This Sunday and next Sunday, maglalaan tayo ng panahon para pagbulayan ang dalawang sections sa Psalm 119. Ilang taon ko na rin ‘tong ginagawa, usually kapag magtatapos ang taon at magsisimula ang panibagong taon. Sermon number 14 na ‘to sa Psalm 119. Bakit Psalm 119? Usually kasi gumagawa tayo ng mga resolutions—kung anu-ano ang sisimulan nating gawin o pagbubutihin pa ngayong taon. More exercise, healthy diet, less social media, magba-budget na para makaipon, etc. Okay naman ‘yan. Pero hindi ba’t mas okay kung magkakaroon tayo ng renewed commitment sa pagbabasa ng salita ng Diyos at panalangin. Bible reading and prayer, two basic spiritual disciplines ng Christian life, na sobrang mahalaga para sa spiritual growth natin. Probably, wala sa atin dito ang magsasabi na totally satisfied ka na sa level of your discipline pagdating sa Bible reading and prayer. We need more commitment, not less.
Paano naman makakatulong diyan ang Psalm 119? Ito kasi ay isang mahabang prayer, 176 verses total. So matututunan natin kung paano manalangin at ano ang content ng prayer ng sumulat nito. Sabi ng iba si David daw, pero we are not sure. So, in a way, ito ay bahagi ng Salita ng Diyos para turuan tayo kung paano manalangin. At ano ang nangingibabaw sa content ng prayer niya? This is a prayer about the word of God. Ang puso ng sumulat nito ay punung-puno ng pagmamahal sa salita ng Diyos, kaya almost every verse, with only a few exceptions, ay merong references tungkol sa salita ng Diyos. Sa text natin ngayon, verses 105-112, bawat verse ay binabanggit ang salita ng Diyos, iba’t ibang terms lang ang ginamit:
Your word is a lamp to my feet and a light to my path. I have sworn an oath and confirmed it, to keep your righteous rules. I am severely afflicted; give me life, O Lord, according to your word! Accept my freewill offerings of praise, O Lord, and teach me your rules. I hold my life in my hand continually, but I do not forget your law. The wicked have laid a snare for me, but I do not stray from your precepts. Your testimonies are my heritage forever, for they are the joy of my heart. I incline my heart to perform your statutes forever, to the end. (ESV)
Hindi rin ito basta-basta isang composition lang. Itong Psalm 119 ay isang acrostic psalm. Ibig sabihin, yung 22 sections nito ay nagre-represent sa bawat letra ng Hebrew alphabet. Itong 14th section ay “Nun” section, Hebrew letter ‘yan na ang katumbas ay letter “n” sa ngayon. Every verse ng eight verses nito ay nagsisimula sa letrang “nun.” Siyempre, sa English o Tagalog hindi natin makikita yun, pero sa Hebrew: ner (lamp), nisbati (I have sworn), naaneti (I am afflicted), nidbowt (freewill offerings), napsi (my life), natenu (have laid), nahalti (I have taken as a heritage), natiti (I have inclined). Merong beauty, symmetry, rhythm yung composition nito.
At mas maa-appreciate mo yung ganyan ka-deliberate na composition kung maii-imagine mo kung ano yung pinagdadaanan ng sumulat. Nasa point siya ng buhay niya na not everything is going well. Kapag kinumusta mo siya, “Happy new year, kumusta ka naman?” ang isasagot niya ay hindi, “Okay naman. Maayos ang lahat. Mukhang maganda talaga ang pasok ng bagong taon ko.” Heto ang sasabihin niya, at ito nga ang sinasabi niya sa prayer niya, “I am severely afflicted” (Ps 119:107). Hindi lang medyo hirap, kundi hirap na hirap. Kailangan niya ng kaaliwan sa mga kapighatiang nararanasan niya (Ps 119:50). Heto pa, “The wicked have laid a snare for me” (Ps 119:110). Meron pang mga masasamang tao na nagpaplano ng masama laban sa kanya. Merong kumukutya sa kanya, nagpe-persecute sa kanya, nagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa kanya (Ps 119:42, 84, 86). So itong pagpapahayag niya ng damdamin niya kung ano ang salita ng Diyos sa puso niya at sa buhay niya ay hindi niya ginawa pagkatapos niyang maranasan ang mga hirap sa buhay, kundi habang nararanasan niya ang mga ito.
