Isang Pagbubulay sa Pagtatapos ng Taon
Itong pagbubulay natin ngayon sa Psalm 119 actually ay bahagi ng series sa Psalm 119 na sinimulan ko a few years ago. Ang plan ko talaga ay gawin ito, two sermons, eight verses each, tuwing first two Sundays of every year. Pero ngayon ay end of year ko gagawin. At isang sermon lang muna. Beginning tomorrow, January 1, hanggang March 31 ay mag-sabbatical leave ako sa pastoral ministry sa church. Dapat sana ay early this year pa, dahil 2016 pa yung huling sabbatical ko. Wala akong time ngayon para i-explain kung bakit kailangan at kung ano ang purpose ng sabbatical. Pero pwede n’yong basahin o pakinggan yung sermon na konektado dito eight years ago. I hope you will understand why. Tutal, mag-fifteen years na ako na naglilingkod as leading pastor ng church, na nagsimula February 1, 2009.
So, before I take a break from pastoral ministry, hayaan n’yong pangunahan ko kayo ngayon sa isang pagbubulay sa Psalm 119:81-88. Pang-eleven na ‘to na section sa Psalm 119, na nakahati sa 22 sections na may eight verses each. Ito ay isang acrostic psalm, ibig sabihin ay bawat section ay katumbas ng bawat letra sa Hebrew alphabet. Kaya dito sa section na ‘to, makikita n’yo sa heading ng Bible ninyo yung Kaph, na siyang parang letter “k” sa Hebrew alphabet. Isang unique feature nitong Psalm 119 ay bawat verse sa bawat section ay nagsisimula sa pare-parehong letra sa original Hebrew nito. Of course, hindi natin ‘yan makikita sa English o Tagalog.
Bawat linya rin, with only a few exceptions, ay merong binabanggit na tungkol sa salita ng Diyos. So, this is a psalm singing the Word of God, itinatangghal ang mga katangian ng Salita ng Diyos, at ipinapahayag ang damdamin at commitment ng sumulat sa Salita ng Diyos, na siyang dapat na maging damdamin at commitment din natin sa Salita ng Diyos. Kung titingnan natin ang salin ng Ang Salita ng Dios (ASD), tinukoy niya rito ang tungkol sa “salita” ng Diyos (v. 81), “pangako” ng Diyos (v. 82), “tuntunin” ng Diyos (v. 83), sa v. 84 ay walang explicit pero posible na yung “judgment” o “parusa” ng Diyos ay nakaugnay rin sa salita ng Diyos, “kautusan” ng Diyos (v. 85), “utos” at “tuntunin” ng Diyos (vv. 86-87), at “turong ibinigay” ng Diyos (v. 88). As we end the year, maganda na i-evaluate natin honestly ang sarili natin: ang buong buhay ba natin, ang bawat araw ba natin ay saturated o punong-puno ng salita ng Diyos o parang pabugsu-bugsong patak lang? Ang salita ba ng Diyos ay integral part ng buhay natin o hindi gaanong mahalaga para sa atin? Sa pagpasok ng bagong taon, hindi ba’t maganda na magkaroon tayo ng renewed commitment na basahin, pagbulayan, pag-aralan, at ituro sa iba ang salita ng Diyos?
But of course, we make a lot of excuses. Mahirap ang buhay. Maraming problema. Maraming kailangang asikasuhin. Kulang na sa oras! Really?! Hanggang ngayon ganyan pa rin ang mga dahilan natin kung bakit napapabayaan natin ang devotion natin sa salita ng Diyos? Itong Psalm 119, isinulat at inawit ba ito sa panahong kumportable ang buhay niya? Meron siyang paulit-ulit na binanggit na mga afflictions o paghihirap o pagdurusa na galing mismo sa Diyos sa vv. 67, 71, at 75. Merong mga taong kumakalaban sa kanya dahil sa pagsunod niya sa Diyos. Mga hambog na nagkakalat ng kasinungalingan o paninira laban sa kanya (vv. 69, 78). Binanggit niya rin ito sa section na ‘to sa v. 86 na “inuusig” siya sa pamamagitan ng pagkakalat ng kasinungalingan laban sa kanya. At itong mga kaaway na ‘to ay “naghukay ng patibong” para siya’y bitagin (v. 85). Hindi siya tinatantanan ng mga kaaway niya. Kaya dumadaing siya sa Diyos na “napapagod” na siya sa “paghihintay” (v. 81), na “nagdidilim na” ang “paningin” niya (v. 82), na parang siyang lalagyan ng tubig na pinapausukan at nanunuyot na (v. 83), at hindi pa dumarating ang pagliligtas ng Diyos sa kanya at pagpaparusa sa mga kaaway niya (v. 84). Pakiramdam niya, nasa bingit na siya ng kamatayan (v. 87). Sa pagtatapos ng taong ito, maganda ring magbulay tayo sa pagtatapos ng buhay natin. Paano kung nasa bingit na tayo ng kamatayan? Hindi man physically, pero yung pakiramdam natin na sobra-sobra na ang hirap na dinaranas natin, parang hindi na natin kaya, parang mauubusan na tayo ng lakas, parang pinanghihinaan na tayo ng loob. Paano na? Yun nga yung mga panahon na mas kailangang-kailangan natin ang salita ng Diyos.
