Sa isang episode ng series na Good Doctor sa Netflix, tinanong ni Dr. Shawn Murphy ang mentor and friend niya na doctor din na nadiagnosed ng cancer, . “Are you afraid of dying?” Sagot ni Dr. Glassman, “No. I’m not afraid of dying.” Sabi ni Dr. Murphy, “Then what are you afraid of?” Sagot ni Dr. Glassman, “Not dying.”
We want more years. Ayaw natin yung ngayon na. Yung iba sa atin merong takot na mamatay. Yung iba naman katulad ni Dr. Glassman, mas takot tayo na mawalan ng saysay ang buhay natin. We want not just a long life, but a life that matters. Yung iba akala nila basta maraming pera o maraming nakakakilala sa ‘yo, o nasa position ka of great influence sa maraming tao, yun na ang mahalaga sa buhay. E paano kapag namatay ka na? Mawawala rin namang lahat ‘yan. Hindi mo naman madadala ang pera mo sa kabilang buhay—though of course hindi naman lahat ng tao naniniwala na merong afterlife. O kung sikat ka man ngayon, after 100 years, sino pa ang makakaalala sa ‘yo? At kahit gaano ka man ka-powerful ngayon, if meron mang isang mahalagang bagay na itinuturo ang pandemic na ‘to, hindi mo hawak ang buhay mo. Hindi mo kontrolado kung ano ang mangyayari. Pagtulog mo nga mamaya hindi mo alam kung didilat pa ang mga mata mo.
Maikli o mahaba man ang buhay natin sa mundong ito, may hangganan ang lahat. In 15 weeks, sinusubaybayan natin ang kuwento ni Abraham. Kilala pa rin natin, may impact ang buhay niya sa atin, kasi sa plano ng Diyos nakasulat sa kanyang mga Salita. Maaaring may nakita tayong mga similarities sa kuwento ng buhay natin, o kaya’y nangibabaw din siguro yung malaking pagkakaiba. Pero ang tiyak tayo—if we are in Christ—ang Diyos ni Abraham ay siya ring Diyos nating mga Cristiano. Anuman ang nararanasan natin sa buhay—hirap man o ginhawa—nananatili siyang tapat sa lahat ng mga ipinangako niya. Mapagkakatiwalaan siya sa anumang panahon. Dapat din nating sundin ang lahat ng kanyang salita sa atin. Dapat din nating panghawakan ang mga pangako ng Diyos kay Abraham.
Anong pangako? Na pagpapalain siya, gagawing tanyag ang pangalan, gagawing isang malaking bansa, at pagpapalain ang buong mundo sa pamamagitan niya (Gen. 12:2-3). Dala-dala yung pangako na yun, sumunod si Abraham sa utos ng Diyos na iwan ang sarili niyang lupain, at mga kamag-anak, at pumunta sa lupain ng Canaan. Sabi ng Diyos, ibibigay ko ‘yan sa lahi mo (v. 7). Totoo ngang pinagpala siya ng Diyos sa lugar na yun. Yumaman siya, nagkaroon ng maraming ari-arian, at higit sa lahat, nagkaroon ng magandang relasyon sa Diyos. Naging tanyag ang pangalan niya. Paano siya magiging malaking bansa kung walang anak? Matanda na sila nung asawa niyang si Sarah, pero wala pa rin. Imposible sa tao siyempre. Pero akala nila kaya nila sa sarili nilang paraan. Dahil dun, nagkaanak si Abraham kay Hagar, pinangalanang Ishmael. Nainip sila, hindi nagtiwala sa Diyos. 25 years pa ang lumipas bago sila nagkaanak, gawa ng Diyos, paraan ng Diyos. Ang pangalan sa anak nila ay Isaac. Pero mas importante pa rin sa kanya ang relasyon sa Diyos. Kaya nga kahit sinubok siya ng Diyos na ihandog ang anak niya sa kanya, hindi siya nag-alinlangan sa Diyos. Yung lupa? Wala pa rin kay Abraham. Nung namatay lang yung asawa niyang si Sarah saka siya nagkaroon ng maliit na lupain, na pinaglibingan pa sa asawa niya.
