Deep inside our hearts, we desire to be great. We want to be rich. We want to be beautiful. We want to be talented. We want our kids to excel in school so that people will see that we are great parents.
We don’t just want to be great. We want to be greater – richer, more beautiful, more skilled, more athletic, our kids’ grades higher than most of his classmates.
And we are not content with being greater than other people, we want to be the greatest – even in the “not-so-real” world of social media, the one with the most “followers” or “likes.” Even in ministry and spiritual life, we want to be perceived as great or greater or greatest.
Jesus teaches us in Luke 9:37-50 (see my sermon below) that his way to true greatness is radically different from our natural tendencies and what the world teaches us about greatness.
Not by attaining greater status and significance, but by treating ourselves as least among others.
Not by comparing ourselves with other people, but by celebrating the good works of other people.
Not by focusing on self or others, but by focusing on the incomparable greatness of Jesus.
Not by avoiding suffering and humiliation, but by embracing the cross of Jesus.
Now, that is true greatness.
Note: To download the audio (in mp3), click the “menu” button on the bottom right corner of the sermon player.
Great, Greater, Greatest
We all want to be great. Walang exempted diyan. Gusto nating maging mayaman. Gusto natin guwapo o maganda, mukhang artista. Gusto natin magaling tayo o ang anak natin talentado. Gusto natin matalino ang mga anak natin, mataas ang grades sa school. Gusto natin nakikita ng mga tao na active tayo sa ministry, gumagawa ng mabuti. In one way or another, we all want to be great.
Hindi lang iyon. We all want to be great-er. Hindi lang basta mayaman, kundi mas mayaman sa kapitbahay mo. Mas maganda kaysa sa girlfriend ng crush mo. Mas talentado ang anak natin kung ikukumpara sa anak ng kumare mo. Mas masunurin kang anak kaysa sa kapatid mo. Mas magaling na pastor. Mas malaking simbahan. We want to be great-er than other people.
Kung hindi mo man ikumpara ang sarili mo sa iba, ikumpara mo naman ang lagay mo ngayon kaysa noong nakaraang taon. Mas lumago ka sa spiritual life mo. Mas marami kang nabahaginan ng Word of God ngayon kaysa dati. Mas madalas na ang quiet time mo. Mas mabait ka na ngayon. Mas masaya na ang pamilya mo ngayon. We want to be greater than other people or greater than our status last year.
Hindi lang iyon. We don’t just want to be great or greater. We want to be greatest. Pinakamayaman sa mga magkakaibigan. Pinakamatalino – valedictorian. Pinakamaganda, pang-Miss Universe. Pinaka-talentadong Pinoy. Sabihin mo mang ayaw mo niyan dahil gusto mo humble ka, ordinaryo at simple. Pero sa loob-loob natin, gusto natin tayo ang pinakhumble, pinakasimple, pinakaordinaryo. Ganoon din iyon – a desire to be greater than others. Kahit mga salbahe, gusto pa rin nila sila ang pinakasiga, pinakaastig.
Sa schools pa lang natin, ganito na ang kinasanayan natin. Na para bang ang buhay ay competition. Pagalingan. Kung sino ang magiging valedictorian. Kung salutatorian lang ang anak, pinapagalitan pa ng ibang nanay, samantalang ang nanay di naman nakatapos ng high school. Ang magkakapatid pinagkukumpara. Kapag second place lang, malungkot pa ang magulang. Kasi nga concern na maging greater at greatest.
Nakakapagod po ang ganitong buhay. Sobrang frustrating kapag ang expectations mo hindi nangyayari. Magagalit ka sa anak mo. Magagalit ka sa ibang tao na mas magaling sa iyo. Magagalit at maiinis ka rin sa sarili mo kasi hindi mo magawa ang gusto mo o gusto ng magulang mo para sa iyo.
Buti na lang hindi ganito ang pagkakatawag sa atin ng Panginoon. Buti na lang hindi natin goal ang maging “great”.
Attaining status and significance (9:46-48)
Kaya minsan, pinagsabihan ni Jesus ang mga tagasunod niya. Bakit? “Then his disciples began arguing about which of them was the greatest” (Luke 9:46 NLT). Ang discipleship kasi parang “school.” Si Jesus ang “teacher,” sila ang mga students. Jesus was training them to do what he was doing. Sa verse 1, nagkaroon sila ng parang OJT, na binigyan sila ng authority na magpalayas ng demonyo at magpagaling ng mga maysakit at mangaral ng mabuting balita. Lumabas sila at nagawa naman nila iyon (v. 6). Pero hindi sila kuntento. Pinagtatalunan nila kung sino ang valedictorian sa kanila, kung sino ang Best in Demon Warfare (Ilan napalayas mo?), kung sino ang Best in Healing (ilan napagaling mo?), kung sino ang Best Evangelist (ilan ang na-convert mo?).