Kaya heto ang mahalagang bagay na matutuhan natin sa bahaging ito ng awit: Hindi lang sa pagpasok ng bagong taon, kundi sa bawat bahagi ng buhay natin ay kailangan natin ang tulong na nanggagaling sa salita ng Diyos, lalo na sa mahihirap na bahagi ng buhay natin. Ito yung ipapahayag niya, sa dalawang parte ng teksto natin, tungkol sa salita ng Diyos habang sinasabi rin niya with all honesty ang hirap na nararanasan niya. Makikita rin natin dito kung anu-ano ang resolutions and prayer niya na nakaugnay sa salita ng Diyos.
Sa matinding paghihirap sa buhay, salita ng Diyos ang liwanag sa ating daan. (Ps 119:105-108)
Sa first half ng text natin, sinabi niya ang kasalukuyang kalagayan niya, “I am severely afflicted…” / “Labis-labis…ang hirap kong tinataglay” (Ps 119:107 MBB). Hindi ito testimony tungkol sa hirap na dinanas niya last year, at ngayon salamat sa Diyos okay na lahat. No, itong hirap na ‘to ay nagpapatuloy hanggang ngayon. Kaya kailangang-kailangan niya ang tulong ng salita ng Diyos. Matututunan natin mula sa sumulat ng awit na ‘to na sa matinding paghihirap sa buhay, salita ng Diyos ang liwanag sa ating daan.
Declaration (v. 105): Ang salita ng Diyos ang liwanag sa aking daraanan.
Sa unang verse pa lang ay ganito na ang declaration niya tungkol sa salita ng Diyos, na ang salita ng Diyos ang liwanag sa kanyang daraanan: “Your word is a lamp to my feet and a light to my path” (Ps 119:105). The two lines are synonymous. Parehong naglalarawan kung ano ang katangian ng salita ng Diyos. Ito ay lamp (ilawan/tanglaw), pareho din ng light o liwanag. Sa kanila ay isang lamparang may langis para magbigay liwanag sa isang kuwartong madilim. Sa atin naman ngayon, parang flashlight sa gabi o headlight ng sasakyan na nagbibigay liwanag sa daraanan. Yung “my feet” at “my path” ay pareho din, tumutukoy sa paglakad ng isang Kristiyano, o sa ating Christian pilgrimage. Ito ay ang pang-araw-araw nating buhay hanggang makarating tayo sa destinasyon natin, ang langit, the Celestial City (sa Pilgrim’s Progress).
At sa daraanan natin, we live in this world na full of darkness, at meron pa ring ignorance and unbelief sa heart natin kaya maaari tayong malihis ng landas. Hindi natin alam ang tama at mali, kailangan natin ng gagabay sa atin. We are easily tempted, prone to wander, kailangan natin ng ilaw. Ang paningin natin sa mga bagay-bagay sa buhay ay “distorted by sin”: “only the word of God enables us to see things in their proper light, undistorted by sin” (Ash, Psalms, 4:107). At ‘yan ang tulong ng Salita ng Diyos sa atin sa bawat araw. We need the Word everyday. Kaya tulad ng isang ilawan na dala-dala natin habang naglalakad tayo sa madilim na daan, hawak-hawak din natin palagi at hindi bibitawan ang salita ng Diyos sa paglalakbay natin sa madilim na mundong ito. “Pagkat ang utos ay ilaw, ang turo ay tanglaw, at daan ng buhay itong mga saway” (Prov. 6:23).
Resolution (v. 106): Susundin ko ang salita ng Diyos.
Sa verse 106 naman ay nagbitaw siya ng isang resolution, na susundin niya ang salita ng Diyos. Dito naman ay inilarawan ang salita ng Diyos (rules or judgments) na “matuwid” o “righteous rules.” Ang salita ng Diyos ang magtuturo sa atin ng tamang daan na dapat nating lakaran, “This is the way.” Sasabihin din sa atin kung “wrong way” ang dinadaanan natin. Ngayon, ano ang gagawin natin? Susundin ba natin yung sarili nating mga pamamaraan o susunod sa sinasabi ng salita ng Diyos. Kaya yung psalmist dito ay nagbitaw ng isang pangako, isang commitment, o isang resolution: “Ako’y sumumpa at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang matutuwid na mga batas mo” (Ps 119:106 AB). Covenant language ‘to, merong personal oath-taking. Saksi ang Diyos sa pangakong binitiwan niya na ang bawat hakbang, bawat desisyon niya sa buhay ay hindi lang isasangguni kundi isasang-ayon sa kalooban ng Diyos.
