Join a Church to Display the Gospel
Sa mahigit twenty years ng aking pastoral ministry, marami na akong nakilala na malaki ang pag-aalinlangan tungkol sa church membership. Sa bagay, ang Christianity nga naman ay tungkol sa personal relationship sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, hindi naman tungkol sa documentations o application forms o pakikibahagi sa mga church business meetings. Sa katunayan, bakit pa mag-uubos ng oras para pag-usapan ang tungkol sa church membership kung pwede namang tungkol kay Jesus nalang ang pag-usapan? Para sa ilang mga Kristiyano, ang mismong ideya ng church membership ay tila isang napakalaking abala sa dapat na pinakamahalagang bagay sa ating buhay — ang gospel.
Sobrang agree ako na dapat talagang maging sentro ng buhay ng lahat ng Kristiyano ang gospel. Gusto nating maibahagi ang Magandang Balita sa maraming tao at makitang lumaganap ito sa buong mundo. Bilang mga Kristiyano, gusto nating maipakita sa ating buhay ang pag-ibig ng Diyos na matatagpuan sa Magandang Balita at, tulad nga ng sinabi ni Pablo, mapagsumikapan na mamuhay “ayon sa Magandang Balita ni Cristo” (Filipos 1:27). Sobrang passionate ako na makita sa lahat ng Kristiyano ang pagsusumikap to display the gospel sa kanilang buhay, ito ang dahilan kung bakit sobrang passionate rin ako sa church membership.

Why Should I Join a Church?
This volume in the 9Marks Church Questions series unpacks Scripture’s teaching on the necessity of church membership and the Bible’s beautiful picture of life in a local church.
Ang church membership ay hindi naimbento ng mga pastors, ministry leaders o mga experts ng church growth. Ang membership sa isang local church ay natural na resulta o bunga mismo ng gospel. Marahil ay hindi mo pa ito nabigyang pansin, pero ang gospel ay hindi lamang tungkol sa kung paano tayo iniligtas ng Diyos mula sa “kapangyarihan ng kadiliman”; ito rin ay mensahe tungkol sa kung paano tayo iniligtas ng Diyos patungo sa “kaharian ng kanyang minamahal na Anak” – isang kaharian kasama ang iba pang mga makasalanang naligtas na, tulad natin, ngayon ay mga mamamayan na rin ng langit (Colosas 1:13; Efeso 2:19). Kung ikaw ay passionate sa gospel, kailangan mong maintindihan na isa sa mga pangunahing paraan mo to display the gospel sa mundo ay sa pamamagitan ng pagiging member ng isang local church. Mas lalo pa nating himay-himayin ang ideyang ito.
Ang gospel ay mensahe tungkol sa kung paanong ang mga makasalanan ay maaaring maipagkasundo sa Banal na Diyos sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo. Ang mga tunay na Kristiyano ay yung mga kumikilala sa kanilang sariling moral bankruptcy, nagsisisi sa kasalanan at lumalapit kay Jesus para sa kapatawaran. Bilang mga itinuring na matuwid dahil kay Cristo at pinananahanan ng Banal na Espiritu, sila ngayon ay namumuhay nang may kagalakan sa ilalim ng paghahari ni Cristo, sumusunod sa Kanyang mga utos at naghahangad na luwalhatiin ang Diyos. Higit sa lahat, ang isang Kristiyano ay isang taong naipagkasundo na sa Diyos.
Be Reconciled to God’s People
Ngunit hindi lang yun! Ang gospel ay hindi lamang para ipagkasundo tayo sa Diyos kundi para rin ipagkasundo tayo sa Kanyang pamilya. Isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga Kristiyano ang mababa ang pagtingin sa kahalagahan ng church membership ay dahil akala nila ang gospel ay para lang sa personal relationship sa Diyos at wala nang iba. Ngunit malinaw na hindi ganyan ang tinuturo ng Bibliya. Tayong mga makasalanan ay hindi lang laban sa Diyos, tayo rin ay laban sa mga nilalang na nagtataglay ng Kanyang imahe. Yung broken relationship natin sa Diyos ay nagbubunga ng broken relationship rin sa ibang mga tao. Malinaw na inilalarawan ng Bibliya ang katotohanang ito. Sa katunayan, naaalala mo ba ang unang kwento sa Bibliya pagkatapos ng pagkakasala nina Adan at Eba at pagkatapos silang palayasin sa hardin ng Eden? Ang kwento ay patungkol sa isang tao na pumatay ng kapwa tao— pinatay ni Cain si Abel. Ang mga makasalanan ay gustong palayasin ang Diyos sa Kanyang trono at gustong sarili nila ang ilagay dun, at, tulad ng ipinakita ni Cain, hindi natin hahayaan na maagawan tayo ng iba to the point na magagawa nating manakit o pumatay. Yung pagkakasala ni Adan na nagbunga ng broken fellowship sa Diyos ay agad-agad na nagbunga rin ng broken fellowship sa sangkatauhan. Nagkanya-kanya at nagpataasan tayong lahat.
