin ang Diyos, walang sinumang makakapanaig sa atin. Sabihin mo sa iba ang ginagawa ng Diyos sa fight club n’yo. hikayatin mo sila at tulungan ding magkaroon ng fight club. Hindi tayo susuko, lalaban tayo hanggang katapusan, hanggang bumalik na ang Panginoong Jesus, at masasabi nating…

I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith. Henceforth there is laid up for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous judge, will award to me on that Day, and not only to me but also to all who have loved his appearing (2 Timothy 4:7-8 ESV).

 

downloadpdf

2 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.