Pitong Hindi Magagandang Dahilan para Umalis sa Church

Sa ating consumer society, umiiral ang pag-iisip na dapat maging loyal lamang tayo sa mga suking produkto or brands kapag nasa-satisfy nito ang mga needs natin. Dahil dito, madali para sa mga church members na umalis agad-agad kapag mayroon itong kaunting hindi nagustuhan. Kaunting pagkakaiba lang sa ating mga preferences o maikling discomfort lang, ang dating church member ay nagiging church shopper, nagwi-window shopping para mahanap ang nawawalang perfect church. Habang may mabuting mga dahilan na umalis sa church, mayroon ding mga hindi magandang dahilan. Ano ang mga karaniwang mga dahilan—ngunit hindi magandang dahilan—kung bakit tayo’y natutukso na umalis sa church natin? Narito ang pito:

1. Naiinis ka sa ilang mga church members.

Isa sa mga countercultural at nakaka-challenge na mga aspeto ng isang Christian church ay ang pagsasama-sama dito ng mga taong galing sa iba’t ibang mga background. Ito ang ginagawa ng gospel! Ibig sabihin nito ay malamang ikaw ay magwo-worship kasama ng mga tao na normally hindi mo makaka-halubilo sa ibang konteksto. Minsan ito ay awkward o nakakainis. Pero huwag kang basta lilipat ng church kung saan ang karamihan ay mga kagaya mo. Kapag ginawa mo ito, minamaliit mo ang kapangyarihan ng gospel na nagagawang pagpantayin at pagkaisahain ang mga taong hindi natural na nagsasama (Galatians 3).

2. Walang may interesado sa gusto mong gawin na ministry.

Maraming umaalis sa church kapag mayroon silang ideya o kaya’y naglunsad sila ng isang programa na hindi nangyari. Marahil hindi ito in-approve ng mga lider sa church o kaya hindi gaanong interesado ang ibang mga church members sa gusto mong ministry. Okay lang ito. Huwag kang umalis at maghanap ng ibang church na sasang-ayon sa ideya mo. Sa halip, bakit hindi ka manatili at tingnan kung anong meron nang programa at may momentum sa church at tulungan mo itong maging successful?

3. Hindi mo gusto yung worship style.

Ang frustration sa worship ay isang malaking dahilan kung bakit ang marami ay umaalis sa church—maaaring masyadong malakas o masyadong mahina ang musika, medyo mas topical o medyo mas expositional ang preaching, o kaya iba’t iba pang mga bahagi ng worship na hindi nagtutugma sa listahan ng preferences. Pero hindi kinakailangan na ganito. Ang katotohanan ay, ang pag-worship sa labas ng iyong comfort zone at style ayon sa iyong kagustuhan ay maaring mabuti para sa iyong espirituwal na kalusugan, para mag-grow ka sa pagpapakumbaba. Maaari rin na ang ganung worship ay maging para sa Diyos at hindi para matupad ang iyong mga kagustuhan.

4. Mayroong mas cool na church na malapit sa inyo.

Madalas ko itong napapansin dito sa Southern California. Maraming mga church member na todo bigay sa church, pero panandalian lang ito, siguro isa o dalawang taon. Kapag nawala na ang excitement, bored na sila. Kapag may bagong church na malapit sa kanila at may cool na podcast o sikat na worship leader, ang bored na church member ay lilipat na dito. Bakit ito hindi magandang ideya? Ito ay dahil ang ganitong cycle ay mauulit at mauulit lang. Yung cool at trendy na church ngayon ay magiging boring na rin kalaunan.

5. Umalis na yung favorite pastor mo.

Madalas na dahilan ito para sa paglipat ng mga churches. Itong kulto ng pagsusunod sa mga personalidad ng mga pastor ay karaniwan sa American church (at sa Filipino church na rin). Maraming dumadalo sa church na may celebrity pastors na may social platforms at kontrata para sumulat ng mga libro. At kapag umalis sila, umaalis din ang ibang church members. Kapag ang iyong basehan sa pag-attend ng church ay ang isang pastor, gaano man ka-gifted ito, hindi ito maganda para sa iyong kalusugang espirituwal. Ang church ay mas mahalaga kaysa sa kanyang (mga) pastor.

6. Wala na yung puso mo sa iyong church.

Madalas kong naririnig sa mga umalis na church members na wala na raw yung puso nila sa dati nilang church. Sabi nila, “nakasanayan nalang kasi ang pagpunta namin sa church.” Parang sapilitan na lang, legalistic, o hindi taos sa puso nila ang pakiramdam kapag nasa church sila. Dahil dito itinigil na nila ito. Pero kahit na “tunay” ang mga emosyon na ito, hindi ito magandang dahilan para umalis sa church. Bakit? Dahil halos lahat ng relasyon at commitment natin sa buhay ay dumadaan sa mga panahon na kung saan wala na yung puso natin dito. Normal lang ito. Hindi ito dahilan para mag-give up sa church.

7. Hindi ka na masyadong nabe-bless sa Sunday service.

Naging normal na sa atin na pag-usapan ang church service kung anong naging blessing para sa atin. Halimbawa, tinatanong natin ang isa’t isa, “Anung nakuha mo sa sermon?” Ngunit ang ganitong pag-uugali ay simpleng consumerism na ina-apply sa church. Nilalagay nito ang church sa posisyon kung saan mayroon tayong makukuha galing dito, at kung hindi na tayo gaanong nagbebenepisyo, meron na tayong dahilan para umalis. Pero ang church ay hindi dapat tungkol sa kung ano ang makukuha nating benepisyo, kundi kung ano ang ating maibibigay. Ito ay tungkol sa paano tayo makakapaglingkod at paano tayo makakapag-edify sa katawan ni Cristo.


*Ang article na ito ay salin sa Filipino/Taglish ng original article na pinamagatang, “7 Bad Reasons to Leave a Church,” na isinulat ni Brett McCracken noong September 21, 2017 para sa Crossway. Isinalin ni Lee Jared Garcia.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.