Maraming nagkakasakit at namamatay. Meron tayong mga members na maysakit ngayon. Gagawin natin ang lahat para matulungan sila. We are also praying for them. Pero hindi natin alam kung paano sasagot si Lord sa prayers natin. Will he provide healing for them o hindi na? Mapagkakatiwalaan ba natin ang Diyos sa mga panahong gaya nito? Will he remain faithful to his promises?
Maraming churches din ang hirap na hirap ngayon. Nabawasan ng mga members, yung iba nawalan ng pastors, yung iba bagsak ang finances, yung iba merong conflicts and divisions, yung iba nagsara na. Itong pandemic ba na ‘to ay makakasira sa plano ng Diyos for his church? Paano ito gagamitin ng Diyos to fulfill his redemptive purposes sa buong mundo? E nagkakagulo nga sa Afghanistan at sa iba pang mga bansa.
Marami Christians din ang nag-iistruggle ngayon. May nawalan ng trabaho, may naging problema sa relasyon sa pamilya, may nalulungkot dahil wala pang asawa o anak. Mapagkakatiwalaan ba ang Diyos sa mga panahong ito? O mas tumpak na tanong, magtitiwala ka ba sa Diyos sa mga panahong ito? Na gagawin niya ang lahat ng ipinangako niya, at tutuparin niya ang lahat ng layunin niya. Susunod ka ba sa kalooban niya, o dadaanin mo sa sariling diskarte para makuha ang gusto mong makuha?
Crucial questions sa mga panahong ito. Yung mga Israelita—noong malapit na silang pumasok sa promised land, after palayain sila ng Diyos from slavery in Egypt, after 40 years na pag-ikot-ikot nila sa disyerto—maaaring nagtatanong din ng ganito: Ibibigay kaya ng Diyos sa amin ang lupain ng Canaan tulad ng ipinangako niya, ibibigay kaya niya sa amin ang tagumpay, o tuluyan na kaming mamamatay? Mapagkakatiwalaan ba ang Diyos na gumawa sa panahong ito? O mas importanteng tanong, magtitiwala ba sila sa Diyos at susunod sa kalooban niya?
Sa kuwento ng buhay ni Abraham, na ilang linggo na nating pinag-aaralan, nakita natin ang pagtitiwala niya at pagsunod sa Diyos. Nung utusan siyang ialay si Isaac (Gen. 22), sumunod siya sa Diyos kasi nagtitiwala siya na, “The Lord will provide,” at ganun nga ang nangyari, the Lord has provided a substitute offering. Last week (Gen. 23), nakita natin na maging ang panahon ng pagdadalamhati ni Abraham sa pagpanaw ng kanyang asawang si Sarah ay ginamit ng Diyos to provide a piece of land para maging pag-aari ni Abraham.
Lahat ng ginagawa ng Diyos ay sang-ayon sa pagtupad sa kanyang mga pangako kay Abraham. Bungad ng kuwentong titingnan natin ngayon, “Matandang matanda na si Abraham at pinagpala siya ng Panginoon sa lahat ng bagay” (Gen. 24:1). Ang mahabang buhay ni Abraham—bagamat maraming hirap at pagsubok—ay pagpapala na galing sa Diyos. Naranasan niya ang unti-unting katuparan—hindi man lahat—ng mga pangako ng Diyos sa kanya: meron na siyang anak, meron na siyang lupa, meron siyang magandang pangalan, at higit sa lahat, meron siyang magandang relasyon sa Diyos. Ang buong buhay niya ay nagpapakita ng kanyang pagtitiwala at pagsunod sa Diyos—hindi man perpekto pero totoo at magandang patotoo na dapat tularan ng bawat isa sa atin.
Pero hindi madali. Dito nga sa huling yugto na ng kanyang buhay, masusubok pa rin yung faith niya sa promises ng Panginoon. Forty years old na kasi si Isaac, pero wala pa rin siyang asawa. Hindi pwedeng hindi siya mag-asawa. Required yun para maging “great nation” ang lahi ni Abraham. Patay na ang nanay niya, at wala naman siyang kapatid. Kaya may ipinagawa si Abraham sa servant niya para maihanap ng mapapangasawa si Isaac. Sumunod siya, at sa bandang huli ay makikita natin na napangasawa ni Isaac si Rebekah. Problem solved.