Yan ang kuwento ng buhay ni Abraham. Maganda, pero masalimuot din. Maraming blessings, pero marami ring hirap. Masaya, pero marami ring kalungkutan. Yan ang buhay ng tao. Yan ang buhay ng bawat Cristiano. Pero kahit anuman ang mangyari, hindi dapat matinag ang pananampalataya natin. Tulad ni Abraham, “Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos. Sa halip, lalo siyang lumakas dahil sa kanyang pananampalataya at nagpuri pa sa Diyos. Lubos siyang naniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito. Kaya’t dahil sa kanyang pananampalataya, siya’y itinuring na matuwid ng Diyos” (Rom. 4:20-22). Hindi perpekto, pero totoong-totoo. ‘Yan ang prayer ko para sa ating lahat sa church, na manatiling tayong nagtitiwala sa Diyos hanggang sa huling hininga natin, at masabi nating wala nang ibang mas mahalaga sa atin kundi ang makapiling ang Panginoong Jesu-Cristo.
Tingnan ngayon natin ang huling yugto ng buhay ni Abraham bago siya malagutan ng hininga, at pakinggan siyempre kung ano ang nais ituro sa atin ng Diyos ngayon.
Sole Heir of Abraham (Gen. 25:1-6)
Bago yung next major stage sa redemptive history—yung story naman ni Isaac at ng anak niyang si Jacob, beginning at v. 19—heto yung underlying problem sa last chapter ng story ni Abraham: Kung si Isaac yung son of promise, yung supernatural offspring, sa kanya ba mapupunta at magpapatuloy yung “promised blessing” ng Diyos kay Abraham? E paano kung meron pa siyang ibang mga anak? Yung unang anak ni Abraham kay Hagar na si Ishmael ay nasolusyunan na, kasi pinalayas na sila nung bata pa lang si Isaac (Gen. 21:8-21). Kaso nagkaroon pa pala ng ibang anak si Abraham:
Muling nag-asawa si Abraham at ang pangalan ng babae ay Ketura. 2 Ang mga anak niya rito ay sina Zimran, Jocsan, Medan, Midian, Isbak at Suah. 3 Si Jocsan ang ama nina Seba at Dedan. Kay Dedan nagmula ang mga Asurim, Letusim at Leumim. 4 Ang mga anak naman ni Midian ay sina Efa, Efer, Enoc, Abida at Eldaa. Lahat sila’y buhat kay Ketura. (25:1-4)
Yung passage na ‘to—na nag-asawa si Abraham—ay hindi chronological pagkatapos ng event sa Genesis 24. 140 years na kasi siya nun, tapos kung nagkaanak pa siya pagkatapos nun ay baka mas supernatural pa kaysa kay Isaac (ayon kay Waltke, Genesis, 335). Posibleng ilang taon pagkamatay ni Sarah. O kaya naman habang buhay pa si Sarah. Hindi naman malayong mangyari kasi kung kay Hagar nagawa niya rin yun. At malamang hindi “legal” wife itong si Keturah, kasi kasama siya dun sa mga concubines ni Abraham na binanggit sa v. 6. So, although Abraham was a model of faith para sa ating lahat, he is still a flawed saint.
At dahil dun, at least sa passage na ‘to, meron pang at least six children si Abraham na pwedeng umagaw ng mamanahin ni Isaac. Pero sa kabila man ng balakid na ‘to na siya rin ang may kagagawan, lubos na pinanghahawakan niya ang salita ng Diyos sa Genesis 17:9 na sa anak niya kay Sarah na si Isaac magpapatuloy ang covenant ng Diyos kay Abraham. Paano ko nasabi? Dahil dito—“Kay Isaac ipinamana ni Abraham ang lahat niyang ari-arian” (25:5). Lahat ng pag-aari ni Abraham ibinigay ni kay Isaac. Sinabi na rin ito ng servant ni Abraham sa household ni Rebekah sa Genesis 24:36. Si Isaac yung sole heir—nag-iisang tagapagmana. Naturally, ang mana ay paghahati-hatian, pwedeng mas malaki dun sa iba, pero may parte pa rin yung iba. But this case was different. Pangako ng Diyos ang nakasalalay dito. Yung mga susunod na yugto ng redemptive history ang nakasalalay dito.