So, sa pagbubulay natin sa pagtatapos ng taon, as we reflect sa mga salitang isinulat sa Awit 119 ng isang taong dumaraan sa matinding pagsubok na tulad din natin, nawa’y gamitin ito ng Diyos para magbigay ng panibagong sigla at pag-asa sa puso natin. Hindi ito ang katapusan, kundi isang opportunity to turn our trials into prayers. Bawat isang linya dito sa Psalm 119 ay panalangin at pakikipag-usap sa Diyos. Oo, meron siyang mga pagrereklamo pero nakadirekta lahat ng tanong niya sa Diyos. Oo, nahihirapan siya, pero sinasabi niyang lahat yun sa Diyos. Bawat linya ay nag-eexpress hindi lang ng kanyang unwavering commitment sa salita ng Diyos sa kabila ng kanyang tila walang humpay na mga paghihirap sa buhay, kundi ng kanya ring hindi mapipigtas na pagkapit sa Diyos lalo na sa panahon na siya ay nanlulupaypay.
Nasaan ang tiwala mo kapag nanlulupaypay? (vv. 81-84)
Hatiin natin sa dalawang bahagi ang pagbubulay natin dito. Sa verses 81-84 ay tanungin mo ang sarili mo kung nasaan ang tiwala mo kapag nanlulupaypay o nanghihina o napapagod ka na sa kahihintay sa sagot ng Diyos sa mga panalangin mo. Makikita kasi natin dito na patuloy na kumakapit sa Diyos ang sumulat ng awit na ‘to kahit na ang dami niyang pwedeng idahilan na bumitiw na. Bakit siya patuloy na kumakapit sa Diyos? Dahil ang tiwala niya ay nananatiling sa Diyos at sa kanyang maaasahang salita.
Verse 81
Sa verse 81 pa lang obvious na ‘yan. Sa ASD, “Napapagod na ako sa paghihintay ng inyong pagliligtas sa akin.” Sa Ang Biblia, “Nanghihina ang aking kaluluwa para sa pagliligtas mo.” Medyo “weak” ang translation sa MBB. Pati nga sa ESV, “My soul longs for your salvation.” Sa unang basa kasi, kung hindi mo mapansin ang konteksto nito, para bang positive ang dating, na nasasabik na siya sa pagdating ng pagliligtas ng Diyos. Pero ang idea dito ay galing salitang Hebrew na kalah, na nag-iindicate na nanghihina na siya, napapagod na, nanlulupaypay na at para bang mauubos na ang natitira niyang lakas o buhay. Kaya nga sa salin ng Legacy Standard Bible, “My soul fails with longing for Your salvation.” Parang wala na, ubos na, pagod na. Sobrang tindi ng mga afflictions niya. Nagpe-pray siya na tulungan siya ng Diyos, pero para bang hindi dumarating ang tulong na yun. What’s the point of even praying? What’s the point of waiting? Parang tahimik ang Diyos. Parang walang ginagawa ang Diyos. Oo, nasasabik siya, naghihintay siya, pero napapagod na sa kakahintay. Sabi ni John Calvin, he is “worn out with continual grief.” Kapag ganito ang naranasan natin, tinatanong natin ang sarili natin: Meron pa bang tulong na darating galing sa Diyos? O baka kailangan na nating maghanap ng tulong sa iba? Hahanap na ba tayo ng ibang tagapagligtas?