But before we walk thru this story in greater detail, mahalagang maging aware tayo dun sa tendency natin na tingnan ang mga ganitong stories just to look for examples or principles to follow. Pwedeng yung faith ni Abraham sa promises ng Diyos at yung example niya na hindi i-compromise yun sa pag-aasawa ni Isaac. Pwedeng yung obedience nung servant ni Abraham, yung loyalty and devotion niya, at yung kung paano siya nag-pray for God’s guidance. O kung paano humanap ng mapapangasawa! Yes, in some ways, meron tayong matututunan about these things sa story na ‘to. Pero keep in mind that this story is not really about any of that. Merong evident God-centered focus itong long and detailed story na ‘to.
So, pay careful attention dun sa mga words and ideas emphasized all throughout kasi gustong ipakilala ng Diyos ang sarili niya sa atin through this story at bigyan tayo ng greater assurance na anuman ang nangyayari sa buhay natin, mapagkakatiwalaan siya dahil may ginagawa siya para matupad ang layunin niya.
Abraham’s Instruction (Gen. 24:2-9)
Ano ba ang layunin niya para kay Abraham? Hindi lang isang anak, kundi malaking bansa. Hindi mangyayari yun kung hindi magkakaasawa’t magkakaanak si Isaac. So, asawa muna ang kailangan. Kaya heto ang misyon na ibinigay ni Abraham sa most trusted servant niya, yung nagma-manage sa buong household niya, probably si Eliezer (15:2-3)—ihanap ng mapapangasawa si Isaac. May oathtaking muna, pero hindi katulad natin na nakataas ang kamay. Dito, sinabi ni Abraham na ilagay yung kamay niya sa pagitan ng hita ni Abraham (24:2). Malapit ‘yan sa maselang bahagi, probably to indicate na yun ay may kinalaman sa kasagraduhan ng buhay at sa pangako ng Diyos na pagpapatuloy ng lahi ni Abraham.
Sabi pa niya, “Sumumpa ka sa akin sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng langit at ng lupa, na hindi ka rito sa Canaan pipili ng mapapangasawa ng aking anak na si Isaac. Pumunta ka sa bayan kong tinubuan, at pumili ka sa aking mga kamag-anak doon ng mapapangasawa niya” (vv. 3-4 MBB). Kung mag-aasawa rin lang, pwede namang yung taga-Canaan na lang, pero sabi ni Abraham hindi pwede! Bakit? E hindi ba’t plano ng Diyos na tanggalin nga sa mga taga-Canaan ang lupang ‘yan at ibigay sa lahi ni Abraham (15:16, 18-19)? So makukumpromiso kung ganun. Kaya dun siya pinapunta sa mga kamag-anak niya, sa lupaing pinanggalingan niya. At pinasumpa siya sa pangalan ng Diyos—kasi ang misyon na ito ay para sa karangalan ng Diyos at matutupad dahil sa kapangyarihan ng Diyos na lumikha “ng langit at ng lupa.” Ganyan ka bang magdesisyon—isinasaalang-alang ang layunin ng Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang kapangyarihan ng Diyos? May kinalaman man ito sa kung sino ang makakarelasyon o mapapangasawa, o trabaho, o paggamit ng pera? O ang dali sa atin ang magkumpromiso?
Maraming bagay ang kailangang maisaayos at magkatugma-tugma para masakatuparan ang plano ng Diyos. Maraming what-ifs along the way. Itong servant ni Abraham, willing namang sumunod, loyal ‘yan, pero may tanong, valid question naman, “What if ayaw sumama nung babae, pwede bang si Isaac na lang ang papuntahin doon” (v. 5)? Oo nga, naman. Sino ba namang babae ang basta-basta papayag sa ganun, hindi pa nga niya nakikita si Isaac, hindi pa kilala, at paano kung hindi niya magustuhan o hindi naman siya in-love?
