Sermon: Help in Weakness (Rom. 8:26-27)

Hope in Times of Suffering

Malaki ang epekto nitong coronavirus sa buhay natin ngayon. Obviously, dun sa mga nagkakasakit at pamilya nila, matinding sufferings ang pinagdadaanan nila. Pero tayo rin, dahil din sa pangamba na mahawa tayo o mahawaan natin ang iba, pinaghihinaan din tayo ng loob. Pero hindi lang ito dahil malakas tayo dati, pero nanghihina dahil sa pandemic na ‘to. Tulad din ng iba pang mga sufferings nararanasan natin, isang epekto nito ay ipakita sa atin na talaga namang mahina tayo. Ayaw lang nating aminin. Gusto lang nating ipakita sa mga tao na malakas tayo, kaya natin ‘to at kahit ano pang pagsubok ang dumating. Pero ang totoo, mahina tayo. Kailangan natin ng tulong. 

At salamat sa Panginoon dahil sapat ang tulong na ibinibigay niya lalo na sa mga salitang pinag-aaralan natin sa Romans chapter 8. Ito yung mga salitang nagbibigay sa atin ng assurance na bilang mga anak ng Diyos (v. 16)–kung ikaw ay isa sa mga anak ng Diyos, nakay Cristo (v. 1) at pinananahanan ng Espiritu (vv. 9, 11)–kahit ano man ang mangyari ngayon, lumala man ang sitwasyon makakaasa tayo sa pangako ng Diyos na mana (v. 17), isang magandang buhay sa piling ng Diyos magpakailanman. Ito yung fullness of our adoption as children of God sa pagbabalik ni Cristo (v. 23), our being glorified with him (v. 18), the redemption of our bodies (v. 23). Oo nga’t pangangalagaan natin ang katawan natin ngayon, pero may pag-asa tayo–unlike yung mga unbelievers–na magkasakit man ito, mamatay, at mabulok, balang araw ang Diyos mismo ang muling bubuhay sa atin (v. 11). Anuman ang hirap na dinaranas natin ngayon, hindi ito mapapantayan ng kaluwalhatiang naghihintay sa atin sa pagbabalik ni Cristo (v. 18). Ito ang pag-asa nating mga Cristiano.

Si Cristo at ang mga pangako ng Diyos na nakakabit sa pakikipag-isa natin kay Cristo ang Batong tinatayuan natin ngayon. Sabi ni John Piper sa Coronavirus at si Cristo (pp. 19-20).

Ang Batong binabanggit ko ang siyang kinatatayuan ko ngayon. Pwede ko itong sabihin dahil ang pag-asa ko para sa kabilang buhay ay pinanghahawakan ko sa ngayon. Ang sinasandalan ng pag-asa ko ay sa future pa. Ang para sa ngayon ay ang experience ko ng pag-asang ito. At ang ganitong karanasan ay mabisa’t makapangyarihan.

Hope is power. Malaki ang epekto nito para sa ngayon. Ang pag-asang ito ang nagbibigay ng dahilan—sa ngayon—kung bakit marami ang hindi nagpapakamatay. Ito ang nagtutulak sa mga tao—sa ngayon—na bumangon sa umaga para magtrabaho. Ito ang nagbibigay-kahulugan sa pang-araw-araw na buhay—sa ngayon—kahit naka-lockdown, naka-quarantine, at nakapirmi sa bahay. Pag-asa ang nagpapalaya—sa ngayon—mula sa selfishness na nakikita sa takot at kasakiman. Ito rin ang nagbibigay ng lakas ng loob sa atin—sa ngayon—para magmahal, magsakripisyo at gawin ang dapat gawin anuman ang kahinatnan. 

So, ‘wag mong basta-basta mamaliitin ang pagpapahalaga’t paghahanda para sa kabilang buhay. Pwede naman kasing kung anong ganda at tibay ng inaasahan mo sa kabilang buhay, ay siya ring tamis at pakinabang ang mararanasan mo sa buhay mo ngayon.