Pero itong sumulat ng awit na ‘to, patuloy pa rin siyang nagtitiwala sa Diyos. Sinabi niya sa Diyos na ang pagliligtas pa rin niya, “your salvation,” ang hinihintay niya. Hindi niya ito matatagpuan sa iba. Wala na siyang ibang mapupuntahan pa. Kaya sabi niya, “ngunit umaasa pa rin ako sa inyong mga salita” (ASD). Alam niya at nanininwala siya na hindi pa tapos ang Diyos. Kahit sa tindi ng paghihirap niya, hindi pa yun period, not yet the end of the story. Umaasa tayo sa mga bagay na hindi pa natin nakikita, pero siyempre gusto nating makita. Kaya naghihintay tayo. Pero siyempre, pwedeng ang paghihintay natin ay matagal, o sobrang tagal. Pero kung Diyos ang hinihintay natin, it is worth it, sulit ang paghihintay kahit ang mahabang paghihintay. Hindi ka naghihintay sa wala. Sabi ni Charles Spurgeon, “He grew weary with waiting, faint with watching, sick with urgent need. Thus the sincerity and the eagerness of his desires were proved. Nothing else could satisfy him but deliverance wrought out by the hand of God, his inmost nature yearned and pined for salvation from the God of all grace, and he must have it or utterly fail.” Kahit nanlulupaypay na sa kahihintay, wala pa ring humpay ang tiwala niya sa Diyos. How about you?
Verse 82
Weak na naman ang translation ng ESV dito, “My eyes long for your promise.” Pero mas maganda sa LSB, “My eyes fail with longing for Your word.” Na-capture yung bigat ng pakiramdam ng sumulat. “Nagdidilim na ang aking paningin sa paghihintay ng pangako n’yo sa akin” (ASD); “Nanlalabo ang aking mga mata.” Same Hebrew word sa verse 81, kalah. Doon ay ang kaluluwa niya ang nanlulupaypay. Dito naman ay yung kanyang mga mata o paningin. Gusto niyang makita ang katuparan ng mga pangako ng Diyos. Pero parang wala siyang liwanag na nakikita. Gusto niyang makita ang gagawin ng Diyos, pero parang ang dilim na, parang hindi niya makita ang kaningningan ng Diyos. Kaya ang tanong niya, “I ask, ‘When will you comfort me’” (ESV)? Our God is “the Father of mercies and God of all comfort, who comforts us in all our affliction” (2 Cor. 1:3-4) pero sa panahong ito, hindi niya nararamdaman ang kaaliwan ng Diyos. Tila parang walang relief sa mga hirap na nararanasan niya. Tayo rin nagtatanong, “Kailan ba, Panginoon? Gaano ba ako katagal maghihintay? Kailan mo ba pagagaanin ang bigat na nararamdamam ko? Kailan mo ba aalisin ang mga hirap na dinaranas ko? Kahit wag mong alisin lahat, pero pwede bang bawasan mo naman?” Oo, nanlulupaypay siya sa paghihintay sa kaaliwang galing sa Diyos, pero walang humpay ang tiwala niya sa Diyos. Nananalangin pa rin siya. Pangako pa rin ng Diyos ang hinihintay niya. Kaaliwan pa rin ng Diyos ang hinahanap niya. How about you? Sabi ni Spurgeon, “If help does not come from heaven it will never come at all.”
Verse 83
Dito naman sa verse 83 ay isinalarawan niya ang kanyang mahirap na kalagayan sa ganitong paraan, “Sapagkat ako’y naging parang balat na lalagyan ng alak na nasa usok” (AB); “Like a wineskin in the smoke.” Ito raw ang dahilan kung bakit ang kaluluwa niya ay nanghihina na, kung bakit parang nagdidilim na ang paningin niya. Itong “wineskin” na ‘to ang parang mga liquid bottles nila na gawa sa balat ng hayop, pero dahil sa exposure sa init at sa usok ay parang wala nang pakinabang, tulad ng salin ng ASD. Tuyot na. Marupok na. Tumutukoy ito sa tindi ng hirap na dinaranas niya. Sabi ni Calvin, hindi lang yung tindi ng hirap ang tinutukoy niya dito kundi yung tagal at haba nito na para bang nasa ibabaw siya ng apoy nang matagal na panahon. Sabi pa niya, ebidensiya rin ito ng true godliness. Bakit nga? Kahit na siya ay nakalubog sa pinakamalalim na pagsubok at hindi niya alam kung paano o kailan siya makakaahon, ngunit hindi siya tumitigil na ipailalim ang sarili niya sa Diyos. Sabi niya, after pointing out yung tindi at haba ng paghihirap niya, “hindi ko kinalilimutan ang iyong mga tuntunin” (AB). Hindi lang dahil mahusay ang memorya niya at hindi siya makakalimutin. Ito ay conscious decision sa part niya na patuloy na magtiwala sa salita ng Diyos kahit na pahirap nang pahirap ang kalagayan niya. Sabi ni Spurgeon tungkol dito:
The worst circumstances cannot destroy the true believer’s hold upon his God. Grace is a living power which survives that which would suffocate all other forms of existence. Fire cannot consume it, and smoke cannot smother it. A man may be reduced to skin and bone, and all his comfort may be dried out of him, and yet he may hold fast his integrity and glorify his God.