This is a huge heart problem – ang hangarin natin na tayo ang maging “pinaka” kahit pa sa ministeryo at mga espirituwal na bagay. Alam ito ng Panginoon Jesus. He knows “the reasoning of their hearts” (v. 47 ESV). Alam niya na may kailangang itama dito. Anong ginawa niya? Sinabi ba ni Jesus, “Nagtatalu-talo pa kayo, e ako naman talaga ang pinakamagaling sa lahat.” Obvious naman talaga iyon. Pero hindi iyon ang sinabi niya. Sa halip kumuha siya ng isang maliit na bata at itinayo sa tabi niya at sa harap nila. Sabi niya, “Whoever receives this child in my name receives me, and whoever receives me receives him who sent me. For he who is least among you all is the one who is great” (v. 48 ESV).
Parallel ang dalawang statements dito. Ibig sabihin ang pagiging “Great” ay ang pagtanggap kay Jesus at sa kanyang Ama na nagsugo sa kanya. We become great when we have in our life the great Savior, the great Lord, the great God, the great Creator. Kung wala sa iyo ang dakilang Panginoon, kahit ikaw pa ang pinakamayaman, pinakamaganda o pinakamagaling sa basketball o sa boxing o sa pagkanta, you are not great.
At makikita sa sinumang si Jesus ay nasa kanilang buhay kung paano nila ituring ang mga taong walang mataas na status tulad ng mga bata. Kaya sabi niya, “Whoever receives this child in my name receive me…” Natural kasi sa atin na gusto nating paglaanan ng panahon ang mga importanteng tao, mga VIP, mga significant, kesa sa mga tao na “least” o mabababang uri.
Tularan natin ang halimbawa ng Panginoong Jesus. Bagamat siya ay Diyos at kasama ang Ama sa langit at ang mga dakilang anghel, iniwan niya iyon at isinilang na isang sanggol sa sabsaban. The Creator became a “nobody.” Tapos sa ministry niya pinili niya ang makasama ang mga taong mababa ang status sa lipunan kesa sa mga religious leaders or mga itinuturing na “great” sa society nila. Tulad ni Juan na Tagapagbautismo, hangad niya ay maibaba siya para si Jesus ang maitaas. Kaya sabi ni Jesus tungkol sa kanya, Among born of women, none is greater than John. Si Pablo itinuturing niya ang sariling niyang “least of all the saints,” hindi lang iyon kundi, “chief of sinners.”
Mga nanay, marami sa inyo nag-sstruggle dito. Na para bang ang tingin natin kasi kapag manager sa company “greater” kesa sa stay-at-home mom. Pero tandaan nating lahat maging ang halimbawa ni Mary na ina ni Jesus. Dahil sa kanyang pagsunod sa Diyos, sa pag-aalaga ng sanggol na ibinigay sa kanya ng Diyos, sinabi ni Elizabeth sa kanya, “Blessed are you among women.” The way to true greatness is by treating ourselves as least among others. Ano na ang tingin mo sa sarili mo ngayon? Importante? Indispensable? Hinahangaan ng mga tao? O masaya ka at kuntento dahil mababa man ang tingin sa iyo ng ibang tao, ang mahalaga sa iyo ay nasa buhay mo ang dakilang Tagapagligtas at ang Kataas-taasang Diyos?
Comparing ourselves with others (9:49-50)
Marami pa tayong kailangang matutunan sa Teacher natin na si Jesus, tulad ng mga disciples sa School of Greatness ni Jesus. Kasi hindi lang sila nagpapataasan sa isa’t isa, itinuturing pa nila ang kanilang grupo ng Labindalawa na nakahihigit sa ibang tagasunod ni Jesus. Sabi ni Juan, “Master, we saw someone casting out demons in your name, and we tried to stop him, because he does not follow with us” (v. 49 ESV). Ang maganda naman alam nilang si Jesus ang nakahihigit sa kanila kaya “Master” ang tawag nila.