Sagot ni Abraham, “Hindi pwede” (v. 6)! Bakit daw? Hindi cultural customs or convenience ang dahilan. Yung pangako pa rin ng Diyos. Ang Diyos nga daw ang nagsabi na umalis siya dun, at lumipat sa Canaan at nangakong ibibigay yung lupain sa lahi niya, at dahil sa kumpiyansa ni Abraham sa pangako ng Diyos na kapag nangako siya, he will guide and he will provide, heto ang assurance na sinabi niya sa servant niya, “Magsusugo siya ng kanyang anghel na mauuna sa iyo upang tulungan ka sa pagpili ng mapapangasawa ng aking anak” (v. 7). Confident siya sa guidance ng Panginoon. Pero hindi siya assuming sa success na ibibigay ng Diyos that time. Kaya sinabi niya sa tauhan niya na kung ayaw sumama ng babae, wala na siyang pananagutan basta wag lang niyang dalhin dun si Isaac (v. 8). At ganun nga ang ginawa ng alipin, nanumpa na susunod sa bilin ng amo niya.
Kapag nangako ang Diyos, kumpiyansa tayo dapat na siya ang gagabay para maisakatuparan ang plano niya. Pero may bahagi tayo. Dapat sumunod, at hindi magkumpromiso, kahit marami pang what-ifs o hindi natin alam sa mga mangyayari.
Servant’s Obedience and Prayer (Gen. 24:10-14)
Makakahanap kaya itong tauhan ni Abraham ng asawa para kay Isaac? Ayan, nagsimula na siya sa paglalakbay, dala ang sampung kamelyo, maraming karga na mga panregalo, at nagpunta papuntang Mesopotamia, sa lugar na tinitirhan ni Nahor na kapatid ni Abraham (v. 10). Ilang araw at medyo mahaba-haba ang paglalakbay na ‘to, pero hindi na importante yung detalye nun. Ang importante kung ano ang nangyari pagdating niya dun. Timing naman, maggagabi na nun, at noon dumarating ang mga babae para umigib. Huminto muna siya sa may balon ng tubig para ipag-igib ng maiinom yung sampung kamelyo (v. 11).
So, may mga babae dun. Pero paano naman niya malalaman kung nandun ba o kung sino dun yung dapat para kay Isaac? So, nagpray siya, asking for specific guidance galing sa Diyos. Ito daw, ayon kay Waltke, yung first instance na may nagpray sa Bible na nanghihingi ng specific guidance from the Lord (Genesis, 328). Nanghingi siya ng sign, kapag humingi daw siya ng tubig sa mga babae na naroon, at merong mag-alok na painumin siya at papainumin din yung mga kamelyo, yun na yun (vv. 13-14). Mahirap na qualifications ‘yan. Kung 25 gallons kailangan ng isang uhaw na kamelyo, para sa sampu ay mahirap ‘yan sa isang babae. Masipag, mabait, at malakas dapat.
Ok lang bang humingi tayo ng sign sa Panginoon? Walang sinasabi dito sa story kung okay o hindi okay. Sa New Testament naman wala tayong halimbawa na tulad nito tungkol sa prayer. At sa Old Testament, meron pa ngang nanghihingi ng sign pero nagpapakita naman ng unbelief sa Panginoon, at hesitation to obey. So asking for a sign that way ay hindi maganda. Pero itong servant ni Abraham, tingnan n’yo yung bungad at dulo ng prayer niya, yung nakapalibot sa sign na hinihingi niya:
“Yahweh, Diyos ng panginoon kong si Abraham, maging matagumpay nawa ang aking lakad; tuparin po ninyo ang inyong pangako sa aking panginoong si Abraham…Sa gayon malalaman kong tinupad na ninyo ang inyong pangako sa aking panginoon” (vv. 12-14 MBB).
Itong paghingi niya ng sign ay motivated by faith—taglay niya ang pananampalataya rin ni Abraham. Ito rin ay on the way of obedience. Ito rin ay may kinalaman sa katuparan ng misyon o layunin ng Diyos. When people ask for signs from the Lord, usually hindi ganito, kasi inuudyukan ng unbelief, hesitation to obey, at may kinalaman lang sa sariling ambisyon.
