Part 26: Inside Out (Luke 11:37-54)

Part 26 - Inside Out

Listen

***If the player is not working, click this.

Resources

mp3_filepdf_fileunnamed

Not Mere External Obedience (37-38)

May bisita kaming darating. Ilang minuto na lang darating na. Naku, nakatambak pa ang mga damit at iba pang kalat sa living room namin. Anong gagawin namin? Nakakahiya namang may bisita tapos marumi ang bahay. Siyempre, hahakutin ang lahat ng kalat, ilalagay sa isang kuwarto at isasara ang kuwarto para di makita. Sounds familiar? Ibig sabihin ba nakapaglinis na kami ng bahay? Hindi pa. Naitago lang ang mga marurumi.

Karaniwan ganyan ang approach natin sa obedience. Totoo nga ang tulad ng sermon natin last week na “Higit na mapalad ang mga nakikinig (hindi lang nakikinig!) at sumusunod sa salita ng Diyos” (Luke 11:28). Pero ibig sabihin ba noon na komo nagbibigay ka ng ikapu, nagbabahagi ng ebanghelyo, nagsisikap na maging mabuting magulang sa mga anak mo, minamahal at iginagalang ang asawa, sumusunod sa mga magulang – kung nagawa mo bang lahat iyon ay ibig sabihing “sumusunod sa salita ng Diyos”? Pwedeng oo, pwede ring hindi.

Ang issue kasi dito ay motivation, ang tamang hangarin ng puso natin, hindi lang ang panlabas na nakikita ng mga tao. Mas madali kasi nating malinis ang nasa labas kesa nasa loob. Ganitong ang nangyaring sumunod, “Pagkatapos magsalita, si Jesus ay inanyayahan ng isang Pariseo upang kumain sa bahay niya. Nagpaunlak si Jesus at dumulog sa hapag. Nagulat ang Pariseo nang makita niyang si Jesus ay hindi muna naghugas ng kamay bago kumain” (vv. 37-38). Ito kasing mga Pariseo marami silang ritwal para maging “malinis” – ceremonial cleansing. At iyon ang nagiging focus nila. Kaya laking gulat ng lalaking ito nang makita niyang si Jesus di sumusunod sa tradisyon nila. Kasi naman, sa pagdating ni Jesus, gusto niyang linisin lahat, lalo na ang nasa puso ng isang tao, hindi lang maging pino ang behaviors natin.

Obedience from the Inside Out (39-41)

At dahil si Jesus ang “Panginoon,” kahit na itong Pariseo ang “host,” si Jesus ang masusunod kung ano ang ibig sabihin ng pagiging malinis o tamang pagsunod. Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Pariseo, hinuhugasan ninyo ang labas ng baso at ng pinggan, ngunit ang loob ninyo’y punung-puno ng kasakiman at kasamaan” (v. 40). This is hypocrisy (12:1), pagpapanggap. Akala ng mga tao, malinis sila, pero ang totoo, marumi ang puso nila.

Ang pagiging “artista” sa pagka-Cristiano ay “foolishness” dahil ipinalalagay natin na ang nakikita ng mga tao ay mas mahalaga kesa sa nakikita ng Diyos. Sabi ni Jesus, “Mga hangal! Hindi ba’t ang lumikha ng nasa labas ang siya ring lumikha ng nasa loob” (v. 40)? Sabi ni Samuel, “For the LORD sees not as man sees: man looks on the outward appearance, but the LORD looks on the heart” (1Sa 16:7 ESV). Pero bakit nga mas concern pa tayo sa appearance natin? Sa makikita ng mga tao sa atin?

Hindi ba dapat na sa halip na ang pag-igihan nating siguraduhing malinis ang panlabas natin ay tiyakin nating malinis ang puso natin? At kung ano ang laman ng pusong ito ay iyon naman ang ialay natin sa Diyos sa pagsamba at paglilingkod sa kanya. Kaya sabi pa ni Jesus sa verse 41 (bagamat medyo iba-iba ang pagkakasalin dito, sa literal ay ganito), “But give as alms those things that are within, and behold, everything is clean for you” (ESV). Sabi sa ilang salin ibig sabihin, “Magbigay sa mahihirap nang galing sa puso…” Pero pwede ring ibig sabihin na “ilimos natin sa Diyos ang laman ng ating puso…” Ibig sabihin, ialay natin hindi ang mga panlabas na ginagawa natin kundi ang damdamin nating umiibig at nagtitiwala sa kanya. That’s inside-out obedience.

