For the introduction to this sermon series, click here.
The Christian Life as a Fight
The Christian life is a life-long fight. The question is not, “Are you fighting?” But “What kind of fight are you fighting?”
Serious Fight
We are all fighting against something and for something in one way or another. Kapag naglalaro ka ng games sa computer o sa mobile phone o sa tablet, gusto mong manalo, matalo ang kalaban at maging mataas ang score. Ganoon din sa basketball o sa boxing. Pero ang kaibahan, kapag laro, kapag natalo pwedeng umulit.
But our fight is one life-long fight. If we lose, we will die! Sabi ni Paul, “For if you live according to the flesh (sinful desires) you will die, but if by the Spirit you put to death the deeds of the body (sins), you will live” (Rom. 8:13 ESV). Hindi pisikal ito, kundi espirituwal na laban. Di sinasabi ditong nakasalalay ang eternal salvation natin sa gagawin natin. The issue is still faith, not works. Kaya sabi ni Paul kay Timothy, “Fight the good fight of the faith. Take hold of the eternal life to which you were called (1Ti 6:12 ESV). This is serious. We are not playing games here.
Fight of Faith
Kapag may kaaway ka, gusto mong manalo at patunayang ikaw ang tama at siya ang mali. Ang iniisip natin madalas na problema ay ang ibang tao. This fight is not external, it’s internal. Your biggest problem is yourself, your own heart. “Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it” (Prov. 4:23 NIV). Kaya sumulat si Paul kay Timothy, “…so that by recalling them you may fight the battle well, holding on to faith and a good conscience, which some have rejected and so have suffered shipwreck with regard to the faith” (1 Tim 1:18-19 NIV). Ang prayer ko sa bawat isa sa inyo – walang bibitaw, walang aayaw, walang mapapahamak kahit isa. This is a fight of faith.
Active Fight
Kapag sinabing “faith” baka isipin ng iba sa inyo “passive” lang, walang ginagawa. Oo nga’t ang tiwala natin ay sa Diyos at sa kanyang gagawin, pero hindi ibig sabihin na nakaupo lang tayo at nakarelax. Ang word na “fight” sa 1 Timothy 6:12 ay galing sa Greek na agonizomai, kung saan galing ang salitang “agony” o “agonize.” Sa ibang salin nito ay “strive” o “struggle” – it is a call to action, intense, may panggigigil, hindi hihinto hanggang di natatapos ang laban. The call to fight the fight of faith is not just during the time you were converted. The Christian life is a daily fight – 24/7 yan.
My goal today is to give you motivations to keep on fighting. Ano ba ang nilalabanan natin? Para saan ba ang labang ito?
Inside God’s Story
Pero bago iyon, kailangang pamilyar tayong lahat sa “The Story of God” o ang Kuwento ng buong Bibliya para makita natin kung saan nakapaloob ang laban natin sa araw-araw.
Creation
Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay para sa kanyang karangalan. Tayong mga tao ay nilikha sa larawan ng Diyos – katulad ng Diyos, at kakatawan sa Diyos sa lahat ng kanyang nilikha. Nilikha tayo para masayang mamuhay na kasama ang Diyos.
Rebellion (Fall)
Unang-unang nagrebelde si Satanas, isang pinunong anghel kasama ang ikatlong bahagi ng lahat ng mga anghel. Tinukso niya sina Adan at Eba para pagdudahan ang Diyos. Nahulog ang tao sa tukso niya at nagrebelde din sa Diyos. Simula noon pumasok ang hirap, sakit, kasamaan, at kamatayan. Lahat ng tao ay nasa ilalim ng kasalanan at mga rebelde din sa Diyos tulad nina Adan at Eba.
Rescue (Redemption)
Binuo at pinili ng Diyos ang isang bansang tinatawag na Israel para tumanggap ng kanyang mga pangako para iligtas ang lahat ng lahi mula sa kay Satanas at sa kasalanan. Dumating si Jesus – ang Anak ng Diyos – bilang ating Tagapagligtas. Namuhay siya nang matuwid. Namatay para sa ating mga kasalanan. At nabuhay na muli bilang tagumpay sa sumpa ng kasalanan at kamatayan. Sa biyaya ng Diyos, maliligtas lahat ng sasampalataya sa kanya – hindi ito sa pamamagitan ng sariling gawa. At mapapasaatin ang Espiritu ng Diyos na siyang nagbibigay kapangyarihan sa atin para tuluyang magapi ang kasalanan at inilagay tayo sa isang iglesya o Church para sama-samang maipangaral si Jesus sa lahat ng mga lahi.