Pero kung mananalangin tayo, hihingi ng guidance sa Panginoon, na nagtitiwala sa kanya, handang sumunod sa kanya, at magpasakop sa mga layunin niya, how will God respond?
Servant Meets Rebekah (Gen. 24:15-27)
Sumasagot siya sa panalangin ng mga nagtitiwala sa kanya. Tingnan n’yo naman ang sumunod na nangyari. Hindi pa siya tapos magpray, may sagot na agad si Lord sa prayer niya. Bago pa siya magpray, meron nang ginagawa ang Diyos. Dumating si Rebekah (v. 15), anak ni Bethuel, na anak naman Nahor na kapatid ni Abraham. Ipinakilala na siya sa dulo ng Genesis 22, at ito ang dahilan kung bakit. Si Rebekah ay hindi lang basta kamag-anak, apo siya ni Abraham sa kapatid niya—grandniece. Siya na kaya yun? Pwede—dalaga pa, napakaganda, bonus na ‘yan (v. 16). Nakiinom siya. Pumayag naman si Rebekah. May sinabi pa, “Paiinumin ko na rin po ang inyong mga kamelyo hanggang gusto nila” (v. 19). Hala, ayun yung sign! At ito namang tauhan ni Abraham, pinagmamasdang mabuti yung babae habang pabalik-balik na sumasalok ng tubig at pinapainom ang mga kamelyo (v. 20). Sa loob-loob niya, “Siya na kaya!?” (v. 21). Yun yung sign, pero mahirap naman basta mag-assume kung di naman sigurado.
So, ginawa niya, ibinibigay kay Rebekah yung dala niyang mamahaling singsing at dalawang bracelets na ginto. Wow. Tapos tinanong kung kaninong anak siya at kung pwedeng makituloy sa kanila (vv. 22-23). Nagpakilala si Rebekah at pumayag na makituloy sa kanila. Nung marinig niya yun, kumpiyansa siya na siya na nga yung babaeng yun. Kaya sumamba siya sa Panginoon na tapat sa kanyang pangako at sumasagot sa kanyang dalangin. Sabi niya, “Blessed be the LORD, the God of my master Abraham, who has not forsaken his steadfast love and his faithfulness toward my master. As for me, the LORD has led me in the way to the house of my master’s kinsmen” (v. 27).
Pay attention to these key words sa prayer niya, heto ang susi para maunawaan natin yung theological emphasis ng story: God’s steadfast love (Heb. hesed), God’s faithfulness (emet), God’s leading or guidance. Ang Diyos natin—dahil kay Cristo—ay ang Diyos ni Abraham. He is our covenant-keeping God. Nagmamahal siya ayon sa pangako niya, at nagpapatuloy na nagmamahal. Tapat siya sa mga pangako niya, at nananatiling tapat. Siya ang gumagabay o pumapatnubay sa bawat araw ng buhay natin, sa bawat hakbang na gagawin natin, para maisakatuparan ang layunin niya. Ito ang tinatawag na providence—o yung gawang paggabay ng Diyos sa kanyang mga anak sa pambihira mang paraan (tulad ng story ng Genesis 22) o sa ordinaryong paraan (tulad ng story last week and today).
So, si Rebekah nga yung nakaplano na mapangasawa ni Isaac. Problem solved? Hindi pa. Paano kung hindi siya payagan ng pamilya niya?
Servant Meets Laban (Gen. 24:28-49)
So, umuwi na si Rebekah na kasama yung tauhan ni Abraham, at ikinuwento sa kanila kung ano ang nangyari (v. 27). Marahil matanda na yung tatay niyang si Bethuel, kaya itong si Laban na kapatid niya yung sumalubong at nakipag-usap. Gahaman din ‘to, kasi napabilis ang pagsalubong niya nung nakita yung mga alahas na suot ni Rebekah (vv. 29-30). At kung alam n’yo yung later story ni Jacob saka ni Laban, may pagkagahaman talaga ‘to. Kahit sinabi pa niya sa tauhan ni Abraham, “O blessed of the Lord” (v. 31), malamang na hindi naman yun sincere na pagkilala sa Diyos, kundi yung kasabikan na maambunan siya ng blessing na galing kay Abraham. Maasikaso naman itong si Laban. Naghanda ng matutulugan, at makakain para sa bisita niya (vv. 31-32).
