Gospel Power: The Message of Romans

Para kanino ang gospel? For unbelievers? Yes. For us believers? Yes also! Kaya nga nasasabik siya na i-preach ang gospel sa kanila na mga believers na (1:15). Why? Paliwanag niya, “For I am not ashamed of the gospel, for it is the power of God for salvation to everyone who believes, to the Jew first and also to the Greek” (1:16). Power of God. Itong salitang ito (dunamis) ay ginamit din sa verse 4, tumutukoy sa kapangyarihan na bumuhay kay Cristo mula sa mga patay. Kung ‘yan ay “power of God” imagine kung anong klaseng kapangyarihan ang nasa gospel! If you are underestimating the gospel, you are underestimating God.

Sermon: No Separation (Rom. 8:35-39)

Paano kung huminto na ang pagmamahal ng Diyos sa akin? Paano kung sobrang laki ng kasalanan ang nagawa ko at magsawa na siyang magmahal sa akin? Paano ako makatitiyak na secured ako in the loving hands of God? Ang problema kasi sa atin dinadala natin sa Diyos ang mga karanasan natin sa relasyon natin sa ibang tao. Nakakalimutan nating ang Diyos ay hindi tao na tulad natin na may hangganan ang pagmamahal. We have a God whose love is everlasting, eternal, unfailing, unchangeable, unbreakable, sure and certain—for every one of his children.

Sermon: If God is for Us (Rom. 8:31-34)

Sa mga panahon ngayon na kumakalat pa rin ang coronavirus, pati mga Christians nagkakasakit at namamatay din, prone tayo na magtanong kung mabuti nga ba ang Diyos, mahal nga ba talaga tayo ng Diyos. Lalo pa kung meron tayong mga sufferings na nararanasan dahil sa pagiging Christians natin, dahil sa faithfulness natin sa salita ng Diyos. At kung hanggang ngayon we are dealing with guilt dahil sa kasalanang nagagawa pa rin natin, at paulit-ulit na nagagawa. So we doubt, mamahalin pa kaya ako ng Diyos sa ganitong kalagayan ko? Papatawarin pa niya kaya ako? Baka itakwil niya na ako at bawiin ang kaligtasang ibinigay niya sa akin?