Pero ang tingin nila sa grupo nila “exclusive.” Para ba silang VIP. Lalo pa itong sina Peter, James at John na sila lang ang isinama ni Jesus sa bundok para makita ang preview ng kanyang glory. Kung may isang tao – hindi natin alam kung sino o bakit di nila kasa-kasama – na gumagawa din ng ginagawa nila (at hindi nga nila nagawa kani-kanina lang tulad ng makikita natin mamaya) – naiinggit kaya pinagbabawalan. Kahit mainam naman ang ginagawa ng lalaki kasi nagpapalayas ng demonyo pero kung nakikita nilang parang competition, apektado sila.
Ganyan din naman tayo. Ayaw nating may nakikita tayong mas umaasenso kesa sa atin, mas magaling, mas sikat. Kaya nga may “crab mentality” ang mga Pilipino. Mas gustong pinag-uusapan ang pagkakamali at kapalpakan ng iba, kasi we feel great. Kasi we feel na mas OK tayo kesa sa iba. Hindi lang iyan problema ng mga nonbelievers. Kahit tayong mga Christians. Hindi maganda ang sinasabi natin sa ibang pastor o ibang churches o ibang denominations kasi feeling natin tayo ang magaling o tayo ang tama. At kapag mas “successful” ang iba kesa sa atin, ayaw natin kasi mas nakikita natin ang kapalpakan natin, ang mga weaknesses natin.
Pero sabi ni Jesus, hayaan lang natin na ganoon at huwag nating ikukumpara ang sarili natin sa iba para lang masabing tayo ang “greater.” Sabi niya sa mga disciples niya, “Do not stop him, for the one who is not against you is for you” (v. 50 ESV). Kahit may mas successful kesa sa iyo, hayaan mo lang. Kailangan mo pa ngang mag-celebrate kung napapalayas ang mga demonyo, kung pangalan ni Jesus ang dinadala ng mga taong iyan, kung may mga taong nagiging asenso, kung maraming tao ang nadadala sa Panginoon.
The way to true greatness is by celebrating the good works of other people. Oo nga’t may mga taong mabuti ang hangarin at meron ding masama ang intensiyon, tulad ng sabi ni Pablo nang siya ay nakakulong at ang iba ay mukhang mas “successful” sa kanilang ministry, “But that doesn’t matter. Whether their motives are false or genuine, the message about Christ is being preached either way, so I rejoice. And I will continue to rejoice” (Phil. 1:18 NLT). Mas makilala man ang ibang tao o ibang pastor o ibang church o ibang denomination, dapat tayong magsaya hangga’t mas nakikilala si Cristo ng maraming tao.
Focusing on Self or Others (9:37-43a)
Ang problema sa paghahangad na maging great o greater ay iyon bang masyado tayong preoccupied sa sarili natin, sa performance natin, sa sasabihin ng ibang tao sa atin. The focus is on ourselves, not on Jesus. Kaya sabi ni Jesus (sa sermon natin last week), “Whoever wants to be my disciple must deny themselves and take up their cross daily and follow me” (v. 23 NIV). Kay Jesus ang focus, hindi sa sarili natin. Kaya nga dinala ni Jesus ang tatlo sa bundok para makita ang kadakilaan niya. Narinig nila ang Diyos na nagsalita doon, “This is my Son, my Chosen One; listen to him!” (v. 35 ESV). Pero pagbaba nila sa bundok, sa halip na kay Jesus sila tumingin, sa iba na o sa sarili na nila.
Anong nangyari noon? Maraming tao ang sumalubong kay Jesus (v. 37). Bakit? Kasi gusto ba nilang makasama si Jesus? O gusto lang nila ang mga himalang gagawin niya para sa kanilang sariling kapakanan? Mula chapter 4 hanggang dito sa chapter 9, ipinapakilala ni Jesus ang kanyang sarili para sa kanya ang focus natin. Pero hindi ganoon ang nagiging response ng karamihan. Kaya sabi niya sa kanila, “O faithless and twisted generation, how long am I to be with you and bear with you?” (v. 41 ESV). Hindi ibig sabihin umaayaw na si Jesus. Alam nating buo ang loob niya sa misyong ibinigay sa kanya ng Ama. But this is an indictment of the problem of the human heart.
Bakit niya sinabi iyon? Meron kasing isang lalaki mula sa maraming tao na sumalubong sa kanya na sumisigaw at humihingi ng tulong para sa anak niya. Sabi niya, “Guro, nakikiusap po akong tingnan n’yo ang aking anak…” (v. 39). Tapos sinabi niya ang problema na ito’y sinasaniban ng masamang espiritu – na pinangingisay siya, bumubula ang bibig, sinasaktan at ayaw iwanan. Malaking problema at maganda namang lumapit siya kay Jesus. Pero bago siya lumapit kay Jesus, siya mismo ang nagsabi, “And I begged your disciples to cast it out, but they could not” (v. 40 ESV).
