Why I’m Taking a Sabbatical

summersabbatical

Pagkatapos ng ilang consultations with other church leaders at approval ng Council of Elders ng church, ako po ay magkakaroon ng sabbatical leave mula January 18 hanggang April 18. Tatlong buwan na pansamantala kong di gagawin ang mga karaniwang ginagawa ko bilang pastor tulad ng preaching, teaching, counseling, pastoral care, overall spiritual leadership sa church, at anumang church-related na ministry.

Pitong taon na ako na naglilingkod bilang inyong Leading Pastor, dalawang taon habang nag-aaral sa seminary, at limang taon sa fulltime pastoral work. Ibang klaseng kagalakan ang ipinaranas sa akin ng Diyos sa loob ng pitong taong iyon at talaga naman di matutumbasan ang laki ng privilege na binigay sa akin ng Diyos kung ikukumpara sa iniwan kong trabaho bilang isang Civil Engineer. Nakakapagbakasyon naman ako ng pailan-ilang araw, may sapat na pahinga, at sa tingin ko naman ay hindi ako overworked or stressed or burnout sa ministry. But I felt na ito ang panahon na nililead ako ng Panginoon na magkaroon ng mahabang pahinga sa ministeryo. Nararamdaman ng katawan ko, ng isip ko, ng puso ko ang mga naipong burdens at pressure dahil sa mga ilang pinagdaanan sa paglilingkod. Pastoral ministry is hard work, because it is heart work.

Alam ko hindi ito bahagi ng kultura natin, lalo na ng church tradition natin. Kaya maaaring may mga questions or objections. Kasi konti lang ang pastor na nagsasabbatical. Sabi nga ng isang pastor baka 5% lang o mas maunti pa. Sa nakaraang Living Waters Leadership Training noong October, meron kaming participant na isang pastor. Nakaattend siya ng training kasi nakasabbatical daw siya. At iyon ang first time niya na nagsabbatical after 30 years of ministry. At sinabi niya sa testimony niya na wala daw nakakaalam ng balak niya pagkatapos ng sabbatical, hindi alam ng church nila, hindi alam kahit ng asawa niya, na hindi na siya babalik sa pastoral ministry. Pero bilang resulta ng training retreat, nagkaroon siya ng change of heart at di na siya mag-quit sa ministry.

Lilinawin ko lang po. Baka kasi ang iba sa inyo naexperience na may nagsabbatical dati na pastor natin o sa ibang church tapos magreresign na pala at lilipat na ng pagpapastoral. Hindi po ako aalis. Maliban lang kung papaalisin ako ng church o paaalisin ako ng Diyos. I’m not considering any other ministry. May invitation sa akin na magfulltime sa teaching sa seminary. I said no. May invitation sa akin dati na maging one of the pastors sa isang mas malaking church sa Manila. I said no. Naniniwala ako na tinawag ako to stay longer sa church natin to lead us in fulfilling our God-given vision. I am fully committed to this church. That’s why I’m taking a longer break, because I want to serve you for a long time.

What is a sabbatical?

Ano ba ang sabbatical? Galing ito sa salitang “sabbath”. Ikaapat sa Sampung Utos. “Remember the Sabbath day, to keep it holy. Six days you shall labor, and do all your work, but the seventh day is a Sabbath to the Lord your God” (Exod. 20:9-10). Walang trabaho sa araw na iyon, kundi pahinga, at pagsamba sa Diyos. Sa panahon nila Sabado (seventh day), pero tayo ngayon Linggo to honor the resurrection of Jesus (first day). Merong Sabbath Day. Meron ding Sabbath year para naman sa lupain. “…but in the seventh year there shall be a Sabbath of solemn rest for the land, a Sabbath to the Lord” (Lev. 25:4). Walang magtatanim para maipahinga ang lupa para sa mga susunod na taon ay mas maging productive pa ang harvest. Magtitiwala sila sa Diyos na sapat ang biyaya niya sa mga kailangan nila sa araw-araw.

