Come, Thou long expected Jesus
Born to set Thy people free
From our fears and sins release us
Let us find our rest in Thee
Israel’s strength and consolation
Hope of all the earth Thou art
Dear desire of every nation
Joy of ev’ry longing heart
Note: To download the audio (in mp3), click the “menu” button on the bottom right corner of the sermon player.
Waiting
Ang pinakahihintay natin ay dumating na. Si Jesus ay dumating na. Ang Diyos nagkatawang tao, isinilang sa sabsaban sa Bethlehem. Ang Hari nagpakababa para maglingkod sa tao at ialay ang kanyang buhay para sa atin. Siya ang pinakahihintay natin. Dumating na siya. Iyan ang dahilan, ang dapat na nag-iisang dahilan kaya may Pasko.
Pero siyempre alam natin hindi ganoon ang nangyayari. Oo, may countdown tayo – 100 days before Christmas, 30 days, 5 days, one day, tapos ngayon limang oras na lang magpapasko na, Noche Buena na. Ang nangingibabaw na tema ng Pasko ay paghihintay. Ang mga taga-Leyte, nang tumama ang bagyong Yolanda, ayon sa nakausap akong medical student na kasama namin sa medical mission, wala silang makain sa loob ng tatlong araw. Kaya isa din siya sa mga looters para makakuha ng pagkain sa Gaisano Mall. Marami sa kanila naghihintay ng “relief” na matagal bago dumating. Kailangang-kailangan na, pero wala pa rin.
Kami naman, dapat Saturday pa ang uwi namin. Pero hindi sure ang C130 na sasakyan namin. Kaya Wednesday night, tumawag sa min ang contact namin. Baka masakay na daw kami ng Thursday. Agahan daw namin. 5 am pa lang nasa airport na kami. Hintay kami ng hintay, alas-sais pa pala ang alis sa Villamor. Mahigit alas-9 na kami nasakay. Pahirapan pa. Pero salamat sa Panginoon, nakauwi din. Hirap naman kung sa Leyte pa kami nagpasko.
Lahat naman tayo may hinihintay, hindi lang kapag Pasko. May hiling tayo sa Diyos na gusto nating makuha. Kayong mga bata, may ineexpect kayong bago, mga regalo, at masayang pamilya ngayong Pasko. Lalo na kung may nangako sa atin – may darating na package, halimbawa, mula sa Canada – hinihintay kung kelan darating. Siyempre masaya kapag dumating na. Pero paano kung hindi pa dumarating? Ang iba naiinis. Ang iba sinisisi ang nangako.
Ang kasaysayan ng mga Judio – bago dumating si Jesus – ay kasaysayan ng paghihintay. Ipinangako ng Diyos na darating ang Mesias, ang Tagapagligtas, ang Haring galing sa lahi ni Abraham, galing sa lahi ni David, na magbabalik sa kanila sa magandang relasyon sa Diyos. Pagkatapos ng 70 taong pagkakabihag sa Babylon, nakabalik na sila sa lupa nila ayon sa ipinangako ng Diyos. Ang nawasak na Jerusalem, muling naitayo at napaderan. Ang nawasak na templo, napalitan ng bago hindi nga lang singganda ng nauna. Pero ang sa kabila noon hindi nila nararamdamang safe sila. Naghahari pa rin ang mga masasamang tao. Ang mga masasama pa ang parang “pinagpapala” ng Diyos. Hindi nila maramdaman na kasama nila ang Diyos. Kaya ang reklamo nila, “Nasaan na ang Diyos ng katarungan?” (Malachi 2:17). Naghihintay silang maiayos, maitama ang buhay nila. Naghihintay sila sa Diyos.
Anong sagot ng Diyos sa paghihintay nila? Sa paghihintay natin? Sabi niya sa pamamagita ni propeta Malachi (na ang pangalan ang ibig sabihin ay “messenger”), “Behold, I send my messenger (ibang messenger), and he will prepare the way before me. (Alam nating si John the Baptizer ang tinutukoy dito. Pero magfocus tayo sa sumunod na sinabi.) And the Lord (small caps, Adonai, referring to the coming Messiah) whom you seek will suddenly come to his temple; and the messenger (another messenger, not John, but the Messiah) of the covenant in whom you delight, behold, he is coming, says the LORD of hosts” (3:1).
The Lord of hosts
Hindi lang mahalaga sa atin kung ano ang ipinangakong hihintayin natin. Mahalaga sa atin kung sino ang nangako, kung mapagkakatiwalaan ba natin iyan at siguradong darating ang hinihintay natin. Sa pagsakay namin sa C130, colonel ang nakausap namin. Nakasulat na daw ang pangalan namin sa manifest. Kami ang priority sa mga civilians. Pero nung tinawag na ang pangalan namin, nakapila na, sasakay na, sabi ng in-charge na sundalo doon, sa susunod na daw kami sumakay! Ha? Kaya nga mahalaga kung sino ang in-charge!