Nang sabihin ni Jesus na “faithless and twisted generation” sinasabi niya ito sa maraming taong sumusunod sa kanya para lang makakita ng mga himala pero wala talaga sa kanya ang focus, baluktot ang mga pag-iisip. Maaaring paalala din ito sa lalaki na bagamat mukhang may “faith” naman talaga pero gusto ni Jesus ay sa kanya lang nakatingin, na hindi lalapit dahil may gusto lang makuha kay Jesus. At malamang na pinaparinggan niya ang mga disciples niya na kani-kanina lang ay nakakapagpagaling ng mga maysakit (v. 6) pero ngayon ay hindi. Bakit? Dahil sa sariling concern nila sa pagiging great, sa focus nila sa sarili nila, bilib na sila sa sarili nila, nawawala ang focus nila kay Cristo. Faithlessness is looking inward to ourselves (our desires to be great) and not outward to Jesus.
Sa kabila noon, nananatiling patient ang Panginoon sa pagtuturo sa atin. Kaya sabi niya, “How long…” Tapos sabi niya, “Sige, dalhin mo sa akin ang anak mo.” At noon din, tulad ng dati niya nang ginagawa alam na natin ang mangyayari. Napalayas niya ang masamang espiritu. He has absolute (100%) authority over them. Di tulad ng mga disciples na “derived” authority. Kitang-kita ang pagkakaiba dito ng “greatness” ng mga disciples sa “greatness” ng Panginoong Jesus. Na kaya nga isinama sina Pedro sa bundok para manatili silang “eyewitnesses of his majesty (or greatness) (2 Pet. 1:16). Na huwag silang titingin sa sarili nila, kundi kay Jesus lang. Kaya nga ayon sa kuwento ni Luke, “And all were astonished at the majesty (or greatness, NIV) of God” (v. 43). Na sinasabi sa mga babasa nito na dakila si Jesus at dakila ang gawa niya dahil siya mismo ang Diyos!
The way to true greatness is by focusing on the greatness of Jesus. Kahit ngayong Pasko na ang tingin ng mga tao kay Jesus ay isang “munting sanggol,” huwag nating kalimutang ang isinilang ay ang Diyos na Hari at Panginoon ng lahat. “Hark the herald angels sing. Glory to the newborn King.” “Come and behold him, born the king of angels. O come let us adore him Christ the Lord.” Saan ka nakatingin ngayon? Sa sarili mong galing o abilidad o posisyon? O sa kadakilaan ng Panginoon?
Avoiding the cross (9:43b-45)
Ang mga tao sa panahon ni Jesus at hanggang ngayon naman, mali ang perception pag sinabing “greatness of Jesus.” Siyempre namamangha sila kapag ganoon ang nakikita nila kay Jesus. Kasi ang vision nila ng Messiah o Son of Man ay katulad ng vision na pinakita ng Diyos kay prophet Daniel, “And to him was given dominion and glory and a kingdom, that all peoples, nations, and languages should serve him; his dominion is an everlasting dominion, which shall not pass away, and his kingdom one that shall not be destroyed” (Daniel 7:14 ESV). Great nga naman kung ikaw ang Hari. Kung ikaw ang champion, kung ikaw ang winner, kung ikaw ang first place, kung ikaw ang hinahangaan. Kapag na-KO ng kalaban, hindi na great? Kapag nadapa sa takbuhan, loser na? Kapag hindi na popular at rejected ng mga tao, hindi na great?
“While everyone was marveling at everything he was doing, Jesus said to his disciples, ‘Listen to me and remember what I say. The Son of Man is going to be betrayed into the hands of his enemies” (v. 43b-44 NLT). Naalala n’yong may sinabi na si Jesus sa kanila na hawig dito? “The Son of Man must suffer many things and be rejected by the elders and chief priests and scribes, and be killed, and on the third day be raised” (v. 22 ESV). Jesus’ way to greatness is through the way of the cross – with all its sufferings and humiliation. Dito may bago siyang sinabi – tungkol sa magtatraydor sa kanya. Alam nating si Judas iyon. Na naghahangad na maging dakila at ma-approve ng mga religious leaders at maging mas mayaman pa. Ibang-iba si Jesus na tiniis ang anumang hirap para masunod ang kalooban ng Diyos.