Ito rin naman ang huling talata na pinag-aralan natin sa Romans 8, “Now hope that is seen is not hope. For who hopes for what he sees? But if we hope for what we do not see, we wait for it with patience” (vv. 24-25). Ang pag-asa natin sa future na inilatag sa atin ng Diyos ay ang sustaining power na ginagamit ng Diyos para harapin natin ang lahat ng “sufferings of this present time” (v. 18). Pero bukod dun, meron pa! At ito ay ang Espiritu na nasa atin na. This present ministry of the Spirit in our lives ay siya ring sustaining power na kailangan natin to face our sufferings with hope. Itong ministry of the Spirit sa ating mga believers ay hindi bagong tema dito sa kasunod nating pag-aaralan ngayon savv. 26-27, pero karagdagang katuruan para palakasin tayo sa gitna ng nakapanghihinang mga sufferings sa buhay.

Kaya dugtong ni Pablo, “Likewise the Spirit helps us in our weakness. For we do not know what to pray for as we ought, but the Spirit himself intercedes for us with groanings too deep for words. And he who searches hearts knows what is the mind of the Spirit, because the Spirit intercedes for the saints according to the will of God.” My translation: “Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan sapagkat hindi natin alam kung paano manalangin nang nararapat, ngunit ang Espiritu ang namamagitan para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin. 27 At siyang sumisiyasat sa ating mga puso ang siyang nakakaalam kung ano ang naisin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ay namamagitan para sa mga pinabanal (saints) ayon sa kalooban ng Diyos.”

The Spirit Helps Us in Our Weakness

Paunang salita pa lang sa verses na ‘to, napakalaking encouragement na sa atin sa mga pinagdaraanan natin ngayon. “Likewise the Spirit helps us in our weakness.” Mahirap maghintay lalo na’t kung matatagalan pa ang hinihintay nating future glory, lalo na kung mas magiging malala pa ang sitwasyon natin ngayon. Pero dito sa verse na ‘to, ipinapaalala sa atin na hindi mauubos ang tulong na galing sa Diyos. Hindi kailangang mangutang ng pamahalaan ng Diyos para ipondo sa ayuda na kailangan natin. There is enough help available for every Christian. Kahit gaano tayo karami, kahit gabundok ang mga problema natin, sapat at umaapaw ang tulong na galing sa Diyos. 

We need help. But this help is not available for those who won’t admit that they need help. Tinatanggal ng pandemyang ito ang natitira pang yabang at self-sufficiency sa puso natin. Nasasayo na yun kung hanggang ngayon magmamatigas ka pa rin. At bakit naman kailangan natin ng tulong? “The Spirit helps us in our weakness.” Kasi mahina tayo. Kahit meron tayong kahinaan. Yung salitang pinanggalingan ng “weakness” o “kahinaan” ay translated din in other places na “illness” o kaya ay “infirmities.” Totoo ngang kasama dito yung mga sakit na nararamdaman natin sa katawan natin, pero hindi lang yun ang gusto niyang tukuyin dito. Sa Rom. 6:19, ang translation nito ay “human limitations.” Ito ay tumutukoy sa kahinaan na natural sa tao. Ito yung kahinaan na epekto na rin ng pagkakahulog ng tao sa kasalanan. Pero don’t equate “weakness” with “sinfulness.” Hindi kasalanan ang tinutukoy niya dito na kailangan nating patayin o mapagtagumpayan tulad ng sa 8:13. At ang kahinaang ito ay maaaring mauwi sa kasalanan kung sa sariling diskarte natin gagawan ng paraan at hindi natin sa Diyos ipagkakatiwala. So, kung di tayo hihingi ng tulong sa Diyos, maaaring maging dahilan ng pagbagsak natin ang kahinaang ito. 