Ang konsepto ng Sabbatical para sa mga manggagawa ng Panginoon tulad ng inyong pastor ay nakabatay dito. Hindi ito isang ordinaryong long vacation na basta magpapahinga lang ako at walang gagawin. No! Ang ibig sabihin ng Sabbath ay “stop, repose, celebrate, leave, put down or away.” Ang sabbatical ay isang panahon kung saan isasantabi ko ang karaniwan kong ginagawa (pastoral work) para magpahinga (mind, body and soul), para mas mapalapit sa Diyos, para magrecharge, at para ihanda ang sarili ko sa mas mahaba pang paglilingkod sa church. Ito ay panahon ng “renewal” para mas madevelop ang relasyon ko sa Diyos at sa ibang tao, especially ang pamilya ko.

Some objections

Bago ko isa-isahin ang dahilan para sa sabbatical ko, unahin ko munang iaddress ang mga posibleng objections at questions pagdating dito. Una, “Di ba’t may misyon tayo, Pastor? At ikaw ang dapat na manguna sa amin? You’re challenging us to greater commitment and action sa pagtupad ng misyong ito. Bakit ka magpapahinga?” Oo nga, maraming kailangang gawin. Pero nilikha tayong lahat ng Diyos na may limitasyon. Kailangan natin ng pahinga para mas maging productive pa sa mga susunod na paglilingkod.

Pangalawa, at ito ang isa sa concern ng asawa ko, “Para naman yatang unfair iyon. Tatlong buwan kang magpapahinga sa trabaho samantalang ang mga members ng church walang tigil sa pagtatrabaho (sa job at sa ministry). Bihira ang kumpanya na papayagan kayong magleave nang matagal at susuwelduhan pa. Although sa mga universities may ganyan, pati na rin ang “maternity leave,” pero bihira nga. Gusto ko pong ipaalam na sa gagawin kong sabbatical, maintindihan n’yong may malaking kaibahan ang pagpapastor sa ibang mga trabaho. Hindi lang isip at lakas ang puhunan dito, kasama ang puso at emosyon at relasyon. Pastoral ministry is hard work because it is heart work. At gusto ko ring sabihin sa mga naglilingkod sa ministry, pwede at dapat din po kayong magpahinga.

Ikatlo, “Paano na ang church kapag wala si Pastor?” Wag po kayong mag-alala. Ang Espiritu ng Diyos narito pa rin. Ang Salita ng Diyos patuloy pa ring ipapangaral.  At meron tayong maraming leaders na maasahan sa pagganap ng mga tungkulin. At narito ka na makikipagtulungan sa mga ministries ng church. I hope that’s clear. Kung meron pang ilang mga katanungan, maaari n’yo po akong lapitan.

Para sa Diyos

I will now give you four compelling reasons kung bakit kailangan kong mag-sabbatical at kailangan ko ang suporta ng bawat isa sa inyo during this time period. Una, at ito ang pinakamahalaga sa lahat, para pangalagaan at pagyamanin ang relasyon ko sa Diyos. Naniniwala ako na ang lawak ng impluwensiya ko sa church natin ay nakadepende sa lalim ng relasyon ko sa Diyos. Ang Sabbath naman talaga ay dedicated para sa Diyos. “The seventh day is a Sabbath to the Lord your God” (Ex. 20:10). Kapag inaalala natin ang Sabbath, we honor yung example na ginawa mismo ng Panginoon sa kanyang paglikha. “For in six days the Lord made heaven and earth, the sea, and all that is in them, and rested on the seventh day. Therefore the Lord blessed the Sabbath day and made it holy” (Exod. 20:11).