New Creation (Restoration)
Kapag natapos na ang misyong iyon, darating si Jesus. Bubuhayin lahat ng mga patay. Ang mga hiwalay kay Cristo ay magdurusa nang walang hanggan kasama ni Satanas at ng mga demonyo. Ang mga nakay Cristo ay makakasama ng Diyos sa isang buhay na walang hanggan – wala nang kasalanan, sakit at kamatayan.
What are We Fighting Against?
Habang naghihintay tayo – tayong mga nakay Cristo na – sa ending ng Story, hindi tayo nakatunganga lang. Hangga’t hindi tumitigil ang kaaway natin, hindi rin tayo titigil sa laban. We will keep on fighting against sin and against Satan.
Sinful self
Oo nga’t pinalaya na tayo sa pagkaalipin natin sa kasalanan at pinatawad na tayo sa ating kasalanan dahil kay Cristo, pero nananatili ang katotohanang meron pa ring kasalanan sa puso natin (indwelling sin) at nararamdaman natin ang kapangyarihan nito (power of sin). Oo nga’t nananahan na sa atin ang Banal na Espiritu, pero meron pa ring natitirang mga masasamang hangarin sa puso natin na nakikipaglaban sa Espiritu. “For the desires of the flesh are against the Spirit, and the desires of the Spirit are against the flesh, for these are opposed to each other…” (Gal. 5:17 ESV).
Oo nga’t meron na tayong bagong desires – love for God and other people – meron pa ring mga selfish, sinful desires sa puso natin. Kaya sabi ni Peter, “…abstain from the passions of the flesh, which wage war against your soul” (1 Pet. 2:11 ESV). Oo nga’t dahil tayo ay nakay Cristo, tayo na ay bagong nilalang o new creation (2 Cor. 5:17), pero nasasaatin pa rin ang lumang pagkatao natin (the old self) na kailangan nating labanan at hubarin. Kaya sabi ni Paul, “…put off your old self, which belongs to your former manner of life and is corrupt through deceitful desires” (Eph. 4:22 ESV); “…put off the old self with its practices” (Col. 3:9 ESV).
Again, this is serious. Papatayin natin ang natitira pang kasalanan sa puso natin dahil kung hindi tayo ang papatayin nito: “For if you live according to the flesh you will die, but if by the Spirit you put to death the deeds of the body, you will live” (Rom. 8:13 ESV). Ang binabanggit ditong sinful “deeds of the body” o “the flesh” o “passions of the flesh” o “old self” o “deceitful desires” ay hindi lang ang mga akala nating mga “gross” sins tulad ng murder, abortion, sexual immorality, homosexuality, o corruption kundi pati mga “respectable” sins na mga tinotolerate natin (see Jerry Bridges, Respectable Sins: Confronting the Sins We Tolerate) – ungodliness, anxiety, frustration, discontentment, unthankfulness, pride, selfishness, lack of self-control, impatience and irritability, anger, judgmentalism, envy, jealousy, gossips and other sins of the tongue, and wordliness.
Kaya wag na wag mong sasabihing ang sermon series na ‘to ay hindi para sa ‘yo. Huwag mong sasabihing, “Napagtagumpayan ko na ang kasalanan. Binago na ako ng Panginoon” o kaya “Kaunti lang naman o maliit lang naman ang mga struggles ko…” May warning si Paul sa inyo, “So, if you think you are standing firm, be careful that you don’t fall” (1 Cor. 10:12 NIV)!
Satan’s temptations
Oo nga’t si Jesus ang nagbibigay sa atin ng tagumpay (1 Cor. 15:57), but we need to remember that the fight is not yet over. Tulad ng ipinangako ng Diyos sa Gen. 3:15, dumating si Jesus para durugin ang ulo ng ahas. Nang mamatay si Jesus sa krus para sa atin, pinalaya na tayo sa pagkakaalipin kay Satanas. Pero hindi pa siya tuluyang itinatapos sa Lawa ng Apoy. That will come later (Rev. 20:10). Kaya ngayon, pumapalag pa iyan. Kung paano niyang niloko sina Adan at Eba (Gen. 3), ganoon pa rin ang ginagawa niya ngayon. “He is a liar and the father of lies” (John 8:44 ESV); “that ancient serpent, who is called the devil and Satan, the deceiver of the whole world” (Rev. 12:9 ESV).