Sabi sa verse 45 hindi pa ito naiintindihan ng mga disciples niya. Kasi ang expectation nila kay Jesus na siya’y maghahari at tatalunin ang kanyang mga kaaway, hindi igagapos at ipapako sa krus. Parang hindi naman “great” iyon. Parang “loser.” Kaya ayaw nilang tanungin si Jesus tungkol dito. Ayaw nilang tanggapin na sila rin na mga tagasunod niya ay kailangang pasanin ang kanilang krus (v. 23) tulad ng mararanasan ng kanilang Panginoon. Hindi natin ito naiintindihan agad, kaya sabi ni Jesus sa verse 44, “Let these words sink into your ears…” Hilingin natin sa Diyos na maunawaan natin ito. Kahit na baligtad ito sa sinasabi ng mundo natin, na kailangan number one ka para ka maging great. The way to true greatness is by embracing the cross of Jesus.
Have this mind among yourselves, which is yours in Christ Jesus, who, though he was in the form of God, did not count equality with God a thing to be grasped, but emptied himself, by taking the form of a servant, being born in the likeness of men. And being found in human form, he humbled himself by becoming obedient to the point of death, even death on a cross. Therefore God has highly exalted him and bestowed on him the name that is above every name, so that at the name of Jesus every knee should bow, in heaven and on earth and under the earth, and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father (Phil. 2:5-11 ESV).
The way to true greatness is by embracing the cross of Jesus. Deny yourself. Take up your cross daily. Follow Jesus. That’s greatness.
Not in my name, but in Jesus’ name
Malinaw na itinuturo sa atin ng Panginoon na hindi natin dapat maging mithiin ang maging “great” o “greater” o “greatest.” Dahil hindi naman talaga natin ito makakamit kahit sukatin pa natin ito sa sarili nating progress, o sa pagkumpara natin sa ibang tao. Ang dapat na nag-iisang hangarin natin ay tingnan ang kadakilaan ng Diyos sa pamamagitan ng pagtingin kay Jesus. Na ang pinakamahalaga na sa atin ay hindi ang madakila ang sarili nating pangalan kundi ang pangalan ni Jesus. Dapat sana ang mga disciples nagpapalayas ng mga demonyo “in Jesus’ name” hindi sa pangalan nila – tumulad sa ginagawa ng lalaking sinumbong nila kay Jesus (“casting out demons in your name”). Tanggapin ang isang bata “in Jesus’ name” (v. 47). At tiisin ang anumang hirap at pag-alipusta ng tao in Jesus’ name.
At habang ginagawa natin iyon, mas marerealize natin na hindi na natin dapat pang pakanasahing maging dakila dahil we are already great in the eyes of God. Tayo ngayon ay mga anak na ng Diyos – dahil kay Cristo. Tayo ngayon ay maganda at magaling sa paningin ng Diyos – dahil kay Cristo. Tayo ngayon ay tagapagmana ng Hari ng buong sangnilikha – dahil kay Cristo. Dahil merong isang Diyos na nagkatawang-tao, isinilang sa sabsaban, namuhay na matuwid, pinahirapan, ipinako sa krus at nabuhay na muli.
Napaka-liberating ng katotohanang ito sa akin din. Noong bago pa lang akong nagpapastor, madalas impatient ako dahil sa desire ko na maging “great.” Para ba mapatunayan sa iba, sa mga umalis sa church, na karapat-dapat akong maging pastor. Kapag may nababalitaan akong “great pastors” tulad nila John Piper o John MacArthur, gusto ko maging tulad din nila. Pero pinalaya ako ng Diyos sa pamamagitan ng katotohanan na hindi ko na kailangang ambisyunin ang mga bagay na iyon. Malaya na akong maging “maliit” at “ordinaryo.” The pressure’s off. I can laugh. I can smile, kahit sa mga kapalpakan ko.
Mga kapatid kay Cristo, hindi na natin kailangang hangaring magpastor o maging elder ng church o maging manager o maging mayaman o maging maganda – para lang maitaas ang sarili natin, kundi hangaring maitaas ang pangalan ni Jesus. Kahit sa paggawa natin ng mabuti tulad ng pagpunta namin sa Leyte at Samar, hindi gagawin para sa sasabihin ng ibang tao, kundi para tumulong sa mga tao roon at madakila ang pangalan ng Panginoon. The name of Jesus alone is worthy of greatness.
3 Comments