Kahit nanlulupaypay na siya, salita pa rin ng Diyos ang inaalala niya. How about you?
Verse 84
Ang tindi at haba ng hirap na dinaranas natin ay talaga naman susubok sa tibay ng pagtitiwala natin sa Diyos. Tingnan natin ang sabi niya sa verse 84, “Hanggang kailan pa kaya ang aking paghihintay? Kailan nʼyo parurusahan ang mga umuusig sa akin na inyong lingkod” (ASD)? Ito ay isang uri ng lament o panalangin ng panaghoy, “How long, O Lord?” Na ang interes ng sumulat ng awit ay hindi para malaman ang petsa kung kailan sasagot ang Diyos sa panalangin niya, kundi para i-express ang tagal ng paghihintay niya, ang hirap na dinaranas niya sa pagtitiis niya. Literally, “How many are the days of your slave” (LSB)? Maraming araw na ang lumipas pero hindi pa rin dumarating ang pagliligtas ng Diyos at ang pagpaparusa ng Diyos sa mga kaaway niya. Kung titingnan niya ang kalagayan ng mga umuusig sa kanya, parang siya ang naghihirap pero sila ay parang masarap ang buhay nila. Oo, nandun yung lament o panaghoy, ngunit hindi ibig sabihin na nagdududa na siya sa Diyos. Sa likod nito ay puso na nagtitiwala sa Diyos. Bakit ko nasabi? Di ba’t tinawag niya ang sarili niya na “your slave,” bilang pagkilala na si Yahweh ang Master, Lord, King, and Sovereign. He’s humbly acknowledging his lowly place, at pinagtitiwalaan na ang Diyos ang gagawa. Hindi niya kailangang maghiganti para sa sarili niya. Hindi niya kailangang ilagay sa sariling kamay niya ang solusyon sa problema. Ipinagkakatiwala niya ang sarili niya sa Diyos na makatarungan at makapangyarihan kung humatol. Maaaring mahabang panahon ang hintayin bago niya igawad ang pagpaparusa, pero siguradong darating. Kahit na nanlulupaypay na siya sa paghihintay, wala pa ring humpay ang tiwala niya sa Diyos. How about you?
Maaaring ang iba sa inyo ay napapagod na rin sa paghihintay. O kaya naman pakiramdam mo na parang sapot ng gagamba na lang ang nakatali sa relasyon n’yong mag-asawa at isang pitik na lang ay bibigay na. O kaya ay parang nauubos na kandila at kaunting apoy na lang ang natitira sa init ng paglilingkod mo sa Panginoon. O kaya ay para kang nakalubog sa kumunoy o malalim na putikan na kahit anong pilit mong iahon ang sarili mo ay parang mas lalo ka pang lumulubog. Anuman ang dahilan ng panlulupaypay mo, nais ng Diyos na patuloy kang maghintay, patuloy na magtiwala sa kanyang salita. Hindi niya ipinangakong darating agad, pero ipinangako niyang sigurado ang gagawin niyang pagliligtas. Hindi ba’t dumating na nga? Kailan? Nang dumating si Cristo na siyang nabayubay sa krus, walang kaaliwang dumating mula sa Ama, tuluyang nalagutan ng hininga, inako ang parusa na sana’y para sa mga kaaway ng Diyos. Para ano? Para iligtas tayo mula sa ating pinakamatinding kaaway—ang kasalanan at ang kamatayan.