Dito sa promise sa Malachi, sino ang in-charge? Sino ang nangako? “Says the LORD (Yahweh) of hosts.” Si Yahweh! Sa NLT, “LORD of Heaven’s Armies.” Hindi lang colonel o general ang ranggo nito, He’s the King of the universe. Siya ang nagsabi, hindi mababali. Wala pa siyang pangako na hindi tinutupad. He has a perfect track record. He has all the power to fulfill his promises. Walang makahahadlang. Hindi si Satanas. Hindi ang world superpower. Wala. Pati ikaw! Sa NIV, “LORD Almighty.”
Kung nagdududa ka sa mga pangako ng Diyos, ibig sabihin ang liit-liit ng tingin mo sa kanya. Akala mo he’s not all-powerful! So, don’t doubt. Ang mensahe sa mga Judio at sa atin, kapag sinabi ng Diyos, paniwalaan natin. Kung ilang taon na tayong naghihintay, we still have to wait. Because he who promised is faithful. Always faithful.
He is Coming
Kapag sinabi niyang, “He is coming,” tiyak iyon. Wala nang plan B. Iyon na iyon. Kung di kami masakay C130 pauwi, di na kami pwedeng mag-commercial flight, kasi fully booked na. Kung meron man, napakamahal na. Kaya iyon lang talaga ang inaasahan namin. At dito sa pangako ng Diyos, sinasabi niya na ang pangako niyang Messiah ang siya lang na pinakaaasahan natin. Walang second option.
Ang prophecy na ‘to ay almost 400 years bago magkaroon ng katuparan. Kaya kapag sinabi ng Diyos, “will suddenly come,” hindi ibig sabihing “right away,” pero ibig sabihin sa panahong itinakda ng Diyos, sa panahong masosorpresa tayo at ikakatuwa natin. Pagdating ko last Thursday sa bahay, tumatakbong sumalubong sa akin ang anak ko. Nang marinig ng asawa ko ang boses ko, tuwang-tuwa din kasi hindi niya alam na noon ako darating akala niya kinabukasan pa.
400 years later pagkatapos ng prophecy ni Malachi, dumating ang Messiah, ang Panginoong Jesus, “the son of David, the son of Abraham” (Matthew 1:1). Merong mga pastol na nag-aalaga ng kanilang mga tupa, nasorpresa, hindi nila akalaing dumating na ang Messiah. Sabi ng anghel sa kanila, “Fear not, for behold, I bring you good news of great joy that will be for all the people. For unto you is born this day in the city of David a Savior, who is Christ the Lord” (Luke 2:10-11). Sinabi ng Diyos sa mga Judio, “He is coming.” Sinasabi ng Diyos sa atin ngayon, “He has come!” That happened 2000 years ago.
Bakit mahalaga pa rin sa atin ang nangyari 2000 years ago? Hindi ito nakadepende sa panahon o sitwasyon kundi sa kung sino ang ipinangakong darating na siyang dumating nga.
The Lord
Sinabi ng anghel sa mga pastol, he “is Christ the Lord” (2:11). Ganoon din sa prophecy sa Malachi, “the Lord whom you seek will suddenly come to his temple” (3:1). Ang dumating ay ang siyang Panginoon – galing sa Diyos, pero siya rin ang Diyos na nagkatawang tao. At ang mahalaga sa sinasabi dito ay may kinalaman sa temple. Ang templo ay ang lugar kung saan naroon ang “presensiya” ng Diyos – the glorious presence of God. Ito ay senyales ng favor ni God sa kanila. Pero dahil nasira ang templo at nagawa pero di na tulad ng dati. Parang gusali na lang, parang di na nararamdaman ang presence ng Diyos. Kaya dumating si Jesus para tuparin ang pangako ng Diyos na ibalik ang tao sa kanya. Nang ihandog siya sa templo, nagkaroon ng katuparan ang propesiyang ito: “And he came in the Spirit into the temple” (Luke 2:27). Si Jesus mismo – dahil siya ang Diyos – ang may direct access sa presensiya ng Diyos at siya rin ang magdadala sa atin doon.
Hindi ang relihiyon natin, hindi ang sarili nating gawa, hindi ang anumang effort natin to please God. Ito kasi ang problema rin ng mga Judio. Oo nga’t ibinigay sa kanila ang Kautusan (Mosaic Covenant) para sundin. Pero hindi ito kailanman makapagbibigay ng buhay sa kanila, dahil sa puso ng tao na patuloy na nagrerebelde sa Diyos.