Kaya pinaalis din ni Abraham yung iba pa niyang mga anak para malayo kay Isaac. Ganito rin ang nangyari kay Ishmael. At first, akala natin siyempre pagmamalupit yun, pero yun ay ayon sa plano ng Diyos. Hindi rin naman masama ang trato ni Abraham sa kanila kasi, “bago siya namatay, pinagbibigyan na niya ng regalo ang mga anak niya sa ibang asawa, at pinapunta sa lupain sa dakong silangan para mapalayo kay Isaac” (v. 6). Meron pa ring bahagi ng blessing ng Diyos kay Abraham ang naibigay sa kanila, pero yung “covenant promise” kay Isaac magpapatuloy.
At salamat sa Diyos kung ganun. Bakit? Anuman ang kalagayan natin sa buhay—mayaman o mahirap, lalaki o babae, anumang lahi, hindi man tayo biologically galing sa line ni Abraham—maituturing tayong tunay na anak ni Abraham by faith in Christ. “At kung kayo’y kay Cristo, kayo’y mga anak ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ng Diyos” (Gal. 3:29). Tunay na anak—hindi illegitimate children, hindi anak sa labas, not son of the slave woman, but son of promise. “At yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo” (Rom. 8:17).
God’s Blessing (Gen. 25:7-11)
Si Isaac ang naging tagapagmana ni Abraham, at tuluyang nailipat sa kanya ang pagpapatuloy ng pangako ng Diyos nung namatay si Abraham. Kaya yun ang sumunod na nakasulat sa story. “These are the days of the years of Abraham’s life, 175 years. Abraham breathed his last and died in a good old age, an old man and full of years, and was gathered to his people” (Gen 25:7-8). Mahaba ang buhay niya, pero gaano man kahaba, may katapusan din. Paalala sa atin ng Preacher sa Ecclesiastes: “Alalahanin mo ang lumikha sa iyo habang bata ka pa at bago dumating ang panahon ng kahirapan at masabi mong, ‘Hindi ako masaya sa buhay ko’” (12:1 ASD). Kaya si Abraham, kahit sa dami ng hirap na pinagdaanan niya, inaalala niya palagi ang Diyos at mga pangako ng Diyos. Kaya namatay siya nang masaya, kuntento, at patuloy na nakakapit pa rin sa pangako ng Diyos. Siya ay kasali dun sa mga “namatay na sumasampalataya. Hindi man nila natanggap ang mga pangako ng Dios noong nabubuhay pa sila, natitiyak naman nilang darating ang araw na matatanggap nila ang kanilang hinihintay” (Heb. 11:13 ASD).
Balang araw, oo. Pero noong namatay si Abraham, marami pa sa mga pangako ng Diyos ang hindi natutupad—napakalaki kasi ng pangako ng Diyos sa kanya! Yung lupang pinaglibingan sa asawa niya ang pinaglibingan din sa kanya, at yun pa lang ang pag-aari niya na ipinamana naman kay Isaac (Gen. 23:16). “At inilibing siya nina Isaac at Ismael sa yungib ng Macpela sa silangan ng Mamre, sa parang na dating kay Efron, anak ni Zohar na Heteo. Ang lugar na iyon ang binili ni Abraham sa mga Heteo at doon sila nalibing ni Sara” (Gen. 25:9-10). Mabuti at nagkasama ulit ang half-brothers na sina Isaac at Ishmael. Karaniwan naman kapag may namatay saka nagkikita ulit yung magkakapamilya na matagal na nagkahiwalay—pati nga yung mga magkaaway pa. Pero yung highlight nitong passage na ‘to ay tungkol sa paalala na yun pa lang ang lupa na meron si Abraham. Aabangan pa natin kung paano tutuparin ng Diyos ang pangako niya—at talaga namang tinupad niya! “Wala ni isa sa lahat ng mabubuting pangako na ginawa ng Panginoon sa sambahayan ng Israel ang hindi natupad; lahat ay nangyari” (Jos. 21:45 AB).