Hindi niya tinutukoy dito ang isang specific na kahinaan, hindi niya sinabing “our weaknesses,” but “our weakness,” referring to our human weakness in general. Hindi lang ito para sa mga ilang mga weak and immature Christians, kundi karanasan ito ng lahat, even the most mature and spiritual. Kaya sabi ni Paul, “The Spirit helps us in our weakness.” Hindi, “The Spirit helps you in your weakness.” Kasali ako dun, sabi ni Pablo. Maging si Pablo inamin ang kahinaan niya (see 1 Cor. 2:3; 2 Cor. 11:30; 12:5, 9, 10; Gal. 4:13). And even the Lord Jesus as our high priest who can sympathize with our weakness (2 Cor. 13:4; Heb. 4:15; 5:2). Kaya kailangan natin ng tulong ng Panginoon, at available yung tulong na yun. Dahil kung hindi, dahil sa kahinaan natin, patuloy nating pagdududahan yung “no condemnation” status natin sa oras na bumagsak tayo sa tukso, patuloy na susubukan nating labanan ang kasalanan sa sariling lakas natin, patuloy tayong matatakot, pagdududahan ang status natin as children of God, mapapagod at aayaw na sa tagal ng paghihintay at pagdaing natin dahil sa dami ng sufferings natin sa buhay.

Karaniwan kapag ganito ang nangyari, we try to excuse ourselves, to justify our responses, “Tao lang kasi. Mahina.” Totoo naman, but we must not make our weakness an excuse para manatiling nakasubsob sa mga problema! Sa halip, maging dahilan ito para tumingala tayo at humingi ng tulong sa Diyos.

Tumitingin ako sa mga bundok; 
saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?
Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,    
na gumawa ng langit at ng lupa. 
(Salmo 121:1-2 ASD)

Ang tulong na kailangan natin ay nanggagaling sa Panginoon na gumawa ng langit at lupa. Kung langit at lupa may kapangyarihan siyang gawin, paano pa ang tulong na kailangan mo sa araw-araw? The Lord’s creative power will also be your sustaining power in times of sufferings. Ang Diyos–Diyos Ama, Diyos Anak, Diyos Espiritu–tatlong persona ay tulung-tulong na ibigay ang tulong na kailangan natin. 

At dito sa v. 26, binibigyang-diin ni Pablo ang tulong na galing sa Espiritu. Alam na naman natin dapat yun kasi sinabi na niya sa mga naunang verses na namumuhay tayo ayon sa patnubay ng Espiritu (vv. 4-5, v. 14). Nananahan siya sa puso natin hindi para tumambay kundi para tulungan tayo (v. 9). Kung siya ang bubuhay sa atin sa muling pagbabalik ni Cristo (v. 11), paano namang hindi niya tayo tutulungan sa buhay natin ngayon? Siya ang tumutulong para labanan natin ang kasalanan (v. 13). Siya ang tumutulong para magkaroon tayo ng katiyakan na tayo nga ay mga anak ng Diyos, para makatawag tayo sa Diyos ng “Abba! Father!” (vv. 15-16). Tinutulungan tayo ng Espiritu. Not just sa mga critical moments of our lives, hindi lang pag may 911 emergency, kundi araw-araw, moment by moment ang tulong na ibinibigay niya sa atin. He helps us, present help for our present sufferings.

Nang umalis si Jesus, hindi niya iniwan sa ere ang mga disciples niya. Ipinadala niya ang Holy Spirit to be another Helper (though a different word in Greek) tulad niya (John 14:16, 26; 15:26). At kapag sinabing “help” dito sa text natin, merong aid or support ang binibigay niya para maibsan yung bigat ng burden na dala-dala natin. Hindi common yung word na ginamit niya dito (Gk. synantilambánomai), dalawang beses lang ito ginamit sa New Testament at yung isa ay sa Luke 10:40 nang sabihin ni Martha kay Jesus na sabihin ang kapatid niyang si Mary na “tulungan” siya sa mga inaasikaso niya sa kusina. Mabigat na, hindi niya kaya mag-isa, kailangan ng katulong. Para pagtulungang buhatin ang mabigat na pasanin. 