Kung nagtiwala ka kay Cristo para sa kaligtasan mo, araw-araw pa rin tayong magtitiwala sa kanya na lulubusin ng Diyos ang pagliligtas sa atin sa kanyang muling pagbabalik. At kung hindi mo man nararanasan ang panlulupaypay sa panahong ito, ihanda mo ang sarili mo sa pagpasok ng panibagong taon na mas kakailanganin mo ang awit na ito. O isipin mo ang mga kasama natin sa church na dumaraan sa matinding pagsubok. Paano mo naman kaya sila matutulungang patuloy na magtiwala sa Diyos at sa kanyang mga salita? Bakit? Kasi lahat tayo ay nangangailangan ng tulong.
Sinabi ko kanina na bawat linya ng bahaging ito ng Psalm 119 ay nag-eexpress hindi lang ng kanyang unwavering commitment sa salita ng Diyos sa kabila ng kanyang tila walang humpay na mga paghihirap sa buhay, kundi ng kanya ring hindi mapipigtas na pagkapit sa Diyos lalo na sa panahon na siya ay nanlulupaypay. Tiningnan natin sa unang bahagi yun kanyang walang humpay na tiwala sa Diyos. Ngayon naman sa ikalawang bahagi, sa verses 85-88, ay tingnan natin kung…
Ano ang tulong na kailangan mo kapag nanlulupaypay? (vv. 85-88)
Mahalaga ang tamang pagkakilala sa Diyos sa pagrespond natin sa mga sufferings. Yung iba kasi, sa tindi ng mga sufferings nila, tingin nila ang Diyos na ang kalaban nila. Pinaparusahan ako ng Diyos! Pinagmamalupitan ako ng Diyos! Pero pansinin n’yo na itong sumulat ng Psalm 119 ay hindi ganun ang postura. Kinakausap niya ang Diyos bilang kanyang Panginoon. Hindi siya parang naghahabla sa korte at inaakusahan ang Diyos ng kasalanan laban sa kanya. Hindi niya sinusumbatan ang Diyos na para bang Diyos ang kaaway niya. No. Kilala niya kung sino talaga ang kaaway niya.
Verse 85
Sino raw ang mga kaaway niya? Sabi niya sa verse 85, “Ang mapagmataas ay gumawa ng hukay na patibong para sa akin, mga taong hindi sang-ayon sa iyong tuntunin” (AB). Itong mga hambog ang mga kaaway niya dahil gumagawa sila ng paraan para mabitag siya o malagay siya sa panganib o para masaktan siya. Turing nila sa kanya ay parang isang mabangis na hayop na gagawan ng patibong para mahuli, mapatay at makain. Pero pansinin n’yo kung paano niya itinurin na sila’y mga kaaway. Ito ay dahil sa kanilang pagmamataas na para bang sila ang pinakamataas na awtoridad. Sinukat niya ang mga kaaway niya hindi ayon sa sarili niyang kapakanan o patakaran, kundi ayon sa liwanag ng salita ng Diyos, ayon sa kanilang attitude sa salita ng Diyos. Sila raw ay “mga taong hindi sang-ayon” sa salita ng Diyos. Hindi lang sila mga kaaway niya, sila rin ay mga kaaway ng Diyos. Hindi lang yung mga ginagawa nila laban sa sumulat ng awit na ‘to ang laban sa salita ng Diyos, ang buong buhay nila ay kontra sa salita ng Diyos. So, yung paghingi niya ng tulong sa Diyos ay hindi lang concern para sa sarili niyang kapakanan kundi para sa karangalan ng Diyos at ng kanyang salita. So, when we appeal to God for help at ang motivation natin ay para sa kanyang sariling pangalan (like, “Hallowed be your name!”), sigurado ka ba na tutugon ang Diyos? Absolutely! God is passionate for the glory of his name.
Verse 86
Nandito na sa verse 86 yung explicit na paghingi niya ng tulong sa Diyos, “Tiyak ang lahat ng mga utos mo; kanilang inuusig ako ng kasinungalingan, tulungan mo ako” (AB). “Tulungan mo ako,” panalangin ito na desperate sa tulong na nagmumula sa Diyos. Pag-amin ito na kailangan niya ng tulong. At ang apela niya sa tulong ng Diyos ay nakabatay sa mga salita niya, “Tiyak ang lahat ng mga utos mo.” Sure. Sigurado. Hindi lang ang ilan, o karamihan, kundi lahat ng utos ng Diyos. Sigurado, tapat, mapagkakatiwalaan. At dahil ang mga utos ng Diyos ay salamin ng karakter ng Diyos, ang Diyos ay sigurado, tapat, at mapagkakatiwalaan. Sabi ni Spurgeon, “He had no fault to find with God’s law, even though he had fallen into sad trouble through obedience to it. Whatever the command might cost him it was worth it; he felt that God’s way might be rough, but it was right; it might make him enemies, but still it was his best friend.”