Again, we need to be reminded that this is a matter of life and death. Satan is not playing games with us and we must not play games with him. “He was a murderer from the beginning…” (John 8:44 ESV). Kaya sabi ni Peter, “Stay alert! Watch out for your great enemy, the devil. He prowls around like a roaring lion, looking for someone to devour. Resist him, firm in your faith” (1 Pet. 5:8-9 ESV).
Faith na naman ang pinag-uusapan dito. Kasi baka naman sabihin ng iba sa inyo, “Napagtagumpayan ko na si Satanas! Hindi naman ako sinasaniban ng masamang espiritu. Hindi naman ako nakikibahagi sa mga gawain ng New Age, occult, panghuhula, Satanism, atbp.” Pero iba-iba ang strategies niya. That’s why we need to “be able to stand firm against all strategies of the devil” (Eph. 6:11 NLT). Gagamit siya ng iba’t ibang paraan para mapaniwala tayo tungkol sa mga kasinungalingan tungkol sa Diyos at sa relasyon natin sa kanya. Lalabanan natin siya at ang mga kasinungalingan niya araw-araw na sinasabi, “God is not enough. God does not care for you. God is not in control. You have authority over your life.”
What are We Fighting For?
Ang labang ito ay hindi lang laban sa kasalanan at sa mga kasinungalingan ni Satanas. Meron tayong pinakananais kaya tayo patuloy na lumalaban – the image of God in us and our life with God.
Image of God in Us
Nilikha tayo sa larawan ng Diyos, “So God created man in his own image” (Gen. 1:27 ESV). In a lot of ways, katulad tayo ng Diyos at ang nais niya at siyang layunin ng buhay natin ay ipakita sa buong mundo kung sino siya (to bear his image, to represent him) – kung gaano siya kadakila (great and glorious) at kabuti (good and gracious). Pero…lahat tayo ay nagkasala at di nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos (Rom. 3:23). Nasira, nabasag ang larawan ng Diyos sa atin. Pero hindi pa ito tuluyang nawala.
Nang tayo ay nakipag-isa kay Jesus, sinimulan ng Diyos ang “image restoration” project sa atin. We are “being transformed into his image with ever-increasing glory” (2 Cor. 3:18 NIV). Unti-unti tayong nagiging kawangis ng Panginoong Jesus. That’s why we fight sin, that we might become “more and more like him” (NLT). That’s why we “put off the old self with its practices and have put on the new self, which is being renewed in knowledge after the image of its creator” (Col 3:9-10 ESV).
Maraming tao ang addicted sa Facebook kasi isang paraan iyon para ma-project natin ang magandang image natin sa ibang tao. Kahit na false image. Kasi ang gusto natin maraming magcomment, mag-like. Tapos naiinis tayo kapag walang pumansin, naiinggit kapag mas maganda ang “image” ng friends natin sa FB kaysa sa atin. Sa halip na manggalaiti tayo sa pag-project ng magandang image sa ibang tao, pagtuunan natin ng pansin ang laban natin sa kasalanan para maging kawangis tayo ng Panginoong Jesus – kung paano siya magmahal sa Diyos at sa tao. Ito naman ang layunin ng Diyos kaya tayo piniling iligtas: to be conformed to the image of his Son” (Rom. 8:29 ESV). So, we keep on fighting for the image of God in us, hanggang sa dumating ang Panginoong Jesus, na siyang gusto nating masilayan nang mukhaan. “…when he appears we shall be like him, because we shall see him as he is” (1 John 3:2 ESV).