Kasama sa panunumpang ito ay yung kahandaang danasin ang mga consequences ng pagsuway sa mga utos ng Diyos. Ito yung panunumpa na ginawa ng mga Israelita pagkatapos na sila’y magsisi dahil sa paglabag nila sa kautusan ng Diyos, especially yung pag-aasawa ng mga dayuhang sumasamba sa ibang Diyos. “Kami…ay nanunumpa kasama ng aming mga pinuno at nangangakong tutuparin ang buong Kautusan na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang lingkod na si Moises. Susundin namin ang lahat ng tuntunin at utos ng Diyos naming si Yahweh” (Neh 10:28-29 MBB). Ang panunumpang ito ay hindi basta-basta lang, yung may masabi lang na resolution, or just to please other people, or make one look good. “Ako’y sumumpa at pinagtibay ko…” Ito ay isang strong resolve na sumunod sa mga utos ng Diyos. So, we must resolve hindi lang basahin ang Bibliya araw-araw. E ano naman kung babasahin mo ‘yan araw-araw pero hindi mo naman susundin? So, dapat lang na resolution din natin, na susundin natin ang salita ng Diyos.
Prayer (v. 107): Palakasin ako ng salita ng Diyos.
Pero siyempre, gaano man kaseryoso, gaano man ka-strong ang determination natin na sumunod sa salita ng Diyos, alam nating kailangan natin ng tulong. That is why we pray na tulungan tayo ng Diyos. Dito sa verse 107 ang prayer niya ay palakasin siya ng salita ng Diyos. Sabi nga ni Calvin, “Sa tuwing nagsasambit ng panata (vow) ang isang mananampalataya, hindi sila umaasa sa kaya nilang gawin sa sarili nila. Sa halip, umaasa sila sa biyaya ng Diyos—sapagkat sa kanya nakasalalay ang pagtupad ng anumang hinihingi niya mula sa kanila—sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng lakas sa kanila sa pamamagitan ng Banal na Espiritu” (Psalms, 4:480).
Tulad ng psalmist, yung kanyang resolution ay hindi niya sinambit sa panahong emotionally okay siya, o comfortable ang buhay niya. Sabi niya sa Diyos, “I am severely afflicted.” Nahihirapan siya. Pwedeng financially, o emotionally, o physically, o dahil sa persecution galing sa mga ungodly. Pero hindi lang siya nahihirapan, he is severely afflicted. “O Lord, grabe ang paghihirap ko” (PV). Yung mga afflictions na binanggit na niya sa ibang mga verses (Ps 119:50, 67, 71, 75, 92) ay tuluy-tuloy, walang humpay na mga paghihirap ang nararanasan niya. ‘Wag nating gagawing excuse yung mga hirap na nararanasan natin para isantabi ang salita ng Diyos sa buhay natin.
Rather, ito pa nga ang dapat na magpaluhod sa atin in humility to ask the Lord for help. “Give me life, O LORD (O Yahweh!), according to your word.” Sinabi na rin niya ‘to sa verse 25, “Nakadapa ako sa lupa, halos mamamatay na, palakasin mo ako, gaya ng iyong pangako” (PV). Ginamit niya dito sa prayer niya yung covenant name ng Panginoon, Yahweh. Humingi ng tulong na palakasin siya, o ibangon siyang muli at ‘wag siyang hayaang mamatay sa tindi ng hirap na nararanasan niya. Ito ay panalangin for God to act according to his word or his promise. Yung kumpiyansa na meron siya sa buhay ay wala sa kanyang strong determination to be faithful sa covenant, kundi nasa garantiya na ang Diyos ay tapat, laging tapat, sa kanyang mga pangako sa atin.
Don’t put your trust in your resolutions. Ang tiwala natin ay nasa resolution ng Diyos na ibigay ang lahat ng kailangan natin sa araw-araw hanggang sa dulo ng ating buhay. At ang kailangan natin para mabuhay ay ang salita mismo ng Diyos. Isa ito marahil sa implication ng “according to your word.” Hindi lang sa pagtupad ng Diyos sa pangako niya, kundi sa kanyang life-giving word. Ang lakas na kailangan natin para makapagpatuloy ay nanggagaling sa mga salita ng Diyos. Kapag nanghihina ka, the more you need to cling to the word of God.