Ang Sabbath ay regalo ng Diyos sa tao (Mark 2:27). It is not a burden. Napakabuti ng Diyos inuutusan niya tayong magpahinga. At hindi lang magpahinga, but for our hearts to find our rest in him (Augustine). It is a “solemn rest to you” (Lev. 16:31). Para sumamba sa Diyos, para ipagdiwang ang kabutihan niya at mga pagpapala niya, para mas tumibay ang tiwala natin sa kanya. Pero mula sa panahon ni Moises, lagi nilang sinusuway ang utos ng Diyos tungkol sa Sabbath (Exod. 16:27-28). Pati ang lupa di nila pinagpahinga, kaya pinalayas sila sa lupa at itinapon sa ibang lupa sa loob ng 70 taon (sa Babylon) (2 Chr. 26:21).

Dahil sa pagsuway natin sa utos ng Diyos, dapat lang na kamatayan ang parusa sa atin (Num. 15:32-36). Pero napakabuti ng Diyos, gusto niya talagang maibalik tayo sa kanya. Ipinadala niya si Jesus. Diyos nagkatawang-tao, mapayapang isinilang sa sabsaban sa Bethlehem, para ano? Para bigyan tayo ng totoong pahinga. He is the Lord of the Sabbath (Matt. 12:28). Siya nga sa ministry niya, may mga time-outs siya para lumayo sa mga tao at solohin ang Ama sa panalangin. At bago nga siya nagministry (3 years lang), 30 years siyang naghanda. At sa krus, inako niya ang parusa na dapat sa atin, pinagtrabahuhan ang utang na di natin mababayaran sa Diyos, para magkaroon tayo ng totoong kapahingahan. He invites us to come and find rest in him. Ang Sabbath ay anino ng realidad na darating, at si Jesus yun (Col. 2:17)! He is our rest! Ang Sabbath ay panahon para alalahaning mabuti ang pagliligtas na ginawa sa atin ng Diyos (Deut 5:15). At ito ay pagtanaw sa araw na darating, sa pagbabalik ng Panginoon, sa new heavens and new earth, “from Sabbath to Sabbath, all flesh shall come to worship before me,  declares the Lord” (Isa 66:23). “So then, there remains a Sabbath rest for the people of God” (Heb. 4:9).

Ang malapit na relasyon natin kay Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, hindi ang ginagawa natin para sa kanya. I don’t want to be like Martha. Na sa dami ng ginagawa, iniintindi, iniisip sa paglilingkod, nagiging distracted ako sa dapat na focus ng aking buhay, walang iba kundi ang isang bagay na pinakamahalaga sa lahat – ang makinig sa paanan ni Cristo at namnamin ang tamis ng pag-ibig niya, tulad ng halimbawa ni Maria.

So, I’m taking a sabbatical leave to focus on what is most important. Mahalaga ang paglilingkod ko bilang pastor. Pero may mga panahon na nakakadistract ito at minsa’y nakakahadlang sa relasyon ko sa Diyos. Gusto kong magkaroon ng time-off para mas maging intentional sa pansariling panalangin, longer prayer time, personal retreat, prayer and fasting, Bible reading na di nagmamadali at hindi dahil merong kailangang pag-aralan para maituro sa inyo. I want to read the Bible and pray to God na walang ibang agenda maliban sa mapalapit sa puso ng Diyos. So I pray na sa pagbabalik ko from sabbatical, mararamdaman n’yong meron kayong pastor na mas passionate lover ng ating Panginoong Jesu-Cristo. At iyan pa lang ay sapat nang dahilan para sa church natin. Pero magbibigay pa ako ng tatlong kaugnay nito.

Para sa Puso Ko

Ikalawa, para pangalagaan at pagyamanin ang puso ko. Bakit mahalaga? Sabi sa Proverbs, “Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it” (4:23). Dahil dito, hindi naman exaggeration na sabihin ng Puritan pastor na si Richard Baxter, “The greatest thing that my congregation needs of me is my personal holiness.” Ako po ay nasa proseso rin pagdating sa personal transformation or sanctification. May mga areas sa heart ko na kung di ako maingat, at di ako maglalaan ng focused attention para bantayan, at mapapabayaan.

