…change is something God intends his people to experience together. It’s a corporate goal. What God does in individuals is part of a larger story of redemption that involves all of God’s people through the ages. (Paul Tripp, How People Change, p. 77)
Being involved with people is time consuming, messy, and complicated. From our point of view it is inefficient, but from God’s point of view it is the best way to encourage growth in grace. Our value system collides with God’s, but his means for bringing about change in us is best. That means we will have to make time for these kinds of friendships to emerge and grow. (Paul Tripp, How People Change, p. 83)
Introduction | Part 1 | Part 2
Fight Clubs
Last week, nakita natin kung paano labanan ang kasalanan at paano magiging tulad tayo ng Panginoong Jesus. Nilalabanan natin ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, para mapalitan ang mga sinful, selfish desires natin ng nag-uumapaw na pag-ibig sa Diyos. Pangalawa, sa pamamagitan ng katotohanan ng Krus, o ng gospel, o ng natapos nang ginawa ni Jesus para sa atin, may bago na tayong identity at pinanghahawakan natin ang mga pangako niya para sa atin. Pangatlo, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritung nasa atin. Father, Son, Holy Spirit – buong Trinity ang kailangan natin sa labang ito. At sinabi ko na meron pang pang-apat – kailangan natin ang isa’t isa, ang iglesya, magkakapatid kay Cristo, para tulung-tulong dito.
Pero hindi ito mangyayari kung member lang tayo ng church o dumadalo sa mga pagtitipon. Dapat intensiyonal tayong nagtutulungan. Kailangan natin ng Fight Clubs. Unang naranasan ko ang ganitong intimate setting sa Living Waters – isang ministry, discipleship program para sa healing sa ating mga sexual and relational brokenness. Doon ay natuto akong aminin ang mga struggles ko at tumanggap ng words of blessing galing sa Panginoon at panalangin sa mga kasama ko sa grupo. Halos anim na buwan kong naranasan iyon. Tapos nitong mga nakaraang dalawang buwan. Nagsimula kami ng Fight Club kasama ang ibang young pastors sa district natin. Doon din namin naiopen ang mga struggles na hindi namin basta-basta masasabi sa iba. Last December, naishare ko ang tungkol dito sa mga leaders ng church sa retreat, at nagkaroon ng pagkakaisa na kailangang-kailangan natin nito. Kailangan ko, kailangan n’yo, kailangan nating lahat.
Ano ba ang “Fight Club”? Ito ay isang grupo ng tatlo (o apat) na puro lalaki o puro babae na regular na nagkikita (once a week o twice a month) para maibahagi ang ginagawa ng Diyos sa kanilang buhay, ipinagtatapat ang mga pinaglalabanang kasalanan, tulung-tulong na ituon ang paningin kay Cristo (gospel-centered) at nananalangin sa isa’t isa para sa kapangyarihan ng Espiritu para maging tulad ni Cristo. Next week pag-uusapan nating maigi iyan kung anong ginagawa sa isang Fight Club. Pero ngayon, pag-usapan muna natin, “Why Fight Together” o bakit natin kailangan ng Fight Club.
Various Responses
Kasi maaaring ang iba sa inyo sabihin, “Hindi ko kailangan iyan.”
Sasabihin ng iba, “Ang importante ay ang relasyon ko sa Diyos.” Tama ngang iyon ang pinakamahalaga. Pero mali namang isiping iyon lang iyon. Kasi kung lumalalim ang relasyon mo sa Diyos, nag-uumapaw ito sa relasyon sa iba. Ang pag-amin sa kasalanan o confession ay hindi lang sa Diyos ginagawa (1 John 1:9) kundi sa isa’t isa din – “Confess your sins to one another” (James 5:16). Hindi natin pwedeng gawing pribado ang relasyon sa Diyos.
Sasabihin naman ng iba, “Hindi naman ako nagiistruggle ng tulad ng iba.” Talaga lang ha? Hindi lang naman sexual sins pinag-uusapan dito. Kung ganoon ang dahilan mo, ibig sabihin, you’re struggling with dishonesty, pride, self-righteousness, na akala mo kasi mas higit ka sa iba. Ang laban natin sa kasalanan ay laban sa lahat ng uri ng kasalanan. Lahat.