Prayer (v. 108): Turuan ako ng salita ng Diyos.
Dito sa verse 108, patuloy ang pagtawag niya sa Panginoon sa panalangin, addressing him as Yahweh, “Ang handog kong pasalamat, Yahweh, sana ay tanggapin, yaong mga tuntunin mo ay ituro mo sa akin” (MBB). Ang prayer niya dito ay para turuan siya ng Diyos ng kanyang salita.
Pero bago yun, may sinabi muna siya tungkol sa pagtanggap ng Diyos sa handog niya. Sa panahon kasi ng matinding paghihirap, mahirap ding sumamba, magpuri, at magpasalamat sa Diyos. Maganda siyempre ang halimbawa ni Job, na buo yung resolve na papurihan ang Diyos sa hirap at ginhawa, sa sakit at sa kalusugan, “Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh!” (Job 1:21). Pero sa mga panahong ‘yan, nagkakaroon ng doubts sa puso natin kung yung mga papuri ba natin sa Diyos ay tinatanggap niya, kasi nag-iistruggle tayo emotionally, or even may mga doubts sa heart natin as we praise him sa mga ganitong sitwasyon. Baka hindi nga natin ma-express nang maayos yung mga praises and prayers natin.
Kaya ang prayer ng psalmist, “Lord, tanggapin mo ang papuring alay ko sayo” (Ps 119:108 PV). Ito ay “freewill offerings,” out of the overflow of his heart, kahit na nahihirapan siya, pero hindi siya napipilitan lang na sumamba sa Diyos. Alam niya na deserving ang Diyos sa lahat ng papuri anuman ang sitwasyon natin sa buhay. Alam din niya na sa sarili niya hindi niya kayang mag-respond na consistently ay naibibigay ang pagsambang nararapat sa Diyos. Kaya prayer din niya, “and teach me your rules”: “Lord, gusto ko pang matutunan ang inyong mga salita. Lalo na sa panahon ngayon na hirap na hirap ako, the more I need to learn your Word.” Hindi tayo darating sa punto ng buhay natin na ga-graduate na tayo sa pag-aaral ng salita ng Diyos. Araw-araw ay kailangan natin ang aral at tulong na nanggagaling sa salita ng Diyos. Araw-araw kasi na kailangan natin ang liwanag ng salita ng Diyos. Kaya, “Makakabuti na ito’y pag-ukulan ninyo ng pansin, sapagkat tulad ito sa isang ilaw sa kadiliman na tumatanglaw sa inyo hanggang sa sumikat ang araw ng Panginoon at magliwanag sa inyong mga puso ang bituin sa umaga” (2 Pet. 1:19 MBB).
Ganito kahalaga ang salita ng Diyos, lalo na sa mga oras na hirap na hirap o hinang-hina tayo, not just physically, but also emotionally and spiritually. Kaya nga mas kailangan natin to resolve, buo ang loob, na paglaanan ng panahon ang salita ng Diyos, basahin araw-araw, pagbulayan sa maghapon, at sundin ang lahat ng sinasabi ng Diyos. Pero ang kumpiyansa natin ay wala sa strength of our determinations, kundi sa tulong na nanggagaling sa Diyos. That is why we pray. Hinihiling natin na siya ang magturo sa atin ng kanyang mga salita. Humihingi tayo ng lakas sa Diyos para masunod natin ang mga utos niya, para manatili tayo sa daang nais niyang lakaran natin hanggang sa dulo.
Sa matinding panganib sa buhay, salita ng Diyos ang kaligayahan ng ating puso (Ps 119:109-112)
Kailangan kasi hindi naman ipinangako ng Diyos na eventually ay mas magiging maayos o mas madali ang buhay natin sa paglipas ng panahon. No, actually, posible nga na mas maging malala pa. Dito sa ikalawang bahagi, verses 109-112, nalalagay na sa alanganin ang buhay niya. Siyempre kapag ganyan ang sitwasyon, pwedeng panghinaan ka ng loob, ma-depress, at yung iba nga ay nagpapakamatay na. Sa mga oras na ito, heto ang napatunayan ng mang-aawit: Sa matinding panganib sa buhay, salita ng Diyos ang kaligayan ng ating puso. Ito yung mahigpit na pinanghahawakan ng psalmist.