Pharisaic Obedience (vv. 42-52)

Dahil kung hindi, balewala ang lahat ng pagsisikap natin na sumunod sa mga utos ng Diyos. Tulad din ito ng sa Pariseo na sinabi ni Jesus sa Mateo 5:20 na kung ang righteousness natin ay hindi hihigit sa righteousness ng mga Pariseo (na puro panlabas lang), di tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ibig sabihin, mananatili tayo sa labas ng kaharian at sa ilalim ng parusa ng Diyos. Kaya nga anim na “woes” ang binanggit ni Jesus sa vv. 42-52, na nakakaawa ang sasapitin ng mga taong tulad ng mga Pariseo na puro panlabas lang ang pagsunod.

Bakit ganoon na lang ang nakaabang na parusa ng Diyos sa mga Pariseo at ang pagsunod ay tulad ng sa kanila? Wala man lang bang kaunting puntos iyon o pakunswelo man lang? Ang ganoon kasing klase ng pagsunod ay masama sa paningin ng Diyos – evil, wicked, dahil ito ay…

1. Heartless: Walang pusong pagsunod (v. 42)

“Kahabag-habag kayong mga Pariseo! (Bakit? Dahil…) Ibinibigay ninyo ang ikasampung bahagi ng yerbabuena, ruda, at iba pang halamang panimpla sa pagkain, ngunit kinakaligtaan naman ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Dapat lamang na gawin ninyo ito ngunit hindi dapat kaligtaan ang mas mahahalagang bagay” (v. 42).

Nakalagay sa kautusan ang pag-iikapu ng mga kinikita. At kahit na di naman tahasang sinabi na dapat tayo ngayong mga Christians ay nag-iikapu din, mainam nga namang gawin para ang puso natin ay maging mapagbigay. Magandang practice ito ng mga Judio, kaso itong mga Pariseo, sobrang concern sa details. Pati iyon bang maliliit na halaman, iniikapu din nila. Hindi naman masama iyon. Kaso nga lang, sabi ng Panginoon, nakakaligtaan nila ang higit na mahalaga. Ano iyon? Ang katarungan o ang pag-ibig sa kapwa at pag-ibig sa Diyos. Hindi ba’t ito ang una at ikalawang pinakamahalagang utos na sumasaklaw sa lahat ng iba pang utos?

Sinasabi ng Panginoon na itong mga Pariseo ay concern lang sa mga obligasyon nila sa relihiyon ngunit ang puso naman nila ay walang pag-ibig sa kapwa at sa Diyos. From the heart dapat ang pagsunod sa mga utos ng Diyos. Sabi ng Panginoon, “If you love me, you will obey my commands.” Anuman ang ginagawa natin ay dapat na expression of love for God and others.

Halimbawa nga sa pagbibigay, ang iba nagtatanong pa kung biblikal ang 10%, at kung 10% daw ba ng gross o net income. Pero sa halip na pagtalunan ito at pagdebatehan pa, bakit di natin tanungin ang sarili natin: “Anong bahagi ng aking kinikita ang ibibigay ko bilang pagpapakita ng pagsamba ko sa Diyos na nagbigay nito at pag-ibig ko sa church at sa mga taong di pa nakakakilala kay Cristo?” Siguradong sobra-sobra pa sa 10% ang maibibigay mo!

At siyempre hindi lang pagbibigay ang pinag-uusapan natin dito, kundi sa lahat ng iniutos sa atin ng Panginoon. Ang ugat ng ating pagsunod ay ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

2. Popular: Pampasikat na pagsunod (v. 43)

“Kahabag-habag kayong mga Pariseo! Mahihilig kayo sa mga upuang pandangal sa mga sinagoga, at ibig ninyong pagpugayan kayo sa mga palengke” (v. 43). Sumusunod sila sa mga utos na panrelehiyon, dumadalo sa pagsamba sa sinagoga o bahay-sambahan, nagtuturo sa mga tao, gumagawa ng mabuti, pero pampasikat lang, para maging popular lang, para mapalakpakan at mabati at mapansin ng mga tao. They were not thinking of pleasing God. They were thinking of pleasing men. Hindi concern kung aprubado sa Diyos ang ginagawa nila, basta aprubado sa mga tao, OK na sila doon. They were doing these things for the glory of their name, not for the sake of the name of God. That’s why it’s evil!

