Tayong mga magulang, parehong tatay at nanay, magkatulong bilang disciplemakers ng ating mga anak, tumutulong sa kanila para mas makilala nila si Jesus, magtiwala kay Jesus at sumunod kay Jesus. Parenting is making disciples of your children. Disciplemaking is spiritual parenting. May anak ka man o wala, the mission is the same.
Part 8 – Fighting Well
Kapag may away kayong mag-asawa, tandaan mong hindi ang asawa mo ang kaaway mo. Hindi siya ang dapat mong labanan. Your enemy is your sinful self. Kahit pa nasasaktan ka ng asawa mo, tandaan mong ang kasalanan sa puso mo ang dapat mong labanan at patayin.
Part 7 – Love, Sex and Holiness
Klarong-klaro ang kalooban ng Diyos. Our sanctification. Noong tayo'y iniligtas ni Cristo, sinimulan din niya ang image restoration project sa atin. Para unti-unti, araw-araw, progressively, hinahatak niya tayo palayo sa kasalanan at kamunduhan, at inilalapit niya tayo sa Diyos at sa kanyang kabanalan para tayo'y maging tulad niya.
Part 6 – Singleness and “Undivided Devotion”
Natural sa tao ang pagnanais ng kasiyahan sa relasyon. Mahalaga ang pag-unawa na hindi lamang sa pag-aasawa matatagpuan ang kasiyahan; ang pagiging single ay isang biyaya rin. Ang tunay na kaligayahan ay nakasalalay sa relasyon kay Cristo, hindi sa estado ng pagiging single o may-asawa.