The Messenger of the Covenant
Kaya sa Malachi, sinabi ng Diyos na ang darating ay ang “messenger of the covenant.” Merong bagong tipan (new covenant) ang dapat nating panghawakan. Hinding-hindi tayo makakalapit sa Diyos sa pamamagitan ng Mosaic Covenant. Kaya may New Covenant, “I will give you a new heart…I will put my Spirit within you..you shall be my people, and I will be your God” (Ezek. 36:26-28). Makalalapit lang tayo sa Diyos kung ang Diyos mismo ang lalapit sa atin. Hindi natin siya kayang abutin. Siya ang aabot sa atin. Iyan ang pangako niya. Tinupad niya kay Cristo. Si Jesus ang “messenger” – hindi lang basta tagapagdala ng sulat. Kundi siya mismo ang magpapatibay nito. Siya mismo ang tumupad sa Kautusan para sa atin na hindi nakatupad nito. Bagamat wala siyang kasalanan, siya ang pinatay bilang kabayaran sa ating mga utang. Siya ang nag-iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao.
Buhay niya ang naging kabayaran para makapamuhay tayo nang malapit sa Diyos. Muntik na kaming di masakay sa C130. Pinababalik na kami sa waiting area. Lumapit si Kuya Benji sa sundalong in-charge, at sinabing siya ang National Coordinator ng Living Waters Philippines. Walang effect. Sabi hintayin na lang daw ang pagbalik. Pero sabi niya, “Kailangan kong makauwi agad dahil ililibing na ang tita ko. Hindi ako aabot kung sa susunod pang flight.” Pinayagan siyang sumakay, kasama kami. Sa isip-isip ko, hindi ko lang sinabi sa kanya, “Buti na lang namatay ang tita mo.” Buti na lang namatay si Jesus para sa atin, kung hindi, hindi natin makakamit ang pinakahihintay natin, ang pinakaninanasa ng puso natin, ang nag-iisang makapagbibigay sa atin ng tunay na buhay.
The Desire of Our Hearts
Isang bagay na kapansin-pansin sa Malachi 3:1 ay hindi sinabi ng Diyos na dahil darating ang Messiah, hindi niya sinabi, “Seek him. Delight in him.” Hindi niya sinabing, “Hintayin n’yo. Panabikan n’yo. Pakanasahin n’yo siya.” Wala siyang utos na sinabi, nagbitaw siya ng pangako at sinabing, “Siya ang pinakahihintay n’yo. Whom you seek. In whom you delight (or who is your heart’s desire). Siya ang pinakananasa n’yo.” Pinapakita sa atin na hindi lang mga Judio, kundi tayong lahat, deep inside our hearts we are looking for Someone who can fill the emptiness inside. Sabi ni Blaise Pascal, “There is a God-sized void in our hearts that only God can fill.” Sabi ni Augustine, “Our hearts are restless til they find their rest in You.”
Malaki ang pagkakaiba ng need (kailangan) at desire (ninanais). Oo, kailangan natin si Jesus. Kailangang-kailangan. Pero hindi parang gamot na mapait ang lasa, kailangang inumin para gumaling pero hindi mo gusto kasi mapait. O parang dentista na kailangang bumunot ng ngipin mo, pero ayaw mong lapitan kasi masakit magpabunot. But he is like a Groom, na napakatagal mo nang hinihintay, pero nariyan ka na at naglalakad papunta sa altar at nakatingin sa kanya, nakikita mo siyang nakangiti sa iyo. At sa isip-isip mo, “He’s not just what I need. He is what I want.”
Stop waiting. He has come. Kapag dumating na, hindi na kailangang hintayin. Nandyan na nga. Ito ang problema ng maraming mga Judio hanggang ngayon. Because they rejected Jesus when he first came, naghihintay pa sila ang Messiah. Dumating na nga! Para bang hanap ka nang hanap ng salamin mo, nasa ulunan mo lang pala. Hanap ka ng hanap ng susi ng kotse, nasa bulsa mo lang pala.
Stop looking for another. There is no other. Naghanap ka ng kayamanan, nasiyahan ka ba? Naghanap ka ng makakasama sa buhay, are you completely satisfied? No. Kasi nga, there’s only one who can satisfy our hearts complete. That’s none other than Jesus. Don’t settle for anything less.
Stop coming to Jesus to get stuffs. Hindi po siya Santa Claus. Mga parents, ilayo natin ang mga bata kay Santa Claus baka akalain nila ganyan si Jesus. Baka lumaki iyan tulad ng maraming “nominal Christians” ngayon na ang brand ng Christianity ay “Santa Claus Christianity.” Hinihintay lang dumating si Santa para sa mga regalong dala niya. Pagkabigay ng regalo, aalis na. Maraming tao lumalapit lang kay Jesus, o hinihintay ang ibibigay niya, para makuha ang mga bagay-bagay. We come to Jesus to get Jesus, not to get his gifts. Yes we pray for more income, more happiness sa relationships, more effectiveness sa church ministries, pero hindi iyon ang ultimate priority natin sa prayer. We come to God and say, “Give me Jesus. Give me Jesus.”
Keep on waiting for his return. He will come again. At sigurado ulit iyon. Hindi natin alam kung kelan. Pero pagdating niya at kapag nakita natin siya ng mukhaan, lulundag sa tuwa ang puso natin, “Ha! Narito na siya! Sa wakas! Siya ang pinakahihintay ko!”
Related articles
- Merry Christmas? (pastorderick.com)