Baka sabihin naman ng iba, “Marami na naman akong friends na lagi kong nakakausap.” Pero hindi ba’t marami sa relationships natin ay superficial. Halimbawa, 1000 friends mo sa Facebook! O marami ka ngang kakilala sa church natin. Pero ilan ba ang napagsasabihan mo ng laman ng puso mo, ng mga struggles mo? Hindi ba’t karamihan sa mga usapan natin ay tungkol sa mga bagay na hindi naman talaga life-giving o life-changing?
Alam ko din na marami sa inyo ang naiisip tungkol dito, Kailangan ko iyan. Pero meron lang humahadlang sa atin para maghanap ng iba na tutulong sa atin na intensiyonal at regular basis. Sasabihin ng iba, “Kaso nga lang nakakahiyang malaman ng iba ang mga kasalanan ko.” Ayaw mo sigurong malaman ng iba ang struggles mo kasi kapag nalaman nila baka maapektuhan ang pakikitungo sa iyo. Pero hindi ba’t mas mararamdaman mo nga ang love and acceptance kung kilalang-kilala ka at sa kabila ng mga iyon ay mahal at tanggap ka pa rin?
Ang iba naman, “Kaso kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.” Iniisip mo siguro kung ano ang pwedeng mangyari. Baka itsismis ka. O naranasan mo nang traydurin ka ng kaibigan mong napagsabihan mo ng sikreto mo. Hirap ka ngayong magtiwala sa ibang tao. Pero ganoon naman ang nature ng love, it is willing to take risks. Yes, this is risky. Pero kailangan.
Ang iba naman, “Kaso masyado na akong busy ngayon.” Lahat naman tayo busy. Pero nilalagyan natin ng oras ang mga bagay na importante sa atin. May mga oras nga tayo na nilalaan sa mga di-importante. Pwede naman nating bawasan ang FB, ang TV, ang haba ng tulog para paglaanan ng bagay ang mga importante sa buhay natin. Ang laban sa kasalanan ay seryoso, di natin dapat pabayaan. Di natin kayang mag-isa. We make time for others to help us and give time for others para matulungan sila.
Ang prayer ko, masabi n’yo, “Kailangan ko iyan. Fight Club na!” Na magsisimula kang ipanalangin sa Diyos kung sino ang makakasama mo. Na lalapitan mo sila at tatanungin kung pwede mo silang kasama sa Fight Club.
Why we need others in this fight
Sabi ni Paul Tripp (How People Change, p. 77):
…change is something God intends his people to experience together. It’s a corporate goal. What God does in individuals is part of a larger story of redemption that involves all of God’s people through the ages.
Ayaw nating humingi ng tulong sa iba at tumulong sa iba sa laban sa kasalanan, kasi hindi tama ang pagtingin natin sa sariling nating nakapaloob sa Story of God – ibig sabihin di rin sapat ang pagkakilala natin sa Diyos, sa kasalanan, sa pagliligtas ni Cristo, at sa Iglesya na siyang templo ng Espiritu (1 Cor. 3:16, “…kayo’y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu”).
1. The Trinitarian Nature of God
Kailangan natin ng tulong ng church dahil sa pamamagitan ng relasyon sa iba mas mabibigyan natin ng karangalan ang Diyos. Bakit? Tulad nga ng nakita natin last week, ang ating sanctification o fight against sin at transformation ay Trinity project – pinili tayong mahalin ng Diyos Ama, tinubos tayo at pinatawad at binigyan ng lahat ng espirituwal na pagpapala dahil kay Cristo ang Anak ng Diyos, at tayo’y tinatakan, at binibigyan ng kapangyarihan ng Espiritu na labanan ang kasalanan hanggang sa pagbabalik ng Panginoon. Kitang-kita ang pagtutulungang ito sa Ephesians 1:3-14 at sa panalangin ni Paul sa kanila sa 3:14-19.