Pambihira rin yung devotion nitong tauhan ni Abraham. Hindi muna kumain hangga’t hindi nasasabi ang pakay niya (v. 33). Medyo mahaba yung speech niya, vv. 34-49, parang ito yung pinakamahabang speech sa Genesis. Pwede namang sabihin lang na ikinuwento niya ang lahat ng nangyari, pero bakit dinetalye pang ganito sa story? This story is about God’s providence. Merong emphasis dun sa mga details para i-communicate sa atin yung point na pag providence ang pinag-uusapan, hindi lang ito yung pagkilos ng Diyos sa mga malalaking bagay in redemptive story. Hindi lang dun sa mga big moments, pati dun sa maliliit na detalye ng kasaysayan, at ng araw-araw na buhay natin, hawak-hawak ng Diyos, may kontrol ang Diyos. At malaking kumpiyansa ang bigay nito sa atin kung alam natin na maging ang mga hibla na bumabagsak mula sa mga ulo natin ay hindi lang basta alam niya, kundi hindi mangyayari kung hindi ayon sa ipinasya niyang mangyari. Yan ang meticulous providence ng Panginoon—sa bawat detalye ng buhay natin.
- Tungkol kay Abraham, sabi niya, “Pinagpala ng Panginoon ang aking amo” (v. 35 ASD). Ito yung hesed, covenant faithfulness ng Panginoon.
- Tungkol sa misyon na bilin ni Abraham: “Sasamahan ako ng anghel ni Yahweh upng magtagumpay sa aking lakad” (v. 40).
- Tungkol sa panalangin niya: “O Yahweh…panagumpayin mo ang aking gagawin” (v. 42).
- Tungkol sa sign na hiniling niya: “Iyon na po sana ang pinili (ESV, appointed) ninyo” (v. 44).
- Tungkol sa pagsamba niya sa Diyos: “Siya ang gumagabay (led) sa akin sa tamang (emet, rightly or faithfully) lugar” (v. 48).
Narito yung key words ng story. Steadfast love at faithfulness ng Diyos, at yung ginagawa niyang paggabay para mangyari yung layunin niya. Kaya yun din yung words na inulit niya sa v. 49, “Now then, if you are going to show steadfast love (hesed) and faithfulness (emet) to my master, tell me; and if not, tell me, that I may turn to the right hand or to the left.” Kinikilala n’yo rin po ba na ito ay galing sa pasya o kalooban ng Panginoon?
Rebekah Willing to Go (Gen. 24:50-61)
Kung ikaw nga naman ay nasa tamang pag-iisip, bakit ka sasalungat sa pasya at kalooban ng Diyos—lalo na kung obvious na obvious na yung bagay na yun ang gusto ng Diyos na mangyari? Pero madalas na ginagawa natin yun, di ba? Mas pinipiling sundin ang sarili nating pasya kesa sa Diyos. Pero itong si Laban—speaking in behalf of his father probably—sabi niya, “Dahil ang bagay na ito’y mula kay Yahweh, wala na kaming masasabing anuman” (v. 50). So, pinayagan na nilang sumama si Rebekah para mapangasawa ni Isaac (v. 51). Common naman noon yung arranged marriage. Sa panahon lang natin ngayon, parang hindi natin ma-imagine kung mga magulang natin ang magdedesisyon kung sino ang mapapangasawa natin. Mas gusto kasi natin sariling desisyon natin, kahit na hindi yun ang kalooban ng Diyos.
Pagkarinig ng sinabi ni Laban, sumamba na naman sa Diyos itong tauhan ni Abraham (v. 52). Kanina pa obvious na yung faith ni Abraham ay naipasa rin sa kanya. Tapos ibinigay na niya yung mga dala niyang regalo para kay Rebekah at sa kanyang pamilya (v. 53). Kinabukasan, aalis na sana siya kasama si Rebekah, ngunit hiniling pa ng pamilya niya na i-delay pa muna ng sampung araw (vv. 54-55).
