Part 28: Givers (Luke 12:13-34)

Part 28 - Givers

Listen

***If the player is not working, click this.

Resources

mp3_filepdf_fileunnamed

Introduction

Magkano ang tinatanggap n’yo buwan-buwan (kita sa trabaho/negosyo o allowance n’yo)? Magkano naman dito ang ibinibigay n’yo sa church (tithes and offering, hindi pa kasali ang iba pang mga gifts na binibigay n’yo sa iba)? Ilang percent ito? Bakit ganoon kaliit o kalaki ang binibigay n’yo? Iba ang nararamdaman natin kung pera ang pag-uusapan. Pero ang number one reason  bakit hindi tayo nagbibigay ayon sa nais ng Diyos na ibigay natin at karaniwang desisyon natin ay kung ano ang gusto nating ibigay (iyon bang maluwag sa bulsa) ay hindi dahil sa economic reasons (“Mahirap kasi ang buhay ngayon. Medyo gipit. Kapag lumuwag-luwag na lang.”)

Kung papipiliin kayo sa dalawang seminars na ‘to, anong pipiliin n’yo – “How to double your money in 30 days” o “How to double your giving in 30 days”? Hindi economic o kalagayang pinansyal ang issue. Hindi sitwasyon o pana-panahon. The issue is the heart. “For where your treasure is, there will your heart be also” (Luke 12:34 ESV).

It’s not about the money. Concern ni Jesus hindi money matters, kundi heart matters. Nang tawagin niya si Pedro at kapatid niya, hindi niya tinuruan kung paanong dadami ang huhulihing isda. Kundi pagsunod sa kanya, iiwanan ang lahat. At gagawing fishers of men. Kay Matthew, hindi para magbigay ng diskarte kung paano makakakolekta ng malaking kumisyon, kundi sumunod sa kanya. Discipleship or following Jesus is a matter of the heart. Puso nating nakasunod sa kanya, sa kanyang misyon at sa mga bagay na mahalaga sa kanya.

Kaya nga nang may lumapit sa kanya na isang lalaki na tinawag siyang “Guro”, sinamantala niya iyon para ipakita na mali ang nasa puso niya, na ang heart attitude niya sa pera ay isang malaking hadlang sa pagsunod niya kay Jesus. Sinabi lalaki, “Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid ko na paghatian namin ang aming mana” (v. 13). Hindi natin alam kung anong eksaktong motivation ng lalaking ito. Pero obviously, hindi maganda. Maaaring nandoon ang greed o covetousness. Meron na siya, pero gusto pa niyang madagdagan at makakuha pa nang mas marami. Kaya sabi ni Jesus sa v. 15, “Be on guard against all kinds of covetousness.” O maaari din namang anxiety o fear. Kinakapos siya kaya nag-aalala siya sa kung ano nang mangyayari sa buhay niya kapag di niya nakuha ang parte niya sa mana. Kaya sabi ni Jesus sa mga disciples niya sa v. 22 at v. 32, “Do not be anxious…”

Anong sagot ni Jesus sa lalaki, “Sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo” (v. 14). Obviously, may greater concern si Jesus dito, hindi ang pera, kundi ang attitude ng lalaki sa pera. Jesus was on his way to Jerusalem to willingly and gladly offer his life for us. So habang naglalakbay siya kasama ang mga tagasunod niya, ito ang picture na gusto niyang ipakita. Na ang mga susunod sa kanya ay dapat handa na ibigay ang lahat – maging ang sariling buhay – para sumunod sa kanya at sa kanyang misyong abutin ang lahat ng lahi sa buong mundo. “…Kung hindi ninyo magawang talikuran ang lahat ng nasa inyo ay hindi kayo maaaring maging tagasunod ko” (Luke 14:33 ASD).

Kasama sa “lahat” na tinutukoy niya ay ang pera at anumang pag-aaring meron tayo. Oo nga’t magagamit ang pera para sa pagsulong ng misyon ng Panginoon, pero isa rin itong malaking balakid kung hindi natin magagapi ang kasakiman at kabalisahan sa puso natin. Hindi ba’t last week sa sermon ni Ptr. James sa Luke 12:1-12 narinig nating sinabi ni Jesus sa atin na huwag matakot sa mga taong maaaring pumatay sa atin, huwag mag-aalala sa sasabihin natin sa pangangaral ng salita ng Diyos kung usigin man tayo. Paano natin iaalay ang buhay natin sa kanya sa paglilingkod kung ang barya nga sa bulsa natin hirap na hirap tayong pakawalan?