Sinasabi ni Pablo na dahil dito, mas mabibigyan natin ng karangalan ang Diyos kung lalabanan natin ang kasalanan kasama ang church at di natin sosolohin. “…sa pamamagitan ng iglesya ay maipakilala… ang walang hanggang karunungan ng Diyos…” (Eph. 3:10). “…sa kanya ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo Jesus magpakailanman! Amen” (v. 21). Iniligay tayo ng Diyos sa iglesya – at di nag-iisa – para mabigyan siya ng karangalan. Di ba’t nilikha tayo ayon sa kanyang larawan (Gen. 1:27)? Ibig sabihin, sa larawan ng Diyos “in community.” Kasi di naman nag-iisa ang Diyos, tatlong persona siya. Isang Diyos. Pero di nag-iisa. Iyon din ang gusto niya sa atin. Isang Katawan, pero di nag-iisa, kasi sama-sama sa laban sa kasalanan. “May iisang katawan (church!) at iisang Espiritu, tulad ng may iisang pag-asa nang kayo’y tawagin ng Diyos. Tayo’y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, iisang Diyos at Ama nating lahat” (Eph. 4:4-6).
We fight together for God’s glory and for God’s image in us because we know we can’t do it alone. We need the church. “But you are a chosen people, a royal priesthood, a holy nation, God’s special possession, that you may declare the praises of him who called you out of darkness into his wonderful light” (1 Pet 2:9 NIV). Kung sinasabi mong di mo kailangan ang church sa labang ito, sinasabi mo ring di mo kailangan ang Diyos. Sabi ni Tim Keller (Center Church):
While there is only one God, within God’s being there are three persons – Father, Son, and Holy Spirit – who are all equally God and who have loved, adored, served, and enjoyed one another from all eternity. If God were unipersonal, then he would have not known love until he created other beings. In that case, love and community would not have been essential to his character; it would have emerged later. But God is triune, and therefore love, friendship, and community are intrinsic to him and at the heart of all reality. So a triune God created us, but he would not have created us to get the joy of mutual love and service because he already had that. Rather he created us to share in his love and service.
2. The Purpose of the Cross
Kailangan natin ang church – mga kapatid kay Cristo – sa labang ito dahil ang layunin ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus ay para tubusin tayo at buuin ang kanyang iglesya. Siya ang Ulo nito. “Ang iglesya ang katawan at kapuspusan ni Cristo” (Eph. 1:23). Tayong lahat ay bahagi ng kanyang katawan. Ito ang ibig sabihin ng bautismo natin. “Tayong lahat ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan” (1 Cor 12:13 ESV). Ibig sabihin, kung di tayo makikiisa sa iba sa laban sa kasalanan, tinatanggihan natin ang layunin ni Jesus kung bakit siya namatay para sa atin.
Sabi ni Pablo, para tayong isang gusali na si Cristo ang panulukang-bato (cornerstone). Dahil doon, “sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu” (Eph. 2:20-22). Mapagtatagumpayan natin ang laban sa kasalanan kung makikiisa tayo sa ibang kapatid kay Cristo.
Tulad ng paaalala ni Pablo sa mga pastor sa Efeso, tayo “ang iglesya ng Diyos na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak” (Acts 20:28). Sinabi naman niya kay Tito na si Cristo ang “ating dakilang Diyos at Tagapagligtas…Inihandog niya ang kanyang sarili upang palayain tayo sa lahat ng kasamaan at linisin tayo upang maging bayan niyang masigasig sa paggawa ng mabuti” (Titus 2:13-14). Binabastos natin ang dugo ni Jesus kung sinasabi nating di natin kailangan ang iba. Pinararangalan naman natin ang mahalagang pagtubos ni Jesus sa atin kung sasabihin nating, “Yes! Kailangan ko ang iba sa laban sa kasalanan.”