In contrast, his enemies persecute him by “falsehood,” by spreading lies about him. From previous section, sa verse 78, sinabi na niya ‘yan. Sinisiraan siya, nagkakalat ng kasinungalingan laban sa kanya para pulaan ang reputasyon niya. Kailangan niya ng tulong. Napakaikli ng prayer for help niya. Sabi lang niya, “Help me!” Parang 911. Sabi ni Spurgeon:
This is a golden prayer, as precious as it is short. The words are few, but the meaning is full. Help was needed that the persecuted one might avoid the snare, might bear up under reproach, and might act so prudently as to baffle his foes. God’s help is our hope. Whoever may hurt us, it matters not so long as the Lord helps us; for if indeed the Lord help us, none can really hurt us. Many a time have these words been groaned out by troubled saints, for they are such as suit a thousand conditions of need, pain, distress, weakness, and sin. “Help, Lord,” will be a fitting prayer for youth and age, for labour and suffering, for life and death. No other help is sufficient, but God’s help is all-sufficient and we cast ourselves upon it without fear.
Ang mga matitinding pagsubok natin ay naghuhubad sa atin ng mga natitira pa nating self-sufficiency at nagtutulak sa atin na aminin na wala nang ibang tulong ang kailangan natin maliban sa tulong na nanggagaling sa Diyos.
Psalm 121:1–2, “I lift up my eyes to the hills. From where does my help come? My help comes from the Lord, who made heaven and earth.” O baka wala ka pa sa punto na nasasabi mo ‘yan, kasi feeling mo kaya mo pa. Hihintayin mo pa ba na malunod ka sa mga pagsubok bago mo iunat ang kamay mo sa Diyos at sabihin mo sa kanyang, “Tulungan mo po ako! Hindi ko na kaya.”
Verse 87
Itong sumulat ng awit na ‘to, sinabi niya sa verse 87 na halos nandun na siya sa bingit ng kamatayan, “Halos sa ibabaw ng lupa ako ay kanilang winakasan” (AB). O sa ASD, “hanggang sa ako’y nabingit na sa kamatayan.” Itong “wakas” o “end” na tinutukoy niya ay pareho rin ng salitang nakita na natin sa verse 81 at verse 82, kalah, tungkol sa panlulupaypay ng kanyang kaluluwa at pagdidilim ng kanyang paningin. Dito naman sa verse 87 ay yung tangka ng kaaway niya na patayin siya. Physically man ito o emotionally, o sa tindi ng persecution na sobra na siyang na-depress na para bang mas mainam pa na mamatay na lang siya, o anupaman, ine-express niya rito na para bang he reached the end of his rope. O parang kandila na ubos na. O smartphone na 1% battery na lang. Sa ganitong kasadlakan ng pagdurusa, ang iba ay parang bibigay na rin ang pananampalataya nila. Sulit pa ba na kumapit sa Diyos at sa kanyang mga salita? O ayawan na, I will just just walk away from God. Pero saan ka pupunta?
Itong sumulat ng awit, alam niya wala siyang pupuntahang iba kapag iniwanan niya ang Diyos. Determinado siya na sinabi niya, “ngunit ang mga tuntunin mo ay hindi ko tinalikuran” (AB). Hindi ibig sabihin na perfectly obedient siya, pero yung resolve niya, yung determinasyon niya ay hindi matitinag. Hindi siya tumalikod sa Diyos—ang Diyos nga ang kausap niya mula verse 1 hanggang verse 176!—kahit na yung temptation to walk away from God is very strong dahil sa tindi ng mga pinagdadaanan niya. Mas mainam pa ang mamatay kung yun ay dahil sa pagsunod sa Diyos, kaysa naman ang patuloy na mabuhay pero ang buhay mo naman ay palayo sa Diyos. Yun ang mas masaklap na kahihinatnan ng isang taong hindi sa Diyos nagtitiwala at humihingi ng tulong. At kung hanggang ngayon, wala ka pa ring pananampalataya kay Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ng buhay mo, masaklap ang kahihinatnan mo pagdating ng iyong kamatayan. Paano kung ang araw na ito pala ang huling araw ng buhay mo, at hindi ka na aabot sa pagdating ng bagong taon? Ngayon pa lang, humingi ka na ng tulong kay Cristo, “Lord, have mercy on me, a sinner! Tulungan mo po ako, iligtas mo po ako.” Kailanman ay hindi tinatalikuran ng Diyos ang mga humihingi ng tulong sa kanya.