Resolution (v. 109): Aalalahanin ko palagi ang salita ng Diyos.
Sa verse 109 pa lang, sinabi na niya na hindi nagiging madali ang buhay niya. Kahit mas nagiging matibay ang resolve niya na sumunod sa salita ng Diyos, tila mas tumitindi pa ang hirap na pinagdadaanan niya. Literally, sinasabi niya dito, “Patuloy kong hawak sa kamay ko ang aking buhay” (Ps 119:109 AB). Nandun yung determinasyon, nandun yung tapang sa kabila ng matinding panganib: “courageous resolve in great danger” (Ash, 308). Ito na yung pinaninindigan niya yung commitment na ipinahayag niya sa verse 106. Hindi ito empty words lang. Masusubok talaga kung serysoso tayo sa sinasabi natin kapag buhay na natin ang nakataya. Pero sa puntong ito, hindi matitinag ang psalmist. Sabi niya sa resolution niya: “gayunma’y hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan” (v. 109). Or to put it positively, aalalahanin ko palagi ang salita ng Diyos.
Ang commitment natin sa salita ng Diyos ay hindi yung ilang minuto lang o kahit nga isang oras tuwing umaga, pero pagdating naman ng mga kaabalahan sa buong maghapon ay kakalimutan na natin yung salita ng Diyos na binasa natin. No. Bitbit natin ‘yan, lalo na sa mga panahong nasusubok tayo, mas lalo pa nga nating kailangang alalahanin ang salita ng Diyos. Kaya mahalaga rin talaga ang pagme-memorize ng ilang mga talata na binabasa natin. Kung one or two chapters ang binasa mo isang araw, pumili ka kahit isang verse lang para pag-isipang mabuti, hindi lang sa oras ng quiet time mo, kundi all throughout the day. Mahalagang discipline ‘yang memorization and meditation of Scripture. Para hindi natin makalimutan ang salita ng Diyos, para magamit natin lalo na sa oras na kailangang-kailangan natin. Kung natutukso tayo, o kung nalulungkot, o pinanghihinaan ng loob, merong mga salita na aalalahanin natin para makapagpatuloy tayo sa laban ng pananampalataya.
Kapag natatakot ka, lalakas ang loob mo kapag naalala mo yung Psalm 27:1 “The Lord is my light and my salvation; whom shall I fear? The Lord is the stronghold of my life; of whom shall I be afraid?” Kapag nagdududa ka kung sapat ba yung mga provisions ng Panginoon, maibabalik ang tiwala mo sa Diyos kapag naalala mo yung Psalm 23:1, “Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang” (MBB). Kapag nahulog ka sa malaking kasalanan, at hirap kang paniwalaan ang pagpapatawad ng Diyos sa ‘yo, napakalaking comfort kapag naalala mo yung Romans 8:1, “There is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus.” Napakahalaga ng memorization, kaya nga sabi ng psalmist sa Psalm 119:11, “I have stored up your word in my heart, that I might not sin against you.”
Resolution (v. 110): Mananatili akong tapat sa salita ng Diyos.
Kasama sa panganib na haharapin natin ay yung mga masasamang tao, o yung mga taong hindi kumikilala sa Diyos na sinasamba natin. “The wicked have laid a snare for me” (Ps 119:110). Merong patibong o bitag o trap na inilalagay para mahulog tayo sa pagkakasala, para tularan natin ang paraan ng pamumuhay nila, na siyang ikapapahamak natin. This is a greater danger para sa atin. Hindi lang yung malagay sa panganib yung pisikal na buhay natin kapag tayo ay nape-persecute. Halimbawa nito ay yung mga kapatid natin sa persecuted countries na kinukulong at pinapatay pa yung iba. The greatest danger ay kapag tumulad tayo sa pamamaraan ng masamang tao, nilakaran ang daang nilalakaran nila, at lumihis sa landas na nais ng Diyos sa atin.