3. Sin as Self-Centeredness
Sa mga nagsasabing di nila kailangan ang iba sa laban sa kasalanan, di lang nila di nauunawaan ang pagiging “Trinity” ng Diyos o ang layunin ng pagparito ng Panginoon, di rin nila nauunawaan ang bigat ng kanilang kasalanan. The effect of sin is broken relationships. Sira ang relasyon natin sa Diyos. Kaya tulad nina Adan at Eba, nagtatago tayo sa kanya o tinatakpan natin ang kahihiyan natin. Sira din ang relasyon natin sa mga tao – pamilya, kaibigan, asawa, officemates, etc, tulad nina Adan at Eba na sa simula pa lang ay nagsisihan na.
Ang kasalanan natin ay ang pagiging makasarili – we love ourselves! Kaya nga ang first commandment ay “love God with all your heart” at ang pangalawa ay “love your neighbor as yourself.” Inililigtas tayo ng Panginoon sa ating sarili na mahal na mahal natin kaya napapabayaan natin ang relasyon natin sa iba. Ganito ang sabi ni Paul sa mga taga-Corintong nag-aaway-away, sa halip na they fight together against sin, they were fighting against each other:
Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos. Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit kayo’y pinatawad na sa inyong mga kasalanan at ginawa na kayong banal ng Diyos. Pinawalang-sala na rin kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos (1 Cor. 6:9-11).
Kung di ka makikiisa sa iba sa laban sa kasalanan, you’re just feeding your self-centeredness. Kasi sa tingin mo di mo kailangan ng iba, tingin mo di ka rin kailangan ng iba. “At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito” (Gal. 5:24).
4. The Church for Spiritual Transformation
Tandaan natin, iniligay tayo ng Diyos sa isang iglesya para sa relasyon sa iba. Kasi alam ng Diyos na kailangan natin ang relasyon sa church para sa ating transformation. Hindi mo pwedeng sabihing puspos ka ng Espiritu kung umiiwas ka sa iba. Kasi ano ba ang bunga ng Espiritu? “Pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili” (Gal. 5:22-23). Hindi mo siya mapapractice kung iiwas ka sa church. At kung puspos ka ng Espiritu (Eph. 5:18), anong epekto nun? You are “addressing one another in psalms and hymns and spiritual songs, singing and making melody to the Lord with your heart, giving thanks always and for everything to God the Father in the name of our Lord Jesus Christ, submitting to one another out of reverence for Christ” (Eph. 5:19-21 ESV).
Sinasabi din ni Paul sa Efeso 4:25 – 5:5 na mahuhubad lang natin nang tuluyan ang kasalanan kung bibihisan natin ang sarili natin ng pag-ibig sa iba. Huhubarin ang pagsisinungaling at magsasabi ng totoo sa isa’t isa. Huhubarin ang pagnanakaw at magbibihis ng pagsisikap sa trabaho at pagtulong sa nangangailangan. Huhubarin ang masasamang salita at magsasalita ng mapapakinabangan ng iba. Huhubarin ang sama ng loob at galit at magbibihis ng kabaitan, awa, pagpapatawad. Huhubarin ang malaswang pananalita at magbibihis ng pasasalamat. Magagawa nating lahat iyan kung may intensiyonal tayong koneksyon sa mga kapatid natin, at hindi kung umiiwas tayo.
Marami sa mga utos ng Diyos ay may kinalaman sa relasyon natin sa isa’t isa o iyong “one another” commands. Kung ikaw ay nasa isang Fight Club, mas intensiyonal mong magagawa ang mga iyon.
Ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa’t isa (James 5:16).
Magpaalalahanan kayo araw-araw…upang walang sinumang madaya sa inyo ng kasalanan at sa gayo’y maging matigas ang puso (Heb. 3:13).
Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa (Gal. 6:1-2).
Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon (Heb. 10:24-25).
Ang salita ni Cristo’y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa’t isa nang may buong karunungan (Col. 3:16).
Kung wala kang Fight Club, paano mo magagawa ang mga ito on a regular basis?
We Need Fight Clubs!