Isang halimbawa ay ang pride. May mga pagkakataon na kahit pa sinasabi kong ito ay para sa glory ng Panginoon, naiiisip kong ang mga magagandang nangyayari sa church ay dahil sa leadership ko as a pastor. Yes, God is using me as his instrument, pero ito ay sa biyaya pa rin niya at sa karangalan niya. Kapag hindi ako nagsabbatical, pwede kong saloobin ganito, “Hindi ako pwedeng mawala sa church.” Pero kapag nagsabbatical ako, away from pastoral ministry, tapos maririnig ko ang magagandang bagay na ginagawa ng Diyos, purihin siya. It will develop Christ-like humility sa akin at makikita ko na hindi ako indispensable sa church. God can remove me, kung loloobin niya, at patuloy na lalago ang kanyang iglesia. This is his church, not mine.

Heto pa ang isa, ministry idolatry. Kailangan kong makita kung ang ministry ba o ang trabaho ko bilang pastor ay nagiging isang idol. Dito ko ba kinukuha ang satisfaction ko, or approval, or acceptance na dapat ay kay Cristo nagmumula? At makikita ko lang ito nang mas malinaw kung nasa labas ako ng ministry. Ano ang magiging saloobin ko kung hindi ako nagpapastor? Will I still be satisfied?

At ang isa pa ay sa lack of compassion and love for people. Yes, I love our church. I love you. Pero nararamdaman ko na sa tagal ng ministry ko as pastor, sa pagiging pamilyar ko sa mga ginagawa ng isang pastor, may tendency na ma-professionalize ang ministry, na bumaba ang love tank sa puso ko. So I need time para marefill o marecharge, so sa pagbabalik ko, meron kayong pastor na magmamahal sa inyo nang higit pa sa pagmamahal ko sa inyo ngayon.

So during my sabbatical, magcocommit ako na magreflect mabuti, siyasatin ang puso ko, magsulat ng isang personal journal ng pinapakita sa akin ng Panginoon. This is a time to remember the gospel, na si Jesus ay sapat-sapat para sa akin. I’m also praying for a spiritual director na magsisilbing pastor ko sa mga panahong iyon. Kayo meron kayong pastor. Pero ang pastor ninyo, sino ang nagpapastor?

Para sa Pamilya Ko

Ikatlo, para pangalagaan at pagyamanin ang relasyon ko sa pamilya ko – kay Jodi, Daniel at Stephen. I’m doing this for them. I love my family. I love my wife. I love my children. At gusto kong maipadama iyan sa kanila. Minsan kasi baka iniisip ko lang na okay naman ang time na binibigay ko sa kanila, pero baka di naman nila yun nararamdaman, lalo na ng asawa ko. Baka sa pagpapastor ko sa church, nakakalimutan ko na na ang pamilya ko ay bahagi din ng church. I’m also their pastor, my wife’s husband, and my children’s father.

Ito rin naman ang sabi ni Pablo na kahalagahan ng relasyon ng isang pastor sa kanyang pamilya. “He must manage his own household well, with all dignity keeping his children submissive,  for if someone does not know how to manage his own household, how will he care for God’s church” (1 Tim. 4:4-5)? My leadership sa loob ng bahay ay merong malaking epekto sa leadership ko sa church. Kung di faithfully mamahalin ang asawa ko, at magiging committed sa kanya, I cannot lead the husbands in this church to love their wives and the wives to submit to their husbands. Kung di ko iseshepherd ang mga anak ko palapit sa Diyos, how can I lead you in disciplemaking?

So, I’m taking a sabbatical para pagyamanin ang relasyon ko sa asawa ko. Merong mga bahagi ng puso ng asawa ko na kailangan ng nurturing na nanggagaling sa kanyang asawa. Parang isang garden, na merong gardener na nagdidilig at nag-aalaga, para mamulaklak. Kapag masaya ang asawa ng pastor, masaya ang buong iglesia! So, anong gagawin ko during my sabbatical? Bibigyan ko rin ng sabbatical ang asawa ko sa mga household duties at sa mga bata. Maglalaba ako, mamamalantsa, maghuhugas ng pinagkainan, maglilinis ng bahay, mag-aalaga ng mga bata. Para naman din siya makapagfocus sa personal time niya sa Panginoon.