Hindi kamatayan ni Abraham ang makakapigil o makasisira sa pangako ng Diyos. Hangga’t buhay ang Diyos, magpapatuloy ang pangako niya. “Pagkamatay ni Abraham, pinagpala ng Diyos si Isaac. Doon siya tumira sa Beer-lahai-roi” (Gen. 25:11). Hindi ito yung parang “blessing in disguise” o blessing pagkatapos ng great loss sa pagkamatay ng tatay niya. Ito yung nagpapaalala na yung pangako ng Diyos, yung covenant niya kay Abraham, ay nagpapatuloy kay Isaac. Katuparan ng sinabi ng Diyos kay Abraham, “I will establish my covenant with him as an everlasting covenant for his offspring after him” (17:19). Everlasting covenant. Ibig sabihin, hindi ang kamatayan ang may huling salita. “God has the last word” (Waltke, 341). Ang pangako ng Diyos ay hindi titigil sa oras ng kamatayan ni Abraham. Magpapatuloy, hindi lang sa lahi ni Isaac, kundi sa mga susunod pang salinlahi, hanggang sa pagdating ng Panginoong Jesu-Cristo, the true and better son of Abraham.
Ang pagdating ng Panginoong Jesu-Cristo ang fulfillment ng lahat ng pangako ng Diyos kay Abraham. Dahil namuhay siya kasama natin dito sa mundong full of sorrows and miseries, dahil namatay siya, inilibing at muling nabuhay, tayo na sumasampalataya kay Cristo ay tiyak na magiging tagapagmana ng lahat ng pangako ng Diyos—“heirs of God and fellow heirs with Christ, provided we suffer with him in order that we may also be glorified with him” (Rom. 8:17). Pero bago natin makamtan ang lahat ng iyon, maghihirap muna tayo. Ito yung sinasabi ni Iain Duguid na “living in the gap between promise and reality”:
Like Abraham, we too must live by faith and die by faith, receiving in part, but not yet receiving in full, what God has promised.
That’s what it means to live in the reality gap. We live in the real world of joys and sorrows, of successes and failures, of ups and downs. We live in a fallen world, where things and people fail and fall apart. That’s reality—and reality is often painful, when those who suffer and die are our loved ones. But the Christian recognizes a reality beyond this reality, a world beyond this world, a story beyond history. He or she knows by faith that the painful reality that we see all around us will one day pass away. It will be replaced by a world in which God will dwell with his people, in which he will wipe away every tear from their eyes, and where there will be no more death or mourning or crying or pain (Rev. 21:3–4). Then we shall see him face-to-face and the reality gap will finally be gone.
Anuman ang kinahaharap natin ngayon, itong buhay na naghihintay sa atin ang pangakong pinanghahawakan natin ngayon at nakapagbibigay sa atin ng pag-asa at dahilan para magpatuloy na mabuhay hanggang sa tayo naman ang malagutan ng hininga.
Promise to Ishmael (25:12-18)
Pero hindi naman tayo yung basta naghihintay lang na malagutan ng hininga. Mag-aaral, magtatrabaho, magkakapamilya, gawaing bahay, magpapalaki ng anak, at kung anu-ano pang routine ng buhay. Lahat ng mga tao ganyan din naman. Ano ang pinagkaiba nating mga Christians? Yes, for us, “to die is gain.” Pero hindi lang naman yun ang sabi ni Paul. We are not just waiting dun sa kamatayan natin, we are also living for something, or for Someone. “To live is Christ, to die is gain” (Phil. 1:21).
For none of us lives to himself, and none of us dies to himself. For if we live, we live to the Lord, and if we die, we die to the Lord. So then, whether we live or whether we die, we are the Lord’s. For to this end Christ died and lived again, that he might be Lord both of the dead and of the living. (Rom. 14:7–9)
Jesus is also Lord of the nations. Ito marahil ang dahilan kung bakit nagtapos yung Abrahamic story sa talaan ng lahi ni Ishmael bago dumako sa Isaac/Jacob story sa v. 19.