Hindi ibig sabihing Diyos na ang bubuhat lahat, na siya na ang gagawa lahat. Hindi ito “let go and let God.” “Lord, hindi ko na kaya, ikaw na ang bahala diyan.” Though it sounds an act of great faith, but the Spirit helps does not negate our acting. His help is alongside us, sasamahan niya tayo, bibigyan niya tayo ng lakas para gawin yung mga dapat nating gawin na hindi natin magagawa sa sarili lang natin dahil sa taglay nating kahinaan.

Oo nga’t mahalaga ang tulong ng mga kapatid natin sa Panginoon, kaya humihingi tayo ng tulong sa iba sa mga panahong may problema tayo o meron tayong tukso na kinakaharap. Pero ultimately, all human help will fail kung wala rin naman ang tulong ng Espiritu. So take heart, kapatid, lalo na kung bigat na bigat ka na at inip na inip na. Ang tulong na kailangan mo hindi malayo pa at maglalakbay pa para makarating sa ‘yo. The help you need–the Holy Spirit–is already inside of you. Ang tulong na kailangan mo ay hindi matagal pa at kailangan mo pang maghintay ng ilang taon. Matagal na siyang dumating simula pa nang sumampalataya ka kay Cristo. Ang tulong na kailangan mo ay hindi mo kailangang pagdudahan kung kakayanin niyang tulungan ka. Siya nga ang bumubuhay sa mga patay!

Don’t underestimate the help available for you, fellow Christian. This is wonderful news. Pero siyempre kailangan mo munang aminin na mahina ka. Kung patuloy ka sa pagyayabang–Kaya ko ‘to!–you will not find the help you need. Cry out to God, “Help me.” Sasabihin ni Lord, “Tutulungan kita. Lagi naman.” But don’t expect him to remove your weakness. Anuman ‘yan — maaaring sa pagpapastor, o pagpapalaki sa mga anak mo, o something about your personality. Tulad ni Pablo, nagpray siya na tanggalin yung “thorn in the flesh.” Pero sabi ni Lord, No! Hindi ko tatanggalin ang kahinaan mo. Pero sapat ang biyaya ko para sa ‘yo. My power is made perfect in weakness. My grace is sufficient for you (2 Cor 12:9). Sa oras nararamdaman mo ang matinding kahinaan mo, mararanasan mo ang lakas ng kapangyarihan ni Cristo. 

Our Weakness in Prayer

Pagkatapos na mahabang talakayin natin ang tungkol sa kahinaan natin in general, nagbigay naman si Pablo ng isang specific example ng kahinaan natin at specific na tulong na ibinibigay ng Holy Spirit. Verse 26 pa rin tayo! “For we do not know what to pray for as we ought…” Dito, binabanggit ni Pablo ang isang kahinaan natin pagdating sa prayer life natin. Bakit sa dami ng pwedeng talakayin, bakit prayer life ang tinumbok ni Pablo? Kasi yun ang karaniwang tinatamaan kapag may mga sufferings tayo. Alam natin kailangan natin lalo na magpray. But do we? Alam natin na yung relasyon natin sa Diyos bilang mga anak niya ang pinakamahalaga, at isang expression nito ay ang pakikipag-usap natin sa kanya in prayer. Pero yun ba talaga ang ipinapakita nating pinakamahalaga sa atin during this time o nagiging mas mahalaga pa ang 3,458 friends mo sa Facebook kesa sa pag-awit ng “What a Friend We Have in Jesus”:

What a friend we have in Jesus
All our sins and griefs to bear
And what a privilege to carry
Everything to God in prayer

Oh, what peace we often forfeit
Oh, what needless pain we bear
All because we do not carry
Everything to God in prayer

Have we trials and temptations?
Is there trouble anywhere?
We should never be discouraged
Take it to the Lord in prayer

Can we find a friend so faithful
Who will all our sorrows share?
Jesus knows our every weakness
Take it to the Lord in prayer