At isa pa, Lord willing, early next year makalipat na kami sa bagong bahay na regalo ng Diyos sa amin. I will lead my family sa adjustment sa panibagong yugto ng aming buhay. We’ll have more time as family, more time sa family prayer times. I’m doing this for my family. Mahalaga ang ating pamilya, at di natin kailangang isakripisyo sa altar ng ministeryo. Our family is also our ministry. We make disciples of Jesus unang-una sa loob ng bahay. Kung napapabayaan din ninyo iyan, maybe you also need a sabbatical from ministry or your work.

Para sa Ating Iglesia

Panghuli, para pangalagaan at pagyamanin ang relasyon ko sa bawat isa sa inyo. I love this church. I’m doing this for you. Naniniwala ako na may magandang gagawin ang Diyos sa church na ito even (or especially) in my absence. Gusto ko rin kasing maiwasan natin ang unhealthy dependency sa pastor. Especially yung may kinalaman sa preaching the Word of God. For three months, makakarinig kayo ng mga sermons mula sa iba pa nating leaders. At ito yung time na di dapat ikumpara sila sa akin, kundi makinig sa Salita ng Diyos. Nagsasalita ang Diyos sa iglesiang ito kahit wala ako na inyong pastor. You have the Word of God. You depend on the Spirit of God. Makakabuti sa iglesia kung wala ako, kung ang ibig sabihin niyan ay mas magiging dependend at reliant kayo kay Cristo.

Makakabuti din sa church kung ang ministry ay magiging para sa lahat. In my absence merong mga leaders na gagampanan ang karaniwanag ginagawa ko sa church. At makikita natin ang pagkilos ng Espiritu sa pag-equip sa bawat isa na gawin ang dapat gawin sa ministry. Makakabuti sa church ang pagtutulungan at pagkakaisa para maging matagumpay ang ipinagkatiwalang misyon sa atin ng Diyos.

Makakabuti din sa church kung mas madedevelop ang relationship ko sa inyo. Hindi lang bilang isang pastor ninyo. Kundi bilang kapatid sa Panginoon, isang kaibigan. Malaking kalakasan sa akin na merong ilan sa inyo na talaga namang itinuturing kong kaibigan at hindi nga pastor ang tinatawag sa akin kundi “Derick” o kaya ay “Kuya.” I appreciate that. So sa three months ng sabbatical ko, may mga times na wala ako dito sa church at gusto ko ring maranasan ang pagsamba sa ibang mga churches. Pero nandito man ako o wala, pwede pa rin tayong magkuwentuhan, magkumustahan, magdalawan, punta kayo sa bahay naman at ipagluluto ko kayo at ipagtitimpla ng kape. This is the time for us to enjoy our relationships, kahit walang ministry na pinag-uusapan. And I commit to spend more time praying for each of you.

Wag Pabayaan ang Pinakamahalaga

Dahil diyan, tuloy na tuloy na ang aking three-month sabbatical. Para sa Diyos, para sa sarili, para sa pamilya, at para sa iglesia. Nangangako po ako na babalik, at magpapatuloy na maglingkod bilang pastor ninyo sa mga susunod pang mga taon. Maliban na lang kung bumalik na ang Panginoong Jesus o palitan na ako ng Panginoon. So, ipagpray n’yo na sa pagbabalik ko, mas malusog ang inyong pastor – physically, spiritually at emotionally – na may mainit ang pagmamahal ko sa Diyos, sa aking pamilya at sa ating iglesia.

At sa mga panahong iyon na wala ako at hindi nagpipreach sa inyo, alalahanin n’yo, and I hope ito ang halimbawang maiiwan ko sa inyo – mas mahalaga ang relasyon natin sa Diyos at sa isa’t isa kesa sa pagpapatakbo ng mga programa, pagsasaayos ng mga ministries, at pagsasagawa ng mga gawain. Wag na wag nating pababayaan kung ano ang higit na mahalaga.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.