Our Life with God
Ang layunin ng Diyos kaya tayo hinihimok na makipaglaban sa kasalanan ay hindi lang basta tayo maging katulad niya (like him) kundi upang tayo’y makasama’t makita siya (with him). Kaya sabi ng sumulat ng Hebrews na ang kasalanan ay balakid sa takbuhin natin (Heb. 12:1), “Strive…for the holiness without which no one will see the Lord” (Heb. 12:14 ESV). Lumalaban tayo at hindi tumitigil kasi gusto nating makita ang Diyos, makasama ang Diyos. Tulad nina Adan at Eba bago sila magkasala’t mahiwalay sa Diyos. Ito naman ang buhay na gusto ng Diyos na maranasan natin. Sa halip na sa “Tree of Life” sila kumain para mabuhay sila magpakailanman kasama ang Diyos, pinili nila ang punong hindi lang nagbibigay-kaalaman ng mabuti’t masama, kundi siyang nagdulot din ng kamatayan at pagkahiwalay sa Diyos.
Hindi ba’t kahit Christian na tayo – at any level of maturity in our fight against sin – nararamdaman natin iyon bang hindi tayo kuntento sa klase ng relasyon natin sa Diyos. Bago ka man o matagal nang Christian, you sense that this is not all in the Christian life, that there must be something more. Kaya naparito si Jesus, “My purpose is to give them a rich and satisfying life” (John 10:10 NLT). Iyon ang pinakananais nating maranasan. Kaya nakikipaglaban tayo.
Kaya pagbalik ni Jesus, “All who are victorious (in fighting the good fight of faith) will inherit all these blessings, and I will be their God, and they will be my children” (Rev. 21:7 NLT). Hindi ang mga bumigay sa kanilang pananampalataya at sumuko na sa laban at pinili na lang na mamuhay sa kasalanan at maniwala sa mga kasinungalingan ni Satanas. At sa araw na iyon, masasabi natin, mararanasan natin, “…in your presence there is fullness of joy; at your right hand are pleasures forevermore” (Psa. 16:11 ESV).
God will Fight for Us and with Us!
Hindi ko alam kung ano eksakto ang nararamdaman n’yo ngayon. Meron sigurong ilan sa inyo feeling n’yo hindi kayo nagtatagumpay sa laban n’yo sa kasalanan. Feeling n’yo sa tagal n’yo nang Christian, parang kaunting progress o victory lang ang naranasan n’yo. Nasasabi n’yo siguro, “I give up…I’m struggling against _______ for 20 years now at ganito na lang hanggang mamatay ako. Magtiis kayo sa akin!” Kapag nasabi n’yo iyan, you’re on the right track, kasi desperado ka, kasi feeling mo hindi mo kaya. Sino ba ang nagligtas sa iyo? Sino ba ang magliligtas sa iyo? Sino ba ang lalaban para sa iyo?
Sa mga Israelitang natatakot na lumaban para makarating sa promised land, sabi ni Moises, “The LORD your God who goes before you will himself fight for you, just as he did for you in Egypt before your eyes [see Exod 14:13-14], and in the wilderness, where you have seen how the LORD your God carried you, as a man carries his son, all the way that you went until you came to this place.” (Deut. 1:30-31 ESV). Meron tayong Ama na committed to fight for us and with us until the end.
[youtube https://www.youtube.com/watch?v=7VfSbMh9gqU]Meron tayong Ama na committed to fight for us and with us until the end. Kaya sa dulo ng laban ni Paul, nasabi niya, “I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith” (2 Tim. 4:7 ESV). Hindi dahil kumpiyansa siya sa sarili niya, kundi sa Diyos na lumalaban para sa kanya, “I was rescued from the lion’s mouth. The Lord will rescue me from every evil deed (or “evil attack,” NIV) and bring me safely into his heavenly kingdom. To him be the glory forever and ever. Amen.” (vv. 17-18 ESV). At ganoon ding kumpiyansa ang gusto niyang ipaunawa sa atin, “And I am sure of this, that he who began a good work in you will bring it to completion at the day of Jesus Christ” (1:6 ESV). Tatapusin ng Diyos ang labang ito, kaya tapusin din natin at huwag susuko, at sabihing kasama ni Paul, “I press on toward the goal for the prize of the upward call of God in Christ Jesus” (3:14 ESV).
Amen to that!
All of us are weak and we need God to help us fight. Noone can boast that he can! It is encouraging to know that the God who holds the universe is the same God who is willing to give a hand to help. Such a very encouraging word to magnify that we are not alone in this battle. God offers His hand to fight with us. Hold on. Hang on. Do not dwell to your current situation if you are stucked into circumstances that God does mot desire for you. Stand up. Step forward, but this time, not alone. Ask God to be with you in every step of the way.
LikeLike