Hindi dapat ganito ang mga tagasunod ni Jesus. We are servants or slaves of Jesus our Master. Hindi tao ang pinaglilingkuran natin kundi ang Panginoong Jesus. Sabi nga ni Pablo, “Bakit ko sinasabi ito, dahil ba sa nais kong mapuri ng tao? Hindi! Ang papuri lamang ng Diyos ang tangi kong hinahangad. Sinisikap ko bang magbigay-lugod sa tao? Hindi! Kung iyan ang talagang hangad ko, hindi na sana ako naging alipin ni Cristo” (Gal. 1:10 MBB).

Halimbawa, tayong mga naglilingkod, tumutugtog, nagpapaawit, nangangaral, nananalangin, nagtuturo at nakaharap sa maraming tao. Maganda nga naman ang ginagawa natin. Pero mas hangad ba talaga nating ang papuri ay sa Panginoon o siyang-siya tayo kapag pinupuri tayo ng mga tao? Ang ugat ng ating pagsunod ay ang pagnanais na maparangalan ang Diyos nang higit sa lahat.

3. Deceitful: Nakakalokong pagsunod (v. 44)

“Kahabag-habag kayo sapagkat para kayong mga libingang walang tanda kaya’t nalalakaran ng mga tao nang hindi nila namamalayan” (v. 44). Ang mga Judio kasi, nilalagyan ng tanda ang mga libingan para malamang libingan iyon, hindi pwedeng hawakan o lapitan dahil ang paglapit sa patay ay makapagpaparumi sa kanila, ceremonially speaking. At kapag “marumi” di sila maaaring makalapit sa Diyos sa pagsamba. Sabi ni Jesus, parang silang mga libingang iyon na walang tanda kaya di alam ng mga tao na ang nilalapitan nila ay “marumi” kahit ang akala nila ay “malinis.” Marumi dahil malinis nga ang tingin sa panlabas, pero sa loob-loob naman ay parang naaagnas na bangkay.

Ito ang klase ng pagsunod ng isang taong nananatiling “spiritually dead.” Nakakalokong pagsunod, akala mo malapit siya sa Panginoon, pero ang totoo mas malapit siya sa impiyerno. Hindi ba’t madalas sabihin ng mga tao kapag may makita silang taong mabait o masunurin, “Ito sa langit ang punta nito.” Bakit? Paano mo nalaman? Hindi mo naman alam ang puso niyan. Ang pagsunod natin dapat ay sincere and honest. Hindi pakitang-tao lang. Hindi mapagkunwari. Ang ugat dapat nito ay isang pusong binago na ng Diyos, isang pusong pinananahanan na ng Espiritu. “And you shall know that I am the LORD, when I open your graves, and raise you from your graves, O my people. And I will put my Spirit within you, and you shall live…” (Eze 37:13-14 ESV).

Transition: Word for Us All, not just for Other People

Nakakatatlo pa lang tayo. By this time siguro nararamdaman n’yong hindi lang mga Pariseo o ibang taong nasa labas ng church ang pinag-uusapan natin dito. Mas madali sana at kumportable kung ganoon. Pero nararamdaman n’yong lahat tayo ay mas tendency na maging tulad ng mga Pariseo. May tatlo pa. Sinabi niya naman ito sa mga scribes o lawyers o law experts na isang espesyal na grupo ng mga Pariseo na ang trabaho ay mag-aral, magpaliwanag at magturo nitong mga Kautusan. Sinabi sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa sinabi ninyong iyan, pati kami’y kinukutya ninyo” (v. 45). Oo, pati sila pinatatamaan. Oo, pati tayo rin pinatatamaan. Bakit sila din?

4. Cover-up: Panakip na pagsunod (47-51)

“Kahabag-habag kayo! Ipinagpapatayo pa ninyo ng magagarang libingan ang mga propetang pinatay ng inyong mga ninuno. 48Sa gayon, kayo na rin ang nagpapatunay na sang-ayon kayo sa ginawa ng inyong mga ninuno, sapagkat sila ang pumatay sa mga propeta at kayo naman ang nagtatayo ng libingan ng mga ito. 49Dahil dito’y sinabi rin ng Karunungan ng Diyos, ‘Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; ang ilan ay papatayin nila at ang iba nama’y uusigin.’ 50Sa gayon, pananagutan ng salinlahing ito ang pagpaslang sa lahat ng mga propetang pinaslang mula nang likhain ang daigdig, 51magmula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambana at ng Dakong Banal. Oo, sinasabi ko sa inyo, mananagot ang salinlahing ito” (vv. 47-51).