Kung tayo ay anak ng Diyos, at ang Diyos ang ating Ama, hindi ba’t natural at simple at madali para sa isang bata na umiyak, humingi ng tulong at makipag-usap sa daddy niya. Hindi naman siya stranger. Hindi naman siya VIP na wala tayong access. But we have to admit, even for us na matagal nang Christians, we still struggle sa prayer. It seems like beginners tayo palagi sa prayer. Nangangapa, nag-aadjust, sobrang basic sa Christian life, yet we find it so hard many times. Especially in times of suffering. Kung Christian ka, meron kang desire to pray. At alam naman natin na dapat tayong magpray. May mga times na mali talaga yung hinihiling natin kay Lord (tulad ng mga disciples sa Matt 20:22). Itinuro din naman ng Panginoon kung ano ang mga dapat nating ipagpray. Alam natin, pero yung alam natin hirap tayo to put into practice. Minsan mali naman talaga yung hangarin ng puso natin (tulad ngJames 4:3). Pero maraming beses okay naman yung desires natin, at kahit nandun yung desire to pray, nandun yung frustrations na ang hirap magsalita, di mo alam kung ano ang dapat sabihin. Mas madali kung prayer in public. Pero yung mag-isa lang tayo, minsan nangangapa na tayo kung ano ang sasabihin kay Lord tungkol sa pandemic ngayon, o sa gobyerno natin, o sa member natin na maysakit, o sa sarili mong problema at iniiyak kay Lord. We find it hard to say the words in prayer. “Our needs go far beyond the power of our speech to express them” (Knox, cited in Morris, 327).

When we face these frustrations, yung iba ang tendency wag na lang magpray. Ayoko na. Akala ko madali lang kasi nakaattend ako ng seminar “how to rejuvenate your prayer life” pero ang hirap pa rin. Pwede namang humingi ng tulong kay Lord, yun nga ang ibig sabihin ng pray. Maybe ang prayer mo dapat ngayon, “Lord, tulungan mo akong magpray. Nahihirapan ako.” 

The Spirit’s Help in Prayer

O kahit di mo man masabi ‘yan, merong tulong na ibinibigay sa atin ang Espiritu. Ang tulong na kailangan natin ay hindi yung prayer list na ibibigay ni pastor, kundi yung tulong na galing sa Espiritu. Kaya emphasis ni Paul sa susunod nating titingnan, “The Spirit himself…” Siya mismo ang tutulong sa atin, hindi ipapaubaya ang tulong sa iba, hindi magpapadala lang ng representative niya. Siya mismo! Ituloy natin yung v. 26 hanggang v. 27, at tingnan natin kung ano ang specific na tulong na ibinibigay sa atin ng Espiritu na magbibigay encouragement sa atin sa mga times na we feel very frustrated sa prayer life natin: “…but the Spirit himself intercedes for us with groanings too deep for words. And he who searches hearts knows what is the mind of the Spirit, because the Spirit intercedes for the saints according to the will of God.” 

I will try to answer three questions from this passage. Una, para kanino ang tulong na ‘to? Ikalawa, paano tayo tinutulungan ng Espiritu? Ikatlo, bakit epektibo ang pagtulong na ito ng Espiritu?

Una, para kanino ang tulong na ‘to? The Spirit himself intercedes for us…” (v. 26). Para sa ating mga Cristiano. Specific para sa atin, hindi para sa lahat ng tao. Malinaw yun sa v. 27, “The Spirit intercedes for the saints…” Lahat ng Christians ang tinutukoy diyan. Hindi yung mga na-canonized lang dahil sa exemplary Christian living nila, kundi lahat ng struggling and suffering saints. Kung nasayo ang Holy Spirit, kung ikaw ay nakay Cristo, you are a saint. Ibinukod ng Diyos. Pinabanal at pinababanal ng Diyos. Sabi ni Martyn Lloyd-Jones, yung mga pagdaing natin sa kahirapan ay ginagamit ng diyablo na ebidensiya para akusahan tayo o kaya’y tuksuhin tayo na pagdudahan ang katotohanan ng pagiging anak natin ng Diyos. Pero dito binabaligtad ni Pablo yun at sa halip ay ginagamit niyang ebidensya yung mga daing natin, yung struggles natin sa prayer na tayo nga ay tunay na anak ng Diyos! 