Tingnan natin ngayon kung ano ang nasa ilalim o ugat ng dalawang ito at kung paano natin ito lalabanan para mawala ang pagkakagapos ng puso natin sa kasakiman at kabalisahan at maging malaya tayo sa pagsunod sa nais ng Diyos sa buhay natin – marami man o kaunti ang pera natin.

Greed/Covetousness

Unahin natin ang kasakiman. Babala ng Panginoon sa lahat sa atin, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman” (12:15 ASD). Na para bang isang makamandag na ahas na tutuklaw sa atin kung di tayo iiwas. Ano ba ang problema sa kasakiman o sa pagnanasang magkaroon pa ng mas maraming kayamanan? Yes, greed is a strong word. Kaya feeling natin hindi tayo “sakim,” si Napoles lang ang ganoon. Pero kung titingnan natin ang ugat nito, makikita natin na meron ding Napoles sa puso ng bawat isa sa atin, kahit nga sa mga anak nating maliliit pa (“Akin ‘to. Akin ‘to. Di sa yo yan.”). Tulad ng ahas na nagsabi ng kasinungalingan kay Eba na kanya namang pinaniwalaan, ang kasakiman ay nag-uugat din sa paniniwala sa mga kasinungalingan na may kinalaman sa tatlong pangangailangan ng tao.

Sustenance. Naniniwala tayo sa kasinungalingan na mas hahaba ang buhay natin kung marami tayong pera o ang sukatan ng buhay ng isang tao ay nasa dami ng kanyang pera. Pero taliwas iyon sa sinabi ng Panginoon, “Ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari” (v. 15). Kung ang buhay mo ay nasusukat sa dami ng pera mo, tulad ka ng lalaki sa ikinuwento ni Jesus sa vv. 16-18. Sobra-sobra ang ani niya. Pinag-isipan pa kung ano ang gagawin sa sobra. Hindi man lang naisip ang mga maraming taong nangangailangan. Nagpagawa pa siya ng mga bodega para di makawala ang mga ani niya. Sa isip-isip niya, “Akin lang ito. Kailangan ko ‘to sa mga susunod na araw. Para naman masabi ng iba na successful ako!”

Satisfaction. Ang akala din ng taong ito ay nakasalalay ang kanyang kasiyahan sa buhay sa dami ng kanyang pera. “At dahil marami na akong naipon para sa maraming taon, magpapahinga na ako, kakain, iinom at magpapakaligaya” (v. 19)! Wowowee, pasarap ng buhay. Bakit nakasalalay ba sa dami ng pera ang saya sa buhay? Paano ang mga bilyung-bilyong taong naghihirap? Nasaan ang pag-asa nila na maging masaya sila? Kailangan bang magpamudmod ng pera ang gobyerno para maging masaya sila? Hindi ba’t ganito tayo mag-isip tuwing iniisip nating mas masarap ang buhay sa Australia o sa Canada kesa sa Pilipinas. Marami sa nag-aabroad (hindi ko sinasabing lahat!), they were motivated by greed, not by the need to follow the will of God, kahit pa bukambibig nila, “Kung loloobin ng Diyos…” samantalang sila lang naman talaga ang may gusto nun.

Security. Ang problema sa lalaki sa kuwento at siya namang problema ng karamihan sa atin, akala natin secured tayo, ang future natin, ang kinabukasan ng mga anak natin kung marami tayong pera. Kung ganoon ang iniisip mo, you are a fool! Hindi ako maysabi niyan. Ang Diyos ang nagsabi niya sa lalaki sa kwento ni Jesus, “Hangal! Ngayong gabi ay babawiin ko sa iyo ang buhay mo. Kanino ngayon mapupunta ang lahat ng inipon mo para sa iyong sarili” (v. 20). Nasaan ngayon ang security?