Gagawin natin ang Fight Clubs sa church para bigyang karangalan ang Diyos, para parangalan ang ginawa ni Jesus para sa kanyang iglesya, para seryosohing labanan ang pagiging makasarili natin at para tulung-tulong tayong maging kawangis ng Panginoong Jesus. Paul Tripp in How People Change (p. 83):
Being involved with people is time consuming, messy, and complicated. From our point of view it is inefficient, but from God’s point of view it is the best way to encourage growth in grace. Our value system collides with God’s, but his means for bringing about change in us is best. That means we will have to make time for these kinds of friendships to emerge and grow.
Sa pangunguna ni Ate Judith, nasimulan ang ganitong kultura sa mga kabataan natin. Nakita nila kung bakit kailangan ang ganitong klaseng grupo na kabilangan ng bawat isa sa atin:
It touches the very core of me.. It’s not just a simple how are you but a deeper meaning of the word how are you? So every time they ask me how am I doing? I know it’s not just simple how are you but how are you fighting your struggle. And it can be freely out with emotions with the person that I shared my struggle with. And I thank God with the people that I shared my struggle with, because we have deeper relationship now better than before.
para po sakin ,, simula nung nag-open ang isa’t isa sa mga naging struggles namin naging malaki yung epekto nito sa bawat isa kasi dito nag start yung pagiging totoo, yung malalim na pagkakaibigan at yung pagtitiwala at yung pagkakamustahan merong malalim na dahilan yun e, hindi basta “hi o hello” lang. tsaka yung pag nag open ka sa kanila wala na yung takot mo na baka hindi ka nila pakinggan o kaya baka ireject ka nila… sa fellowship naman nandun yung saya pag nagkita ang bawat isa nandun yung kulitan at asaran. Sa pag papaalalahanan nakakatuwa at nakakabless kasi marerecive mo yung text nila na sasabhin sayo. “pinag pray kita at ang family mo.” Kaya sobrang nakakabless dahil sa pagshare namin ay mas naging malalim kami kay Lord.
kasi dito sa group mas kayang ishare lahat ng mga struggle & happiness na nangyayri at yung sinabi eh confidential s group..
Itong groupo ang totoo sa isa’t-isa na hindi ka kuquestionin sa kasalanan mo at pakikinggan ka talaga nila at ipapanalangin. Hindi ka rin hahayaan na magpatuloy sa struggle mo sa kasalanan kundi i-rerebuke ka din nila para tulungan kang marealized mo na ‘magkaroon ng takot sa Dios’. Hindi lang siya groupo o samahan na puro kasiyahan kundi mga totoong kapatid ko kay Kristo na nagmamahal.
…in our group God has made us strong when we’re together. God makes us comfortable out of our comfort zone. I am thankful for everyone’s humility and honesty in the group and how God is able to change each one of us as we acknowledge how weak we are on our own and how much we need Jesus as our Savior. I really see how God is able to change someone to live a holy life, set apart for Him. Personally, after my sharing in our group, God has worked to deliver me from my sins. I soon find it easy to be of service to Him and to others experiencing victory from my sin. I’m happy to serve not having to feel guilt of any hidden and unconfessed sin to my family in Christ. God has also made me bolder in speaking in His name. I see God’s hand to be at work in me and in others when I talk with them about their hearts before God…God is able to deliver us all from our sins.
Tulad ko at ng mga kasama kong pastor sa Fight Club namin, at tulad ng mga kabataang nagsabi nito, ang prayer ko, masabi n’yo, “Kailangan ko iyan. Fight Club na!” Na magsisimula kang ipanalangin sa Diyos kung sino ang makakasama mo. Na lalapitan mo sila at tatanungin kung pwede mo silang kasama sa Fight Club. At tulad ng sabi ni Paul Tripp, “Make time for these kinds of friendships to emerge and grow.” At dahil baka naman sabihin n’yo, “Alam ko kailangan ko iyan. Kaso hindi ko alam kung anong gagawin, kung paano,” iyan naman ang pag-uusapan natin sa susunod na linggo: “How to Fight Together.”
7 Comments