No one else sighs in this way, no one else knows anything about this groaning. And the Spirit produces the groaning in the saints alone, in those who are children of God. The groanings, therefore, are a guarantee as well as an absolute proof of your final, ultimate, complete salvation…So far from being depressed and discouraged by your wordless groanings, lift up your head, it is an absolute proof that you are a child of God.

Kung anak ka, tutulungan ka.

Ikalawa, paano tayo tinutulungan ng Espiritu sa prayer life natin? He is praying for us. Tulad din ni Jesus na intercessor natin sa langit (Heb. 7:25) na nakaupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos–that is why we pray in Jesus’ name–ang Espiritu naman ay intercessor natin dito sa lupa at siyang nasa nakaupo sa trono ng puso natin (CSB Study Bible). He “intercedes for us…intercedes for the saints.” Sa Tagalog, “namamagitan.” Pero sa Greek, magkaibang salita ang ginamit dito. Yung unang “intercede” ay may diin sa role ng Spirit na siyang kumakatawan o nagrerepresent sa atin. Kumbaga parang yung may problema tayo, o may sinampang kaso sa atin, pero siya yung “attorney” na tutulong at dedepensa sa atin sa pagharap sa korte. We don’t have to face the judge ourselves. Siya ang bahala sa atin.

Yung ikalawang “intercede” naman ay siyang humihiling para sa atin, parang padrino, you need someone higher in status o malapit dun sa isang VIP na hihingan mo ng tulong. Mahina tayo, pero merong sapat na tulong para sa atin, lalo na sa prayer life natin. Ang Espiritu at tayo ay hindi equal partners in this labor, na tulad nina Martha at Maria na same status lang. O tulad ng dalawang business partners na merong equal amount of investment, o tulad ng dalawang teammates sa badminton. Mahina tayo, makapangyarihan siya. Meron tayong mga limitasyon, marami, wala siyang limitasyon. Makasalanan tayo, siya ay banal. Tao tayo, siya ay Diyos.

Followup question dito sa ikalawang tanong, paano niya tayo tinutulungan magpray? “…with groanings too deep for words.” May mga panahon na wala talaga tayong masabi. And even yung nararamdaman natin we cannot express into words. Groaning na lang, pagdaing, tulad din ng groaning ng creation (v. 22) at yung “groaning inwardly” natin (v. 23), may mga ganitong daing tayo sa prayer at sinasabi dito ni Pablo na, take heart, galing din ito sa Espiritu. Kahit di natin ma-express, “too deep for words,” yung Greek diyan dito lang makikita sa New Testament, ang Holy Spirit na ang bahala diyan na dalhin sa Panginoon at i-express sa Panginoon. 

Yung iba naman sasabihin pa na itong “groaning too deep for words” na gawa ng Espiritu sa atin ay tumutukoy sa “speaking in tongues,” yun bang sobrang emotional na sa prayer kaya ganun. Ang “speaking in tongues” may salitang lumalabas, eto wala; ang speaking in tongues spiritual gift sa ilang mga Christians hindi sa lahat, eto para sa lahat ng Christians. Ang speaking in tongues a form of praise, dito ang tinutukoy ni Pablo ay intercession (Morris, Romans, 328). At kung speaking in tongues ang tinutukoy dun, how can that encourage us in times of suffering at sa mga difficulties natin sa prayer?