Hindi pera ang makapagpapahaba at magbibigay kahulugan sa buhay mo. Hindi pera ang dahilan ng kasiyahan mo. Hindi pera ang magbibigay sa iyo ng security. Kung ganoon ang iniisip mo, maghahari ang kasakiman sa puso mo at ito ang magpapahamak sa iyo. Sabi ni Jesus, “Ganyan ang mangyayari sa taong nagpayaman sa sarili (dahil sa kasakiman) ngunit mahirap sa paningin ng Diyos” (v. 21). So obviously, the problem with greed is that you’re making money your god. You worship money. It is a heart worship issue.

Anxiety/Fear

Ganoon din naman sa kabalisahan. Medyo kabilang anggulo lang. Nababalisa tayo kapag may kailangan tayong bayaran ngayon, pero walang perang dumarating. Kapos. Tapos natatakot tayo sa darating para singilin tayo. O kapag nagring ang phone, kumakabog na ang dibdib natin. O kung meron ka man ngayon, nag-aalala ka na baka bukas wala ka nang panggastos o pambili ng pagkain o pambayad sa school. Kapag nararamdaman natin iyan, sinusuway natin ang nais ng Panginoon. Sabi niya, “Huwag kayong mag-alala…” (v. 22). “Huwag kayong mag-alala…” (v. 29). “Huwag kayong matakot…” (v. 32). Bakit? Kasi tulad din ng kasakiman, ang kabalisahan ay nag-uugat sa isang pusong naniniwala sa kasinungalingan na kulang-kulang ka kapag wala o kaunti lang ang pera mo.

Sustenance. Kung nababalisa ka, sinasabi mo, “Wala nang mangyayari sa buhay ko, wala nang saysay ang buhay ko kung konti lang ang pera ko.” Pero sabi ni Jesus, ““Kaya’t sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong buhay, sa inyong kakainin, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Sapagkat ang buhay ay higit pa kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit” (vv. 22-23 MBB).

Satisfaction. Nag-aalala ka, kasi iniisip mo na di ka magiging masaya o satisfied kapag konti lang ang pera mo. Hindi ba’t minsan na ring sumagi sa isip natin, “Kung naging mayaman lang sana ako…” Tumutulad din tayo, kung ganoon, sa mga taong di kumikilala sa Diyos, “All the nations of the world seek (pursue, dream, make it their ambition and passion) after these things…” (v. 30 ESV).

Security. Nag-aalala ka kasi feeling mo magiging secured ka lang kung marami kang pera. Kung konti, you feel insecure. Pero sabi ng Panginoon, wala naman tayong magagawa to feel secure, kahit anong effort pa natin na alalahanin at pagsikapang mapunan ang tingin nating mga kailangan natin. “Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng buhay nang kahit kaunti sa pamamagitan ng pag-aalala” (v. 25 ASD). Kaya sabi ni Jesus sa verse 26, there’s no point in being worried. Ito pa nga ang makapagpapaikli sa buhay mo.

You see, this is a faith issue. Kapag nababalisa ka, ang tiwala mo nasa pera at sa mga bagay na meron ka at wala sa Diyos. Kaya sabi ni Jesus sa v. 28, “O you of little faith” (ESV)! Anumang desisyon ang gagawin natin na may kinalaman ang pera – pag-aabroad, business decisions, pagbili, pag-iipon, tingnan natin ang puso natin kung ito ba ay nagpapakita ng kakulangan ng pagtitiwala natin sa Diyos. Noong college ako, naengganyo ako sa isang “networking scheme” – kasi nakalagay sa poster part-time kikita ako ng 20,000-50,000 a month. Tapos umatted ako ng seminar nila, kalalaki ba namang checks ang pinapakita na kinikita ng mga sumasali sa kanila. I looked at my heart, I’m motivated by greed and anxiety about tomorrow.

So what’s the solution? How do we overcome this? By faith in God – in who he is and what he says about us – and his gracious promises for us through Jesus.

Sino ang Diyos natin? Sino tayo kaugnay nun?