Anong sinasabi ni Jesus dito? Hindi ibig sabihing pananagutan nila ang pagpatay sa mga tulad nina Abel at Zacarias. Ang punto dito ay para ipakita ang kalagayan ng puso ng tao sa buong panahon ng Old Testament – si Abel ang unang pinatay sa OT (Gen. 4). Si Zechariah naman ang huling naitala sa dulo ng Bible ng mga Judio – ang 2 Chronicles (24:20-21). Ibig sabihin, ang problema ng puso ng tao, na ayaw tanggapin ang katotohanan tungkol sa sarili nila tulad ni Cain at ng mga taong pumatay kay Zechariah, ay siyang problema pa rin ng mga tao sa panahon ni Jesus, hanggang sa ngayon. Ayaw nating tingnan ang puso natin. Pinagtatakpan na lang natin ng relihiyon, ng pagsisimba-simba at pag-involve sa ministries.

Pero di natin matatakpan iyon. Alam ng Diyos ang puso natin. Dapat nating ilantad sa kanya at magsisi at humingi ng tawad. Dahil ang pagsunod ay nag-uugat sa isang pusong umaamin sa kasalanan at tumatalikod dito.

5. Burdensome: Nakakabigat na pagsunod (v. 46)

Balikan natin ang unang sinabi ni Jesus sa kanila, “Kahabag-habag din kayo, mga dalubhasa sa kautusan! Pinagpapasan ninyo ng mabibigat na dalahin ang mga tao, ngunit ni daliri ay ayaw ninyong igalaw upang matulungan sila” (v. 46). Ang mga mabibigat na dalahin dito ay iyong mga kautusan at mga idinaragdag nilang tradisyon dito na sinasabing “dapat gawin iyon”, “di dapat gawin iyon.” Mabigat na ngang sundin, ni ayaw pa nilang tumulong sa mga tao para makasunod sa mga iyon.

Nagiging mabigat ang kautusan kung titingnan natin na ang disenyo nito ay para pahirapan tayo at sa pagsisikap natin ay makamit natin ang magandang buhay o ang pagpapala ng Diyos. Mabigat iyon! We cannot earn by mere effort the blessing of God.

Ang pagsunod kay Jesus at sa kanyang mga utos di dapat maging kabigatan. Sabi ni Juan, “For this is the love of God, that we keep his commandments. And his commandments are not burdensome” (1Jo 5:3 ESV). Sabi mismo ni Jesus, “For my yoke is easy, and my burden is light” (Mat 11:30 ESV). Kaya dapat galing ito sa pusong masayang nagtitiwala na ibinigay ng Diyos ang mga utos para sa ikabubuti natin. Na masabi natin tulad ni Haring David, “I delight to do your will, O my God; your law is within my heart” (Psa 40:8 ESV).

Halimbawa, sa parenting seminar last Friday, mga non-Christians ang mga nandoon, pinalista namin sa kanila mga dapat at di dapat gawin ng isang tatay at nanay. Di sana mabigat gawin ang mga iyon kung inaalala nating ang mga iyon ay makakabuti sa relasyon ng mag-asawa at sa kanilang pamilya. Pero nagiging mabigat kasi wala namang power ang mga nanay na iyon na baguhin ang asawa nila pati nga ang sarili nila.

Kung ang pagsunod ay nag-uugat sa isang pusong masayang nagtitiwala na ang mga utos ng Diyos ay para sa ating ikakabuti, paano magtitiwala ang puso nila sa Diyos kung di naman nila nakikilala ang nag-iisang makapagbabago sa kanila – walang iba kundi si Jesus! Ito ang problema ng mga scribes and Pharisees sa kanilang pagsunod, at problema ng maraming mga relihiyoso ngayon – wala sa sentro si Cristo.