Pero ang sinasabi ni Pablo dito ay encouragement sa atin. Na hindi tayo dapat mag-alala na baka di tayo pakinggan ni Lord kasi di natin nasabi nang maayos yung prayer natin. Reminder ito sa atin na biblical praying is not about saying the right words na para bang merong magic formula o incantation para mapakilos natin ang Diyos. Prayer is about the Spirit bringing our heart’s desires kahit yung mga unspoken words papunta sa Diyos, at kapag ginawa niya yun tiyak na sasagutin ng Panginoon.

Bakit? Yun ang huling tanong, bakit epektibo ang pagtulong na ito ng Espiritu? Dahil ito sa unbreakable unity at deep intimacy na meron ang relasyon ng Holy Spirit sa Diyos. Ang prayer kasi hindi nakadepende sa kalidad ng relasyon natin sa Diyos, although indicative ito ng klase ng relasyon natin sa Diyos. Pero buti na lang success in prayer is not dependent sa human achievement natin. This is encouraging, and also humbling. Wala tayong maipagmamalaki sa Panginoon. And it is ironic na prayer life pa natin ang ipagmamalaki natin kasi by definition, prayer is about humbly relying on God’s help and provision for our needs. 

“And he who searches hearts knows what is the mind of the Spirit” (v. 27). Hindi binanggit kung sino itong “he who searches hearts” pero wala namang iba ‘yan maliban sa Diyos (Ps 7:9; Prov 17:3; Acts 1:24; 1 Thess 2:4; Jer 17:10). So kung alam ng Diyos ang lahat ng nasa puso natin? Sabi ni Martyn Lloyd-Jones, “So words are not always necessary. When you are dealing with God you can, if necessary, do without words, because God knows our hearts. So when we are in such trouble that we cannot find words, and cannot express our feelings except in wordless groanings, God knows exactly what is happening. He knows all about our feelings, all about our desires. I know of nothing which gives greater comfort and consolation than this realization.” 

At dahil ang Espiritu niya mismo ang nasa atin, he “knows what is the mind of the Spirit.” Hindi lang ito intellectual knowledge, but about deep intimacy within the Trinity (1 Cor. 2:10-11). Sa lalim ng pagkakilala mo sa asawa mo, tingin pa lang niya, alam mo na ang gustong sabihin! Words are not necessary. Lalo naman sa Diyos Ama at Diyos Espiritu. Alam ng Ama ang nais ng Espiritu. Alam din ng Espiritu ang kalooban ng Ama. Kaya ang panalangin niya para sa atin ay palaging “according to the will of God” (literally, “according to God”). May kumpiyansa tayo na sasagutin ng Diyos lahat ng prayers natin yun ay kung prayer yun according to the will of God (1 John 5:14). At minsan nag-aalinlangan tayo na manalangin kasi baka hindi naman yun ang kalooban ng Panginoon. So yung Holy Spirit ang nagtuturo sa atin ng Salita niya, para matuto tayo to pray in ways na ayon sa kalooban niya at layunin niya.

Pero dito, sinasabi ni Pablo na kahit sa mga panahon na di natin masabi kung ano ang dapat sabihin sa Panginoon, we have the Holy Spirit bringing the deepest desires of our heart to the Father at ang hinihiling niya para sa atin ay laging ayon sa kalooban ng Diyos. Meron tayong mga ipagpepray na maaaring makasama sa atin, pero ang prayer ng Spirit for us ay laging kung ano ang makakabuti para sa atin–dahil yun naman ang layunin ng Diyos para sa bawat isa sa kanyang mga anak (pero sa Romans 8:28 na natin pag-aaralan ‘yan sa susunod).

But for now, I hope and pray na anumang dissatisfaction meron ka dahil sa mga nangyayari sa buhay mo, o sa prayer life mo, be encouraged na meron kang powerful intercessor at palaging nananalangin para sa ‘yo ayon sa kalooban ng Diyos (Morris, 329). The Father will not say “No” sa prayer ng Holy Spirit for you. So?

Manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu. Ipanalangin nʼyo ang lahat ng dapat ipanalangin. Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga pinabanal.

Efeso 6:18 MBB

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.