Meron tayong totoong laban sa buhay, at ito ang dapat nating pagtutuunan ng panahon. Lahat tayo may nilalabanan pang kasalanan. Sa iyo, ano? At paano ka lalaban? Oo, patayan ang labang ito. Pero ano ang sandata mo sa labang ito? Wala akong steps na sasabihin sa inyo. Ang ipapaalala ko lang, tandaan mong nasa iyo na ang sandatang ito dahil nasa iyo si Cristo. Mapapatay mo lang ang kasalanang iyan - kahalayan, kasakiman, galit, hinanakit, kasinungalingan - kung paniniwalaan mong ang kayamanang hinahanap mo, pati kasiyahan at kabuluhan sa buhay, di mo makukuha sa ibang tao o sa sex o sa pera o sa popularity o sa approval ng ibang tao. Kay Cristo lang matatagpuan. Hangga't di mo pinaniniwalaan nang lubos na kay Cristo lang ang buhay mo ay walang kulang, kumpleto na, mahihirapan ka sa laban sa kasalanan.
Part 2: How to Fight
This sermon shows biblical strategies for fighting sin. It also exposes our common yet unbiblical approaches in dealing with sin in our lives. http://www.audiomack.com/song/derick-parfan/how-to-fight Introduction | Part 1 Desire to Overcome Sin Meron akong kaibigang nakausap kamakailan lang. Committed Christian siya. Aktibo sa ministry. Nagtuturo ng Salita ng Diyos. Pero malalim ang struggle niya sa … Continue reading Part 2: How to Fight