Pero sagot niya, “Sapagkat pinagtagumpay ako ni Yahweh sa aking lakad, pahintulutan na po ninyo akong magbalik sa aking panginoon” (v. 56). So, si Rebekah na ang pinag-decide nila. Pero paano kung magbago isip ng babae? Malaking adjustment ‘to para sa kanya. Risky din. This is a step of faith rin para sa kanya, nagpapakita ng tiwala niya sa Panginoon. Pumayag siya (vv. 57-59), tapos nag-iwan sila ng ganitong blessing para sa kanya:
“Ikaw nawa, O Rebeca ay maging ina ng marami,
at sa lunsod ng kaaway, ang iyong lahi ang magwagi.” (v. 60)
In line ‘yan sa promises ng Diyos para sa lahi ni Abraham (17:16; 22:17). Pagkatapos nun, nagsimula na sila ng biyahe pabalik (v. 61).
Isaac Marries Rebekah (Gen. 24:62-67)
Problem solved? Pumayag na si Rebekah. Pumayag na ang pamilya niya. Tuloy ang kasal! But wait…paano kung hindi siya tanggapin ni Isaac? Siyempre makakasama niya ‘to habambuhay, wala nang atrasan. So many things could go wrong sa story na ‘to. Yun ay kung wala ang providence ng Panginoon. Kung ang Diyos—all-wise and perfectly good God—ang nagpasya, bakit ka pa kokontra?
Nang malapit na sila Rebekah, natanaw niya si Isaac. Tinanong ni Rebekah kung sino yun. Sinabi naman niya kung sino. At saka kinuwento kay Isaac ang lahat ng nangyari—walang duda, tagumpay ang lakad niya, at ito ang babaeng nais ng Diyos na mapangasawa niya. Siyempre malungkot para kay Isaac ang pagkawala ng kanyang ina, pero ang pagkakaroon ng asawa ang ginamit ng Diyos na isang paraan to give comfort to him (v. 67). Pero more than that, ang pagdating ni Rebekah sa buhay ni Isaac ay nangangahulugang meron nang magpapatuloy ng lahi ni Abraham—tuloy-tuloy ang katuparan ng pangako ng Diyos.
Hindi dahil kay Abraham. Hindi dahil sa tauhan ni Abraham. Hindi dahil kay Rebekah. Hindi dahil kay Laban. Hindi dahil kay Isaac. Mag-asawa na nga sila ni Rebekah, pero kailangang magkaroon pa rin sila ng anak para magpatuloy ang lahi ni Abraham. E baog pala itong si Rebekah (25:21). Well, that’s a real problem para sa ating mga tao. Pero sa haba-haba ng paglalakbay natin sa buhay ni Abraham, problema pa ba yun? Meron pa bang problemang hindi kayang lutasin ng Diyos? Meron pa bang kakulangan na hindi kayang tugunan ng Diyos? Meron pa bang balakid na hindi kayang lagpasan ng Diyos? Meron pa bang imposible na hindi kayang gawing posible ng Diyos?
Conclusion
Kung nagtitiwala ka sa Diyos, alam mo talaga kung ano ang sagot diyan. Dahil merong Diyos na gumagabay sa bawat yugto ng buhay ni Abraham at ni Isaac para tuparin ang malaking pangako niya sa kanila, merong kumpiyansa ang lahi ni Abraham—ang bansang Israel—na anumang hirap ang danasin nila, gaano man kaimposible sa mata ng tao, nakakatakot man ang harapin nila, makakaasa sila na mananatiling tapat ang Diyos, mananatiling magmamahal ang Diyos sa kanila. God causes all things—big things, little things, good things, bad things—to work together for good to those who love him and to those who are called according to his purpose (Rom. 8:28).
