#7: Sisikapin natin, sa tulong ng biyaya ng Diyos, na mamuhay nang maingat sa mundong ito, tumalikod sa mga makamundong mga hangarin at mga gawain, at ipamuhay ang isang bago at banal na pamumuhay, ayon sa inilalarawan ng bautismo na tayo’y namatay na, inilibing, at muling nabuhay kasama ni Cristo (Rom. 6:1-4; 12:1-2; Eph. 5:15-18; Col. 3:12-13; 1 Pet. 1:14-16; 2:11-12).
Growing One Another Week 6: The Enemy of Discipleship (Indwelling Sin)
Ang kasalanang nananatili pa rin sa atin ay nakakahadlang sa ating pagsunod kay Cristo, subalit mapapagtagumpayan natin ito sa biyaya ng Diyos.
Part 8 – Fighting Well
Kapag may away kayong mag-asawa, tandaan mong hindi ang asawa mo ang kaaway mo. Hindi siya ang dapat mong labanan. Your enemy is your sinful self. Kahit pa nasasaktan ka ng asawa mo, tandaan mong ang kasalanan sa puso mo ang dapat mong labanan at patayin.
Patayan ang Labang Ito! (Col. 3:5-11)
Meron tayong totoong laban sa buhay, at ito ang dapat nating pagtutuunan ng panahon. Lahat tayo may nilalabanan pang kasalanan. Sa iyo, ano? At paano ka lalaban? Oo, patayan ang labang ito. Pero ano ang sandata mo sa labang ito? Wala akong steps na sasabihin sa inyo. Ang ipapaalala ko lang, tandaan mong nasa iyo na ang sandatang ito dahil nasa iyo si Cristo. Mapapatay mo lang ang kasalanang iyan - kahalayan, kasakiman, galit, hinanakit, kasinungalingan - kung paniniwalaan mong ang kayamanang hinahanap mo, pati kasiyahan at kabuluhan sa buhay, di mo makukuha sa ibang tao o sa sex o sa pera o sa popularity o sa approval ng ibang tao. Kay Cristo lang matatagpuan. Hangga't di mo pinaniniwalaan nang lubos na kay Cristo lang ang buhay mo ay walang kulang, kumpleto na, mahihirapan ka sa laban sa kasalanan.