Verse 88
Ito yung prayer ng psalmist sa last verse natin, “Muli mo akong buhayin ayon sa iyong tapat na pag-ibig” (AB). Para bang namatay na siya. Sabi niya, “Give me life. Revive me.” Meron na tayong buhay na walang hanggan dahil kay Cristo. Pero may mga panahon lalo na sa mga severe trials na para bang hindi natin nararamdaman yung buhay na yun. Para bang mas natitikman natin yung kahinaan at kamatayan. Pero dahil sa muling pagkabuhay ni Cristo, we can continue to pray na ang Diyos ang magpanatili ng buhay natin. Siya naman ang mayhawak ng buhay natin. Hindi natin hawak o ng ibang tao ang buhay natin. Although siyempre, lalo na kapag hirap na hirap na tayo, para bang death is more preferable. Sabi nga ni Paul, “To die is gain” (Phil. 1:21). Pero merong magandang dahilan na hilingin natin sa Diyos na bigyan pa tayo ng mahabang buhay, “To live is Christ,” sabi rin niya sa verse na yun, at para rin makapagpatuloy na makapaglingkod sa iba (vv. 22-24). Kapag nagpray tayo na isustain ni Lord ang buhay natin, hindi yun dahil may karapatan tayo sa buhay natin. Yun ay dahil lang sa awa ng Diyos, “In your steadfast love, give me life.” Yung “steadfast love” ay galing sa salitang hesed, na ang ibig sabihin ay covenant kindness at faithfulness ng Diyos. Nananatili tayong buhay at meron tayong pag-asa ng buhay na walang hanggan dahil lamang sa habag at pag-ibig ng Diyos sa atin.
At para saan bakit tayo bibigyan ng Diyos ng mas mahabang buhay? Not for selfish gain. Sabi ng psalmist, “upang aking maingatan ang mga patotoo ng iyong bibig” (AB). Ang layunin ay para pa rin sa salita ng Diyos. Hindi para yumaman siya o magkapamilya o maranasan ang kasiyahan sa mundong ito. God-focused pa rin, dahil ang Diyos naman talaga ang layunin ng buhay natin. Yung resolve niya na maging faithful sa Diyos ultimately ay hindi nakadepende sa kanyang strength of will, kundi sa katapatan ng Diyos, sa tulong na nanggagaling sa Diyos, at sa buhay na ibinibigay ng Diyos. Sa mga panahong wala na tayong makakapitan, at kahit na pati yung kamay natin ay hirap na kumapit sa Diyos, ang Diyos din ang magbibigay ng lakas sa mga kamay natin para kumapit tayo sa kanya at manatiling nakakapit sa kanya hanggang sa malagutan na tayo ng hininga.
Sa Pagharap sa Panibagong Taon
Mula verse 81 hanggang verse 88 ay nakita natin sa bawat linya na ang sumulat ng awit na ‘to ay nag-eexpress hindi lang ng kanyang unwavering commitment sa salita ng Diyos sa kabila ng kanyang tila walang humpay na mga paghihirap sa buhay, kundi ng kanya ring hindi mapipigtas na pagkapit sa Diyos lalo na sa panahon na siya ay nanlulupaypay. Nasa Diyos ang tiwala niya. Nasa Diyos ang tulong na kailangan niya. At gaya ng kasasabi ko lang, ang Diyos din ang tulong na kailangan natin hanggang malagutan tayo ng hininga. At kapag nangyari yun, yun na ba ang katapusan ng buhay natin? No. Yun ay pasimula pa lang ng araw-araw na walang katapusang buhay na meron tayo kasama ang Diyos. Sa pagtatapos ng taong ito, let us also reflect sa pagtatapos ng buhay natin. One day our life will end. At sa pagpasok ng bagong taon, let us reflect sa buhay, sa bagong buhay, na meron tayo dahil kay Cristo. Anuman ang kalagayan mo sa buhay ngayon, gaano man kahirap, makakaasa ka na tapat ang salita ng Diyos, makakapitan ang tulong na galing sa Diyos, at sigurado ang pag-ibig ng Diyos sa atin.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

