Sermon: Help in Weakness (Rom. 8:26-27)

Mahirap maghintay lalo na't kung matatagalan pa ang hinihintay nating future glory, lalo na kung mas magiging malala pa ang sitwasyon natin ngayon. Pero ipinapaalala sa atin na hindi mauubos ang tulong na galing sa Diyos. Hindi kailangang mangutang ng pamahalaan ng Diyos para ipondo sa ayuda na kailangan natin. There is enough help available for every Christian. Kahit gaano tayo karami, kahit gabundok ang mga problema natin, sapat at umaapaw ang tulong na galing sa Diyos.

Sermon: “Not Worth Comparing” (Rom. 8:18-21)

Kung tayo ang papipiliin o kung tayo ang magpaplano, o kung tayo ang susulat ng script ng kwento ng buhay natin, gusto nating burahin ang mga eksenang masasakit. Kung tayo ang masusunod, we want our sufferings to end now. Sino ba naman ang may ayaw na matapos na itong coronavirus? Natural yun. Kaso ang problema natin, we think our sufferings now are inconsistent with our being children of God. Tagapagmana tayo ng kaharian ng Diyos, tapos ganito ang mararanasan natin? Wala bang exemption for the children of God?

Sermon: “We are Children of God” (Rom. 8:14-17)

Ang patuloy mong pakikipaglaban sa kasalanan ay patunay na ikaw ay pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos na siya namang patunay na ikaw ay anak ng Diyos. At ito rin ang nagbibigay sa atin ng kumpiyansa--ang pagiging anak ng Diyos--na kahit gaano katindi ang mga struggles mo ngayon, kahit gaano kalakas ang dating sa 'yo ng tukso, ikaw na anak ng Diyos ay papatnubayan niya, palalakasin niya, tutulungan niya, pagtatagumpayin niya.