Yun ang ibig sabihin ng divine providence. Bawat yugto sa kasaysayan gumagawa ang Diyos para magpatuloy ang lahi ni Abraham, ang bansang Israel, ang lahing pinanggalingan ng Tagapagligtas. Sa panahon ni Joseph to preserve his people sa panahon ng taggutom, sa pagtatagpo nina Ruth at Boaz na pinanggalingan ni King David, sa panahon ni Esther na gimamit ng Diyos to protect his people from annihilation. Hawak niya ang bawat detalye hanggang ipanganak si Jesus sa pamamagitan ni Maria na isang birhen—na hindi kinailangan ang asawang lalaki—dahil walang imposible sa Diyos. Dumating siya at walang nakahadlang na anumang balakid para maisakatuparan ang plano ng Diyos na iligtas tayong mga makasalanan.
Are you in Christ? Isa ka na ba sa lahi ni Abraham by faith? Kung hindi ibig sabihin ikaw pa rin ang gusto mong may hawak ng buhay mo. Kung ikaw ang may hawak ng buhay mo, hindi mangyayaring “all things work together for good.” Dahil ang daang nilalakaran mo ay magdadala sa ‘yo sa pinakamasaklap na pwedeng maranasan ng isang tao—ang walang hanggang mapahiwalay sa Diyos. So, repent now and put your trust in Christ. Ibig sabihin, ilagak mo ang tiwala mo kay Cristo na siyang nagbigay ng kanyang buhay para sa ‘yo para hawakan ang lahat-lahat sa buhay mo.
If you are trusting in Christ, ibig sabihin, hindi lang ‘yan para sa kaligtasan mo, but for everything in your life.
Kung may sakit ka tulad ng Covid, hindi mo alam kung gagaling ka o hindi. Pero anuman ang mangyari—mauwi man ‘yan sa kagalingan o sa kamatayan—mapagkakatiwalaan mo ang Diyos na gumagabay sa bawat pangyayari para dalhin ka sa maganda niyang plano para sa ‘yo. Ganun din kung wala kang sakit at medyo natatakot ka na magka-Covid, ipagkatiwala mo rin sa Diyos ang lahat.
Kung single ka at andun yung desire to be in relationship and get married eventually, do you trust God na ang pag-aasawa ay “only in the Lord” (1 Cor. 7:39) at hindi dapat mag-asawa ng isang unbeliever (2 Cor. 6:14-16)? O ilalagay mo pa rin sa kamay mo yung desisyon at pangungunahan ang Diyos na nakakaalam what is best for you? Makikiayon ka ba sa takbo ng mundong ito—na okay lang ang sex before marriage, ang magsama kahit hindi pa kasal—o hahayaan mo ang Diyos na magpatakbo ng buhay mo?
O kung kasal ka na at may pamilya, pero nandun yung mga alalahanin mo na hindi maging maayos ang relasyon n’yong mag-asawa o hindi lumaki ang mga bata nang nasa tama, will you entrust everything to God o dadaanin mo pa rin sa sarili mong diskarte kahit pagod na pagod ka na sa pamamaraang ginagawa mo na hindi naman nakakabuti?
O kaya sa ministry at sa church, na nandun yung pag-aalala na nawala na yung ibang mga members at natigil yung ibang ministries, magiging maayos pa kaya sa mga susunod na araw at matutupad ang misyon na ibinigay sa atin ng Diyos? Will we keep trusting his Word at yung paraan niya kung paano natin patatakbuhin ang church—including submission to your elders—o pangungunahan tayo ng sarili nating preferences o diskarte?
Ganun din sa world missions, maraming persecutions ang nangyayari sa sa ibang bansa tulad ng Afghanistan. Paano namang uusad ang world evangelization sa mga panahong ito, may pandemic pa? Umaasa ba tayo na sa lahat ng mga ito ay may ginagawa ang Diyos para gabayan ang kanyang iglesya para matupad ang salita niya—I will build my church (sa buong mundo) and the gates of hell shall not prevail against it?
Bitawan mo ang pagkakapit mo sa buhay mo, at ipagkatiwala mo sa Diyos. Hayaan mong siya ang gumawa. Hindi ibig sabihing wala kang gagawin. Magtiwala ka sa gagawin niya, at sundin mo kung ano ang kalooban niya. Wag mong kokontrahin. Wala pang nagtagumpay at napabuti sa mga kumokontra sa Diyos. But, blessed is the man who entrusts his life to God and his providential care. Yun ang pinakamabuti sa lahat.