Kaya yung resolution ng psalmist, sa kabila ng matinding panganib na ‘to, ay ito: “but I do not stray from your precepts” (v. 110). Hindi siya lumilihis ng landas, dire-diretso lang, hindi lumiliko sa kaliwa, hindi lumiliko sa kanan. The only safe way for him is the way of the Lord. Anumang daan ay mauuwi sa kapahamakan. Pero walang anumang trap o bitag ang mailalatag sa atin na ikapapahamak natin kung patuloy tayong magtatapat sa salita ng Diyos: “No one can harm the servant who remains faithful” (Ash, 308).
Pero baka ikaw yung nahulog na sa bitag ng masama. Nagpapatuloy sa kasalanan, lumihis na ng landas. Paano ka makakawala sa bitag na ‘yan? Paano ka makakabalik sa tamang landas? The way of repentance. Humingi ka ng tawad sa Panginoon. Aminin mong mahina ka at hindi mo kayang iahon ang sarili mo. Alalahanin mo at paniwalaan na sapat ang ginawa ni Cristo sa krus para sa ‘yo. The Lord will surely forgive. Ibabalik ka niya sa tamang daan, at tutulungang magpatuloy hanggang sa dulo.
Declaration (v. 111): Ang salita ng Diyos ang kaligayahan ng aking puso.
At sasabihin mo rin tulad ng mang-aawit, “Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan, sa puso ko’y palagi nang ang dulot ay kagalakan” (Ps 119:111 MBB). Ito yung declaration niya dito, na ang salita ng Diyos ang kaligayahan ng kanyang puso. Kasi itinuturing niya na yung salita ng Diyos ay pamana o heritage sa kanya ng Diyos. Yung “testimonies” na ito ay tumutukoy hindi lang sa mga utos ng Diyos, kundi sa mga pangako ng Diyos na nagkaroon ng higit na katuparan sa pagdating ng Panginoong Jesus. At yung “pamana” rito ay yung yaman na tinanatanggap usually kapag namatay na yung magpapamana. Ang salita ng Diyos, ang mabuting balita ni Cristo, ang Diyos mismo!, ang yamang tinanggap natin dahil sa kamatayan ng Panginoong Jesus. At yung manang ito ay sa atin na at hindi na babawiin pa. It our “heritage forever.”
This is our assurance. Na kapag nalihis tayo ng landas, hindi babawiin ng Diyos ang mana o yamang ipinagkaloob niya na sa pakikipag-isa natin kay Cristo. Pero siyempre, hindi hahayaan ng Diyos na tayo ay mapalayo ng tuluyan. Ibabalik tayo, ipaparealize sa atin, tulad ng prodigal son sa parable ni Christ sa Luke 15, na yung iniwanan natin ay higit na malaking yaman na hinding-hindi natin ipagpapalit kahit sa anumang kayamanan at kasiyahang inaalok ng mundong ito. It is foolishness kung gagawin natin yun! Dahil sa ligayang dulot ng salita ng Diyos, “for they are the joy of my heart,” sabi ng mang-aawit. The word of God is our treasure and our pleasure. Ang kayamanan at kasiyahang hinahanap ng puso natin ay sa Diyos lang natin matatagpuan sa pamamagitan ng kanyang mga salita na nagpapakilala sa atin kung sino ang Diyos natin.
Para sa mga parents, trabaho kayo ng trabaho para mabigyan ng magandang buhay ang inyong pamilya, para balang araw ay may maipamana kayo sa mga anak n’yo. Ano ang gusto mong manahin nila? Ah, higit sa lahat, pakanasahin nating ipamana sa kanila ang Diyos at ang kanyang salita. Ang lahat ng yaman at luho ng mundong ito ay lilipas din, pero ang salita ni Cristo ay mananatili magpakailanman (Mat 24:35). Ipamana natin hindi yung panandalian lang, kundi yung long lasting. Para masabi rin nila tungkol sa salita ng Diyos: “my heritage forever, the joy of my heart.”
Resolution (v. 112): Ikikiling ko ang puso ko sa salita ng Diyos.
Kung ang salita ng Diyos ay kayamanan at kasiyahan ng puso natin forever, nararapat lang na ganito ang maging resolution natin tungkol dito: “I incline my heart to perform your statutes forever, to the end” (Ps 119:112): ikikiling ko ang puso ko sa salita ng Diyos. Yung “forever, to the end” dito ay pwede ring i-translate na “the reward is eternal” (ESV footnotes), na echo rin naman ng previous verse tungkol sa salita ng Diyos as our heritage forever. Kung ganun pala, the word of God deserves our heart’s highest allegiance and devotion.