6. Christ-less: Pagsunod na hiwalay kay Cristo

“Kahabag-habag kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinagkakait ninyo ang susi ng kaalaman. Hindi na nga kayo pumapasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga ibang nais pumasok” (v. 52). Itinuturo nila sa mga tao ang kaalaman tungkol sa kung anu-ano ang mga utos na dapat sundin at sinasabi nilang sa pagsunod sa mga utos ng Diyos ang isang tao makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ang problema, hindi nila ibinibigay sa mga tao ang susi ng pintuan sa kaharian ng Diyos. Dahil wala rin naman sa kanila ang susi. Sila di makakapasok sa kaharian ng Diyos, pati na ang mga taong sumusunod sa aral nila. “For I tell you, unless your righteousness exceeds that of the scribes and Pharisees, you will never enter the kingdom of heaven” (Mat 5:20 ESV).

Ano ba ang susi? Walang iba kundi si Jesus. Later on, pagkatapos na mabuhay muli si Jesus, ipinaliwanag niya sa dalawa sa mga disciples na siya ang susi para maunawaan ang kalooban ng Diyos na nakasulat mula kay Moises (Kautusan) hanggang sa mga Propeta (Luke 24:27). The Law, everything in God’s law, is designed to point us to Jesus (Gal. 3:24), na akayin tayo tungo kay Jesus, na makita nating kailangan natin siya dahil di tayo makasunod sa Diyos nang buong puso. Kung ang pagsunod natin ay di nag-uugat o nanggagaling sa isang pusong nagtitiwala kay Jesus na siya lang ang Tagapagligtas at hindi ang mabuting gawa natin, balewala iyon at kapahamakan lang ang dulot sa atin. Ang pagsunod ay nag-uugat sa isang pusong ang sentro ay si Jesus. That’s why at the end of our session sa parenting seminar, ikinuwento namin sa kanila ang Changed-Man Story (Mark 5:1-20) para makita nila na si Jesus lang ang pag-asa nila. At iyon din ang dapat matutunan ng lahat sa atin.

Jesus Our Righteousness (53-54)

Obviously, di magaan ang mga salitang binitawan dito ni Jesus. Pero kailangan ang mga iyon para magising ang mga pusong natutulog, para tamaan ang mga taong tingin nila ay OK na sila. Pero sa halip na tanggapin ang mga salita ni Jesus, anong ginawa nila pag-alis ni Jesus? “Mula noon, tinuligsa na siya ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga Pariseo at pinagtatatanong tungkol sa maraming bagay, upang masilo siya sa pamamagitan ng kanyang pananalita” (vv. 53-54). Maitim ang balak ng mga ito. Kahit ilampung bala ang pinaulan ni Jesus sa kanila, walang effect sa kanila. Matigas ang puso. At sa tigas ng puso, ipapapatay nila si Jesus. Dahil ayaw nilang si Jesus ang masunod, kundi ang sarili nila. Dahil sa tingin nila OK na sila, di na nila kailangan ng Tagapagligtas.

Ang gagawin nilang itong pagpatay kay Jesus, sa pakikipagsabwatan sa mga Romano para siya’y mapako sa krus, ay di katagumpayan ng plano nila. Kundi ng plano ng Diyos. Na ipinadala si Jesus para siyang sumunod sa lahat ng utos ng Diyos (Matt. 5:17) alang-alang sa atin na ang pagsunod ay di galing sa isang pusong nagmamahal sa Diyos. Kung mapapansin n’yo sa vv. 47-51 ng text natin, binabanggit ang mga pinatay na mga propeta bilang pagpapakita na rin na si Jesus ang Dakilang Propetang papatayin para tubusin tayo sa ating mga kasalanan at pakunwaring kabutihan.

Iyan ang mabuting balita para sa atin na nararamdaman ngayon (at dapat lang na maramdaman natin) na kahit ang best efforts natin sa obedience ay di man lang nakaabot at nakalugod sa Diyos. Dahil sa ginawa ni Jesus sa krus at sa ating pagkapit dito, meron na tayong bagong pusong umiibig sa Diyos, sa pagsunod di na natin kailangang magpasikat sa mga tao dahil alam nating aprubado na tayo sa Diyos, di na natin kailangang lokohin ang mga tao at we can be honest with our mistakes and imperfections, na di na natin kailangang pagtakpan ang mga pagsuway natin dahil tinakpan na ito ni Jesus, ang pagsunod ay di na kabigatan kundi kagalakan, ang pagsunod ay nakasentro na kay Cristo. Yan ang pagsunod ng bawat isang true disciple ng Panginoong Jesus.

Previous sermons

Part 25 - ObediencePart 24 - Two KingdomsPart 23 - A Disciple's Prayer

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.