Kaya nga, kapag inayos ng gospel ang ating relationship sa Diyos, inaayos din nito ang ating fellowship sa isa’t isa at sa iba pang mga naligtas na makasalanan. Kapag ating tinalikuran na ang paglaban sa Diyos, tinatalikuran din natin ang ating paglaban sa kapwa. Sa ibang pananalita, ang mga Kristiyano ay yung mga taong nagagalak sundin ang Great Commandment: Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-iisip mo at ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili (Mateo 22:34-40). Ano ang nagiging bunga ng gospel sa ating buhay? Pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa Kanyang pamilya.
Ang pakikipagkasundo sa Diyos, kung gayon, ay nangangahulugang pakikipagkasundo rin sa lahat ng naipagkasundo na sa Diyos. Itong ideya na ito ay hindi basta-basta isang simpleng assumption lang ng gospel. Malinaw at maraming beses na itinuro ito ni Jesus at ng mga apostol sa buong Bagong Tipan.
Halimbawa, sa unang bahagi ng Efeso 2, nilarawan ni Pablo ang kaligtasang ipinagkaloob ni Cristo for his people. Maraming mga Kristiyano ang merong tamang pagpapahalaga sa mga sinabi dito ni Pablo na tayo ay naligtas “dahil sa biyaya… sa pamamagitan ng pananampalataya” at ito ay “kaloob ng Diyos—hindi bunga na ating mga gawa” (Efeso 2:8-9). Gayunpaman, pagkatapos niyang ipakita kung paano pinapanumbalik ng gospel ang ating fellowship sa Diyos, sa pangalawang bahagi ng Efeso, ipinakita naman ni Pablo kung paano pinapanumbalik ng gospel ang fellowship sa isa’t isa ng mga taong nakay Cristo:
Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga Hentil. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, giniba niya ang pader ng alitan na naghihiwalay sa atin. Pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga utos at mga alituntunin nito upang mula sa dalawang lahi ay makalikha siya ng isang bagong bayan na nakipag-isa sa kanya at sa gayon ay magkaroon ng kapayapaan. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan niya ang kanilang alitan, pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa iisang katawan. (Efeso 2:14-16)
Lahat ng mga anak ng Diyos ay “fellow citizens” at miyembro ng pamilya ng Diyos (Efeso 2:19). Winasak na ni Cristo ang lahat ng alitan natin sa isa’t isa. Dahil kay Cristo, lahat ng kabilang sa pamilya ng Diyos ay merong “kapayapaan” at pinagbuklod sa “iisang katawan.” Ang mga salita dito ni Pablo ay malinaw at hindi maiiwasan: kung tayo ay naipagkasundo na sa Diyos, tayo rin ay naipagkasundo sa Kanyang pamilya.
Oo, ang gospel ay nagkakaloob sa atin ng personal relationship sa Diyos. Ngunit ayon sa Banal na Kasulatan, yung relationship na yun with God ay may kasamang meaningful na relationship with His people. Kapag tayo ay nakipag-isa kay Cristo, tayo ay ibinibilang Niya sa isang pamilya – isang pamilya na literal na may laman at dugo, isang pamilya na tunay mong makikita at makakasama.
Kung gayon, ang church membership ay tunay ngang natural na bunga ng gospel. Kapag ating natanggap ang habag ng Diyos, tayo ay napapabilang sa isang “bayan” (1 Pedro 2:10). Kapag natanggap natin ang biyaya ng Diyos (Efeso 2:1-10), tayo ay napapabilang sa isang covenant community (Efeso 2:11-20). Naipagkasundo sa Diyos, naipagkasundo rin sa Kanyang pamilya.
Ang article na ito ay galing sa Why ShouId I Join a Church? na isinulat ni Mark Dever. Isinalin ni Josiah Compahinay. Original English article here.

Mark Dever (PhD, Cambridge University) is the senior pastor of Capitol Hill Baptist Church in Washington, DC, and president of 9Marks (9Marks.org). Dever has authored over a dozen books and speaks at conferences nationwide. He lives in Washington, DC, with his wife, Connie, and they have two adult children.