Ito naman ang lahi ni Ismael na anak ni Abraham kay Hagar, ang taga-Egiptong alipin ni Sara. 13 Si Nebayot ang panganay, sumunod sina Kedar, Abdeel at Mibsam. 14 Sumunod sina Misma, Duma at Massa; 15 pagkatapos ay sina Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Kedema. 16 Sila ang labindalawang anak ni Ismael na naging pinuno ng kani-kanilang lipi. Isinunod sa kanilang mga pangalan ang mga bayan at pinagkampuhan ng kani-kanilang mga lipi. 17 Namatay si Ismael sa gulang na 137 taon, at siya’y inilibing. 18 Ang lahi ni Ismael ay tumira sa lupain sa pagitan ng Havila at Shur, sa daang patungo sa Asiria sa silangan ng Egipto. Nakabukod sila sa ibang mga lipi ni Abraham. (vv. 12-18)
Oo, very special ang pangako ng Diyos kay Abraham. By his sovereign and gracious choice, si Abraham at ang lahi niya na magmumula kay Isaac—at hindi sa iba niyang anak—ang magdadala ng Tagapagligtas sa atin. Pero may pangako din ang Diyos kay Ishmael. Binanggit dito yung labindalawang anak ni Ishmael na naging pinuno o “twelve princes.” Fulfillment yun ng promise din ng Diyos kay Abraham: “As for Ishmael, I have heard you; behold, I have blessed him and will make him fruitful and multiply him greatly. He shall father twelve princes, and I will make him into a great nation” (17:20).
At in line naman ito sa promise ni God sa simula’t simula pa na ang blessing niya ay hindi lang para sa bansang magmumula kay Abraham—buti na lang kasali tayo dun!—“in you all the families of the earth shall be blessed” (12:3). Kasama tayong mga Pilipino dun! At hindi lang tayo—natural kasi kapag blessing ang pinag-uusapan, makasarili tayo, sariling church lang ang iniisip, sariling bayan lang ang iniisip. When we talk of life and death, ganun din, sarili lang din natin ang iniisip natin. Paano naman yung iba? Yung mga Muslim sa Mindanao at dito rin sa Luzon? Yung mga Afghans? Yung mga Muslims sa Middle East? Yung mga Buddhists sa Thailand? Yung mga non-religious sa Japan? The blessing of Abraham is not just for our nation, but for all nations. Bakit? Yun ang plano ng Diyos. Jesus died for all nations. Yung mission ng church is to make disciples of all nations.
Huwag mong isiping itong pandemic ang dahilan kung bakit lumiliit ang mundo mo. Oo, nag-iingat ka, concern ka sa sarili mo at sa pamilya mo. Pero ang laki ng pangangailangan din ng mundo na hindi nakakakilala kay Cristo. Sino ang magpapakilala sa kanila kung sino ang tunay na Tagapagligtas at Pag-asa sa panahong ito ng pandemic? Oo, marami tayong mga pinagtatalunan at mga disagreements. Tungkol sa kung anu-anong quarantine at restrictions, tama ba yun o hindi makatarungan. Tungkol sa pagpapa-vaccine, wise ba yun o nagiging uto-uto at sunud-sunuran na lang tayo sa sabwatan ng gobyerno at mga pharmaceutical companies. Tungkol sa ivermectin, solusyon nga ba yun sa Covid o pantagal-bulate sa kabayo. Natatakot tayo, gusto nating maka-survive sa pandemic na ‘to, gusto nating malaman sino ang pakikinggan natin. But there are questions and issues much bigger than these, much bigger than ourselves. Inaanyayahan tayo ng Diyos—through our journey sa story ni Abraham—to stop trusting yourself or other people, but to trust in him and in his Son Jesus; to stop living for yourself and your dreams and your comfort, but to live for Christ, for others and for the nations.
This is the life worth living for, the only life worth living for.