Creator: Ang Diyos ang Manlilikha. Tayo ang pinakaespesyal sa lahat ng kanyang nilikha. Ang Diyos ang maylikha sa lahat, at tayo ang huling-huli sa kanyang nilikha, obra maestra, special, masterpiece. Ang Diyos ang lumikha sa mga ibon (v. 24). Sabi ni Jesus, “Higit kayong mahalaga kaysa sa mga ibon (v. 24 ASD)! Ang Diyos ang lumikha sa mga damo at bulaklak sa parang (v. 27). Sabi ni Jesus, “Kung dinadamitan ng Diyos nang ganito ang mga damo sa parang…kayo pa kaya” (v. 28)!

Owner: Ang Diyos ang May-ari ng lahat. Tayo ay mga katiwala. Ang akala ng lalaki sa kuwento ni Jesus, siya ang may-ari ng kanyang bukirin at mga ani at mga bodega. No he’s not! We are not owners, we are mere stewards! Mananagot at magsusulit tayo sa may-ari kung paano natin ginamit ang ipinagkatiwala niya sa atin (see v. 20). We don’t use our money according to our own will, dreams, plans, ambitions. Sa susunod na tingnan mo ang pera mo, isipin mo, “It’s God’s money.” Tanggalin mo ang pangalan mo sa titulo ng lupa’t bahay mo, sa rehistro ng sasakyan mo, sa account name sa pera mo sa bangko, at ipalit mo ang pangalan ng Diyos. Siya ang may-ari, hindi ikaw.

Sovereign Lord: Ang Diyos ang may hawak ng buhay natin. Tayo ay nasa kanyang mga kamay. Marami ka mang pera o kaunti, hawak ng Diyos ang buhay mo. Ang haba ng buhay mo ay nakasalalay sa desisyon ng Diyos. Hindi hahaba ang buhay mo sa sarili mong diskarte. Any moment, kapag sinabi ng Diyos, “You die!” you will surely die. Hindi iikli ang buhay mo kung kaunti ang pera mo. Kapag sinabi ng Diyos na mabuhay ka pa ng 30 taon kahit wala ka namang kapera-pera, you will live. God is sovereign over our life. We are not. We are his servants, slaves. We do his good will.

Heavenly Father: Ang Diyos ang ating Amang nagkakaloob ng pangangailangan natin. Tayo ay kanyang mga anak. Verse 30, “Your Father knows you need them.” Wala tayong dapat ikabahala dahil meron tayong Ama sa langit na alam lahat ng kailangan natin. At hindi lang basta alam, he is all powerful to provide everything we need. Huwag na huwag mong pagdududahan ang pag-ibig at kapangyarihan ng Diyos na ating Ama na magbigay ng pagkain natin sa araw-araw, “Our Father in heaven…give us this day our daily bread…”

Shepherd-King: Ang Diyos ang Haring pinakamayaman sa lahat. Tayo ay mayaman – higit sa iniisip o inaakala natin. Kaya sabi niya sa verse 32, “Fear not, little flock…” Para tayong maliit na kuting, natatakot, nanginginig dahil may paparating na mabangis na hayop, o natatakot na magutom. Pero kung ang kasama mo ay ang Panginoong na ating Pastol, hindi tayo magkukulang (Psalm 23:1). Wala tayong dapat ikatakot, kung ipamigay man natin ang pera natin. Bakit? Verse 32, “…it is your Father’s good pleasure to give you the kingdom.” Tuwang-tuwa ang Diyos na ibigay sa atin ang Kaharian. Before we give, we recognize that God is the ultimate giver. Ibinigay nga niya ang sarili niya para sa atin. At kung nasa atin na ang Kaharian, nasa atin na ang Hari at lahat ng kanyang kayamanan, we have everything we need! We have a treasure greater than all the treasures of the world (see Matt. 13:44). We don’t just have enough, we have more than enough.

“Why do we give as disciples of Jesus? Because we are overwhelmed with gratitude for what we’ve been given by God. As followers of Jesus, we are not forced by God to give away our resources; we are freed by God to give away our resources. We know the spiritual treasure that has been given to us in Christ, and so we are compelled to give material treasure away for the glory of Christ. In the words of Paul, ‘You know the grace of our Lord Jesus Christ, that though he was rich, yet for our sakes he became poor, so that you through his poverty might become rich'” (2 Cor. 8:9) (David Platt, Follow Me, 120).