Ang puso natin, dahil sa natitira pang kasalanan, naka-incline din para sumuway sa mga utos ng Diyos, to follow our own hearts. So, we need to make a conscious decision na ikiling ang puso natin, o dalhin sa direksyon na ang pinakananais ay ang sumunod sa salita ng Diyos. Na ang pagsunod sa salita ng Diyos ay hindi lang mere duty kasi kailangang gawin, kundi kasiyahan ng puso natin, kasi gusto nating gawin.
But of course, maging ang sarili nating puso ay hindi natin kayang mapasunod kung sa sarili lang nating willpower tayo aasa. Yung resolution na, “I incline my heart,” nagko-correspond ito sa prayer ng Ps 119:36, “Incline my heart to your testimonies.” May kailangan tayong gawin (resolution), at kailangan din natin ang tulong ng Diyos, umaasang may gagawin ang Diyos (prayer). “Biblical piety does not stop to ask how much God does and how much the believer does; they both act” (ESV Expository Commentary, 5:601). Ito yung kanina pa natin nakikita, ang kahalagahan pareho ng resolution at prayer. We resolve na pag-aralan, bulayin, at isabuhay ang salita ng Diyos, na nakadepende sa gagawin ng Diyos para turuan tayo, baguhin ang puso natin, at tulungan tayong maisabuhay ang kanyang salita.
Conclusion
Kung pagsasamahin natin ang dalawang bahagi ng tekstong pinag-aralan natin ngayon, heto ang matututuhan natin: Sa pagharap natin sa matinding paghihirap at panganib sa buhay, ang salita ng Diyos ang liwanag sa ating daan at kaligayahan ng ating puso. The word of God is our light and our joy. Or tulad ng sa Psalm 97:11, “Sumisikat ang liwanag sa mga matuwid, at nagiging masaya ang mga may mabuting puso” (PV).
Pero siyempre, bago ang awit na ito ay maging awit din ng puso natin, dapat makita muna natin kung paanong ang awit na ito ay awit ni Cristo at tungkol kay Cristo. Si Cristo rin ay dumaan sa matinding paghihirap sa buong buhay niya sa lupa, mula kapanganakan hanggang kamatayan. Ang anino ng kadiliman ay nakabalot sa buong buhay niya. Ang masasama, na pinangungunahan ni Satanas, ay naglatag ng patibong laban sa kanya. Mula sa pagpapapatay ni Herodes ng mga sanggol nang mabalitaang isinilang ang darating na Haring Tagapagligtas sa Bethlehem, hanggang sa mga tukso ni Satanas sa wilderness, hanggang sa pagtataksil ni Judas, hanggang sa paghatol ni Pilato sa kanya ng kamatayan, hanggang sa pagkapako sa krus ng mga Romano na humantong sa kanyang kamatayan.
Sa lahat ng ito, nanatili siyang tapat sa kalooban ng Diyos—tinupad niya ang kautusan perfectly; ang pagkain niya ay ang gawin ang kalooban ng Ama na nagsugo sa kanya at tapusin ang gawain nito, ipinapakita ang covenant faithfulness ng Diyos sa pagsasagawa ng ating kaligtasan. Binigyan siya ng Diyos ng buhay sa kanyang muling pagkabuhay, na nagpapakita na tinanggap ng Diyos ang pag-aalay niya ng kanyang sarili bilang hain para sa pagpapatawad ng ating mga kasalanan.
By faith in Christ, tayo ngayon ay nakipag-isa na kay Cristo. ‘Yan ay totoo kung ikaw ay nananalig kay Cristo for your life and your salvation. So, paanong ang awit na ‘to ay magiging awit ng puso ko at ng puso mo? Only if you are in Christ and in communion with Christ. So everytime you read the Word, ang salita ang Diyos ay nagbibigay-liwanag at nagbibigay-galak sa ating mga puso dahil dinadala nito sa atin si Jesus mismo—ang liwanag ng buhay natin at ang kaligayahan ng ating mga puso. The Word of God is our light and our joy. Jesus himself is our light and our joy, forever. Kung ganun pala, bakit pa natin papabayaan ang pagbabasa at pagbubulay ng salita ng Diyos?
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