Our Money and the Kingdom

Kung naniniwala tayo na ang Diyos ang ating Creator, Owner, Sovereign Lord, Heavenly Father, Shepherd-King at ang magandang katayuan natin sa buhay in relationship with him, nag-uumapaw iyon (overflow) sa pamumuhay natin – kahit sa paggamit natin ng pera. We are kingdom citizens. We are children of the King of the Universe. Dahil doon, we are kingdom-seekers, not riches-of-this-world-seekers. Kaya sabi ni Jesus, verse 31, “Instead, seek his kingdom, and these things will be added to you.” Ang ambition at passion natin ay hindi ang kumita ng limpak-limpak at magpakayaman, but to see the King glorified and known among the nations. At kung iyon ang passion natin, hindi kabigatan kundi kagalakan ang utos ni Jesus sa verse 33, “Sell your possessions, and give to the needy. Provide yourselves with moneybags that do not grow old, with a treasure in the heavens that does not fail, where no thief approaches and no moth destroys.”

We are sustained by God. We sell our possessions. Ganito ang ginagawa ng church sa Acts. Hindi nila sinasabing wala silang maibibigay. Dahil marami naman silang possessions (lupa, bahay, gamit) na pwedeng ibenta para ang napagbilhan ay maibigay. This sounds radical in our times today. Pero tingnan n’yo naman, sinasabi nating kinakapos tayo kaya kaunti ang binibigay natin, pero marami sa meron tayo ngayon, di naman natin kailangan. Hindi iikli ang buhay natin, hindi natin ikamamatay, o sasabihing walang saysay ang buhay kung walang mamahaling damit o sapatos o TV o cellphone o tablet o kotse o bahay.

We are satisfied in God. We supply the needs of others. Dahil sinasabi nating Jesus is enough for us, dahil kay Jesus we have everything we need, ang focus natin ngayon ay hindi ang i-supply ang mga pangangailangan natin. Kundi ang pangangailangan ng ibang tao, lalo na ang mga “spiritually needy.” Na ang pera natin ay magagamit para makarating ang Magandang Balita ng Panginoon sa mga taong hanggang ngayon ay spiritually impoverished, mga lulong sa kayamanan, kamunduhan, pagsamba sa pera – pero ang espiritu naman ay patay dahil hiwalay sila sa Diyos.

We are secured in God. We save for eternity. Hindi naman masamang mag-ipon at mag-invest. Pero hindi natin pwedeng gawing batayan iyon ng security natin. Mawawala din ang mga bagay na iyon. Pero kung ipamimigay natin para sa maipalaganap ang “good news of the kingdom” hindi masasayang iyon. Hindi maluluma. Hindi mananakaw. It’s secured in our bank account in heaven. And one day, we will reap God’s gracious rewards for how we use our money. So, don’t waste your money. Don’t keep it for yourself. Give it away.

Tandaan natin ang sabi ni Jesus, “Where your treasure is, there will your heart be also” (v. 34). Hindi kailangan ng Diyos ng pera mo. Sa kanya naman iyan. He wants your heart to be in the right place. At susunod iyang puso natin kung saan natin dadalin ang pera natin. Subukan mong dalin ang 30,000 mo sa pagbili ng isang iPhone, di ba’t ang puso mo kasunod nun. Ingat na ingat ka dun, kapag nasira o nawala, sobrang affected ka. Subukan mo namang dalin ito sa church at sa pagtupad ng misyong ibinigay ng Diyos sa atin na abutin ang lahat ng lahi para sila rin ay magpuri sa Diyos. Ang puso mo nakasunod sa church at sa mission nito. You are concerned for our leaders, for training people, for sending missionaries, for planting churches, for seeing the glory of God among the nations.

Ngayon, kung naniniwala ka sa laki ng pagpapalang tinanggap na natin mula sa Diyos, sa laki ng mga pangako niyang pinanghahawakan natin araw-araw, at sa laki ng Diyos na meron tayo, hindi ba’t ngayon na ang panahon para dagdagan mo na (sa halip na bawasan) ang ibinibigay mo sa church?

Previous sermons

Part 26 - Inside OutPart 25 - ObediencePart 24 - Two Kingdoms

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.